You are on page 1of 20

STRENGTHENING PARENTAL ENGAGEMENT

IN EDUCATION (SPEEd) PROGRAM

Modyul 3
Aralin 4
Pagtugon at Pamamahala ng Problema
sa Pag-uugali

1
Strengthening Parental Engagement
in Education (SPEED) Program
Self-Learning Module (SLM)
Modyul 3:
Aralin 4: Pagtugon at Pamamahala ng Problema ng Pag-uugali

Unang Edisyon, 2022

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon
ng SOCCSKSARGEN

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon ng SOCCSKSARGEN

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Carlo C. Melendres, PhD, Valentin C. Dignadice Jr.


Editor: Leonardo B. Mission, PhD, Cynthia G. Diaz, PhD
Tagasuri: Michael D. Poblador, PhD, Sheryl L. Osano
Tagapamahala: Carlito D. Rocafort, Director IV
Rebonfamil R. Baguio, Director III
Gilbert B. Barrera, Chief-CLMD
Arturo D. Tingson Jr., REPS-LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – SOCCSKSARGEN


Rehiyon XII

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph

2
Paunang Salita

Malugod na pagtanggap sa Modyul 3 - Aralin 4: Pagtugon at Pamamahala sa


Problema ng Pag-uugali.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ang mga magulang bilang
kaakibat ng mga guro sa pagtuturo ng kanilang mga anak sa kanilang tahanan.

Bilang karagdagan impormasyon, basahin ang mga paalaala sa ibaba:

Paalaala sa mga Magulang

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kaligtaang gawin ang lahat na mga bahagi na nakapaloob sa modyul
na ito.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa guro o tagapayo ng inyong anak kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.

3
Aralin 4: Pagtugon at Pamamahala sa Problema ng Pag-uugali

Alamin

Kumusta na mga mahal naming mga magulang? Kami ay nagagalak at sa


patuloy na paggabay sa inyong mga anak sa kanilang pag-aaral sa panahon ng “New
Normal.”
Sa araling ito, ating pag-uusapan ang tungkol sa pagtugon at pamamahala sa
pag-uugali ng mga kabataan. Ang modyul na ito ay naglalayon na iyong matutunan ang
mga bagay-bagay patungkol sa pagtugon at pamamahala sa mga problemang may
kinalaman sa pag-uugali ng inyong mga anak. Mahalaga na matulungan ang mga
kabataan na mapamahalaan nila nang maayos ang kanilang mga pag-uugali sa tulong
at gabay ng isang magulang o nakatatanda.

Sa modyul na ito, inaasahang maipamalas mo ang mga sumusunod na


kompetensi:

1. Natutukoy ang mga estratehiya sa pag-iwas ng bisyo;


2. Naipapaliwanag sa mga anak ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kultura
ng kapayapaan sa lipunan;
3. Nakapaglalahad ng mga paraan ukol sa mapayapang paglutas ng girian o
konplekto;
4. Natutukoy ang mga probisyon sa Anti-Bullying Policy ng Kagawaran ng
Edukasyon; at,
5. Natutukoy ang mga karapatan ng mga bata na nakapaloob sa UN Convention
on the Rights of the Child.

Subukin
(Pretest)

Ngunit, bago tayo magpatuloy, subukin muna natin ang inyong mga dating
kaalaman o nalalaman tungkol sa mga konseptong nakapaloob sa modyul na ito.
Handa ka na ba? Tara na, simulan na natin!

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat ito sa iyong “Study Notebook”.

1. Ang batas na naglalayong wakasan ang bullying sa lipunan at sa mga paaralan ay


kilala sa tawag na:
a. Anti-Bullying Act of 2013
b. United Nations Convention on the Rights of a Child
c. Child Protection Alliance
d. Presidential Decree 603
2. Kung may bullying na nangyari sa paaralan, may grupo ng mga tao na binuo sa
mga paaralan upang tugunan ito. Kilala sila sa tawag na:
a. Guidance Counselor/Koordineytor
b. Kagawad ng Education Committee
c. Child Protection Committee
d. Prefect of Discipline
3. Ang tamang pamamahala sa pag-uugali ay:
a. pagpapatawad sa anak na nagkasala.
b. paggabay upang matutunan ng mga anak ang wastong pag-uugali.
c. pagbibigay ng karampatang pisikal na parusa.
d. pagpapabaya sa mga pangangailangan ng mga anak.
4
4. Ang mga sumusunod ay mga mungkahi upang mapigilan ang suliranin sa pag-
uugali sa mga kabataan MALIBAN sa isa.
a. Pagbibigay sa lahat ng kanilang gusto kahit labag sa alituntunin sa bahay.
b. Pagkakaroon ng positibong relasyon sa mga anak habang maliliit pa.
c. Epektibo at positibong relasyon sa pagitan ng mga guro at pamilya
d. Pagkakaroon ng seguridad sa pamilya na may pagkalinga.
5. Ito ay kilala bilang isang agresibong interaksyon ng isang “makapangyarihan” na
kabataan laban sa isang “mahina” na nagdudulot ng kasamaan sa biktimang
mahina.
a. Bully
b. Harassment
c. Violence
d. Bullying
6. Ang polisiya ng Kagawaran ng Edukasyon upang tugunan ang suliranin tungkol
sa karahasan at bullying sa mga paaralan.
a. DepEd Order No. 40, s.2012
b. DepEd Order No. 54, s.2015
c. DepEd Order No. 31, s.2020
d. DepEd Order No. 12, s.2013
7. Ayon sa batas at sa polisiya ng Kagawaran ng Edukasyon, siya ang inaatasan na
mamuno sa komitiba na humawak sa mga kaso ng bullying at iba pang pang-
aabuso sa loob ng paaralan.
a. Guidance Counselor
b. School Principal
c. PTA President
d. Kagawad ng Barangay
8. Ang mga sumusunod ay mungkahing gawain para makatugon sa isyu ng bullying.
Alin ang HINDI?
a. Itago ang mga nangyayaring kaso ng kaharasan sa paaralan.
b. Magtaguyod ng positibong klima sa paaralan.
c. Pagkakaroon ng mga programang tumutugon sa pangangailangan ng mga
mag-aaral.
d. Palagiang ugnayan ng mga opisyal ng barangay at mga magulang at iba pang
stakeholders.
9. Alin ang HINDI kasama sa mga ituturong paraan sa mga kabataan upang
mabisang maresolba ang mga girian at konplekto?
a. Magsalita at pakinggan ang mga kabataan.
b. Pagsasadula ng mga sitwasyon na posibleng mangyayari sa pakikipagkapwa,
girian o konplekto.
c. Pagsigaw upang mapakinggan ang gustong ipaabot sa mga magulang o sa
kapwa kabataan.
d. Pagtuturo ng mga mabibisang pamamaraan sa pagresolba ng girian o
konplekto.
10. Ito ay tumutukoy sa tama, mabuti at angkop sa tao batay sa mga prinsipyong
moral.
a. Karapatan
b. Kapayapaan
c. Katarungan
d. Kasaganaan

