You are on page 1of 19

4

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2 (Week 2-3)

Balangkas o Istruktura ng
Pamahalaan ng Pilipinas
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2 (Week 2-3): Balangkas o Istruktura ng Pamahalaan
ng Pilipinas
Unang Edisyon 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Debisyon ng Lungsod ng Lapu-Lapu

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Lily-Ann L Torrefranca
Editor: Czarina Ritzko J. Sagarino Earl Adrian C. Cejas
Charity H. Pino Josephine Y. Agusto
Tagasuri: Teresita A. Bandolon Marigold J. Cardente
Tagaguhit: Frances Zarah Pantonial
Tagalapat: Maria Teresita D. Amion Marieta R. Ferrer
Plagiarism Detector Software: PlagiarismDetector.com
Grammar Software: CitationMachine.com
Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Wilfreda D. Bongalos, PhD, CESO V
Assistant Schools Division Superintendent: Marcelita S. Dignos, Ed.D, CESE
Curriculum Implementation Division Chief : Oliver M. Tuburan, Ed.D.
EPSVR- LRMDS : Teresita A. Bandolon
EPSVR- Araling Panlipunan : Marigold J. Cardente
ADM Coordinator : Jennifer S. Mirasol Marigold J. Cardente

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Department of Education – Region VII
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel #: (032) 410-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph
4

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2 (Week 2-3)

Balangkas o Istruktura ng Pamahalaan ng


Pilipinas ng mga Likas na Yaman

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga pampubliko paaralan. Hinikayat namin
ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-
email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawran ng Edukasyon
sa deped.lapulapu@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan sa Ikaapat na Baitang ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul para sa araling Balangkas o Istruktura ng Pamhalaan ng Pilipinas!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at
pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na
mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng
modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang
modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan sa Ikaapat na Baitang ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul para sa araling Balangkas o Istruktura ng Pamhalaan ng Pilipinas!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong
pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.


Alamin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin


Subukin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari
mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay


Balikan
ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

ii
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
Tuklasin tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin


Suriin
nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang pagsasanay


upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap


Isaisip
o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawain na makatutulong sa iyo upang maisalin ang


Isagawa
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain nanaglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa


Tayahin
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang


Gawain pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga Gawain sa modyul.
Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha
o paglinang ng modyul na ito.

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga
kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahayna mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at


makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iii
Alamin
Isang masayang pagbati dahil maluwalhati mong natapos ang pag aaral sa
unang modyul na nakalan sa mga aralin sa Ikatlong Markahan!
Ang aralin na nakapaloob sa modyul na iyong pag-aaralan ngayon ay
karugtong ng napag aralan mo tungkol sa pamahalaan. Ang pamahalaan ay isa sa
mga napakahalagang elemento ng pagkabansa. Sinasabing hindi matatawag na
bansa ang isang lugar kung wala ang elementong ito. Sa modyul na ito,
madadagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa iba pang mahahalagang
impormasyon tungkol dito.
Bilang isang Pilipino, mahalagang malaman mo ang bumubuo ng pamahalaan
ng ating bansa upang lubos na maintindihan ang pagpapatakbo nito at makatulong
ka habang bata pa sa pagkakaroon ng mapayapa at maayos na pamumuhay sa
ilalim ng pamahalang Pilipinas.
Simulan na natin ang daan patungo sa karagdagang kaalaman!
Nakapaloob sa modyul na ito ang araling :
Nasusuri ang Balangkas o Istruktura ng Pamahalaang Pilipinas
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. Nasusuri ang balangkas o istruktura ng pamahalaang Pilipinas
(AP4PAB-IIIa-2);
2. Natutukoy ang tatlong sangay ng pamahalaan at ang kapangyarihan ng
bawat sangay;
3. Natatalakay ang dalawang antas ng pamahalaan;
4. Nakikilala ang namumuno ng pamahalaan ng Pilipinas; at
5. Nasasabi ang kahalagahan ng pampamahalang istruktura ng Pilipinas.

Subukin
Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang nakasaad sa bawat bilang. Piliin ang
pinakaangkop na bahagi ng struktura ng pamahalaan na inilalarawan ng bawat
sitwasyon.

