You are on page 1of 22

4

Health
Quarter 2- Module 7:
Mga Nakakahawang Sakit

i
MAPEH (HEALTH) Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 7: Mga Nakakahawang Sakit
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Dibisyon ng Lapu-Lapu City

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat : Nectarinia B. Castillo
Editor : Dr. Jonathan D. Kilantang
Tagasuri : Imelda G. Naveo , Dr. Jonathan D. Kilantang
Tagaguhit : Celestino A. Aparace
Tagalapat : Dr. Jonathan D. Kilantang
Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Dr. Wilfreda D. Bongalos ,CESO V

Assistant Schools Division Superintendent : Dr. Marcelita S. Dignos , CESO VI

Curriculum Implementation Division Chief : Dr. Oliver M.Tuburan

Education Program Supervisor - MAPEH : Imelda G. Naveo

Education Program Supervisor - LRMDS : Teresita A. Bandolon

ADM Coordinator
Printed : Marigold
in the Philippines by Department of Education, J. Cardente
Region VII, Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Telephone Nos.: (032) 340-7887
e-mail address: oliver.tuburan@deped.gov.ph

ii
4
HEALTH
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Pamagat

Mga Nakakahawang Sakit

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga pampubliko
paaralan. Hinikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng
kanilang puna at mungkahi sa Kagawran ng Edukasyon sa deped.lapulapu@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

iii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Health 4) ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Mga Nakakahawang Sakit !
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambulikong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K
to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay


at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito
sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Mga Tala para sa Mag-aaral

Malugod na pagtanggap sa (MAPEH-HEALTH4) ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa (Mga Nakakahawang Sakit) !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

1
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
Alamin
dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Subukin
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay upang
Pagyamanin
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto
ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


Isagawa sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

2
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim
sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

3
Alamin

Isang maligayang pagtuntong sa Ikaapat na Baitang!


Noong nasa Ikatlong Baitang ka, napag-aralan mo ang mga iba’t ibang uri
ng sakit.
Ngayon, mas mapalalawak pa ang iyong kaalaman ukol sa mga
Nakakahawang Sakit
Sa modyul na ito ay malalaman mo ang mga nakakahawang sakit,
paano ito naisasalin sa ibang tao maging ang katangian ng mga sakit at
kung paano ito maiiwasan at mga paraan ng pagsugpo nito at
pagpapahalaga sa ating kalusugan.

Upang maging makabuluhan ang pagkatuto ng mga kompentesiya


nakalatag sa modyul na ito ay ginawang kaaya-ayang mga gawain na
edenisenyo upang madali lamang maintindihan ng mga mag-aaral at
mapadali ang pagturo nito ng guro.

Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!

Nakapaloob sa modyul na ito ang araling:


1.Nailalarawan ang mga nakakahawang sakit
2.Naiisa-isa ang mga nakakahawang sakit
3.Naipapakita ang mga paraan kung paano mapananatiling malusog
ang katawan at pagsugpo sa karaniwang nakahahawang sakit

4
Subukin

Isulat ang Tama kung ito ay nagpapakita ng magandang gawain sa


kalusugan at Mali kung hindi.

______1.Araw-araw na paliligo
______2.Kawalan ng pag ehersisyo
______3.Pagbisita sa doctor kapag may sakit
______4.Pagkain ng balanse at masustansiya
______5.Pagtulog ng “late” sa gabi

Pag-aalis ng balakid:
Bakterya (bacteria)-maliliit na organism na nakikita lamang sa
mikroskopyo
Fungi-matatgpuan sa iba’t ibang bahagi ng katawan mula ulo hanggang
paa na mukhang halaman
Virus-pinakamaliit na uri ng microorganism na makikita lamang sa
pmamagitan ng mikroskopyo

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang seksyong ito. Maari mo na


ngayong simulan and susunod na bahagi ?

5
Aralin
Mga Nakakahawang Sakit
1

Balikan

Bilugan ang mga uri ng sakit na iyong naranasan na.

Ubo Sipon Trangkaso


Alipunga Sore eyes Bulutong-Tubig (chicken pox)

1. Ano-ano ang iyong mga naramdaman noong ikaw ay nagkasakit nito

2. Ano- ano ang mga kailangan gawin upang makaiwas sa sakit?

6
Tuklasin

1.Sa iyong palagay ano kaya ang nangyayari sa bata?


