You are on page 1of 10

Filipino 6

Filipino – Ikaanim na baitang


Ikatlong Markahan – Modyul 1: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa
napakinggang tekstong pang-impormasyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Archilene M. Matusalem
Editor: Vivian U. Bantigue
Tagasuri: Vivian U. Bantigue
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta EdD
Chief, Education Supervisor, CID

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 6
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 1
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa
napakinggang tekstong pang-
impormasyon
MGA INAASAHAN

Pagkatapos mo ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


 Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang tekstong pang-
impormasyon

PAUNANG PAGSUBOK

Ikaw ba ay mahilig manood ng balita sa social media katulad ng FB live,


instagram, at twitter? Ano ang maganda at masamang naidudulot nang
panonood ng balita sa social media? Isulat ito sa kahon.

MAGANDANG NAIDUDULOT MASAMANG NAIDUDULOT

BALIK-ARAL
Paano mo nalalaman ang mga mahahalagang balita? Isinasabuhay mo
ba ang mga balitang iyong naririrnig o nababasa? Lahat ba ng impormasyon
ay iyong pinapaniwalaan?

ARALIN

Pakinggan ng mabuti ang sumusunod na tekstong pang-impormasyon


na babasahin ng inyong guro at sagutin ang mga sumusunod na tanong
pagkatapos.
Isang Itlog (EGG) Bawat Araw Lang
by Dr. Liza Ong
Marami ang nagtatanong kung ilang itlog ang puwede nilang kainin?
May magandang balita at hindi magandang balita tungkol sa itlog. Ang
itlog ay may protina, vitamin B12, vitamin D, riboflavin at folate. Mabuti ito
sa katawan at masustansya.
Ngunit sa kabilang banda ay may 213 milligrams ng kolesterol ang
isang pula ng itlog.
Heto ang payo namin:
1. Kung ika’y malusog, walang sakit sa puso, diabetis o problema sa
kolesterol, puwede kang kumain ng 1 itlog sa isang araw. Mag-ingat lang sa
mga kasamang pagkain ng itlog tulad ng hotdog, bacon at tocino. Piliin ang
boiled egg kaysa sa pritong itlog.
2. Kung ika’y may sakit sa puso, diabetes o mataas ang kolesterol,
kailangan limitahan mo ang pagkain ng itlog sa 3 itlog lang sa isang linggo.
Sa kahit anong bagay ay dapat hinay-hinay lang ang pagkain. Kapag
sinobrahan mo ang isang bagay, puwede itong makasama sa iyo.
Kaibigan, gulay, prutas at isda lang talaga ang masasabi nating subok
na sa sustansya para sa ating katawan. Good luck.

Sagutin natin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa napakinggang


tekstong pang-impormasyon:

1. Tungkol saan ang tekstong napakinggan?


2. Ano ang maganda at hindi magandang balita sa itlog?
3. Bakit kailangang maghinay-hinay tayo sa pagkain?
4. Bakit kailangang kumain ng gulay, prutas at isda ang isang batang
katulad mo?

Ang pag-unawa sa binasa ay hindi lamang matitiyak sa pamamagitan


ng pagsagot sa mga tanong tungkol dito. Maaari ring malaman kung
naunawaan ang binasa kung kayo ay makabubuo nang mga tanong tungkol
sa tekstong pang-impormasyon. Ito ay sa pamamagitan ng paggamit ang
sumusunod na mga salita: Ano, Saan, Kailan, Bakit at Paano.

Bukod sa pag-unawa sa binasa, mahalaga rin ang pakikinig. Ang


pakikinig ay isang proseso ng pagtanggap ng mensahe mula sa narinig. Ito ay
mula sa tunog o salita na narinig, sa pamamagitan ng auditory nerve, mabilis
na dinadala sa utak (brain) upang bigyan ng pagpapakahulugan at
pagsusuri(analyze) kung ano ang narinig.

May tatlong layunin ang pakikinig. Una ay upang tayo ay maaliw.


Pangalawa ay upang lumikom ng impormasyon/kaalaman at pangatlo ay
upang mag-suri.

Dapat rin nating sundin ang limang hakbang sa proseso ng pakikinig.


Ito ay ang mga sumusunod:

1. Pag-tanggap ng mensahe
2. Pag-pokus ng atensyon sa tinanggap na mensahe
3. Pag-papakahulugan
4. Pagalala/Pagtanda
5. Pagtugon
Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng
impormasyon kaysa sa tuwirang pagbabasa. Ang pakikinig sa kapwa ay daan
upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng mabuting
palagayan. Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sa pag-
unawa, pagtanda o paggunita sa narinig.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1

Panuto: Makinig habang binabasa ng guro ang balita. Sagutin ang mga
tanong pagkatapos.

Batang nagbebenta ng puto pangmatrikula nagtapos ng


kolehiyo

LEGASPI CITY — Inspirasyon ngayon ang isang estudyanteng nakapagtapos


ng kolehiyo dahil sa pagbebenta ng puto habang nag-aaral.
Enero noong nakaraang taon nang nag-viral sa social media si Ruben Perez,
isang estudyante sa kolehiyo na nakuhanan ng retrato na nagbebenta ng puto
sa labas ng kanyang paaralan.
Ang kita niya ay ipinanggagastos niya sa kanyang tuition fee sa eskuwelahan.
Nang dahil sa pagbebenta ng puto, natupad niya ang kaniyang pangarap na
makapagtapos.
Noong Miyerkoles, nagbunga ang mga paghihirap ni Perezat naka-graduate
na siya sa kolehiyo.
1. Ano ang nilalaman ng balita?
2. Bakit nagbebenta ng puto si Ruben habang nag-aaral?
3. Paano naitawid ni Ruben ang kanyang pag-aaral?
4. Kailan nag-umpisang maghanapbuhay si Ruben upang makapagtapos
siya ng pag-aaral?
5. Saan niya ginagamit ang kanyang kinikita sa pagtitinda?
6. Bakit kailangan nang isang batang katulad mo ang magsumikap sa
kabila ng hirap ng buhay?
Pagsasanay 2

Panuto: Sa pamamagitan ng napakinggang tekstong pang-


impormasyon sa Pagsasanay 1, gumawa ng sariling katanungan tungkol sa
balitang napakinggan sa pamamagitan ng paggamit ng mga sumusunod na
salita: Ano, Saan, Kailan, Bakit at Paano.

