You are on page 1of 4

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO V

ENERO 17, 2019


1:30-2:20

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa


napakinggan

Pamantayang Pagganap: Nakabubuo ng nakalarawang balangkas batay sa napakinggan

I. LAYUNIN
1. Nakagagawa ng dayagram ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong nabasa o napakinggan
2. Nakikilahok nang may kasiyahan sa pangkatang gawain
Code: F5PN-IV-a –d -22
CG Pages 114 of 190

II. NILALAMAN
Paggawa ng Dayagram ng Ugnayang Sanhi at Bunga

III.KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro: FILIPINO TG 4th Quarter pahina __________
2. Mga Pahina Sa Kagamitang Pang-mag-aaral: FILIPINO LM 4th Quarter pahina __________
3. Mga Pahina Sa Teksbuk: Diwang Makabansa 5 Pagbasa p.132-134

B. Iba Pang Kagamitang Panturo: Metacards, powerpoint, tarpapel, activity cards, Show Me Card
Subject Integration: English, ESP, PE

IV. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG- AARAL
Magandang hapon sa inyong lahat, Tayo ay tumayo, Magandang hapon din po.
tumahimik at manalangin na pamumunuan ni Fereiro.

1. Balik- Aral
Mga bata, bago tayo dumako sa ating aralin, ating balik-
aralan ang nakaraang aralin kahapon.
Ano nga ang ating aralin na napag- usapan kahapon? Opo, Ma’am, Pagbibigay po ng Kahulugan ng mga
Natatandaan ninyo pa ba? Di- Pamilyar na Salita

Anu- ano ang mga di- pamilyar na salita na inyong salumpuwit, talipandas, durungawan, piging atbp…
natatandaan?
Anu- ano ang mga kahulugan ng mga salitang ito? upuan, makapal ang mukha, bintana atbp….

2. Pagsasanay
Ngayon, ating basahin, pantigin at bigyan ng
nkahulugan ng mga salitang di pamilyar na matatagpuan
sa dayalogong babasahin ng inyong kaklase. Di ba
itinuro ko sainyo dati na pwedeng pantigin ang mga
salita sa pamamagitan ng pagpalakpak, pwede din nating
baybayin sa pamamagitan ng pagkembot. Gawin natin
ito upang magising ang inyong diwa.
(Nakasulat sa metacards ang mga salita)
1. dumungaw Pagbabasa, pagpapantig at pagbibigay ng kahulugan
2. pinangat sa di- pamilyar na salita.
3. inasikaso
4. matikman
5. naiwan
3. Pagganyak
Itanong:
Ano sa palagay ninyo ang nagpapakita ng tanda ng Pagbibigayan, atbp….
pagmamahalan?
Anu- ano ang mga gawain na maaaring magpakita ng Pagmamano, atbp……
pagmamahal sa kapwa?pamilya?

4. Paglalahad
Ngayon hinihiling ko sainyo ang katahimikan para sa
pagbasa ng dayalogo ng inyong mga kaklase.
Pero bago sila magbasa, anu- ano ang mga pamantayan Huwag maingay at making ng mabuti, atbp…
ng tamang pakikinig?
Opo, Tanda ng Pagmamahalan
Handa na ba kayo? Ano ang pamagat ng ating dayalogo?

Pagbasa ng dayalogo na gagamapanan ng mga piling


mag- aaral.
‘‘Tanda ng Pagmamahalan’’

5. Pagtatalakay
HOTS Questions
Ngayon, matapos nating marinig ang dayalogo, dumako
tayo sa pagsagot sa mga katanungan.

Ano ang dapat nating gawin kapag sumasagot tayo sa Sagutin po ang mga katanungan nang kumpleto ang
mga tanong? pangungusap.