2. Saan niya nakukuha ang sakit na ito? Paano ito naipasa sa
kanya?
3. Ano ang sakit?
4. Ano ang sanhi ng sakit?

Pag-aralan ang mensahe ng tula

7
Kalusugan ay Kayamanan

Mahalagang alagaan
Ang iyong kalusugan
Upang ang karamdaman
Ay iyong maiwasan
Sa iyong pagbahing
O kaya’y paghatsing
Bahagya kang humilig
Takpan ang iyong bibig.

Paghuhugas ng kamay
Ugaliin momh tunay
Upang anomang mikrobyo,
Di dadapo’t lalayo sa ‘yo.
Kahit anong sakit
Ay hindi kakapit
Kapag nagging maingat
Kalusuga’y maiaangat

Isulat sa iyong sagutang papel ang iyong mga sagot.


Mag Tanong:
1.Ayon sa tula, ano ang dapat isagawa kung ikaw a babahing o
maghahatsing?
2.Bakit dapat ugaliin ang paghuhugas ng kamay?
3.Ano ang kahalagahan ng paghuhugas ng mga kamay?

8
Suriin

Ang sakit ay hindi ay hindi normal na kalagayan ng kalusugan ng


isang tao.Ito ay maaaring sanhi ng hindi maayos na kondisyon ng
bahagi ng katawan. Maaari din itong sanhi ng mga mikrobyong
nagdudulot ng sakit.
May dalawang uri ang sakit: ang nakahahawang sakit at di-
nakahahawang sakit. Ang hindi nakahahawang sakit ay hindi naiisalin
mula sa isang tao papunta sa ibang tao. Ito ay maaaring nakuha mula
sa nakagawian at maling paraan ng pamumuhay (lifestyle). Sa
kabilang dako, ang nakahahawang sakit ay naipapasa ng isang tao,
hayop o bagay sa ibang tao kung kaya’t kilala rin ito bilang
(communicable Disease) .Ang sanhi ng sakit na ito ay dulot ng
mikrobyo na maaring dumapo kanino man at pwedeng maipasa sa
mga bata o matanda dala ng kapuwa tao, hayop, pagkain, at
kapaligiran-lupa,tubig,hangin.

Ilan sa mga nakahahawang sakit ng mga tao ay nakukuha sa


kapaligiran at maaari itong dumapo sa iba.

Mga Nakahahawang sakit na dala ng Virus

Sakit Pagsalin ng Sakit Mga Pag-iwas at


Palatandaa Pagsugpo
n (Signs)/
Sintomas
(Symptoms)
Sipon -Pumapasok ang -Baradong -Uminom ng 8-
(Common virus sa ilong sa ilong 12 baso ng
Colds) pamamagitan ng -Hirap na tubig
(Virus) paglanghap, pag- paghinga -iiwas ang bata
ubo, sa usok (mula

9
pagbahing,direktang -Pangangati sa sigarilyo,
kontak sa mga at sasakyan)
gamit na pamamaga
kontaminado ng ng
virus ng sipon. lalamunan
-Hirap
lumunok ng
pagkain
-sinat at
lagnat
Ubo -Sanhi ng bacteria -Ubong -Dagdagan ng
(Cough) -Impeksiyon ito ng mahigit na gatas o
(pneumonia) tubong dinadaanan tila kahol- maligamgam na
ng hangin sa aso tubig para ma
paghinga(respirator -Lagnat relax ang vocal
y tract) cords at
lumuwag ang
plema
Trangkaso -Impeksiyon ng -May -Umiwas sa
(influenza) sistemang paghinga matataas na mga taong may
(respiratory system) lagnat trangkaso
na sanhi ng -Giniginaw -Uminom ng
Hemophilus maraming tubig
influenza virus -Sakit ng
ulo,
-Nasasagap ang kalamnan,
virus mula sa at mga
droplets na kasu-
lumalabas sa bibig kasuan
o ilong ng isang
taong may -Masakit na
trangkaso lalamunan
(sore throat)
-Baradong
ilong o