5
11. Ang pangunahing konsiderasyon sa lahat ng mga aksyon at desisyon ay naka-
angkla sa mga karapatang-pambata kung kaya ay gamitin ito…
a. para sa kabutihan ng mga nakakatanda.
b. sa pagresolba sa girian at konplekto na may kinalaman sa kabataan.
c. upang maisakatuparan ang ninanais ng mga nakakatanda.
d. lalo na sa panahong may pang-aabusong nangyayari sa kabataan.
12. Ito ay batas sa Pilipinas na katumbas ng inilathala ng United Nations Convention
on the Rights of a Child na naglalayong protektahan ang mga karapatan ng mga
kabataan.
a. Republic Act 10627
b. Republic Act 10533
c. Presidential Decree 603
d. Presidential Decree 7610
13. Tumutukoy ito sa karapatan ng pagkakaroon ng pagkain, damit, tirahan, at iba
pa.
a. Right to be born
b. Right to have a family
c. Right to basic needs
d. Right to health services
14. Tumutukoy sa karapatang magkaroon ng mga tagapangalaga kung ang kanilang
mga magulang ay wala.
a. Right to privacy
b. Right to live peacefully
c. Right for protection from abuse
d. Right to be cared for
15. Anong responsibilidad ang dapat maituro sa isang kabataan kung ang karapatan
niya ay tungkol sa wastong pamumuhay?
a. Payagan na mailabas ng ibang tao ang kanilang sariling saloobin at pananaw.
b. Igalang ang kaisipan at gustong paniniwalaan ng iba.
c. Kilalanin ang kaniyang pamumuhay at igalang ang pamumuhay ng iba.
d. Igalang ang pangalan at nasyonalidad ng iba

Tuklasin

Sa puntong ito, mahalaga na pag-aaralan natin ang mga konsepto at mga bagay-
bagay tungkol sa pagpapatnubay at pamamahala sa kabataan tungo sa kaaya-ayang
pag-uugali.

Katuturan ng Pamamahala sa Pag-uugali

Ayon sa raisingchildren.net.au, ang pamamahala sa mga pag-uugali ay ang


tamang paggabay sa mga kabataan upang matutunan niya ang wastong pag-uugali sa
loob at labas ng bahay.

Mga Hakbang sa Pamamahala sa Pag-uugali

Una: Nararapat mong alamin, bilang magulang, kung ang iyong anak ay nakakain ba
nang wasto at masustansiyang pagkain at nakakakuha ng sapat na oras ng pahinga at
tulog. Ang kakulangan sa wastong pagkain at hindi sapat na pahinga ay maaaring
magdulot ng mga negatibong pagbabago sa isip, katawan, pag-uugali, at kalusugan ng
kabataan.

6
Ikalawa. Mahalaga din na malaman mo na ang paglaki ng isang kabataan ay may iba’t
ibang bahagi. Ang mga batang nasa “toddler or pre-schooler stages” ay madaling mag-
tantrum ngunit sa mga kabataang nasa elementarya ay di na malimit nangyayari sa
kadahilanang sila ay nakapagsasabi na ng kanilang mga nararadaman.

Ikatlo. Alamin kung may mga pagbabagong nangyayari sa inyong buhay-pamilya na


maaring nakapagdulot ng pagbabago sa pag-uugali ng isang kabataan. Halimbawa:
namatayan ng magulang o di kaya ay ang pagkakaroon ng panibagong miyembro sa
pamilya ay nagdudulot ng pagbabago sa pag-uugali ng isang bata.

Paano Mapamahalaan nang Mabuti ang Pag-uugali ng mga anak?

