You are on page 1of 11

STRENGTHENING PARENTAL ENGAGEMENT

IN EDUCATION (SPEEd) PROGRAM

Modyul 3
Aralin 5
Ang Pangarap na Propesyon
ng Inyong Anak

1
Strengthening Parental Engagement
in Education (SPEED) Program
Self-Learning Module (SLM)
Modyul 3:
Aralin 5: Ang Pangarap na Propesyon ng Inyong Anak

Unang Edisyon, 2022

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon
ng SOCCSKSARGEN

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon ng SOCCSKSARGEN

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Vivencio O. Aniñon, EdD, Cherwin B. Macaranas


Editor: Leonardo B. Mission, PhD, Cynthia G. Diaz, PhD
Tagasuri: Michael A. Poblador, PhD, Sheryl L. Osano
Tagapamahala: Carlito D. Rocafort, Director IV
Rebonfamil R. Baguio, Director III
Gilbert B. Barrera, Chief-CLMD
Arturo D. Tingson Jr., REPS-LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – SOCCSKSARGEN


Rehiyon XII
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph

2
Paunang Salita

Malugod na pagtanggap sa Modyul 3 Aralin 5: Ang Pangarap na Propesyon ng


Inyong Anak.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampublikong paaralan upang gabayan ang mga magulang bilang
kaakibat ng mga guro sa pagtuturo ng kanilang mga anak sa kanilang tahanan.

Bilang karagdagang impormasyon, basahin ang mga paalaala sa ibaba:

Paalaala sa mga Magulang

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kaligtaang gawin ang lahat na mga bahagi na nakapaloob sa modyul
na ito.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa guro o tagapayo ng inyong anak kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.

3
Aralin 5: Ang Pangarap na Propesyon ng Inyong Anak
Alamin
Ang modyul na ito ay dinisenyo at binuo para sa iyo. Ito ay inaasahang
magiging kasama mo at gabay sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman na may
kinalaman sa pangarap na propesyonal ng inyong anak sa. May ibat-ibang gawain
ring inihanda at teksto para lamang sa iyo na makatutulong sa pagtukoy sa hilig o
interes ng iyong anak, pagpakita ng suporta sa anak, paglahad ng payo sa anak ukol
sa bentahe at kahinaan at nakapagbalangkas ng plano ukol sa pagtupad ng
propesyon na tatahakin ng bata. Ang mga paksa ay inihanay sa isang maayos na
pagkakasunod-sunod at ang bawat modyul ay may ibat ibang bahagi upang mas
maging madali ang iyong pagkatuto.Ang Modyul na ito ay nakatuon sa relasyon ng
magulang at anak lalo na sa suporta at inspirasyon na maibibigay ng magulang sa
anak sa napupusuan nitong propesyon sa buhay.
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang makamit mo ang sumusunod na mga
kasanayang pampagkatuto:
1. Natutukoy ng magulang ang hilig o interes ng anak.
2. Naipapakita ng magulang ang suporta at inspirasyon sa anak sa
propesyon na kanyang napupusuan
3. Nakapaglalahad ng payo/aksyon upang malinang ang hilig ng anak
4. Nakakapagbalangkas ng plano/akson ang magulang ukol sa pagtupad
ng propesyon na tatahakin ng bata.

Subukin
(Pretest)
Handa ka na bang magsimula sa panibagong yugto ng iyong paglalakbay sa
pagtuklas ng mahalagang aspeto ng iyong buhay? Alamin natin ngayon kung ano
ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa hilig o interes ng iyong anak.
Panuto: Lagyan ng / ang patlang kung ang isinasaad na kilos ay nagpapakita ng
hilig o interes at X kung ito’y hindi.
_____ 1. Sumusulat ng tula na nasisiyahan
_____ 2. Nagsisikap na matapos nang maayos ang takdang aralin
_____ 3. Ginagawa ang proyekto nang madalian
_____ 4. Mahilg maglaro ng basketbol
_____ 5. Iginuguhit ang larawan na may tiyaga
_____ 6. Nagbabasa ng kwento bilang libangan
_____ 7. Bumibili ng aklat sa kanyang sobrang pera
_____ 8. Isinantabi ang mga sirang bagay
_____ 9. Nagsasawa sa pakikipag-ugnayan sa kapwa
_____10. Nawawalan ng pagkukusa sa mga gawaing bahay