Pagsasanay 3

Panuto: Makinig sa isang balitang may kaugnayan sa pandemyang


kinakaharap natin ngayon. Gumawa ng mga tanong na gumagamit ng mga
sumusunod na salita: Ano, Saan, Kailan, Bakit at Paano.

PAGLALAHAT

Tandaan
Ang pakikinig isang proseso ng pagtanggap ng mensahe mula sa
narinig. Ito ay mula sa tunog o salita na narinig, sa pamamagitan ng auditory
nerve, mabilis na dinadala sa utak (brain) upang bigyan ng
pagpapakahulugan at pagsusuri(analyze) kung ano ang narinig.

PAGPAPAHALAGA

Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng


impormasyon kaysa sa tuwirang pagbabasa. Ang pakikinig sa kapwa ay daan
upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng mabuting
palagayan. Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sa pag-
unawa, pagtanda o paggunita sa narinig.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Pakinggan ang balitang recorded ng guro. Sagutin ang mga tanong
pagkatapos.

BE S.M.A.R.T

Patuloy na ipatutupad ang programang BE S.M.A.R.T sa mga mag-


aaral sa Unang Baitang ng paaralang bayan. Ang proyekto ay
pinangungunahan ng Care Foundation. Layunin ng proyekto ang pagbibigay
ng libreng mga aklat at pagtuturo ng mga volunteer teachers upang tulungan
ang mga batang hindi pa nakakapagbasa. Ayon sa mga pananaliksik sa
Pilipinas, maraming bata ang hindi pa nakakapagbasa kahit ito ay nasa
tamang antas na nang pag-aaral. Malaki ang epekto nito sa kanilang pag-
aaral. Isang lunas sa suliraning ito ay ang pagbibigay ng libreng mga aklat at
pagtuturo sa mga bata ng mga volunteer teachers tuwing wala silang pasok
sa paaralan.

1. Ano ang paksa ng unang balita?


2. Ano ang layunin ng proyekto sa balita?
3. Para kanino ang proyekto?
5. Ikaw ba ay marunong nang magbasa?
8. Bakit kailangan ng mga bata na matutong magbasa?
8141074?utm_source=pixabay&utm_medium=affiliate&utm_campaign=SRP_
https://www.istockphoto.com/photo/gm149054762-
https://pixabay.com/vectors/no-entry-do-not-enter-entry-37967/
A. Online o Elektronikong Pinagmulan
Sanggunian
Paunang Pagsubok
*Maaaring iba-iba ang sagot
Pagsasanay 1
1. Ito ay tungkol sa isang estudyanteng nakapagtapos ng kolehiyo
dahil sa pagbebenta ng puto habang nag-aaral.
2. Upang matustusan ang kanyang pag-aaral
3. Sa pamamagitan ng pagtitinda ng puto habang siya ay nag-aaral.
4. Sa kanyang murang edad, si Ruben ay nagtitinda na upang
matustusan ang kanyang pag-aaral.
5. Ipinanggagastos niya ito sa mga bayarin at tuition fee sa
eskuwelahan.
6. Upang makamit at maabot ang gaming mga pangarap at mithiin sa
buhay.
Pagsasanay 2
*Maaaring iba-iba ang sagot
Pagsasanay 3
*Maaaring iba-iba ang sagot
Pananapos na Pagsusulit
1. Ito ay tungkol sa Programang Be S.M.A.R.T sa Unang Baitang ng
paaralang bayan.
2. Layunin ng proyekto ang pagbibigay ng libreng aklat at pagtuturo sa
mga batang hindi pa marunong magbasa.
3. Ito ay para sa mga magaaral sa Unang Baitang ng paaralang publiko.
4. Maaaring iba-iba ang sagot ng mga bata.
5. Upang mapalawak ang ating kaalaman.
SUSI SA PAGWAWASTO
image_sponsored&referrer_url=https%3A//pixabay.com/images/search/ped
%2520xing/&utm_term=ped%20xing

https://www.istockphoto.com/photo/gm605760990-
103857799?utm_source=pixabay&utm_medium=affiliate&utm_campaign=S
RP_photo_sponsored&referrer_url=&utm_term=no%20parking

https://www.istockphoto.com/photo/gm1250205194-
364559733?utm_source=pixabay&utm_medium=affiliate&utm_campaign=S
RP_photo_noresults&referrer_url=https%3A//pixabay.com/photos/search/d
ont%2520litter/&utm_term=dont%20litter
https://www.istockphoto.com/photo/gm1136001687-
302408680?utm_source=pixabay&utm_medium=affiliate&utm_campaign=S
RP_photo_noresults&referrer_url=https%3A//pixabay.com/photos/search/d
ont%2520pee/&utm_term=dont%20pee

https://lrmds.deped.gov.ph/create/download/1750

https://www.slideshare.net/mobile/herculesvalenzuelal/filipino-grade-5-
k12-alab-filipino-1st-quarter-week-3

https://web.facebook.com/DocWillieOngOfficial/posts/1542262492634923

You might also like