1. Pag-unawa: Unang hakbang sa wastong pamamahala sa pag-uugali ng mga


anak.
2. Pagbibigay ng papuri upang mapalitan ang di-kanais-nais na pag-uugali ng
isang mabuti.
3. Pagbibigay ng gantimpala sa isang mabuting nagawa ng isang bata.
4. Pagsasagawa ng mga “routines” upang malaman ng bata kung anu-ano ang
mga gagawin niya, kailan niya gagawin, ilang beses gawin, at sa anong
pagkasunod-sunod ng mga gawain.
5. Planong pabayaan ang isang kabataang nagpapakita ng hindi angkop na pag-
uugali upang maramdaman niya na hindi kaaya-aya ang kanyang ginawa.
6. Pagkakaroon ng mga alintuntunin (rules) kung paano tratuhin ang isang
miyembro ng pamilya at kailan ito dapat gawin.
7. Paggamit ng konsekwensiya (consequence) ng isang kilos upang ang isang
alituntunin ay maitaguyod gaya ng hindi pagpayag na makapanood ng TV dahil
sa ginawang pang-aaway sa nakababatang kapatid, at iba pa.

Pagkakaiba ng Bisyo sa Birtud

Mahalaga na maunawaan mo, bilang isang magulang, ang kaibahan ng bisyo sa


birtud upang magabayan ang iyong mga anak sa kanilang paglaki.

➢ Ang birtud ay nagpapakita ng mga mabubuting gawain ng tao, maging sa kilos,


isip at pananalita, habang ang bisyo ay naglalarawan ng pagiging mali ng isang
kilos ng tao.

➢ Ang pagkakaroon ng birtud o bisyo ay hindi kasama nang tayo ay ipinanganak


sa mundo;

➢ ang mga ito ay nahuhubog o nalilinang habang tayo ay lumalaki.

➢ nasa isang tao ang desisyon kung ano ang pipiliin niya, birtud o bisyo.

➢ may mahalagang papel ang mga taong nakapalibot sa atin – miyembro ng


pamilya, mga kaibigan, mga nakakatanda, at iba pa, sa paglinang ng bisyo o
birtud.

➢ Ang pagkakaroon ng bisyo ay bunga sa kung paano nililinang ng lipunan o


pamilya ang isang kabataan.

Ang Peer Pressure at Bisyo

Ayon sa Information Parlour, isang website na naglalathala ng mga impormasyong


may kinalaman sa pagpalaganap ng kaalaman at kasayahan na ang “peer pressure”
7
ang isa sa mga kadahilanan kung bakit ang isang kabataan ay nakikibahagi sa isang
masamang gawain tulad ng:
➢ paninigarilyo
➢ paggamit ng droga
➢ sugal
➢ pagkagumon sa alcohol at iba pa
➢ paggugol ng mahabang oras sa mga barkada, sa eskwelahan o di kaya sa loob
ng pamamahay kung saan ang mga magulang ay lugmok din sa bisyo o
masasamang gawain.
➢ kawalan ng pag-aaruga ng mga magulang
➢ paghiwalay ng mga magulang o dahil walang mga magulang sa loob ng mga
pamamahay

Paano Maiwasan ang Bisyo?

➢ Una. Kailangang alamin ng mga magulang kung sinu-sino ang mga barkada ng
kanilang mga anak, ang kanilang kinatatayuan sa lipunan (dahil baka sangkot
ang mga ito sa masasamang gawain) at ang kanilang katayuang pang-akademiko
sa paaralan. Kailangan ang masidhing pagbabantay sa kanila upang mailayo ang
mga anak sa kapahamakan.

➢ Ikalawa. Ang pagkakaroon ng mga talakayan sa loob ng bahay o sa barangay


patungkol sa mga usapin ng bisyo at kabataan upang sila ay maliwanagan
tungkol sa mga bagay na ito. Ang talakayan ay maaring isakatuparan bilang
proyekto ng Sangguniang Kabataan bilang tulong at gabay sa kapwa kabataan.

Konsepto ng Kapayapaan

➢ Ang kapayapan ay isang estado o panahon kung saan walang giyera o ang giyera
ay katatapos lang.
➢ Maaari rin itong nangangahulugan ng pagkaresolba ng bangayan o girian ng mga
tao at nagresulta sa sabayang pagsagawa ng mga bagay upang umunlad ang uri
ng kanilang pamumuhay.
➢ Sa diksyunaryo ng Merriam-Webster, ang kahulugan ng kapayapaan ay
pagkakaroon ng kapalagayan (harmony) sa personal na relasyon bunga ng
kasunduan sa dalawang magkasalungat na grupo o bansa.
➢ Maaari rin na ang kapayapaan ay bunga ng kalayaan mula sa mga mapanirang
pag-iisip o emosyon na nagdudulot ng pagkabagabag sa isang tao.

Pagsulong ng Kultura ng Kapayapaan


➢ Ang usapin sa pag-uugali ay may malaking bahagi sa usapin ng kapayapaan.

➢ Ang pagkakaroon ng birtud ay nagdudulot ng kapayapaan sa pamilya at sa


lipunan.
➢ Ang kultura ng kapayapaan (culture of peace), ayon sa United Nations, ay mga
pangunahing pagpapahalaga, mga pag-uugali, modo ng pagkilos at pamamaraan
sa buhay (ways of life) na naglalayong iwaksi ang kaguluhan (violence) upang
maiwasan ang konplekto (conflict) sa pamamagitan ng pag-alam sa mga
kadahilanan ng mga suliranin tungo sa pagresolba ng mga ito sa pamamagitan
ng dayalogo at negosasyon sa mga indibidwal na grupo at mga bansa.