1. Ano ang sanhi ng paglalagi ni Mang Reynaldo sa Naglalagi si Mang Reynaldo sa Plaridel,Bulacan
Plaridel,Bulacan? dahil nakabili sila ng lupa.
2. Ano ang naging bunga ng pagkahilig ni Mang Mahilig si Mang Reynaldo sa paghahalaman kaya
Reynaldo sa paghahalaman? malusog na malusog siya .
3. Bakit malusog si Mang Reynaldo? Malusog si Mang Reynaldo dahil nakakalanghap siya
ng sariwang hangin.
4. Ano ang naging bunga ng pagbibigay ng pasalubong Naging masaya sina Aleng Nelia at Diana dahil sa
ni Aling Rita sa damdamin ng kanyang Kumareng Nelia pasalubong ni Aling Rita.
at Diana?
5. Bakit malaki ang kinikita ni Mang Reynaldo sa Masipag si Mang Reynaldo kaya malaki ang kinikita
paghahalaman? niya.
6. Ano sa palagay mo, mabuti pa bang pairalin ang Opo, pagpapakita po ito ng pagmamahalan sa kapwa.
pagbibigayan kahit walang okasyon? Ipaliwanag ang
sagot.

(Isulat sa tarpapel ang sagot ng mga bata.)


Balikan ang mga naging sagot ng mga bata.
Sabihin: Narito ang mga pangyayaring may ugnayang
sanhi at bunga sa seleksyong narinig ninyo.
Ngayon, ano ang ginawa ko sa mga sagot ninyo? Isinulat po ninyo…..
Ano ang tawag dito sa sinulatan ko? Dayagram po….
Anong ugnayan mayroon ang dayagram na ito? Sanhi at Bunga po….

Sa pangyayaring nakasulat sa dayagram, alin kaya ang


sanhi dito?
Ang bunga?
Kailan mo masasabi na ang pangyayari ay isang sanhi? SANHI kung ito ay nagsasabi ng dahilan ng
pangyayari.
Sa anong tanong sumasagot ito? Karaniwan itong sumasagot sa tanong na bakit.
Kailan naman mo masasabi na ang pangyayari ay isang BUNGA kung ang pangyayari ay nagsasabi ng
bunga? kinalabasan o resulta ng pangyayari.

6. Paglinang sa Kabihasaan
Sabihin: Basahin ang mga pangungusap ng sanhi at
bunga. Gamit ang inyong Show Me Board , gawan ng
dayagram ang mga ito.
1. Hindi pumasok si Dodo sa klase dahil inutusan siya ng
kanyang nanay.
2. May pasa sa mukha si Dado sapagkat sinuntok siya ng
kanyang kaklase.
3. Sumakit ang ngipin ko dahil marami akong kinaing
kendi.
4. Hindi ako nag- almusal kaya suakit ang ulo ko.
5. Hindi nag- aral ng aralin si Ana kaya bumagsak siya sa
pagsusulit.

Differentiated Instruction
Pangkatang Gawain:
Ipangkat ang mga mag- aaral batay sa kanilang
kakayahan ng pagkatuto. Bigyan ang bawat pangkat ng
manila paper at ipagawa ang mga gawaing nakalaan sa
kanila.
Fast Learners:

Average Learners:

Slow Learners:
7. Paglalapat
Sabihin at itanong:
Sa pangyayari sa inyong buhay, maaari bang magbigay
kayo ng mga pangyayaring may ugnayang sanhi at
bunga?
8. Paglalahat
Kailan sinasabi na ang isang pangyayari ay isang sanhi?

Kailan naman matatawag na ito ay isang bunga ng isang


pangyayari?

V. PAGTATAYA Tinatawag na sanhi kung ito ay nagsasabi ng dahilan


ng pangyayari. Karaniwan itong sumasagot sa tanong
Gawan ng dayagram ang mga sumusunod na sanhi at na bakit.
bunga.
Tinatawag namang bunga ng pangyayari kung ito ay
1. Namatay ang mga isda dahil marumi na ang tubig sa nagsasabi ng kinalabasan o resulta ng pangyayari.
ilog.
2. Marami siyang kinaing kendi kaya sumakit ang
kanyang ngipin.
3. Kaya nasira ang kagandahan ng ilog dahil pinabayaan
ito ng mga tao.
4. Dahil sa malinis at malinaw na tubig kaya marami ang
namamasyal sa Ilog Pasig.
5. Nagalit ang nanay ko dahil sa kakulitan ko.

VI. TAKDANG- ARALIN


Umisip ng mga pangyayaring may ugnayang sanhi at
bunga. Gawan ito ng dayagram.

Inihanda ni: IRENE A. MANZANERO


Guro III

Nabatid: ARLYN D. MAGSINO


Pang- ulong Guro III

You might also like