Professional Documents
Culture Documents
Modyul 3
Aralin 5
Ang Pangarap na
Propesyon ng Inyong Anak
1
Strengthening Parental
Engagement in Education (SPEED)
Program
Self-Learning Module (SLM)
Modyul 3:
Aralin 5: Ang Pangarap na
Propesyon ng Inyong Anak
2
Paunang Salita
3
Aralin 5: Ang Pangarap na Propesyon ng Inyong Anak
Alamin
Ang modyul na ito ay dinisenyo at binuo para sa iyo. Ito ay inaasahang
magiging kasama mo at gabay sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman na may
kinalaman sa pangarap na propesyonal ng inyong anak sa. May ibat-ibang gawain
ring inihanda at teksto para lamang sa iyo na makatutulong sa pagtukoy sa hilig o
interes ng iyong anak, pagpakita ng suporta sa anak, paglahad ng payo sa anak ukol
sa bentahe at kahinaan at nakapagbalangkas ng plano ukol sa pagtupad ng
propesyon na tatahakin ng bata. Ang mga paksa ay inihanay sa isang maayos na
pagkakasunod-sunod at ang bawat modyul ay may ibat ibang bahagi upang mas
maging madali ang iyong pagkatuto.Ang Modyul na ito ay nakatuon sa relasyon ng
magulang at anak lalo na sa suporta at inspirasyon na maibibigay ng magulang sa
anak sa napupusuan nitong propesyon sa buhay.
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang makamit mo ang sumusunod na mga
kasanayang pampagkatuto:
1. Natutukoy ng magulang ang hilig o interes ng anak.
2. Naipapakita ng magulang ang suporta at inspirasyon sa anak sa
propesyon na kanyang napupusuan
3. Nakapaglalahad ng payo/aksyon upang malinang ang hilig ng
anak
4. Nakakapagbalangkas ng plano/akson ang magulang ukol sa pagtupad
ng propesyon na tatahakin ng bata.
Subukin
(Pretest)
Handa ka na bang magsimula sa panibagong yugto ng iyong paglalakbay sa
pagtuklas ng mahalagang aspeto ng iyong buhay? Alamin natin ngayon kung ano
ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa hilig o interes ng iyong anak.
Panuto: Lagyan ng / ang patlang kung ang isinasaad na kilos ay
nagpapakita ng hilig o interes at X kung ito’y hindi.
1 . Sumusulat ng tula na nasisiyahan
2. Nagsisikap na matapos nang maayos ang takdang aralin
3. Ginagawa ang proyekto nang madalian
4. Mahilg maglaro ng basketbol
5. Iginuguhit ang larawan na may tiyaga
6. Nagbabasa ng kwento bilang libangan
7. Bumibili ng aklat sa kanyang sobrang pera
8. Isinantabi ang mga sirang bagay
9. Nagsasawa sa pakikipag-ugnayan sa kapwa
10. Nawawalan ng pagkukusa sa mga gawaing bahay
4
Tuklasin
Ngayon at Nasagot mo ang panimulang gawain bilang pag-alam sa iyong mga
dati nang kaalaman patungkol sa hilig o interes ng iyong anak, sa pagkakataong ito,
pag-aralan natin ang mga impormasyon tungkol sa hilig o interes ng bata at paano
ito suportahan ng magulang. Halina at tuklasin natin ang mga kaalaman na ito.
Ang mga hilig ay preperensya sa mga partikular na uri ng gawain. Ang mga
ito ang naggaganyak sa tao na kumilos at gumawa. Nagsisikap siya kung may
motibasyon siya dahil gusto niya ang kanyang ginagawa, hilig niya ito, at
nagagabayan siya ng mga halaga (values) na dito nakapaloob ang mga kaalamang
mula sa pananaliksik (research) o expert systems of knowledge.