8
Mga Isyung Panlipunan na Kinakaharap ng mga Kabataan Ngayon

Ang pag-uusap tungkol sa mapayapang paglutas sa girian at konplekto ay naka-


angkla sa mga usapin na may kinalaman sa mga kabataan. Anu-ano nga ba ang isyung
kinakaharap ng mga kabataan sa ngayon?
Sa isang pag-aaral sa United States of America ng Ann & Robert H. Lurie
Children’s Hospital of Chicago (2019), narito ang mga isyung panlipunan na
kinakaharap ng mga kabataan:
⮚ Bully at cyber-bullying
⮚ kahirapan sa pamumuhay
⮚ kakulangan ng superbisyon at pakikibahagi (involvement) ng mga magulang,
⮚ kaharasan sa loob ng paaralan;
⮚ pagkagumon sa social media
⮚ kakulangan ng oportunidad ng trabaho para sa mga magulang, at “unsafe
housing.”

Sa konstekto ng Pilipinas, narito ang mga isyung hinaharap ng mga kabataan:


⮚ kahirapan sa buhay
⮚ kalusugan ng mga kabataan
⮚ “child labor”
⮚ maagang nag-aasawa
⮚ pang-aabusong-sekswal

Bullying: Kahulugan at Epekto

Isa sa nakakalungkot na isyu na kinkaharap sa ngayon ng mga kabataan ay ang


bullying. Ang bullying ay isang agresibong interaksiyon ng isang “malakas” na kaklase
laban sa isang “mahinang” kaklase na “paulit-ulit na kinukutya, tinatakot at
binibiktima” nito (Balmeo, Saleoan, Sano, Tangngco, Tingda, Toryden at Zapanta,
2014). Mapapansin sa konseptong ito na ang bullying ay nangyayari sa mga kabataan
lamang sa dalawa o sobra pa sa dalawang kabataan na ang isa ay makapangyarihan o
malakas at ang isa ay mahina. Ang pangyayaring ito ay paulit-ulit na ginagawa at hindi
minsanan lamang.

Anyo ng Bullying.
⮚ pisikal (may pisikal na pananakit na nangyayari)
⮚ verbal (sa pamamagitan ng mga masasama at masasakit na mga salita)
⮚ saykolohikal (saktan ang biktima lalung-lalo na ang damdamin at isip).

Maaring Epekto ng Bullying


⮚ Epekto sa mental at pisikal na kalusugan ng bata
⮚ Maaring maging kriminal sa hinaharap ang isang bully o biktima ng bullying
⮚ magkaroon ng “depression” (Fox, Farrington, at Ttofi, 2012),
⮚ Nakakaranas ng pagkabalisa (anxiety)
⮚ pagkalungkot (sadness)
⮚ pangungulila (loneliness)
⮚ problema sa pagtulog,
⮚ mababang performans sa eskwela at iba pang kasamaang pangkalusugan
(stopbullying.gov 2014).

Child Protection Policy ng DepEd (DepEd Order No. 40, s.2012)

9
Upang maprotektahan ang mga kabataang Pilipino laban sa lahat ng uri ng
karahasan, kasama na ang “bullying” at “cyber-bullying,” nagpalabas ang Kagawaran
ng Edukasyon (DepEd) ng polisiya laban dito (DepEd Order No. 40, s.2012 – Child
Protection Policy). Sa polisiyang ito, inatasan ang mga paaralan, pribado man o
pampubliko na magkaroon ng “zero-tolerance” sa lahat ng uri ng karahasan at
pagtataguyod ng mga parusang administratibo para sa mga paaralang lalabag sa
polisiyang ito.
Inaatasan din ang lahat ng paaralan sa buong bansa na buuin ang Child
Protection Committee (CPC) na kinabibilangan ng Punong-Guro, Guidance
Counsellor/Koordineytor, Pangulo ng mga Guro sa paaralan, Pangulo ng PTA ng
paaralan at Kagawad para sa Edukasyon na mula sa Sangguniang Pambarangay. Sa
pamamagitan nito, inaasahan na maiiwasan ang pang-aabuso, eksploytasyon,
karahasan, diskriminasyon, bullying at iba pang uri ng pang-aabuso laban sa
kabataan.

Republic Act 10627: Anti-Bullying Act of 2013


Makalipas ang ilang buwan, naisabatas ang Republic Act 10627 o ang batas
naglalayon na pigilan ang paglaganap ng bullying sa mga kabataan. Ang batas na ito
ay kilala rin sa tawag na “Anti-Bullying Act of 2013.” May mga probisyon sa DepEd
Order No. 40, s.2012 ang naisama rin sa batas na ito.
Nilalayon ng batas na ito na tugunan ang isyu ng bullying sa ating bansa. Ang
mga sumusunod ay mga probisyon at gawaing inimungkahi ng batas upang tugunan
ang problemang ito:
a. magtaguyod ng positibong klima sa paaralan
b. pag-alam sa mga nangyayari sa paligid nito lalo na ang bullying
c. pagrepaso at pagbabago sa mga pamantayan ng paaralan upang makatugon
sa mga problemang may kinalaman sa bullying
d. pagkakaroon ng mga programa upang mailayo ang mga mag-aaral sa
bullying
e. pagkakaroon ng mga programa para sa mga guro at empleyado ng paaralan
upang mahasa sa pagtugon sa problema ng bullying
f. palagiang ugnayan sa mga Local Government Units (LGUs) kagaya ng
barangay at munisipalidad o lungsod at iba pang mga ahensya ng
pamahalaan at mga Non-Governmental Organizations (NGOs) na may
adbokasiya tungkol sa bullying
g. mga pansilid-aralan na mga gawain tulad ng pagkakaroon ng “Anti-Bullying
Corners”, at mga gawaing naglalayon na maturuan ang mga magulang sa
isyu ng bullying upang makatulong sa pagtugon.

