You are on page 1of 18

LAYU

NIN
Pagkatapos ng 120
minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang
makatatamo ng 80% tagumpay sa mga sumusunod:
1. Nakikilala ang iba’t ibang Aspekto at Kailanan ng
pandiwa.
2. Nagagamit nang wasto ang pandiwa sa
pangungusap.
UTO :
PAN

Basahin ang mga sumusunod na


pangungusap. Pansinin ang mga
salitang may salungguhit.
1. Pumunta sila sa palengke.
2. Umiiyak ang bata.

3. Pinahid ni Ren ang dumi sa mukha ni


Rose.

4. Ang ale sa kabilang bahay ay sumisigaw


nang malakas.
5. Mahusay sa pagsasayaw ang
nakababata kong kapatid.
K AYA N
TA L A

Ang Pandiwa

Ang pandiwa ay bahagi ng


pangungusap na nagpapahayag ng kilos,
gawa o kalagayan.
K AYA N
TA L A
Mga Aspekto ng Pandiwa

A. Pangnagdaan/Naganap na o PERPEKTIBO
(Past Tense) 
- nagpapahayag ng kilos o gawang natapos na.

Halimbawa: 
Nagprito ng isda si Mang Kulas.
K AYA N
TA L A
B. Pangkasalukuyan/IMPERPEKTIBO (Present
Tense) 
- nagsasaad ng pagkilos na nasimulan na subalit
hindi pa natatapos.

Halimbawa: 
Naglalaba ng mga damit si Aling Bining sa ilog.
K AYA N
TA L A

C.Panghinaharap/Gaganapin o
KONTEMPLATIBO (Future Tense) 
-nagpapahayag na ang kilos o gawa ay
mangyayari pa lamang.

Halimbawa: 
Magbibigay ng pagsusulit ang guro bukas ng
hapon.
K AYA N
TA L A
D. Perpektibong katatapos
-Ang kilos o gawa ay katatapos lamang. Kinakabitan
ito ng panlaping –ka at inuulit ang unang pantig ng
salitang-ugat.

Hal:
Kakakain lamang ni Anna ng hapunan.
K AYA N
TA L A
KAILANAN NG PANDIWA

A. Isahan
- ang pandiwa ay nasa payak na anyo.

Halimbawa:
Ang guro ay nagtuturo sa mga bata.
Si Anita ay nagbabasa.
AYA N
TA L AK

B. Maramihan
- marami ang simuno at kilos na isinasaad.

Halimbawa:
 Nagsisipalakpakan ang mga manonood sa
programa.
 Nagsialisan na ang mga mag-aaral.
TALAKAYAN
Limang paraan ng paglalapi upang makabuo
ng pandiwa

1.  Unlapi – ikinakabit ang panlapi sa unahan ng


salita.
Halimbawa: umasa, uminom, magbili, pag-iisip
2. Gitlapi – kung ang panlapi’y sa loob ng salita
nasisingit.
Halimbawa: lumipat, binili, tumangkilik, sinabi
TALAKAYAN
3. Hulapi – ang panlapi’y nasa hulihan ng salita
ikinakabit.

Halimbawa: samahan, awitin, hulihin, bayaran


4. Kabilaan – may unlapi at hulapi; ang salita’y
nagigitnaan ng mga panlapi.

Halimbawa: matulungan, pag-aralan, mag-
awitan
TALAKAYAN

5. Laguhan – may unlapi, gitlapi, hulapi; ang


panlapi ay nasa una, gitna at hulihan ng
salita.
Halimbawa: pagsumikapan, magdinuguan
PAGTATAYA
(kontemplatibo) 1) Ang mga bata ay (pasyal) sa
parke.

(perpektibo) 2) (Ulan) nang malakas.

(perpektibong katatapos) 3) (Kain) lang ni Gena.

(perpektibo) 4) Sa sobrang saya, (talon) si


Anton.

(perpektibo) 5) (Lahok) si Janeth sa


paligsahan sa pagkanta.
(imperpektibo) 6) Hindi makatulog nang maayos si Donie
dahil (hilik) nang malakas ang
kanyang katabi.
(perpektibo) 7) (Pasa) ang kapatid ni Ana sa LET.
(imperpektibo) 8) Si Tony ay (sulat) ng liham para sa
kanyang katabi.
(kontemplatibo) 9)(Walis) ni/si Maria ang/ng bakuran
bago dumating ang kanyang bisita.
(Perpektibong katatapos) 10) napakasariwa ng mga prutas
na (ani) lamang ni Mang Nestor.

You might also like