You are on page 1of 8

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

Grade 2 Innovative

Ikatlong Markahan

March 4, 2024

8:00am-9:00am

A. Pamantayang Pang Nilalaman

Naipamamalas ang kakayahan sa pag-unawa sa binasang salita na may sanhi at bunga.

B. Pamantayan sa Pagganap

Naipamamalas ang galing sa pagsulat ng mga salitang may sanhi at bunga.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa binasang talata at teksto. F2PB-Ih-6
F2PB-IIIg-6 F2PB-IVd-6

I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang;

a. Natutukoy ang sanhi at bunga sa nabasang talata o tekto.


b. Nakasusulat ng mga pangyayaring may sanhi at bunga.
c. Nakikinig at nakikilahok sa talakayan ng grupo o klase.

II. PAKSANG ARALIN

a. Paksa: Sanhi at Bunga

b. Sanggunian: MELCs, Filipino 2 module, K to 12 CG, Pinterest

c. Kagamitan: Ppt, Tv, Laptop, Worksheets

d. Estratehiya: Explicit teaching, Collaboration and visualization

e. Values Integration: Pakikinig ng Mabuti

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

• Panalangin Ang mga bata ay tatayo at mananalangin.


Tumayo ang lahat para sa ating panalangin.

• Pagbati

Magandang araw mga bata! Magandang araw din po sir ken!

• Pamamahala ng silid-aralan

Bago kayo umupo ay pulutin nyo muna ang Ang mga bata ay pupulutin ang mga kalat sa
mga kalat sa sahig at ayusin nyo muna ang sahig at aayusin ang mga upuan.
inyong mga upuan.

• Checking of Attendance

May lumiban ba sa araw na ito?


Wala po sir!
Mahusay kung ganon.

• Alituntunin

1. Makinig ng tahimik habang ang guro ay


nagsasalita sa inyong harapan.

2. Itaas ang kanang kamay kung gustong


mag salita o sumagot sa mga tanong.

3. Makilahok sa mga aktibidad na gagawin


na ibibigay ng guro.

• Balik Aral

Class! Naaalala nyo paba ang tinalakay nyo


sa Filipino noong nakaraang linggo?

Ano nga iyon? Sir! Patungkol po sa panghalip panao.

Tama! yun ay patungkol sa panghalip panao.

Ano nga ulit yung panghalip panao? Mga salitang pamalit sa ngalan ng tao.

Tama! Mga salitang pamalit sa ngalan ng


tao.

Maari ba kayong mag bigay ng mga salitang


Ako, Ikaw, Siya, Tayo, Kayo at Sila
pamalit sa pangalan ng tao?
Mahusay! Ako, Ikaw, Siya, Tayo, Kayo at Sila
ay ang mga salitang pamalit sa ngalan ng tao
o panghalip panao.

Napakahusay nyo naman class dahil naalala


nyo pa ang ating tinalakay noong nakaraang
linggo.

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak

Bago tayo magpatuloy sa ating talakayan


para sa araw na ito, tignan muna natin ang
larawan na ito.

Ang mga bata po ay naliligo sa ulan titser.


Ano ang napansin nyo sa larawan?

Ano kaya ang posibleng kalabasan o maging


epekto nito? Maaari po silang magkasakit.

Tama! Maaari silang magkasakit.

Ngayon ay mayroon akong inihadang


kwento. Handa naba kayong marinig ang
kwento?

Ang kwento ay pinamagatang,

“Ang Batang si Juan”

Isang araw si Juan ay sinabihan ng kanyang


ina na mag dala ng payong sapagkat
nagbabadya ang ulan dahil sa makulimlim
na kalangitan ngunit dahil sa pagmamadali
ni Juan ay hindi niya inintindi ang bilin ng
kanyang ina, at dali-daling nagtungo
palabas. Habang naglalakad si Juan, mga
ilang metro na ang nilakad mula sa kanilang
bahay ay biglang bumuhos ang isang
malakas na ulan at nabasa siya. Wala siyang
dalang payong panangga ng ulan kaya
naman dali dali itong tumakbo palayo at
sumilong. Sa huli matapos ang araw umuwi
si Juan ng nilalagnat dahil siya ay nabasa ng
ulan.

Ngayon sagutin natin ang ilan sa mga


katanungan sa kwento.

• Sino- sino ang mga tauhan sa kwento?


Sir! Si Juan at ang kanyang ina po.
Tama! Si Juan at ang kanyang ina.

• Ano ang sabi ng nanay ni Juan sa kanya?


Magdala daw po ng payong.
Magaling! Magdala ng payong.

• Ano ang kinalabasan ng nangyari kay Juan?


Si Juan po ay nagkasakit.
Mahusay! Si Juan ay nilagnat o nagkasakit.

Mga bata kayo ba ay nakikinig o sumusunod


sa sinasabe ng inyong mga magulang? Opo sir!

Mahusay kung ganon.

Sa palagay nyo class bakit kaya importante


na makinig ng mabuti sa sinasabe ng Sir! Importante po para di tayo matulad ni
magulang? juan na di nakinig sa kanyang magulang kaya
Tama! Ito ay napaka importante para di tayo sya nagkalagnat.
matulad ni juan na di nakinig sa kanyang
magulang kaya sya nagkalagnat.