Mga Paraan sa Paglutas ng Girian at Konplekto


1. Matuto sa Pamamahala ng Masidhing Emosyon
Katulad ng galit at pagkabigo, na ang pagsigaw o pananakit sa iba ay hindi
nakaktulong sa resolba ng konplekto. Turuan natin silang maging kalmado (calm),
paghinga ng malalim (deep breath) o pagbibilang ng mula isa hanggang sampu.
Lahat ng ito ay nakakatulong upang kontrolin ang masidhing emosyon.
2. Magsalita at Makinig
Tulungan nating matutunan ng ating kabataan ang halaga ng paggamit ng
mga salitang nakatutulong magresolba ng konplekto at kung paano sasabihin ang
mga salitang ito. Mahalaga rin na maituro sa kanila ang mabuting pakikinig
lalung-lalo na sila ay nasa murang edad pa lamang at kalimitan ay emosyunal
dahil sa mga pangyayari.
3. Itaguyod ang Pagkapantay-pantay
Kausapin palagi ang mga anak tungkol sa benepisyo ng pagiging mabuti,
pantay (fair) at pagbabahagi sa iba (sharing to others), at pagbibigay ng mga
positibong salita bilang gantimpala sa bawat mabubuting nagawa.
10
4. Kung Wala ng Iba pang Paraan
Kung wala ng iba pang paraan upang maresolba ang isang konplekto, mas
mainam na umalis na lamang kaysa makipag-away. Mainam na maipaliwanag sa
kanila na ang pag-alis ay hindi pagsuko kundi pag-iwas sa gulo at paghahanap
ng solusyon na maaaring hingin sa mga nakakatanda.
5. Isadula ang mga Sitwasyong Pakikipag-kaibigan
Ito ay direktang pagtuturo sa iyong anak ng mga posibleng mangyayari lalo
na sa mga palaruan at iba pang lugar. Ito ay nakakatulong sa pagkakaroon
kapanatagan sa gitna ng isang konplekto dahil naihanda niya ang kanyang sarili
sa mga posibilidad na ito.
6. Hayaan ang Paglalaro Gamit ang Imahinasyon
Ang ganitong uri ng paglalaro ay nakapagdudulot ng masidhing
kapanatagan sa mga kabataan sa pagharap ng mga masisidhing emosyon, sa
pagkakaroon ng tamang pananaw sa mga pangyayaring kanilang nasaksihan o
naranasan o natutunan sa iba, at sa pagproseso ng mga interaksiyong sosyal
kasama na ang konplekto.

Kahulugan ng Karapatan
Ang karapatan ay tumutukoy sa mga bagay na “morally correct, just, or
honorable.” Ibig sabihin nito: Lahat na mga mabubuti, nararapat at kaaya-aya na
naaayon sa pamantayang-moral. Ito iyong dapat at nararapat sa iyo bilang isang tao.

Karapatan ng Kabataan
Sa usaping may kinalaman sa mga kabataan, mahalaga na mapag-usapan ang
mga karapatan nila sa kadahilanang sila ay kinokonsiderang mahina at walang
kakayahang ipagtanggol ang kanilang mga sarili.
Ang United Nations ay naglabas ng isang dokumento na naglalayong itaguyod ang
mga karapatan ng mga kabataan. Ang UNCRC o kilala sa tawag na United Nations
Convention on the Rights of Child noong Nobyembre, taong 1989. Sa batas na ito ay
nakapaloob ang 54 na mga artikulo na naglalaman ng mga karapatan ng mga
kabataan. Sa Pilipinas, ang mga artikulong ito ay naisama nang ipinalabas ang
Presidential Decree No. 603 na kilala sa tawag na “Child and Youth Welfare Code”. Sa
Artikulo 3, ang mga karapatan ng kabataan ay nakapaloob. Ang mga ito ay ang
sumusunod:

1. Karapatang maipanganak at mabigyan ng karampatang pag-aaruga at


mapalaki nang mabuti (Every child has the right to be born well and mjust
be cared and raised well).
2. Karapatang magkaroon ng pamilyang mapagmahal, mapag-aruga at
nagtuturo ng mabuting asal sa kanya (Every child has the right to live with
a family who loves, cares and teaches good moral to him/her).
3. Karapatang magkaroon ng tamang pag-aaruga at kahalagahan mula sa
ibang tao (Every child has the right to have a proper care and importance
from other people).
4. Karapatang magkaroon ng mga pangunahing pangangailangan ng tao
kagaya ng pagkain, tubig, bahay, damit at pangangalagang pangkalusugan
(Every child has the right to have the basic needs of people such as food,
water, shelter, clothing and health care).
5. Karapatang magkaroon ng lahat ng kanyang pangangailangan tungo sa
isang mabuting buhay (Every child has the right to have everything he/she
needs for a better life).
6. Karapatan sa edukasyon (Every child has the right to be educated).