1. Upang mapanatili ang kalinisan sa Brgy. Bankal at mapakinabangan ang


kinokolektang basura sa walong sitio na sakop nito araw-araw, binibili ng mga
MSE (Micro Small Enterprise) ang mga maaari pang i-recycle na mga basura. Sa
anong antas ng pamahalan saklaw ang gawaing pangkalinisan at
pangkabuhayang ito?
A. Baranggay C. Pambansang Pamahalaan
B. Lokal na Pamahalaan D. Sangguniang Pambayan

1
2. Ang pandemyang nararanasan sa kasalukuyan dulot ng Covid-19 ay nagsimula
sa Pilipinas noong ika 30 ng Enero, 2020. Agad na nagkaroon ng pagpupulong
ang mga namumuno ng pamahalaan upang pag usapan ang mga paraan upang
mapahupa ang epekto ng pandemya lalong lalo na sa pagpapanatili ng kaligtasan
ng mamamayang Pilipino at katatagan ng mga komersyo sa Pilipinas. Saklaw ng
anong antas ng pamahalaan ang pag gawa ng desisyon na katulad na nasa
sitwasyon?
A. Lokal na Pamahalaan C. Sanguniang Panlalawigan
B. Pambansang Pamahalaan D. Sanguniang Panlungsod

3. Sa mga unang taon ng panunungkulan na ating kasalukuyang pangulo, Pres.


Rodrigo R. Duterte, gumanda ang kalagayan ng ekonomiya. Marahil isa sa mga
pangunahing kadahilan ng pagbuti ng ekonomiya ay ang kautusan nitong
magkaroon ng digmaan kontra droga na naging dahilan ng pagbaba ng mga kaso
ng ilegal na gawain sa bansa. Sa sitwasyon na ito ipinapakita ang pagpapatupad
ng isa sa mga kapangyarihan ng pangulo. Sa anong sangay ng pamahalaan ito
nakapaloob?
A. Sangay ng Pambansang Pamahalaan C. Sangay ng Tagapaghukom
B. Sangay ng Tagapagbatas D. Sangay ng Tagapagpaganap

4. Isa sa mga kapangyarihan ng mga nahalal sa senado ay ang lumitis ng mga


kasong impeachment. Ang impeachment ay pagsasakdal ng isang piling opisyal
ng gobyerno katulad ng president, bise-presidente, miyembro ng Katas-taasang
Hukuman at ilan pang piling posisyon sa salang paglabag at pang-aabuso sa
kanilang kapangyarihan base sa ipinagkaloob sa kanila ng konstitusyon at ng
sambayanang Pilipino. Sa anong sangay ng pamahalaan sakop ang kapangyaring
ito?
A. Sangay ng Pambansang Pamahalaan C. Sangay ng Tagapaghukom
B. Sangay ng Tagapagbatas D. Sangay ng Tagapagpaganap

5. Ilan sa mga kasong hawak ng Korte Suprema ng Pilipinas ay ang mga kasong
may paglabag sa pandaigdigang kasunduan; paglabag sa atas ng pangulo; at mga
apela at petisyon gaya ng habeas corpus. Anong bahagi ng istruktura ng
pamahalaang Pilipinas kabilang ang mga nabanggit?
A. Sangay ng Pambansang Pamahalaan C. Sangay ng Tagapaghukom
B. Sangay ng Tagapagbatas D. Sangay ng Tagapagpaganap

Aralin Balangkas o Istruktra ng Pamahalaan


2 ng Pilipinas
Isang masayang pagbati sa pagtanggap mo sa modyul na ito para sa
karagdagan ng iyong kaalaman!

Nakasaad sa Artikulo II, Seksiyon 1 ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas ang


deklarasyong: “Ang Pilipinas ay isang demokratiko at republikanong Estado. Nasa
mga mamamayan ang kapangyarihan nito at nagmumula sa kanila ang buong
pamunuan ng pamahalaan.” Sa pagsasakatuparan ng deklarasyong ito, ang
2
kasalukuyang balangkas o istruktura ng pamahalaan ng Pilipinas, na nakapaloob sa
modyul na ito, ang sinusunod na paraan ng pamamahala ng bansang Pilipinas
upang mapangalagaan ang mga karapatan at matiyak ang kapakanan ng bawat
mamamayang Pilipino.

