You are on page 1of 15

STRENGTHENING PARENTAL

ENGAGEMENT IN EDUCATION (SPEEd)


PROGRAM
Modyul 2
Aralin 2
Pag-uugnay ng Positibong Disiplina
sa Akademikong
Performans

1
Strengthening Parental Engagement
in Education (SPEED) Program
Self-Learning Module (SLM)
Modyul 2:
Aralin 2: Pag-uugnay ng Positibong Disiplina sa Akademikong
Performans

Unang Edisyon, 2022

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon ng SOCCSKSARGEN

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon ng SOCCSKSARGEN


Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marissa T. Bernaldez EdD, Norma E. Pascua Editor:


Leonardo B. Mission, Phd, Cynthia G. Diaz, Phd Tagasuri: Hazel
G. Aparece, EdD
Tagaguhit: Albert Randy I. Almodiel II
Tagapamahala: Carlito D. Rocafort, Director IV
Rebonfamil R. Baguio, Director III
Gilbert B. Barrera, Chief- CLMD
Arturo D. Tingson Jr., REPS-LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – SOCCSKSARGEN


Rehiyon XII
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph

2
I. Paunang Salita

Malugod na pagtanggap sa Modyul 2: Aralin 2: Pag-uugnay ng Positibong


Disiplina sa Akademikong Performans

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ang mga magulang bilang
kaakibat ng mga guro sa pagtuturo ng kanilang mga anak sa kanilang tahanan.

Bilang karagdagang impormasyon, basahin ang mga paalaala sa ibaba:

Paalaala sa mga Magulang

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kaligtaang gawin ang lahat na mga bahagi na nakapaloob sa modyul
na ito.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4.
Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6.
Pakibalik ang modyul na ito sa guro o tagapayo ng inyong anak kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
3
Aralin 2: Pag-uugnay ng Positibong Disiplina sa Akademikong Performans

Alamin

Kumusta na mahal naming mga magulang? Kami ay nagagalak sa inyong


patuloy na paggabay sa inyong mga anak sa kanilang pag-aaral lalung-lalo na
ngayong panahon ng “New Normal.”

Ang modyul na ito ay naglalayon na iyong matutunan ang mga bagay-bagay


patungkol sa pagtugon at pamamahala sa mga problemang may kinalaman sa pag
uugali ng inyong mga anak. Hindi lingid sa ating kaalaman na ang mga kabataan
ay nahaharap sa maraming mga pagbabago sa kanilang katawan, pag-iisip,
kapaligiran, impluwensiya ng mga kabarda o kaibigan, at iba pa. Ang mga
pagbabagong ito ay nagdudulot din ng kalituhan o di kaya ay pagbabago sa
kanilang mga pag-uugali – negatibo man o positibo. Sa puntong ito, mahalaga na
matulungan ang mga kabataan na mapamahalaan nila nang maayos ang kanilang
mga pag uugali sa tulong at gabay mo bilang isang magulang.

Sa modyul na ito, inaasahang maipamalas mo ang mga sumusunod na


kompetensi:

1. Nabibigyan ng kahulugan ang salitang disiplina


2. Naipapaliwanag ng magulang ang kaibahan ng disiplina sa parusa 3.
Napapahalagahan ng magulang ang positibong paraan ng pagdisiplina sa
bata upang matuto;
4. Naipapaliwanag ng magulang sa bata na ang layunin ng pagdidisiplina ay
iwasto sa kamaliang nagawa;
5. Nabibigyang-halaga ng magulang ang kaugnayan ng Positibong Disiplina sa
Akademikong Perofmans ng kanilang anak

Subukin

Bago tayo magpatuloy, subukin muna natin ang ating mga dating kaalaman
tungkol sa leksyong nakapaloob sa aralin na ito. Handa na ba kayo? Simulan na
natin!

Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang ang tamang sagot at isulat
ito sa iyong “Study Notebook”.
1. Ito ay may layunin na magturo, magsilbing gabay, at makatulong sa
pagkatuto ng mga anak.
A. Pagdisiplina C. Pagturo
B.Pagparusa D. Pagmalasakit
2. Layunin nito na makapagbigay ng masakit na paalaala para hindi na maulit
ang pagkakamali.
A. Pagdisiplina C. Pagturo
B.Pagparusa D. Pagmalasakit