11
7. Karapatan sa paglalaro at pagsasaya sa mga pagkakataong may oportunidad
(Every child has the right to play and enjoy whenever they have the
Paano mo ito
Sino ang Anu-ano ang iyong
Karanasan tinugunan at
nagpasimula? naramdaman?
pinamahalaan?
Hal. Nag-away Ang Aking pag-aari Sinumbong ko siya
kami ng aming kababatang iyong laruan kaya sa aking Nanay, at
kababatang kapitbahay nagalit talaga ako si Nanay ko naman
kapitbahay dahil ayaw niyang ang kumausap sa
dahil sa pinag- ibigay sa akin at kanyang Nanay
aagawang sinasabi pa niya na kaya binalik sa
laruan. kanya ito. akin iyong laruan
ko.
1.
2.
3.
opportunity).
8. Karapatang maprotektahan laban sa pang-aabuso ng mga nakakatanda
(Every child has the right to be protected from abuse of adults).
9. Karapatang makapamuhay nang mapayapa na malayo sa mga masasamang
impluwensiya (Every child has the right to live peacefully away from bad
influences).
10. Karapatang mapangalagaan ng iba kung ang kanilang mga magulang ay
wala o hindi maibigay ang sustento para sa kanilang mga pangangailangan
(Every child has the right to be cared whenever their parents are not available
or cannot sustain their needs).
11. Karapatan na makapamuhay sa isang mabuting pamahalaan na tumutulong
sa pagpapatibay ng kanilang pananampalataya at paglago bilang mabuting
mamamayan (Every child has the right to be living in a good government who
helps them strengthen their faith and to become a better citizen).
12. Karapatang lumaki nang mapayapa at makukuha ang kanilang gusto para
sa ikabubuti ng kanilang buhay (Every child has the right to grow up
peacefully and getting what they want for the good of their lives).

Isagawa

Kumusta ang iyong pag-aaral sa Modyul na ito? Sa pagkakataong ito ay


magkakaroon tayo ng pagpapalawak ng iyong karanasan sa pagkatoto. Isagawa ang
Gawain 1,2, at 3

Gawain 1: Maalaala Mo Pa Ba?

Panuto: Nakaranas ka ba ng girian noong ikaw ay bata pa? Magbalik-tanaw sa mga


pangyayaring ito.

Gumawa ng talaan ng iyong karanasan sa pagkaroon ng girian noong ikaw ay


bata pa at isulat ito sa iyong “Study Notebook”. Gamitin ang template na ibinigay.

12
Gawain 2: Karapatan ng Anak Ko, Alam Ko!
Panuto: Maglista ng mga alam mong karapatan ng isang kabataan. Isulat ang
iyong mga sagot sa bawat “petal” ng bulaklak.

Sagutin sa iyong sagutang papel ang mga sumusunod na mga tanong:

1. Alin sa mga karapatang ito ang madali mong naisulat? Alin ang hindi? Bakit?
2. Sa iyong mga naisulat, alin ang alam-na-alam mo ang pakahulugan? Alin ang
hindi?
3. Bakit mahalaga na makilala at malaman ang mga karapatang ito ng mga
kabataan? Paano ito nakatutulong upang tugunan at pamahalaan ang mga pag-
uugali ng mga kabataan?

Gawain 3: Tugon at Pamamahala sa Ugali ng Anak, May Mga Plano Ako!

Panuto: Gumawa ng isang Plano sa Pamamahala at Paghubog ng Wastong Pag-uugali


ng Anak. Gamitin ang template na ibinigay.

Plano sa Pamamahala at Paghubog ng Wastong Pag-uugali

Planong Gawin Kailan? Saan? Anong Inaasahan?


Halimbawa: Pagka- September Sa sala -Makausap, matugunan
usap sa anak tungkol ___, 2020 at mapamahalaan ang
sa mga nakikitang 8:00 ng mga napupunang
pagbabago ng pag- gabi pagbabago sa ugali ng
uugali anak
-Mailahad ng anak ang
mga ugat na nagdudulot
ng pagbabago sa pag-
uugali ng anak

1
2
13
Gawain 4: Krosword Ko, Sagot Mo!

Panuto: Batay sa iyong nalalaman tungkol sa mga polisiya at batas (RA 10627, at Anti
Bullying Act, sagutin ang krosword gamit na gabay ang mga pahayag sa ibaba.

Tayahin
Sa pagkakataong ito, halika at tayahin natin ang iyong mga natutunan sa araling
ito!
Panuto: Basahing mabuti at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik
o letra ng iyong napiling sagot sa iyong “Study Notebook”.

