You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA

FILIPINO 5
I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag aaral ay inaasahang:
a. Nakakagawa ng dayagram ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong napakinggan

II. NILALAMAN
Paggawa ng dayagram ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong napakinggan

III. KAGAMITAN
PowerPoint, pisara, chalk

IV. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG AARAL

A. PAMBUNGAD NA GAWAIN

1. Pagdarasal Sa ngalan ng ama ng anak at ng espirito


Tumayo tayong lahat at manalangin santo. Amen

2. Pagbati Magandang araw din po, sir.


Magandang araw mga bata

3. Balik- aral
Natatandaan niyo pa ba ang huling aralin
natin?

4. Pag tsek ng attendance


Wala bang absent ngayong araw? Meron/ wala po.
5. Pagbibigay pamantayan

Bago tayo mag simula sa ating talakayan,


mayroon tayong alituntunin na dapat sundin.
 
1. Tumingin sa guro habang ito
ay nag tatalakay
2. Magtaas ng kamay kung
gustong sumagot at may
tatanungin
3. Huwag maingay 
4. Umupo ng maayos

B. Pagganyak
  Mag lalaro tayo ng Yes no stand up.
Alam kong alam na ninyo ang larong ito, kung
ang sagot niyo ay yes tumayo at kung hindi
naman ay manatiling nakaupo.
1. Inaantok ba kayo?
2. Makikinig ba kayo ng mabuti?
3. Manggugulo ba kayo sa klase?
4. Masaya ba ang mag aral?
5. Mahilig ba kayo makipag away?
6. Mahilig ba kayo mang asar?
7. Nananakit ba kayo ng kapwa niyo
mag aaral?
8. May enerhiya ba ang lahat?
 
Mabuti! Mag simula na tayo sa ating aralin.

C. Paglalahad

Ang ating tatalakayin ngayon ay ang


paggawa ng dayagram ng ugnayang sanhi at
bunga mula sa isang teksto.pagmasdan ito Opo/Hindi, sir
mga bata (ipakita ang dayagram na
mayroong sanhi at bunga).

D. Pagtatalakay

Alam ba ninyo kung ano ang sanhi?

Sanhi- ang siyang pinagmulan o dahilan ng


isang pangyayari.

Ano naman ang bunga? May nakakaalam


ba?

Ang bunga naman ay ang kinalabasan o


resulta ng pangyayaring ito.

Halimbawa.(gumawa ng dayagram sa pisara,


magbigay ng sanhi at hayaang ang mga bata
ang magbigay ng bunga

Dahil nahanap niyo ang bunga ng sanhi


subukan naman nating hanapin ang sanhi ng
ibibigay kong mga bunga.

Subukan nating gumawa ng dayagram na


may sanhi at bunga sa pamamagitan ng
teksong ito.

Lahat ay may kanya kanyang ginagawa. May


nagkakabit ng kurtina sa mga bintana.
Nagpapahid ng floorwax sa sahig at pabalik-
balik na paglalampaso nito. May nagluluto ng
torta at cookies at sinisiguro na tama ang
temperatura ng pugon upang hindi masunog
ang mga ito. Habang ang iba ay naglilinis ng
kapaligiran. Ang lahat ng gawaing ito ay
makikita sa tuwing sasapit ang kapistahan. 

Ano-ano ang sanhi at bunga nito?

E. Paglinang/pangkatang gawain

I gugrupo ko kayo sa tatlo. Gumawa ng


dayagram gamit ang mga sanhing ibibigay ko
bawat grupo.

Group 1-Palaging absent si Dennis


Group 2-Araw-araw nag eensayo si Mark sa
larong basketbol
Group 3-Si Andrea ay palaging maaga
magising sa umaga

V.  Paglalahat

Ano ang natutunan natin sa Araling ito?                 Paggawa ng dayagram


Ano ang Sanhi?                                                      Ito ang pinagmulan ng isang pangyayari.
Ano ang Bunga?                                                     Ito ang kinalabasan o resulta ng pangyayari.
Mahusay!

VI. Pagsusuri
 Gumawa ng dayagram. Isulat ang sanhi sa gitna at Isulat naman ang bunga sa paligid ng
sanhi. Piliin ang mga sagot sa mga sumusunod.
 
Natatakpan ang daluyan ng tubig sa kanal dahil sa mga basura    maraming namamatay na isda
Bumabaha tuwing umuulan                                             mabaho ang mga ilog
Hindi nagtatapon sa tamang tapunan                                   hindi na malinis ang mga tuig
Hindi nagsusuot ng facemask ang mga tao                      napakainit ng panahon
Hindi na presko ang simoy ng hangin                              madumi ang kapaligiran

VII. Takdang Aralin.


Gumawa ng dayagram. Bumuo ng sariling sanhi at ibigay ang bunga nito

You might also like