2. Paglalahad

Ngayon ay basahin ninyo ang mga


pangungusap mula sa kwento.
• Sinabihan si Juan ng kanyang Ina na
magdala ng payong, sapagkat nagbabadya
ang ulan dahil sa makulimlim na kalangitan.

• Dahil sa pagmamadali ni Juan ay hindi niya


na inintindi ang bilin ng kanyang ina.

• Bumuhos ang malakas na ulan at nabasa


siya dahil wala siyang dalang payong.

• Matapos ang araw umuwi si Juan ng


nilalagnat dahil siya ay nabasa ng ulan.

Sa inyong palagay ano kaya ang ating


tatalakayin ngayong araw na ito?

Ang ating tatalakayin sa araw na ito ay ang


patungkol sa Sanhi at Bunga.

3. Pagtatalakay

Ano ba nag sanhi at bunga? Meron bang


nakakaalam?

Sanhi - Tumutukoy sa pinagmulan o dahilan


ng isang pangyayari.

Bunga - Ito ang resulta, epekto, kinalabasan


o dulot ng pangyayari.

Ngayon ay balikan natin ang mga binasa


ninyong pangungusap at alamin dito kung
alin ang sanhi at bunga.
1. Sanhi - Sapagkat nagbabadya ang ulan
1. Sinabihan si Juan ng kanyang ina na dahil sa makulimlim na kalangitan.
magdala ng payong, sapagkat nagbabadya
ang ulan dahil sa makulimlim na kalangitan. Bunga- Sinabihan si Juan ng kanyang ina na
Alin ang sanhi at alin nag bunga? magdala ng payong.

2. Dahil sa pagmamadali ni Juan ay hindi niya 2. Sanhi- Dahil sa pagmamadali ni Juan


na inintindi ang bilin ng kanyang ina. Bunga- hindi niya na inintindi ang bilin ng
kanyang ina.
Alin ang sanhi at alin nag bunga?
3. Sanhi- Dahil wala siyang dalang payong
3. Bumuhos ang malakas na ulan at nabasa Bunga- Bumuhos ang malakas na ulan at
siya dahil wala siyang dalang payong. nabasa siya.
Alin ang sanhi at alin nag bunga?

4. Matapos ang araw umuwi si Juan ng 4. Sanhi- Dahil siya ay nabasa ng ulan.
nilalagnat dahil siya ay nabasa ng ulan. Bunga- Matapos ang araw umuwi si Juan ng
nilalagnat.
Alin ang sanhi at alin nag bunga?

Napakahusay! Tama ang inyong mga sagot.

Narito pa ang ilang mga halimbawa.

Tamad mag-aral Bumagsak sa klase

Maingay na mga bata Nagalit ang guro

Mainit ang sikat Madaling natuyo ang


ng araw. mga damit.

Maraming candy Sumakit ang kanyang


ang kinain. ngipin.
Naintihan naba kung ano ang mga sanhi at Opo sir!
bunga?

Magaling kung ganon.

C. Paglalapat

Ngayon ay ipapangkat ko kayo sa apat na


pangkat. Magbibigay ako ng malilis na papel
upang dito nyo isulat ang inyong mga sagot.
Dapat kayong magtulungan upang mapadali
ang inyong pagsagot.

Panuto: Magsulat ng mga maikling


karanasan o pangyayari na inyong
naranasan sa buhay na may sanhi at bunga.
Pagkatapos ay guhitan nyo ang sanhi nito at
bilugan ang bunga. Bibigyan ko lamang kayo
ng sampong minuto para gawin ang
aktibidad na ito.

Halimbawa:

Kumain ako ng maraming candy kaya


sumakit ang aking ngipin.

D. Paglalahat

Mga bata naintidihan nyo naba ang ating


tinalakay ngayon? Opo sir!

Mahusay kung ganon!

Ano nga ulit ang ating tinalakay?

Mahusay tungkol sa sanhi at bunga. Sanhi at Bunga po sir!

Ano nga ulit yung sanhi? Sir! Ito ay tumutukoy sa pinagmulan o


dahilan ng isang pangyayari.
Tama! Ito ay tumutukoy sa pinagmulan o
dahilan ng isang pangyayari.

Ano naman ang bunga? Sir! Ito ang resulta, epekto, kinalabasan o
dulot ng pangyayari.
Mahusay! Ito ang resulta, epekto,
kinalabasan o dulot ng pangyayari.
Napakagaling nyo mga bata.

Lagi nating tatandaan na ang mga


pangungusap na nagpapakita ng dahilan ng
mga pangyayari ay tinatawag na “SANHI” at
kapag ang pangungusap naman ay
nagpapakita ng ng kinalabasan o resulta ng
pangyayari ito ay tinatawag na “BUNGA”

IV. PAGTATAYA

V. TAKDANG ARALIN

Panuto: Sumulat ng isang maikling pangyayari na inyong naranasan na nagpapakita ng sanhi


at bunga. Isulat ito sa inyong kwaderno o papel.

Inihanda ni: Ipinasa kay:

Khen Lloyd M. Mansueto Jonathan U. Sabalo

Student Teacher Cooperating Teacher

You might also like