1. Ang batas na naglalayong wakasan ang bullying sa lipunan at sa mga paaralan ay


kilala sa tawag na:
a. Anti-Bullying Act of 2013
b. United Nations Convention on the Rights of a Child
c. Child Protection Alliance
d. Presidential Decree 603
2. Kung may bullying na nangyari sa paaralan, may grupo ng mga tao na binuo sa
mga paaralan upang tugunan ito. Kilala sila sa tawag na:
a. Guidance Counsellor/Koordineytor
b. Kagawad ng Education Committee
c. Child Protection Committee
d. Prefect of Discipline
3. Ang tamang pamamahala sa pag-uugali ay:
a. pagpapatawad sa anak na nagkasala.
b. paggabay upang matutunan ng mga anak ang wastong pag-uugali.
c. pagbibigay ng karampatang pisikal na parusa.
d. pagpapabaya sa mga pangangailangan ng mga anak.
14
4. Ang mga sumusunod ay mga mungkahi upang mapigilan ang suliranin sa pag-
uugali sa mga kabataan MALIBAN sa isa.
a. Pagbibigay sa lahat ng kanilang gusto kahit labag sa alituntunin sa bahay.
b. Pagpakakaroon ng positibong relasyon sa mga anak habang maliliit pa.
c. Epektibo at positibong relasyon sa pagitan ng mga guro at pamilya
d. Pagkakaroon ng seguridad sa pamilya na may pagkalinga.
5. Ito ay kilala bilang isang agresibong interaksyon ng isang “makapangyarihan” na
kabataan laban sa isang “mahina” na nagdudulot ng kasamaan sa biktimang
mahina.
a. Bully b. Harassment c. Violence d. Bullying
6. Ang polisiya ng Kagawaran ng Edukasyon upang tugunan ang suliranin ng
bullying sa mga paaralan.
a. DepEd Order No. 40, s.2012 c. DepEd Order No. 31, s.2020
b. DepEd Order No. 54, s.2015 d. DepEd Order No. 12, s.2013
7. Ayon sa batas at sa polisiya ng Kagawaran ng Edukasyon, siya ang inaatasan na
mamuno sa komitiba na humawak sa mga kaso ng bullying at iba pang pang-aabuso
sa loob ng paaralan.
a. Guidance Counselor
b. School Principal
c. PTA President
d. Kagawad ng Barangay
8. Ang mga sumusunod ay mungkahing gawain para makatugon sa isyu ng bullying.
Alin ang HINDI?
a. Itago ang mga nangyayaring kaso ng kaharasan sa paaralan.
b. Magtaguyod ng positibong klima sa paaralan.
c. Pagkakaroon ng mga programang tumutugon sa pangangailangan ng mga
mag-aaral.
d. Palagiang ugnayan ng mga opisyal ng barangay at mga magulang at iba pang
stakeholders.
9. Alin ang HINDI kasama sa mga ituturong paraan sa mga kabataan upang
mabisang maresolba ang mga girian at konplekto?
a. Magsalita at pakinggan ang mga kabataan.
b. Pagsasadula ng mga sitwasyon na posibleng mangyayari sa pakikipagkapwa,
girian o konplekto.
c. Pagsigaw upang mapakinggan ang gustong ipaabot sa mga magulang o sa
kapwa kabataan.
d. Pagtuturo ng mga mabibisang pamamaraan sa pagresolba ng girian o
konplekto.
10. Ito ay tumutukoy sa tama, mabuti at angkop sa tao batay sa mga prinsipyong moral.
a. Karapatan b. Kapayapaan c. Katarungan d. Kasaganaan
11. Ang pangunahing konsiderasyon sa lahat ng mga aksyon at desisyon ay naka-
angkla sa mga karapatang-pambata kung kaya ay gamitin ito…
a. para sa kabutihan ng mga nakakatanda.
b. sa pagresolba sa girian at konplekto na may kinalaman sa kabataan.
c. upang maisakatuparan ang ninanais ng mga nakakatanda.
d. lalo na sa panahong may pang-aabusong nangyayari sa kabataan.
12. Ito ay batas sa Pilipinas na katumbas ng inilathala ng United Nations Convention
on the Rights of a Child na naglalayong protektahan ang mga karapatan ng mga
kabataan.
a. Republic Act 10627
b. Republic Act 10533
c. Presidential Decree 603
d. Presidential Decree 7610

15
13. Tumutukoy ito sa karapatan ng pagkakaroon ng pagkain, damit, tirahan, at iba pa.
a. Right to be born
b. Right to have a family
c. Right to basic needs
d. Right to health services
14. Tumutukoy sa karapatang magkaroon ng mga tagapangalaga kung ang kanilang
mga magulang ay wala.
a. Right to privacy
b. Right to live peacefully
c. Right for protection from abuse
d. Right to be cared for
15. Anong responsibilidad ang dapat maituro sa isang kabataan kung ang karapatan
niya ay tungkol sa wastong pamumuhay?
a. Payagan na mailabas ng ibang tao ang kanilang sariling saloobin at pananaw.
b. Igalang ang kaisipan at gustong paniniwalaan ng iba.
c. Kilalanin ang kaniyang pamumuhay at igalang ang pamumuhay ng iba.
d. Igalang ang pangalan at nasyonalidad ng iba

16
17
Gawain 4
Pababa Pahalang
1. UNRC 8. NGO
2. Bullying 9. Principal
3. Tolerance 10. Bully
4. Pisikal 11. LGU
5. Mental 12. Social
6. CPC 13. PTA
7. Berbal 14.Emosyonal
15. Cyber Tayahin
1. a Gawain 3
2. c Ang sagot ay depende
sa mga magulang
3. b
batay sa kanilang
4. a
mga obserbasyon sa
5. d pag-uugali ng
Gawain 2 (Kahit hindi 6. a kanilang mga anak at
magkasunod-sunod ang mga 7. b kung anong mga
sagot. Maaaring Filipino o 8. a paraan na ginamit
English) 9. c upang matugunan at
Right to be born well 10. a mapamahalaan ang
and must be cared and 11. b mga ito.
raised well 12. c
Right to have a family 13. c
Right to have a proper 14.d
care 15. c
Right to have basic Subuki
needs n
Right to have everything Pretest
for a better life
1. a
Right to be educated
2. c
Right to play and enjoy
3. b
Right to be protected 4. a
from abuse Gawain 1 5. d
Right to live life Ang sagot ng mga 6. a
peacefully tanong ay depende 7. b
Right to be cared by sa sagot ng mga 8. a
others whenever parents magulang batay sa
are unavailable 9. c
kanilang mga 10. a
Right to be living in a indibidwal na
good government to helps 11. b
karasanan, sino ang
their faith grow 12. c
maygawa, anu-ano
Right to grow up 13. c
ang nararamdaman
peacefully and get they 14. d
nila at kung paano
want for better life nila tio tinugunan at 15. c
painamamahalaan.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