Ang ibang hilig ay natututuhan sa mga karanasan, ang iba ay minamana, at
ang iba naman ay galing sa ating mga halaga at kakayahan. Halimbawa, hilig ng
anak mo ang pagsusulat dahil mahilig siyang magbasa mula pa sa kanyang
pagkabata, isa siyang staff member sa kanyang pampaaralang pahayagan at may
tiwala siya sa kanyang sarili sa mga gawaing pagsusulat sa paaralan.
Nakatutulong ang mga hilig, kasama ng aptitude at potensyal at
pangkalahatang talino (general intelligence), tungo sa iyong mabilis na pagkatuto at
pagkakaroon ng mga kasanayan (skills). Ang mga hilig ay batayan din ng iyong mga
kasanayan, kakayahan at kadalubhasaan (proficiencies). Mahalagang malaman ng
anak ang kanyang mga hilig dahil palatandaan ang mga ito ng mga uri ng trabaho
na magbibigay ng kasiyahan at kaganapan sa kanya bilang tao. May dalawang
aspeto ng hilig: ang larangan ng hilig (areas of interest) at ang tuon ng atensyon
(Abiva, 1993).
Larangan ng Hilig
Outdoor - Nasisiyahan sa mga gawaing sports pang-outdoor
Mechanical - Nasisiyahan sa paggamit ng mga tools.
Computational - Nasisiyahan sa pag-solve
Scientific - Bagong kaalaman, pagdisenyo
Persuasive - Nasisiyahan sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao o klase
Artistic - Nasisiyahan sa pagdidisenyo
Literary - Nasisiyahan sa pagbabasa
Musical - Nasisiyahan sa pakikinig o musical instrument
Social Services - Nasisiyahang tumulong sa kapwa
Clerical - Nasisiyahan sa pagbabasa at paggawa ng takdang-aralin
Isagawa
Tayahin
Ngayong natutuhan ninyo ang mga kaisipan o konseptong nakapaloob sa
araling ito, subukan mong sagutin ang gawain sa ibaba upang mataya ang iyong
mga nakuhang kaalaman sa aralin.
Test 1 . Isulat ang Tama sa patlang kung ang pahayag ay nagpapakita ng
suporta sa hilig o interes ng anak at Mali kung ito’y hindi.
7
Test 2: Piliin sa loob ng kahon ang larangan ng hilig na inilalarawan s a aytem 1-
10. Isulat ang sagot sa espasyong inilaan.
8
9
Tayahin
Test 1
1 . Tam a
2. Mali
3. Tam a
4. Tam a Su bukin (Pretest)
5. Tam a
6. Mali
1. /
7. Tam a Isagawa 2. /
8. Tam a Ga wain 1 3. X
9. Tam a
1. E 4. /
10. Mali
2. C 5. /
Tes t 2
3. B 6. /
1 . Ou tdoor
4. D 7. /
2. Mechanical
5. A 8. /
3. C omputational Ga wain 2 9. X
4. Scientific Nakabata y sa sagot ng 10. X
5. Persuasive ma gulang
6. Artistic
7. Literary
8. Musical
9. S ocial Services
10. Clerical
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:
Abiva, T. 1993. Learning Resource for Career Development. Abiva Publishing House,
Inc.
http://pilipinomirror.com/suportahan-ang-mga-anak-sa-mga-gusto-nila-sa-
buhay/
https://www.churchofjesuschrist.org/study/liahona/2014/07/ten-tips-for-
parents-of-young-adults?lang=tgl
https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/2013365
10
PAHATID LIHAM
Ang modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong
SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang
pangangailangan sa ng mga magulang sa bilang kabahagi ng paaralan sa pagkatoto
ng kanilang mga anak. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin sa
pagpapaunlad ng kakayahan ng mga magulang sa bilang tagapagdaloy ng proseso
ng pagkatoo. Ito ay Bersyong 1.0. Hinihimok namin ang mga magulang o sinumang
gumamit ng modyul na ito na magbigay ng kanilang puna, komento at
rekomendasyon upang mapaunlad ang modyul na ito. Para sa mga katanungan o
puna, sumulat o tumawag sa:
11