10
tumutulong
sipon
Tuberkulosis -isang impeksiyon - Madaling -Pagkakaroon
(TB) na sanhi ng mapagod ng tamang
mikrobyong -Walang nutrisyon at
Mycobacteruim ganang ehersisyo
tuberculosis kumain-Magtakip ng
-Paglanghap ng -Pagbaba bibig at ilong
droplets mula sa ng timbang kung may
isang taong may TB kausap na
kung siya ay -Pag-ubo na taong inuubo
nagsasalita, may
kasamang -Ihiwalay ang
umuubo, o kagamitan ng
bumabahing plema at
dugo taong may TB

-Nilalagnat
at giniginaw
sa hapon
Pulmonya -Sakit na -Hirap sa Pagpapabakun
(Pneumonia nakaaapekto sa paghinga a
) baga -Kulang ang -Wastong
-virus,bacteria,o oksiheno nutrisyon
fungi (0xygen) sa -Kalinisan sa
katawan sarili at
kapaligiran
Sakit sa -Isang matinding Paninilaw -Tiyaking
atay impeksiyon sa atay ng balat at malinis ang
(Hepatitis A) sanhi ng virus puti ng mata kinakain
maaaring makuha - -Sanaying
sa maruming Pananamlay maghugas ng
pagkain o inuming
tubig -kulay putik kamay bago
na dumi kumain o
humawak ng
-Nagsusuka pagkain at
-Nilalagnat matapos

11
-Giniginaw gumamit ng
banyo
-Pagsakit ng
ulo -Kumonsulta sa
doctor sa
-Pagsakit ng sandaling
tiyan maghinalang
may Hepatitis A
-Sapat na
paghinga
-Tamang
nutrisyon
-Magpabakuna
Dengue -Impeksiyon dahil -May -Malinis ng
Fever sa kagat ng lamok lumilitaw na bahay at paligid
na may dalang skin rash araw-araw
dengue virus
-Sanhi ng mga - -Maging malinis
Sakit sa bacteria,fungi
balat Pamamanta sa lahat ng oras
(Dermatitis) lo
pamamaga
ng balat
-Namumula
-Nangangati

12
Pagyamanin
Kaya mo ba?

A.Ibigay ang uri ng sakit ayon sa katangian at ang paran sa pag-iwas nito
Nakakahawang Sakit Katangian/Sintomas Pag-iwas
1. pangangati palaging malinis
2. pagbaba ng timbang ihiwalay ang gamit
3. baradong ilong umiwas sa usok
4. ubong mahigpit maligamgam na tubig
5. Kulay putik na dumi malinis ang kinakain

B.Ano ang iyong gagawin sa iyong kamay upang makaiwas sa mga sakit?.
Isulat ang sagot sa iyong papel

13
Isaisip

Tandaan:

Ang nakahahawang sakit ay madaling kumalat at naipasa sa iba.


Ito ay dala ng mga pathogens o mikrobyo na pumapasok at sumisira
sa mga selyula sa loob ng katawan.

Kumakalat ang mga mikrobyo ng nakahahawang sakit


sapamamagitan ng iba’t ibang tagadala tulad ng tao, hayop, hangin,
tubig, pagkain, at iba pa. Panatilihing malinis ang katawan, ugaliin
ang laging paghugas ng kamay at pag-iwas sa mga taong may sakit.

Isagawa
Gumuhit sa sulatang papel ng mga pamaraan upang
makaiwas sa sakit.

Tayahin
A. Iayos ang ginulong letra upang mabuo ang tamang salita sa tulong
ng katangian o paglalarawan. Isulat ang sagot sa iyong papel.

Ginulong Titik Nabuong Salita Katangian

IMKYORBO Dahilan ng
pagkakasakit ng tao

ABOSN Nakatutulong upang


maalis ang mikrobyo

RIUVS Isang uri ng mikrobyo

KSITA Dulot ng mikrobyo,


bakterya, fungi at
virus

14
KTABEYRA Isa pang uri ng
tagapagdala ng sakit

GTBIU Gamit sa paglilinis ng


mga kamay

B.Sabihin kung Tama o Mali. Isulat sa iyong papel ang sagot.