4
Tuklasin
Ngayon at Nasagot mo ang panimulang gawain bilang pag-alam sa iyong mga
dati nang kaalaman patungkol sa hilig o interes ng iyong anak, sa pagkakataong ito,
pag-aralan natin ang mga impormasyon tungkol sa hilig o interes ng bata at paano
ito suportahan ng magulang. Halina at tuklasin natin ang mga kaalaman na ito.

Katuturan ng Hilig o Interes

Ang mga hilig ay preperensya sa mga partikular na uri ng gawain. Ang mga
ito ang naggaganyak sa tao na kumilos at gumawa. Nagsisikap siya kung may
motibasyon siya dahil gusto niya ang kanyang ginagawa, hilig niya ito, at
nagagabayan siya ng mga halaga (values) na dito nakapaloob ang mga kaalamang
mula sa pananaliksik (research) o expert systems of knowledge.
Ang ibang hilig ay natututuhan sa mga karanasan, ang iba ay minamana, at
ang iba naman ay galing sa ating mga halaga at kakayahan. Halimbawa, hilig ng
anak mo ang pagsusulat dahil mahilig siyang magbasa mula pa sa kanyang
pagkabata, isa siyang staff member sa kanyang pampaaralang pahayagan at may
tiwala siya sa kanyang sarili sa mga gawaing pagsusulat sa paaralan.
Nakatutulong ang mga hilig, kasama ng aptitude at potensyal at
pangkalahatang talino (general intelligence), tungo sa iyong mabilis na pagkatuto at
pagkakaroon ng mga kasanayan (skills). Ang mga hilig ay batayan din ng iyong mga
kasanayan, kakayahan at kadalubhasaan (proficiencies). Mahalagang malaman ng
anak ang kanyang mga hilig dahil palatandaan ang mga ito ng mga uri ng trabaho
na magbibigay ng kasiyahan at kaganapan sa kanya bilang tao. May dalawang
aspeto ng hilig: ang larangan ng hilig (areas of interest) at ang tuon ng atensyon
(Abiva, 1993).

Larangan ng Hilig
➢ Outdoor - Nasisiyahan sa mga gawaing sports pang-outdoor
➢ Mechanical - Nasisiyahan sa paggamit ng mga tools.
➢ Computational - Nasisiyahan sa pag-solve
➢ Scientific - Bagong kaalaman, pagdisenyo
➢ Persuasive - Nasisiyahan sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao o klase
➢ Artistic - Nasisiyahan sa pagdidisenyo
➢ Literary - Nasisiyahan sa pagbabasa
➢ Musical - Nasisiyahan sa pakikinig o musical instrument
➢ Social Services - Nasisiyahang tumulong sa kapwa
➢ Clerical - Nasisiyahan sa pagbabasa at paggawa ng takdang-aralin

Pagsuporta ng Magulang sa Hilig ng Mga Anak


May kanya-kanya nga namang hilig o gusto ang mga bata. May mga pangarap
silang gusto nilang maabot. Sa puntong ito, hindi mainam na kung ano ang gusto
ng magulang sa kanilang anak ay iyon ang kanilang ipapasunod. Iwasan nila dapat
ang diktahan ang mga bata sa kanilang gusto marapat na nandoon sila upang
magbigay ng gabay.

