You are on page 1of 1

RAYMUND M. PASION, Ph.D. Kasalukuyang Asso. Prof.

V ng Institute of Education

and Teacher Training sa Davao Oriental State University (DOrSU), Lungsod ng Mati,

Davao Oriental. Naging Direktor siya sa Sentro ng Wika at Kultura (SWK) Rehiyon XI,

sa ilalim ng superbisyon ng Komisyon sa Wikang Filipino, Manila (KWF-Manila).

Natapos niya ang kanyang Ph.D. Filipino sa Mindanao State University – Iligan Institute

of Technology (MSU-IIT), Iligan City. Natamo rin niya ang Digri sa MAT-Filipino sa

Central Mindanao University, Musuan Bukidnon at ang AB Filipino sa MSU-IIT. Nagtamo siya ng iba’t ibang karangalan

gaya ng pagiging Outstanding Alumni (Filipino) sa MSU-IIT (2019), Presidential Award of Excellence in Service sa

DOSCST (2018), Ulirang Guro sa Filipino, R-XI sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF, 2014), Floro Crisologo Award

ng University Research Center sa University of Northern Philippines, Vigan City (2014 at 2015) at Finalist ng Nemesio E.

Prudente Excellece in Research Award noong 3rd International Research Conference on Higher Education sa Polytechnic

University of the Philippines, Olongapo City (2015). Nakapagtaguyod din siya ng lokal, rehiyonal at nasyonal na seminar-

worksyap/lektyur sa Filipino. Gayundin, lokal at nasyonal na patimpalak sa Sigla sa Buwan ng Wika (SIBUWI). Naging

May-akda siya sa proyektong tungkol sa “Mga Oral na Literatura ng Mandaya: Isang Panimulang Paglilikom”, sa suporta

ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA); project leader naman sa proyektong “Pagsasalin ng

Terminolohiyang Sining Pantahanan: Ingles-Filipino-Mandaya”, na ipinalimbag ng KWF; at naging Ko-awtor siya sa aklat

na Komunikasyon sa Akademikong Filipino na naipalimbag ng Granwater, Publishing, Inc. Nakapagpalimbag narin siya

ng kanyang mga artikulong pananaliksik sa mga dyornal na rehiyonal, nasyonal at maging sa internasyonal.

You might also like