Layunin ng modyul na ito na mapag-aralan ang istruktura ng pamahalaan ng


Pilipinas nang sa gayon ay maintindihan mo ang kasalukuyang umiiral na paraan at
balangkas ng pamamahala ng ating bansa. Makakatulong din sa iyo ang araling ito
na matutunan ang kahalagahan ng ilan sa mga Pilipino na gumaganap ng mga
mahahalagang tunkulin sa ating bansa sa pagpapairal ng demokrasya sa ilalim ng
demokratiko at republikanong estado.
Handa ka na ba? Tayo na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!

Balikan
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang pinakaangkop na sagot
sa bawat katanungan.

1. Ano ang tawag sa isang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod


ng mga grupo ng tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng
sibilisadong lipunan?
A. Bansa B. Soberanya C. Pamahalan D. Teritoryo

2. Ano ang isa sa mga elemento ng pagkabansa na tumutukoy sa


kapangyarihan ng pamahalaang mamahala sa kanyang nasasakupan.
A. Bansa B. Soberanya C. Tao D. Teritoryo

3. Anong uri ng pamahalaan ang sinusunod sa Pilipinas kung saan ang


kapangyarihan ay nagmumula sa mga mamamayan ng bansa?
A. Aristrokasya C. Monarkiya
B. Oligarkiya D. Demokrasya

4. Isa sa mga kahalagahan ng pamahalaan ay ang pagpapatayo ng


pampublikong ospital at sentrong pangkalusugan; at pagbibigay ng libreng
gamot at bakuna sa mga mamamayan nito. Aling programa ang
isinasakatuparan ng pamahalaan?
A. Programang Pang edukasyong C. Programang Pangkalusugan
B. Programang Pangkabuhayan D. Programang Panlipunan

5. Ipinatutupad ng pamahalan ang EFA o “Education For All” upang mapaunlad


at malinang ang kaisipan at kakayahan ng bawat Pilipino anuman ang
kanyang kinabibilangang antas o estado sa buhay. Sa pahayag na ito, anong
mahalagang aspeto nakapokus ang pamahalan?
A. Edukasyon B. Kabuhayan C. Kalusugan D. Kapayapaan

3
Tuklasin
Gawain sa Pagkatuto Blg. 1: ALAMIN AT INTINDHIN
Panuto: Basahin ang mga impormasyon na nakalahad sa ibaba tungkol sa
balangkas ng gobyerno ng Pilipinas. Sagutan ang gawaing nakahanda para sa iyo
pagkatapos unawain ang mga detalye.

• PAMAHALAAN

Ang pamahalaan ay isang samahan o


organisasyong political na itinataguyod ng mga
grupo ng tao na naglalayong magtatag ng kaayusan
at magpanatili ng isang sibilisadong lipunan. Ito ay
pangunahing institusyong ng bans ana
nagpapatupad ng batas upang maitaguyod ang
kapakanan ng mga Pilipino.
Ang Pilipinas ay isang uri ng demokratikong presidensyal na pamahalaan.
Inihahalal ang mga namumuno nito ng mga kawalipikadong mamamayan. Bilang
demokratikong pamahalaan tinatawag ding republika ang bansang Pilipinas.
Ang istruktura ng pamahalaang Pilipinas ay binubuo ng talong sangay. May
mahahalagang papel na ginagampanan ang bawat sangay ayon sa Saligang Batas.

MGA SANGAY NG PAMAHALAAN


❖ Sangay na Tagapagpaganap
Ang sangay na tagapagpaganap ang
nagpapatupad ng mga pinagtibay na mga batas na
ginawa ng Kongreso. Pinamumunuan ang sangay
na ito ng pangulo. Kaagapay ng pangulo ang
pangalawang pangulo at mga gabinete na
pinamumunuan ng mga kalihim ng ibat ibang
ahensya ng bansa.