8 Tips for helping your child resolve conflict and be a good friend. childhood 101:
playing, learning, growing. https://childhood101.com/8-tips-for-helping-your-
child-resolve-conflict-and-be-a-good-friend/
Balmeo, M., Saleoan, L.J., Sano, L.A., Tangangco, C., Tinda, A.Z., Toryden, R.D., and
Zapanta, C.G. (2014). Manifested bullying behavior of secondary students in
selected public schools in Baguio City, Philippines. 3rd Global Summit on
Education GSE 2015 (E-ISBN 978-967-11768-x-x) 9-10 March 2014, March 9 &
10, 2015. Melia Kuala Lumpur, Malaysia. Organized by
http://worldconferences.net/
Behaviour management for your child: an introduction. https://raisingchildren.net.au
Behaviour management and young children: ages 2-5 years.
https://www.education.vic.gov.au/parents/behaviour/Pages/discipline-young-
children.aspx#:~:text=Behaviour%20management%20is%20about%20guiding,to
%20guide%20your%20child's%20behaviour
Building a culture of peace. U.N. International Day of Peace.
https://internationaldayofpeace.org/culture-of-
peace/#:~:text=As%20defined%20by%20the%20United,founding%20over%2060
%20years%20ago%2C
Chicago parents identify the top 10 social issues affecting youth in the city. Ann &
Robert Children’s Hospital of Chicago. https://www.luriechildrens.org/en/voices-
of-child-health-in-chicago/Top10SocialIssues/
Cool Kid. (2013). Rights of a child (Philippines).
https://www.slideshare.net/jericzabs/rights-of-a-child-philippines
Definition of Peace. https://www.merriam-webster.com/dictionary/peace
Different between virtue and vice. https://www.differencebetween.com/difference-
between-virtue-and-vs
vice/#:~:text=Virtue%20vs%20Vice&text=Both%20terms%2C%20virtue%20and%
20vice,or%20evil%20side%20of%20people
Fox, B.H., Farrington, D.P., and Ttofi, M.M. (2012). Successful bullying prevention
programs: influence of research design, implementation features, and programs
components. International Journal of Conflict and Violence, Vol 6(2), 2012, pp273-
283.
How to shape and manage your young child’s behavior. American Academy of
Pediatrics. https://healthychildren.org.
Managing problem behavior at home: a guide to more confident, consistent and effective
parenting. Child Mind Institute https://childmind.org/article/managing-
problem-behavior-at-home/
Powell, D., Dunlap, G. & Fox, L. (2006) Prevention and Intervention for the Challenging
Behaviors of Toodlers and Preschoolers . Infants & Young Children, Vol 19, No.1,
pp. 25-25. Lippincott Williams & Wilkins, Inc.
Rights.https://www.google.com/search?ei=0XJ9X9nmDIq2mAXa2rTYBg&q=rights+m
eaning&oq=rights+meaning&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQARgAMg8IABCxAxCDARBDE
EYQ-
QEyBggAEAcQHjIGCAAQBxAeMgYIABAHEB4yBggAEAcQHjIGCAAQBxAeMgYIAB
AHEB4yBggAEAcQHjIGCAAQBxAeMgYIABAHEB5Q68sbWOvLG2Cv3RtoAHABeA
CAAfUDiAH1A5IBAzUtMZgBAKABAaoBB2d3cy13aXrAAQE&sclient=psy-ab
Stephens, K. (no date). Teaching children to resolve conflict respectfully. Parenting
Exchange. https://www.easternflorida.edu/community-resources/child-
development-centers/parent-resource-library/documents/teaching-kids-to-
resolve-conflicts-respectfully.pdf
Stopbullying.gov (2014). Federal laws. U.S. Department of Health & Human Services.
Washington, D.C. http://stopbullying.gov/laws/federal/index.html

The rights and responsibilities of children. Save the Children.


https://resourcecentre.savethechildren.net/node/8293/pdf/rights-and-
responsibilities.pdf
18
Warning signs for bullying. https://www.stopbullying.gov/bullying/warning-signs
What are human rights? https://www.equalityhumanrights.com/en/human-
rights/what-are-human-
rights#:~:text=Human%20rights%20are%20the%20basic,world%2C%20from%20
birth%20until%20death.&text=These%20basic%20rights%20are%20based,define
d%20and%20protected%20by%20law.
What are the salient points of the IRR of RA 10627. https://asksonnie.info/irr-ra-
10627/

19
PAHATID LIHAM
Ang modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong
SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang
pangangailangan ng mga magulang bilang kabahagi ng paaralan sa pagkatoto ng
kanilang mga anak. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin sa pagpapaunlad ng
kakayahan ng mga magulang bilang tagapagdaloy ng proseso ng pagkatoo. Ito ay
Bersyong 1.0. Hinihimok namin ang mga magulang o sinumang gumamit ng modyul
na ito na magbigay ng kanilang puna, komento at rekomendasyon upang mapaunlad
ang modyul na ito. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – SOCCSKSARGEN Rehiyon XII


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill,
City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph

20

You might also like