4
3. Ang pananakit ay maaring pisikal o __________.
A. Spiritwal C.Emosyonal
B. Paglambing D. lahat na nabanggit
4. Ito ay mga iba’t ibang paraan ng pagpaparusa kung saan ginagamit ang
pisikal na pananakit para makapagdulot ng sakit o anumang hindi kanais
nais na pakiramdam.
A. Corporal Punishment C. Punire
B. Intimidation D. Discere
5. Ito ay mga Legal na Basehan para sa pagbabawal ng Corporal Punishment. A.
DepEd Order No. 55 s, 2013 known as RA 10627 or Anti-Bullying Act of
2013
B. DepEd Order No. 40 s. 2012 known as Policy and Guidelines on
Protecting Children in school from Abuse, Violence, Exploitations,
Discrimination, Bullying and Other Forms of abuse.
C. Deped Order No. 18, s 2015 Known as Guidelines and Procedures on
the Management of Children-At-Risk and Children in Conflict with the Law.
D. Lahat ng nabanggit
6 . Alin sa mga sumusunod ang batas na nagbabawal sa gawaing “bullying” ?
A. RA 10627 C. RA 9262
B. RA 9165 D. RA 9155
7. Ang mga sumusunod tulad ng Pananakot, Pagpapahiya, Cursing, Pang-
iinsulto at pagsasabi ng masasakit na salita, at paggawa ng dahilan para
maging katawa tawa ang bata ay anong klaseng pananakit?
A. Pisikal na pananakit C.Pisikal at emosyonal na pananakit B.
Emosyonal na pananakit D. Wala sa nabanggit 8. Alin sa mga sumusunod ang
hindi maituturing na pisiskal na pananakit? A. Pagpapahawak ng mabibigat
na bagay
B. Pagluhod sa matitigas na bagay
C. Pagbilad sa init ng araw
D. Pang -iinsulto
9. Ang pagkakaroon ng positibong pagdidisiplina ay nakakatulong para sa
sa pag-unlad ng akademikong performans ng isang estudyante. A. Tama C.
Hindi
B. Medyo D. Mali
10. Ito ay pinakakilala at kadalasang nagaganap pero ito rin ang may
pinakakunting naitala at kadalasang hindi kinilala bilang isang paraan ng
PANG –AABUSO at PANANAKIT”
A. Corporal punishment C.Punire
B. Pamamalo D.Discere

5
Tuklasin
Sa bahaging ito ng modyul ay pag-aralan natin ang mga konsepto na may
kaugnayan sa paksang tatalakayin.
Kaibahan ng Disiplina sa Parusa
PAGDIDISIPLINA PAGPAPARUSA

Discere- para matuto) (to learn) Punire-pagbibigay ng parusa o


Discipere –para makaintindi pananakit para mapanagutan
(to comprehend) ang pagkakamali
Discipere – para magturo (to teach)

Kahulugan ng Disiplina

⮚ Pagdisiplina – ang layunin ay ang magturo, magsilbing gabay, at makatulong sa


pagkatuto
⮚ Pagdisiplina- ay bahagi ng pagpapalaki/pag aalaga ng bata at hindi lamang
ginagawa sa oras na may pagkakamaling nagawa

Kahulugan ng Parusa

⮚ Kabayaran sa nagawang pagkakamali/kasalanan


⮚ “pagwawasto ng kamalian sa pamamagitan ng pananakit
⮚ Layunin nito na pakapagbigay ng masakit na paalaala para hindi na maulit ang
pagkakamali.

Ano “Corporal Punishment”

⮚ Ito ay mga iba’t ibang paraan ng pagpaparusa kung saan ginagamit ang pisikal
na pananakit para makapagdulot ng sakit o anumang hindi kanais-nais na
pakiramdam.
⮚ Kasali dito ang paggamit ng lakas, kapangyarihan o intimidation para
makapagdulot ng sakit o anumang di magandang pakiramdam sa bata sa
paniniwalang ito ay magbibigay ng aral o disiplina.
⮚ Ito ay kadalasang ginagawa ng mga mas nakatatanda na may taglay na
kapangyarihan o katungkulang mag alaga ng isang bata.
⮚ Ang pananakit ay maaring pisikal o emosyonal

6
Anyo ng “Corporal Punishment”
Pamamalo
➢ Paninipa, pagtatapon ng mga bagay sa bata , pagkalmot, pagkurot,
pamamaso,pagkakalbo, pagpipilit sa paglulon nga ibat ibang substances
Pisikal na Pananakit
➢ Paggamit ng kapangyarihan para takutin ang bata at piliting gawin ang
pisikal na gawaing maaring makasakit o makapinsala sa kanya . Hal.
squatting, pagbilad sa ilalim ng init ng araw

Emosyonal na pananakit
➢ Pananakot, pagpapahiya, pang-iinsulto at pagsasabi ng masasakit na salita

Mga Legal na Basehan para sa Pagbabawal ng Corporal Punishment

⮚ DepEd Order No. 40 s. 2012 known as Policy and Guidelines on Protecting


Children in school from Abuse, Violence, Exploitations, Discrimination, Bullying
and Other Forms of abuse.
⮚ DepEd Order No. 55 s, 2013 known as RA 10627 or Anti-Bullying Act of 2013 ⮚
Deped Order No. 18, s 2015 Known as Guidelines and Procedures on the
Management of Children-At-Risk and Children in Conflict with the Law

Ano ang Positibong Disiplina?