❖ Sangay na Tagapagbatas

Ang sangay na tagapagbatas ang


nagpapanukala at nagbabalangkas ng batas.
Nagsasagawa din ng imbistigasyon at
pananaliksik ang sangay na ito kaugnay ng
binabalangkas na batas. Binubuo ito ng dalawang
kapulungan, ang mataas na kapulungan at
mababang kapulungan. Pinamumunuan ng
senado ang mataas na kapulungan at ng mga
kinatawan ang mababang kapulungan.

4
❖ Sangay ng Tagapaghukom

Ang sangay ng tagapaghukom ang nagbibigay


interpretasyon ng batas na ipinasa ng
Kongreso. May kapangyarihang lutasin ang
mga sigalot sa
pagpapatupad ng mga karapatang nakasaad sa batas ang sangay ng
tagapaghukom. Dito din idinudulog ang tanong tungkol sa legalidad ng dalawa pang
sangay ng pamahalan at mga petisyon sa naging desisyon ng mababang hukuman.
Nasa kapangyarihan ng Kataas-taasang hukuman o Korte Suprema at mababang
hukuman ang sangay ng Hudikatura.
Ang mga sangay ng pamahalaang Pilipinas ay may iba pang tiyak na gawain
at natatanging kapangyarihan. Pantay na nahahati ang mga kapangyarihan ng mga
ito upang matiyak na ang ginagawa ng bawat isang sangay ay naaayon sa Saligang
Batas.
MGA ANTAS NG PAMAHALAAN
❖ Pambansang Pamahalaan

Ang pambansang pamahalaan ay saklaw ang pamamahala sa buong bansa.


Nilulutas nito ang mga suliranin na may kinalaman sa pagpapatupad ng batas
katulad ng suliraning sibil, pampulitika, panlipunan, pangkabuhayan at iba pa.
Sakop ng pambansang antas ng pamahalaan ang tatlong sangay ng pamahalaan.

❖ Lokal na Pamahalaan

Ang local na pamahalaan ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng pambansang


pamahalaan. Ito ay pangkalahatang pinangangasiwaan ng pangulo sa
pamamagitan ng Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamhalaan o Department of
Interior and Local government. Saklaw nito ang mga lalawigan, lungsod, bayan at
barangay. Maaari ring magtatag ang isang organisasyon o kumunidad ng batas na
tinatawag na ordinansa sa antas na ito.

Panuto: Unawaing mabuti ang bawat pahayag. Markahan ang angkop na kahon
para sa bawat pahayag.

Tama Mali

Nahahati sa dalawa ang antas ng pamahalaan.


1.

Saklaw ng lokal na pamahalaan ang sangay na


2.
tagapagpaganap, sangay na tagapagbatas at sangay
na tagapaghukom.

5
Ang pangulo ang may pangkalahatang pangangasiwa
3. sa pamahalaang local sa pamamagitan ng DILG.

Madaling natutugunan ang mga pangangailangan at


4. karapatan ng mga mamamayan sa local na
pamahalaan.

5. Isang mahalagang bunga ng pampanguluhang sistema


ng pamahalaan ay ang prinsipyo ng paghahati ng
kapangyarihan at pamamahala.

Suriin
Gawain sa Pagkatuto Blg. 2: BALANGKAS UNAWAIN
Panuto: Suriin at pag-aralan ang balangkas ng pampanguluhang pamahalaan ng
Pilipinas. Punan ang kinakailangan impormasyon upang mabuo ang data retrieval
chart. Kumuha ng mga datos sa balangkas ng pampanguluhang pamahalaan ng
Pilipinas na nasa itaas. Gawing gabay ang mga tanong sa ibaba.

6
DATA RETRIEVAL CHART
Sangay ng Iba pang Pangunahing Namumuno ng
Pamahalaan ng katawagan ng kapangyarihan bawat sangay
Pilipinas bawat sangay

Ehekutibo

Lehislatura

Hudikatura

ANTAS NG PAMAHALAAN HURISDIKSYON

Pambansang Pamahalaan

Lokal na Pamahalaan

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang binabanggit sa diyagram o ilustrasyon?


2. Ano ang nararamdaman mo matapos suriin ito?
3. Kung pagbabasihan ang mga impormasyon sa Data Retrieval Chart, masasabi
mo ba na makatutulong sa iyo ang aralin?
4. Anong konklusyon ang mabubuo mo sa sinuring diyagram o ilustrasyon?
5. Paano mo maipapakita sa mga mahal mo sa buhay ang iyong pagpapahalaga sa
pag-unawa mo tungkol sa balangkas o istruktura ng pamahalaan?