_______1.Panatilihing malinis amg katawan
_______2.Umiwas sa mga taong may sipon o ubo
_______3.Hintaying lumubha ang sintomas bago kumonsulta sa doctor
_______4.Ugaliin ang tamang paghugas ng kamay
_______5.Gumamit ng maruming tubig sa paglinis ng kamay

C.Basahin nang mabuti ang bawat salita. Sabihin kung Masama o sanhi
ng Sakit at Mabuti o Pagsugpo ng Sakit. Isulat ang sagot sa iyong papel.
1. sabon at tubig _______________
2. toilet bowl __________________
3.hand sanitizer o alcohol _________________
4.batang umuubo na hindi nagtakip ng bibig at ilong ________________
5. palaging naghuhugas ng kamay _______________

15
Karagdagang Gawain
Itambal ang hanay A sa hanay B ayon sa sintomas ng sakit. Isulat
ang titik sa iyong sagutang papel.

Hanay A Hanay B

___1.Trangkaso a. ubong mahigpit

___2.Dermatitis b.hirap sa paghinga

___3.Ubo c. giniginaw

___4.Pulmonia d. madaling mapagod

___5.Tuberkulosis e. sanhing mga bacteria, fungi

Talahulugan

Bacteria maliliit na organism na nakikita lamang sa mikroskopyo


Fungi Isang uri ng organismong nabubuhay na hindi
halaman ohayop: matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng katawan mula
ulo hanggang paa na mukhang halaman

Mikroskop ginagamit upang palakihin at suriin ang mga maliliit na


bagay na hindi nakikita ng simpleng mata

Virus mula sa salitang Latin na ang ibig sabihin ay toxin o lason


- pinakamaliit na uri ng microorganism na nakikita lamang sa
pamamagitan ng mikroskopyo

16
17
Tayahin
Tayahin
A.
B.
1.Mikrobyo
1.Tama
2.Sabon
2.Tama
3.Virus
3.Mali
4.Sakit
4.Tama
5.Tubig
5.Mali
Pagyamanin Pagyamanin
B. A.
Huhugasan o hugasan 1. Dermatitis o sakit sa balat
2.Tuberkulosis
3.Sipon
4.Ubo
5.Hepatitis o sakit sa atay
Susi sa Pagwasto
5.Mabuti

4.Masama 5.d

3.Mabuti 4.b

2.Masama 3.a

1.Mabuti 2.e

C. 1.C

Tayahin Karagdagang Gawain

Sanggunian

*Edukasyong Pangkatawan at Pangkalusugan (Kagamitan ng Mag-aaral 4)


Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
*https://ukbut.ru>oborudovanie-neo…
*https://tl.m.wikipedia.org.>wiki7F…
http://oliver.tuburan/
https://www.depedcarifugao.com/Filipino2_Q1_Mod3_Pagsasabi-ng-
Mensahe_FINAL07282020.pdf
https://www.depedcarifugao.com/Arts5_Q1_Mod2_Gawa%20Kong%20Banga
%20Kahanga-Hanga%20(shadingtechniques)_FINAL07242020-1.pdf
http://tambo120056es.weebly.com/uploads/3/8/4/9/38492313/1ict_4_tg_pp.
1-18.pdf
https://www.depedcarifugao.com/Filipino2_Q1_Mod3_Pagsasabi-ng-

18
https://depedstorybooklovers.com/wp-content/uploads/2020/09/PE2-
https://www.depedcarifugao.com/mtb-mle3_q1_mod1_iispelmo_FINA
https://brainly.ph/question/5346218
https://www.depedcarifugao.com/Arts5_Q1_Mod2_Gawa
https://s.bingparachute.com/search?q=
https://www.depedcarifugao.com/filipino5_q1_mod5_pagpapahayag
https://www.depedcarifugao.com/Music5_q1_Mod1_Pagkikilala%20ng%20Iba
_t%20Ibang%20Notes%20and%20rests%20(notesandrests)_FINAL07102020.pd
f
https://www.depedcarifugao.com/Music5_q1_Mod1_Pagkikilala
https://depedstorybooklovers.com/wp-content/uploads/2020/09/PE2-M
https://www.depedcarifugao.com/filipino5_q1_mod5_pagpapahayag%20ng%
20sariling%20opinyon%20o%20reaksiyon%20sa%20isang%20napakinggang%2
0balita%20isyu%20o%20usapan_FINAL07182020-1.pdf
https://www.depedcarifugao.com/mtb-
mle3_q1_mod1_iispelmo_FINAL07102020.pdf

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Curriculum Implementation Division ( CID )

Division of Lapu-Lapu City


Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Telephone Nos.: (032) 410 -4525

19

You might also like