⮚ Ito ay isang pamamaraan ng pagtuturo na nakatutulong sa mga bata na maging


responsable, magalang at maparaang kasapi ng komunidad.
⮚ Isang paraang gumagalang sa karapatan ng mga kabataan para sa kanilang pag
unlad, proteksyon sa karahasan, at aktibong pakikilahok sa kanilang pag-aaral. ⮚
DISIPLINA = PAGTUTURO
⮚ nakatutulong sa mga kabataan na magkaroon ng mahusay at tamang pag-iisip
at paghubog ng mabuting pag-uugali at tiwala sa sarili
⮚ Nagsisilbing gabay sa mga kabataan para mas maintindihan at mahalin nila ang
knailang mga sarili at ibang tao.
⮚ Positibong Disiplina ay HINDI nangangahulugang :
• pagiging mapagbigay sa kamalian
• hindi pagtakda ng alituntunin o patakaran sa pamamahay
• madaliang pagdisiplina o pagahahanap ng ibang paraan ng pagpaparusa

Prinsipyo sa Positibong Pagdidisiplina

• Paglutas sa problema
• Positibo at maayos relasyon (warmth)
• Pag-unawa sa pag-iisip at nararamdan ng mga kabataan
• Suporta ng kapaligiran sa pagkatoto ng bata
• Pangmatagalang layunin

7
Kaugnayan ng Positibong Disiplina at Karapatang Pambata
⮚ Paggalang sa dangal ng pagkatao at pisikal na aspeto ng kabataan. ⮚ Pagkilala
sa kakayahan ng mga bata at sa kanilang karapatang makilahok ⮚ Pagsisiguro na
nabibigyang halaga ang kanilng interes sa lahat ng pagkakataon

⮚ Ang “Akademikong Performans” ay sumusukat sa kakayahan at abilidad ng


bawat mag-aaral sa loob ng silid-aralan (Flores, C.J.,et al.2016).

⮚ Ayon sa pag-aaral na ginawa ni Susan N. Mbaluka noong 2017 na may pamagat


na “The Impact of Students Self-Discipline and Parental Involvement in
students’ Academic Activities on Student Academic Performance,” lumabas na
para mapabuti ang Pangkalahatang Marka (GPA) ng mag-aaral, kinakailangan
ang
pakikilahok ng mga magulang sap ag -aaral ng mga anak nila. Isa na rito ang
pakikipag-usap sa paaralan at “parenting”.

⮚ Lumabas din sa pananaliksik na ginawa ni Leander, J. V., et al., (August,2020),


na may pamagat na “Parental Involvement and Academic Performance of Grade
7 Students”, na ang pakikilahok ng magulang sa ay mahalaga para sa maayos
na akademikong performans, lalung lalao na sa mga kabataang may mababang
marka. Kaasali sa pakikilahok ng magulangnang paggamit ng tamang paraan
ng pagdidisiplina sa kanilng mg anak.

⮚ Sa isinagawang pananaliksik ang “The State Of Research on the Effects of


Physical Punishment” ni Straus,2001 at nabanggit din ni Smith,A.B,2006,
natuklasan nila ang mga sumusunod:

a. Ang talino at kognitibong kakayahan ng isang bata ay labis na


naapektuhan ng pisikal na pananakit ng magulang;
b. Ang pakikipag-usap bilang paraan ng pagdidisplina sa pamamagitan
ng pagpapaliwanag at pagbibigay ng mga dahilan ya nakitang mas
epektibo para mas sumigla at umunla ang kanilang pag iisip;
-

c. Ang batang dumanas ng pisikal at emosyonal na pananakit ay hindi


sanay makihalobilo at mahiyain dahil hindi siya natutong tuklasin
ang kanyang mga kakayahan. Ang resulta ay maging mababa ang
antas ng kanyang talino at kognitibong kakayahan.

8
Isagawa
Sa bahaging ito ng pag-aaral mo, ay palawakin natin ang iyong karanasan ukol sa mga
kaalamang natutuan sa paksa. Isagawa ang gawain 1, 2.