Ang pinakamainam gawin upang maging masaya at matupad ng ating mga


anak ang kanilang pangarap ay sa pamamagitan ng pagsuporta ng magulang sa
kanila. Ibigay ang suportang hinahangand ng mga anak na may pagmamahal.
5
Mga Tips sa Pagsuporta sa Hilig ng Anak

A. Alamin kung ano ang nais at hilig ng Anak


⮚ Tanungin ang anak tungkol sa kanyang mga pinahahalagahan, mithiin, at
pangarap. Sa paraang matukoy matukoy mo kung ano ang hilig o interes ng
anak at mula doon ay maari ka nang magsimula sa pagsuporta o paggabay
sa kanya.

B. Talakayin ang mga positibo at negatibong aspeto ng anumang paplanuhin


ninyo
⮚ Kung hindi nila alam ang gusto nila, hikayatin silang makipagkita sa isang
guidance counselor, kumuha ng mga test na magpapaunawa sa kanila kung
saang kurso sila interesado, o magtrabaho o magboluntaryo para magkaroon
sila ng karanasan.

C. Tulungan ang Anak na Makita ang Kanilang Talento.


⮚ Ang pagtulong sa mga anak na tuklasin ang kanilang mga talento at interes
ay makakatulong sa kanila na makikita ang magandang kinabukasan nila.

D. Magtiwala sa Desisyon ng Anak


⮚ Hindi nito ibig sabihin na maniwala kayo na laging tama ang kanilang
ipapasiya. Ibig sabihin nito ay magtiwala kayo na makakabangon sila mula
sa pagkakamali, na ang Diyos ay mapagpatawad, at ang buhay ay maaaring
maging lubos na makabuluhan kahit lakip nito ang pagdaig sa kabiguan o
pagtitiis sa mga pagsubok.

E. Purihin ang Anak sa kanilang mga Pagsisikap


⮚ Ang pagpuri sa kasipagan at katatagan ng mga young adult ay tumutulong
sa kanila na magtiyaga pa sa gawain, harapin ang iba pang mga hamon, at
mas masiyahan sa kanilang ginagawa.

F. Mag-Usap Tungkol sa Pera


⮚ Ipaliwanag ang maibigay na tulong pinansyal sa pagsuporta sa pangarap ng
anak. Pagkatapos ay ibigay sa kanila ang responsibilidad na tipirin ang
kanilang pera

Isagawa

Inyong nabasa ang mga impormasyong nakapaloob sa teksto. Ngayon,


bibigyan kayo ng pagkakataon upang ibahagi ang mga kaisipan o konsepto na inyong
natutuhan sa pahaging tuklasin.

Gawain 1: Hilig Mo, Suportado Ko!


Sa Kolum A ay mga Tips sa pagsuporta sa hilig ng anak samantalang sa Kolum B ay
mga halimbawa ng aksyon para maisagawa ito. Pagtapatin ang Kolum A sa Kolum
B. Isulat ang titik bilang sagot.
6
Tips sa Pagsuporta sa Hilig ng Aksyon Para Suportahan ang Hilig ng Anak Sagot
Anak Kolum B
Kolum A
1. Alamin kung ano ang nais at A. Magpasiya kung anong tulong pinansyal
hilig ng inyong mga anak ang ibibigay sa inyong mga anak
2. Tulungan silang makita ang B. Maging positibo sa mga nagawang
kanilang mga talento pagpapasya ng anak.
3. Magtiwala sa kanilang mga C. Gabayan ang anak na tuklasin ang
desisyon natatagong talento at interes nito
4. Purihin sila sa kanilang mga D. Pag-uusapan kasama ng anak ang mga
pagsisikap positibo at negatibong aspetong anumang
paplanuhin ninyo.
5. Mag-usap tungkol sa pera E. Tanungin ang anak tungkol sa kanilang
mga pinahahalagahan, mithiin, at pangarap.

Gawain 2. Ipaliwanag ang bawat tanong. Isulat ito sa inyong sagutang papel. (5
puntos bawat bilang)
1. Bakit mahalaga ang pag-alam ng magulang sa hilig o interes ng anak?
2. Paano maipapakita ng magulang ang suporta sa anak sa propesyong
kanyang napupusuan?
3. Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang ng magulang sa pagbalangkas ng
plano ukol sa pagtupad ng propesyon na tatahakin ng anak?