Pagyamanin
Gawain sa Pagkatuto Blg. 3: KAHON NG KAALAMAN
A. Panuto: Isulat sa kahon ang mga sangay na bumubuo sa istruktura ng
pamahalaang Pilipinas at sagutin ang tanong sa ibaba nito.

7
Sagutin: Ang mga sangay ng pamahalaan ay inihahantulad sa pantay-sukat
na tatsulok, ano ang ipinahihiwatig nito? Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

B. Panuto: Bilugan ang hindi kabilang sa hanay ng mga salita.

1. EHEKUTIBO : Gabinete, Hurado, Pangulo, Tagapagpaganap

2. LEHISLATURA : Kongreso, Panukala, Mga Kalihim, Tagapaghukom

3. HUDIKATURA : Hukuman, Korte Suprema, Kinatawan, Piling Hurado

C. Panuto: Itala sa kahon ang kapangyarihang taglay ng bawat sangay.

Pambansang
Pamahalaan ng Pilipinas

Sangay ng Sangay ng Sangay ng


Tagapagbatas tagapagpaganap Tagapaghukom

8
Isaisip

Sagutin ang mga katanungan:


1. Ano ang bumubuo sa istruktura ng pamahalaang Pilipinas?

2. Paano ipinapatupad ang kapangyarihan ng bawat sangay ng


pamahalaan?

3. Ano ang kahalagahang ng mga sangay ng pamahalaan bilang


pangunahing pampamahalaang istruktura ng Pilipinas?

4. Ano ang dalawang antas ng pamahalaan?

Tandaan:

• Ang Pilipinas ay isang presidensyal at demokratikong uri ng pamahalaan.

• 5.
Binubuo ito ng tatlong (3) magkakaugnay na sangay: Sangay Tagapag-
6.
paganap o Ehekutibo; Ang Sangay Tagapagbatas o Lehislatibo; at ang
Sangay Panghukuman o Hudisyal.

• Ang sangay na tagapagpaganap ang nagpapatupad ng batas. Ang Pangulo


(Presidente) ang siyang namumuno sa sangay na ito. Katulong ng pangulo
ang pangalawang pangulo at gabinete na binubuo ng mga itinalagang
kalihim ng ibat ibang kagawaran sa pagpapatupad ng batas sa buong bansa.

• Ang sangay na tagapagbatas ay ang kongreso na ang pangunahing


tungkulin ay bumalangkas ng mga batas. Ang kongreso ay binubuo ng
Mataas na Kapulungan (Senado) at Mababang Kapulungan (Kinatawan)

• Ang sangay na tagapaghukom ay nagpapaliwanag sa mga batas ng bansa.


Ang kapangyarihang panghukuman ay nasa ilalim ng Kataas-taasang
Hukuman o Korte Suprema at mababang hukuman.

• Pantay ang kapangyarihan ng bawat sangay upang matiyak na maibigay ang


karapatan ng bawat mamamayan alinsunod sa Saligang Batas.

• Dalawa ang antas ng pamhalaang Pilipinas, ang lokal at pambansang antas

• Saklaw ng pambansang antas ang buong bansa na kinabibilangan ng tatlong


sangay ng pamahalaan.

9
• Saklaw ng pamahalaang lokal ang mga lalawigan, lungsod, bayan at
barangay.

Isagawa
Gawain sa Pagkatuto Blg. 4: KILALANIN MO SILA
A. Panuto: Ipaskil ang larawan at isulat ang pangalan ng mga kasalukuyang
namumuno upang mabuo ang balangkas ng pamahalaang Pilipinas.

Pambansang Pamahalaan ng Pilipinas

Sangay ng Sangay ng Sangay ng


Tagapagbatas Tagapagbatas Tagapagbatas

Posisyon: Pangulo Posisyon: Punong Senado Posisyon: Punong Hurado


Pangalan: ___________ Pangalan: ____________ Pangalan: ____________

Posisyon: Pangalawang
Pangulo Posisyon: Ispiker
Pangalan: Pangalan:

Isulat ang posisyon at pangalan ng mga nakalarawang namumuno sa


ating lokal na pamahalaan.