Gawain 1: Usapang Puso sa Puso

1. Magbigay ng magandang epekto ng positobong pagdidisiplina bilang magulang at


magiging epekto nito sa anak.

Magadang Epekto sa Magulang Positibong Epekto sa Anak

2. Ano ang kahalagahan ng Positive Discipline para sa iyo bilang magulang at para sa
anak mo?

Pagpapahalaga ng Magulang Pagpapahalaga ng Anak 9

Gawain 2 : Fan-Fact Analyzer

Suplayan ng mga positibong pamamaraan sa pagdisiplina sa bata upang matuto


gamit ang FanFact analyzer.

Positibong pamamaraan ng
padidisiplina sa bata upang
matuto

Layunin ng magulang sa
pagdidisiplina sa kamaliang
ginawa ng mga anak

10
Tayahin
Ang mga katanungan sa ibaba ay may kaugnayan sa mga konseptong napag
aralan sa paksang ating tinalakay.

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang
titik o letra T kung ang pahayg ay tama at M naman kung mali. Isulat
ang napiling sagot sa iyong “Study Notebook”.

_____1. Corporal punishment ay kadalasang ginagawa ng mga mas nakatatanda na


may taglay na kapangyarihan o katungkulang mag-alaga ng isang bata. _____2.
Tungkulin ng magulang ang bigyan ng maayos at payapang buhay ang mga anak.
_____3. Ang positibong pagdidisiplina ay isang pamamaraan ng pagtuturo na
nakatutulong sa mga bata na maging responsable, magalang at maparaang
kasapi ng komunidad.
_____4. Ang mga magulang ay walang pakialam sa gawain ng anak. _____5. Ang
paghawak ng mabibigat na bagay ng matagal, pagluhod sa matitigas na bagay
gaya ng maliliit na bato, squatting, pagbilad sa ilalim ng init ng araw ay isang
anyo ng corporal punishment.
_____6. Isa sa mga Legal na Basehan para sa Pagbabawal ng Corporal Punishment
ay nakasaad sa DepEd Order No. 40 s. 2012 known as Policy and Guidelines on
Protecting Children in school from Abuse, Violence, Exploitations, Discrimination,
Bullying and Other Forms of abuse.
____7. Ang Corporal Punishment ay pinakakilala at kadalasang nagaganap pero
ito rin ang may pinakakunting naitala at kadalasang hindi kinilala bilang isang
paraan ng PANG –AABUSO at PANANAKIT”.
____8. Ang pagdisiplina ay bahagi ng pagpapalaki/pag aalaga ng bata at hindi
lamang ginagawa sa oras na may pagkakamaling nagawa. ____9. Ang
pagkakaroon ng positibong pagdidisiplina ay nakakatulong para sa sa pag-
unlad ng akademikong performans ng isang estudyante. ____10. Nakasaad sa
karapatang pambata ang maisilang at magkaroon ng pangalan at nasyonalidad.

11
Susi sa Pagwawasto c 3.
a 2.
c 1.
(Pretest)
Subukin

10. a
10.T
a 9.
9. T
b 8.
8. T
d 7.
7. T
a 6.
6. T
5. a
5. T
b 4.
M 4. T 1.
T 3. (Tama/Mali) Tayahin
T 2.

12
Sanggunian

A. Book

Positive Discipline in Everyday Teaching –PDET Primer

B. Online Sources
Balmeo, M., Saleoan, L.J., Sano, L.A., Tangangco, C., Tinda, A.Z., Toryden,
R.D., and Zapanta, C.G. (2014). Manifested Bullying Behavior of
Secondary Students in Selected Public Schools in Baguio City, Philippines.
3rd Global Summit on Education GSE 2015 (E-ISBN 978-967-11768-x-x)
9-10 March 2014, March 9 & 10, 2015. Melia Kuala Lumpur, Malaysia.
Organized by http://worldconferences.net/
Cool Kid. (2013). Rights of a child (Philippines). Retrieved on October 7, 2020
from https://www.slideshare.net/jericzabs/rights-of-a-child-philippines
Flores, C.J.,et al, “Akademik Performans ng mga Piling Mag - Aaral ng Special
Program in Sports sa Pambansang Mataas na Paaralan ng La Union Taong
Panuruan 2014 – 2015,” 2016.
Fox, B.H., Farrington, D.P., and Ttofi, M.M. (2012). Successful bullying
prevention programs: influence of research design, implementation
features, and programs components. International Journal of Conflict
and Violence, Vol 6(2), 2012, pp273-283. Retrieved on October 7, 2020
https://www.ijcv.org/index.php/ijcv/article/view/2918
Leander,Julieth V. and Fabella ,Frederick E. “Parental Involvement and
Academic Performances of Grade 7 Students” : Mary the Queen
College,Quezon City, 2020.