Tayahin
Ngayong natutuhan ninyo ang mga kaisipan o konseptong nakapaloob sa
araling ito, subukan mong sagutin ang gawain sa ibaba upang mataya ang iyong
mga nakuhang kaalaman sa aralin.
Test 1. Isulat ang Tama sa patlang kung ang pahayag ay nagpapakita ng
suporta sa hilig o interes ng anak at Mali kung ito’y hindi.

_______ 1. Kinakausap ang anak sa hilig o interes nito.


_______ 2. Ipinipilit ng magulang kung ano ang gusto nito sa anak.
_______ 3. Tinutulungan ang anak na mapalawak pa ang kanyang kaalaman.
_______ 4. Interesado ang magulang sa ginagawa ng anak.
_______ 5. Ang anak ay binibigyan ng pagkakataong magpasya sa kanyang hilig.
_______ 6. Ikinagalit ng magulang and maling desisyon ng anak.
_______ 7. Pinalalakas ang loob ng anak mula sa kanyang pagkadapa.
_______ 8. Ginagabayan ng magulang ang anak sa pagpili ng kurso.
________9. Nakikipagtulungan ang magulang sa guro para sa pagkatoto ng anak.
________10. Tinitiyak ng magulang na ibigay ang materyal na pangangailangan ng
anak.

7
Test 2: Piliin sa loob ng kahon ang larangan ng hilig na inilalarawan sa aytem 1-10.
Isulat ang sagot sa espasyong inilaan.

outdoor, mechanical, computational, scientific, persuasive,


artistic, literary, musical, social service, clerical

____________1. Pag-aalaga ng hayop o halaman


____________2. Masaya at gustong tumulong sa pag repair ng sasakyan
____________3. Pag-solve ng mathematical ang bilang o numero equations
____________4. Pamamahala ng isang opisia o pangkat
____________5. Pamumuno sa isang pangkat o Pakikipagkaibigan
____________6. Paggawa ng mga bagay na pangsining
____________7. Pagbabasa ng mga nobela o fiction
____________8. Pakikinig sa o paglikha ng awit
____________9. Pagbisita sa kaibigan o ibang taong may sakit
____________10. Paggawa nang maayos na report na isusumite sa klase

8
9
Tayahin
Test 1
1. Tama
2. Mali
3. Tama
4. Tama Subukin (Pretest)
5. Tama
6. Mali
1. /
7. Tama Isagawa 2. /
8. Tama Gawain 1 3. X
9. Tama 1. E 4. /
10. Mali 2. C 5. /
Test 2 3. B 6. /
1. Outdoor 4. D 7. /
2. Mechanical 5. A 8. /
3. Computational Gawain 2 9. X
4. Scientific Nakabatay sa sagot ng 10. X
5. Persuasive magulang
6. Artistic
7. Literary
8. Musical
9. Social Services
10. Clerical
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:

Abiva, T. 1993. Learning Resource for Career Development. Abiva Publishing House,
Inc.

http://pilipinomirror.com/suportahan-ang-mga-anak-sa-mga-gusto-nila-sa-
buhay/

https://www.churchofjesuschrist.org/study/liahona/2014/07/ten-tips-for-
parents-of-young-adults?lang=tgl

https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/2013365

10
PAHATID LIHAM
Ang modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong
SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang
pangangailangan sa ng mga magulang sa bilang kabahagi ng paaralan sa pagkatoto
ng kanilang mga anak. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin sa
pagpapaunlad ng kakayahan ng mga magulang sa bilang tagapagdaloy ng proseso
ng pagkatoo. Ito ay Bersyong 1.0. Hinihimok namin ang mga magulang o sinumang
gumamit ng modyul na ito na magbigay ng kanilang puna, komento at
rekomendasyon upang mapaunlad ang modyul na ito. Para sa mga katanungan o
puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – SOCCSKSARGEN Rehiyon XII


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill,
City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph

11

You might also like