Posisyon: _________________________
Pangalan: __________________________

10
Posisyon: _________________________
Pangalan: _________________________

Posisyon: _________________________
Pangalan: _________________________

B. Panuto: Hanapin sa Hanay B ang inilalarawan sa hanay A. Isulat ang titik ng


tamang sagot.
HANAY A HANAY B
___ 1. Sabgay nagumagawa ng batas. A. Ehekutibo
___ 2. Sangay na nagpapatupag ng batas. B. DILG
___ 3. Nagbibigay kahulugan sa batas. C. Gabinete
___ 4. Namumuno sa Mataas na Kapulungan. D. Hudikatura
___ 5. Namumuno sa Mababag Kapulungan. E. Ispeker
___ 6. Sakop nito ang pamamahala sa lalawigan, F. Lehislatura
lungsod, bayan at barangay. G. Lokal na
___7. Siya ang namumuno sa sangay ng Hudikatura. Pamahalaan
___8. Ito ay binubuo ng mga kalihim ng iba’t ibang H. Pamahalaan
ahensiya ng pamahalaan. I. Pinunong
___9. Ahensiya na nangangasiwa ng Lokal na Mahistrado
Pamahalaan. J. Punong Senado
___10. Sa nito ang pamamahala sa buong bansa.

Tayahin

Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang nakasaad sa bawat bilang. Piliin ang
pinakaangkop na bahagi ng struktura ng pamahalaan na inilalarawan ng bawat
sitwasyon.

1. Isang paraan para mapabuti ang pamamahala at maging epektibo ang


pagsasakatuparan ng mga programang panlalawigan, panglungsod,
pambayan at pambaranggay, binigyan ng kapangyarihan ang mga Sangunian

11
na gumawa ng batas sa pamamagitan ng ordinansa at mag-apruba ng
resolusyon. Sa anong antas ng pamahalaan ang nagsasagawa ng ordinansa?
A. Baranggay C. Pambansang Pamahalaan
B. Lokal na Pamahalaan D. Sangguniang Pambayan

2. Upang malabanan ang paglaganap ng epedemya dulot ng Covid 19, binuo ng


Kagawaran ng Kalusugan (DOH) ang Inter Agency Task Force for the
Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID). Ito ay isang
ahensyang nakatalaga sa pamamahala ng lahat ng kahandaan at pagtugon
sa COVID-19. Saklaw ng anong antas ng pamahalaan ang gawaing ito?
A. Lokal na Pamahalaan C. Sanguniang Panlalawigan
B. Pambansang Pamahalaan D. Sanguniang Panlungsod

3. Ang pagpapatupad ng mga pambansang programa at proyekto ng Pilipinas ay


nasa pangangalaga ng ibat ibang kagawaran o ahensya na pinamumunuan
ng mga itinalagang kalihim ng ating pangulo. Sa anong sangay ng
pamahalaan nakapailalim ang ibat-ibang Kagawaran o ahensya ng Pilipinas?
A. Sangay ng Pambansang Pamahalaan C. Sangay ng Tagapaghukom
B. Sangay ng Tagapagbatas D. Sangay ng Tagapagpaganap

4. Isinasagawa ang regular na sesyon sa Senado upang pag-usapan at himayin


ang mga panukalang batas na ipinakikilala ng miyembro ng mga mambabatas.
Nagiging opisyal ang isang sesyon kung dumalo ang karamihan sa mga
kinatawan? Sa anong sangay ng pamahalaan sakop ang gawaing ito?
A. Sangay ng Pambansang Pamahalaan C. Sangay ng Tagapaghukom
B. Sangay ng Tagapagbatas D. Sangay ng Tagapagpaganap

5. Ilan sa mga tungkulin ng Korte Suprema at mababang hukuman ay dinggin at


lutasin ang mga sigalot ng mga mamamayan at sagutin ang mga tanong
tungkol sa legalidad ng mga gawain ng sangay ng ehekutibo. Anong bahagi
ng istruktura ng pamahalaang Pilipinas kabilang ang mga nabanggit na
katungkulan?
A. Sangay ng Pambansang Pamahalaan C. Sangay ng Tagapaghukom
B. Sangay ng Tagapagbatas D. Sangay ng Tagapagpaganap

Karagdagang Gawain

Gawain sa Pagkatuto Blg. 5: VENN DIAGRAM MO


A. Panuto: Punan ang Venn Diagram ng hinihinging datos.

1. Sumulat ng dalawa (2) o taltong (3) mga katangian ng pambansang pamahalaan


sa unang bilog.