Mbaluka,Susan N. ,The Impact Of Student Self-Discipline And Parental


Involvement in Students' Academic Activities on Student Academic
Performance:AndrewsUniversity,2017.https://digitalcommons.andrews.e
du/cgi/viewcontent.cgi?article=2924&context=dissertations
Powell, D., Dunlap, G. & Fox, L. (2006) Prevention and Intervention for the
Challenging Behaviors of Toodlers and Preschoolers. Infants & Young
Children, Vol 19, No.1, pp. 25-25. Lippincott Williams & Wilkins, Inc.,
https://depts.washington.edu/isei/iyc/powell_19.1_05.pdf
Smith,A.B. “The Sate Research on the Effects of Physical Punishment.”
University of Otago, 2006. https://www.msd.govt.nz/about-msd-and our-
work/publications-resources/journals-and-magazines/social-policy
journal/spj27/the-state-of-research-on-effects-of-physical-punishment
27-pages114-127.htm
Stephens, K. (no date). Teaching children to resolve conflict respectfully.
Parenting Exchange. Retrieved on October 7, 2020 from
https://www.easternflorida.edu/community-resources/child
development-centers/parent-resource-library/documents/teaching
kids-to-resolve-conflicts-respectfully.pdf
8 Tips for helping your child resolve conflict and be a good friend. childhood
101: playing, learning, growing. Retrieved on October 7, 2020 from
https://childhood101.com/8-tips-for-helping-your-child-resolve conflict-
and-be-a-good-friend/

13
Behaviour management for your child: an introduction. Retrieved on
September 29, 2020 from raisingchildren.net.au.
Behaviour management and young children: ages 2-5 years. Retrieved on
October5,2020fromhttps://www.education.vic.gov.au/parents/behaviou
r/Pages/disciplineyoungchildren.aspx#:~:text=Behaviour%20manageme
nt%20is%20about%20guiding,to%20guide%20your%20child's%20behav
iour.
Building a culture of peace. U.N. International Day of Peace. Retrieved on
October 5, 2020 from https://internationaldayofpeace.org/culture-of
peace/#:~:text=As%20defined%20by%20the%20United,founding%20ove
r%2060%20years%20ago%2C
Behaviour management for your child: an introduction. Retrieved on
September 29, 2020 from raisingchildren.net.au.
Catholic Relief Services- Positive Parenting,
https://www.slideshare.net/sweetmae3779/positive-discipline-in
everyday-teaching-by-chermae2016
Chicago parents identify the top 10 social issues affecting youth in the city.
Ann & Robert Children’s Hospital of Chicago. Retrieved on October 5,
2020 from https://www.luriechildrens.org/en/voices-of-child-health-in
chicago/Top10SocialIssues/
Definition of Peace. Retrieved on October 5, 2020 from https://www.merriam
webster.com/dictionary/peace
Discipline NOT Punishment: An Introduction to Corporal Punishment and
Positive Disciplinehttps://www.slideshare.net/srjojofma/positive
discipline
How to shape and manage your young child’s behavior. American Academy of
Pediatrics. Retrieved on September 30, 2020 from healthychildren.org.
Managing problem behavior at home: a guide to more confident, consistent and
effective parenting. Child Mind Institute. Retrieved on September 30, 2020
from https://childmind.org/article/managing-problem-behavior-at home/
Stopbullying.gov (2014). Federal laws. U.S. Department of Health & Human
Services. Washington, D.C. Retrieved on October 7, 2020 from
http://stopbullying.gov/laws/federal/index.html
The rights and responsibilities of children. Save the Children. Retrieved on
October 7, 2020 from
https:// Positive Discipline-Child Rights Network.
resourcecentre.savethechildren.net/node/ -and
8293/pdf responsibilities.pdf

What are the salient points of the IRR of RA 10627. Retrieved on October 7,
2020 from https://asksonnie.info/irr-ra- /rights
10627/

14
PAHATID LIHAM

Ang modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong


SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang
pangangailangan ng mga magulang bilang kabahagi ng paaralan sa pagkatoto ng
kanilang mga anak. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin sa pagpapaunlad
ng kakayahan ng mga magulang bilang tagapagdaloy ng proseso ng pagkatoo. Ito ay
Bersyong 1.0. Hinihimok namin ang mga magulang o sinumang gumamit ng
modyul na ito na magbigay ng kanilang puna, komento at rekomendasyon upang
mapaunlad ang modyul na ito. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o
tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – SOCCSKSARGEN Rehiyon XII


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill,
City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
15

You might also like