2. Sumulat ng dalawa (2) o tatlong (3) mga katangian ng lokal na pamahalaan.

3. Sumulat ng dalawa (2) o tatlong (3) magkakatulad na mga katangian ng dalawang


antas ng pamahalaan sa magkapatong na bilog.

12
13
SUBUKIN: ISAGAWA: PAGYAMANIN: SURIIN:
1. B A.
2. B Pangulo- Gawain A Sangay ng Pamhalaan:
3. D Pres. Rodrigo Roa Duterte Lehislatura-
4. B I. Tagapagbatas • Tagapagbatas
Panglawang Pangulo- Tagapagpatupad
5. C Vice Pres. Leni Robredo • Gumagawa ng batas
Tagapaghukom • Punong Senado at
Punong Senado-
BALIKAN: Ispeker
Hon. Vicente Sotto III II. Pantay ang
1. C Ehekutibo-
2. B Ispeker- kapangyarihan ng tatlong • Tagapagpatupad
3. D Hon. Lord Allan Jay Velasco sangay ng pamahalaan
• Nagpapatupad ng batas
4. C Punong Mahistrado- • Pangulo
5. A Chief Justice Diosdado M. Peralta Gawain B
Hudikatura-
Lokal na Pamahalaan: • Tagapaghukom
1. Hurado
TAYAHIN: Gobernador: • Nagbibigay interpretasyon
2. Tagapaghukom
1. B Hon. Gwendolyn Garcia sa batas
3. Kinatawan
2. B Kongreswoman ng Lone District • Punong Mahistrado
3. D ng LLC: Gawain C
4. B Hon. Paz C. Radaza
5. C Mayor ng Lapu-Lapu City: Tagapagbatas- Antas ng Pamahalaan:
Hon. Junard “Ahong” Chan Gumagawa ng batas
Pambansang Pamahalaan:
TUKLASIN: Tagapagpatupad- Hurisdiksyon: buong bansa
B. kabilang na ang tatlong
1. TAMA 1. F 6. G Nagpapatupad ng batas
2. MALI sangay ng pamhalaan.
2. A 7. I Lokal na Pamahalaan:
3. TAMA 3. D 8. C Tagapaghukon-
4. TAMA Nagbibigay interpretasyon Hurisdiksyon: lalawigan,
4. J 9. B lungsod, bayan, barangay
5. E 10. H ng batas
Susi sa Pagwawasto
20% datos
3. Malinis at maayos ang pagkakaugnay ng mga konsepto at
40% datos
2. Nagtataglay ng wastong pagsasaayos ng mga konsepto at
40% 1. Nakapagtatala ng tamang konsepto at datos
Bahagdan n
Natamong Bahagda Mga Pamantayan sa Paggawa ng Balangkas
KRAYTERYA SA PAGTATAYA
A. Panuto: Gumawa ng sariling balangkas ng sangay ng pamahalaan.
pamahalaan
lokal na pamahalaan
pamahalaan Pambansa at antas ng
ng lokal na katangian ng pambansang
Katangian tulad Katangian ng
Pagkaka-
Sanggunian
Adriano, Ma. Corazon V., Caampued, Marian A., Capunitan, Charity A., Galarosa,Walter F.,
Miranda, Noel P., Quintos, Emily R., Araling Panlipunan 4 Kagamitan ng Mag-aaral (Pasig
City, Philippines 1600: Vibal Group, Inc., 2015), 228-249.
https://www.gov.ph/ang-pamahalaan-ng-pilipinas
https://tl.wikipedia.org/wiki/Balangkas_ng_Pilipinas
https://www.slideshare.net/billyreyrillon/pamahalaan-ng-pilipinas

14

You might also like