You are on page 1of 7

DETAILED LESSON PLAN

GRADE 6
FILIPINO

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng klase ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
 Matukoy ang mga panghalip at pangalan sa mga pangungusap
 Makilala ang ibat-ibang uri ng pangungusap

II. PAKSANG ARALIN


PANGALAN AT PANGHALIP
SANGGUNIAN
UNANG KWARTER MODYUL 4; FILIPINO 6
KAGAMITAN
POWERPOINT
III. PAMAMARAAN
GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL

A. PAMAMARAAN

PAGDARASAL
 Tumayo tayong lahat at tayo ay
manalangin. Sa ngalan ng Ama, ng AMEN
Anak at ng Espirito Santo. Amen.
PAGBATI
Magandang umaga din po guro
 Magandang umaga sa ating lahat
 Tayo na ay maupo
PAGTANAW NG PANAHON AT PETSA
 Ian maaari mo bang tukuyin kung ano
ang panahon ngayon?

Linuel maaari mo bang tukuyin kung


ano ang araw at petsa ngayon?
ATTENDANCE
 Irah pwede kabang tumayo at sabihin -Wala pong Absent Guro
mo sakin kung kumpleto ang klasmeyt
mo

MGA TUNTUNIN
 Bago tayo magsimula sa aralin natin
meron tayong susundin na mga tuntunin
habang tayo ay nag kaklase. At kung
nasunod nyo ito ay mayroon akong
surpresa para sa inyo
1.Umupo ng maayos
2.Makinig ng mabuti kung ang guro o
klasmeyt ay nagsasalita
3.wag magulo sa klase

DRILL
 Bago tayo magsimula sa aralin natin
meron akong ihinandang Gawain

PANGALAN PANGHALIP
Anak ganito
Ate kanila
Pinsan ako
PANGALAN PANGHALIP
Gatas dito
Bayan

Anak kanila gatas ako dito


Ganito ate pinsan bayan

Sa gawaing ito tutukuyin ninyo ang mga Opo guro


salitang nasa kahon kung pangalan ba o
panghalip

Madali nyo bang natukoy ang mga panghalip at


pangalan?

DISCUSSION:
 Basahin natin ang dialogo ng mag ama
 Isang araw habang naglalakad ang mag-
ama kasama ang aso nilang is Boomer. Linuel: Tatay totoo po bang hindi pa uuwi
Napag usapan nila ang kaniyang nanay ang Nanang Beng galing maynila?

Ian ikaw ang gaganap sa tatay at si Ian: Oo anak, sa paguwi niya may dala
linuel naman si jun siyang mga pasalubong sa iyo.

Linuel: Yehey! May mga pasalubong pala


ako

Ian: Anak ang ingay mo.


Linuel: masaya lang po ako tatay dahil may
pasalubong ang nanay sa akin, Boomer,
narinig mo ba iyon?

Ian: halika, dalhin natin si Boomer sa plasa


para manood ng programa para sa Araw ng
Kalayaan. Hindi pa naman uuwi nanay mo.

Linuel: opo tatay

Opo guro

Naintindihan nyo ba ang diyalogo ng mag ama?

Kung naintindihan ninyo ang dialogo meron


Si Tatay at Jun po guro
akong mga katangungan na dapat ninyong
Si Nanang Beng
sagutin.
Sa maynila po guro
Irah sino ang nag uusap sa binasa? Hindi makauwi ang nanay
Ian sino ang kanilang Pinag uusapan? Mamasyal sila sa plasa kasama si boomer.
Linuel saan nagbakasyon ang nanay ni Jun?
Bakit malungkot si jun Irah?
Paano napasaya ni tatay ang kanyiang anak?

VERY GOOD MGA BATA!!

Ang mga nabanggit sa usapan gaya ng Nanay


Beng, Jun, tatay, anak, pasalubong, Boomer,
programa at Araw ng Kalayaan ay tinatawag na

Ang pangalan ay mga salitang tumutukoy sa


ngalan ng tao, bagay, hayop, pook at
pangyayari, ito ay maaaring tunay na ngalan at
di tunay na ngalan. Ang tunay na ngalan ng tao,
bagay, hayop, pook at pangyayari ay nag
sisimula sa malaking titik. Nagsisimula naman
sa maliit na titik ang di tunay o karaniwang
ngalan ng tao, bagay, hayop, pook at panyayari.
Ang pangalan ay maaring simuno o panaguri.
Ginagamit na simuno ang pangalan kapag ito ay
may panandang ang at si.

Samantalang ang mga salitang siyang, niya,


ako, mo, niya, iyo, akin, iyon, at natin ay
tinatawag na panghalip. Ang panghalip ay mga
salitang pamalit o panghalili sa ngalan ng tao,
bagay, hayop, at pook.

Mayroong Ibat-ibang gamit ng panghalip


 Panghalip panao- ito ay ginagamit
bilang panghalili o pamalit sa ngalan ng HALIMBAWA…
tao, gaya ng tayo, kayo nila, ko niya,
inyong, kanila, silat ninyo.
HALIMBAWA;
Tayo ay nasa loob ng paaralan

Magbigay nga ng halimbawa Ian?

 Panghalip Pamatig-ito ay ginagamit


bilang panturo sa lugar o bagay na ………
malayo o malapit sa nagsasalita gaya
ng ditto, doon, hayun at hayan,
HALIMBAWA
-Dito po ang daan papuntang plasa

Irah magbigay ka nga ng isang


halimbawa ng panghalip pamatig.

 Panghalip na patulad- ito ay ginagamit ……..


sa pang halinttlad ng paggawa ng mga
bagay gaya ng ganito, at ganiyan,
HALIMBAWA
-GANYAN DIN ANG DAMIT NA
BINILI NG AKING INAY

Magbigay nga ng isang halimbawa ng


panghalip patulad Linuel.

 Panghalip panaklaw- ito ay nagsasaad


ng dami o kalahatan gaya ng lahat at
bawat isa.
HALIMBAWA
-Lahat tayo ay gustong makapagtapos
ng pag aaral

Magbigay ng isang halimbawa Ian

 Panghalip pananong

Isahan Maramihan
Ano ano-ano
Sino sino-sino
Saan saan-saan
Alin alin-alin
Kanino kani-kanino

HALIMBAWA
-Saan magaganap ang pista?
-sino-sino ang mga sasali ditto?

Ang mga salitang nabanggit sa usapan


ay madalas ginagamit sa pakikipag
usap sa ibat ibang sitwasyon gaya ng
pag uulat paglalahad pagpapaliwanag
paghahatid ng mensahe pag papahayag
at pag bibigay ng Tama\Maling .
impormasyon.

ENRICHMENT ACTIVITY
GAWAIN 1
PANUTO: Basahin at piliin sa loob ng
kahon ang angkop na sagot sa
sumusunod na mga pangungusap. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

guro plasa Dr. Jose Rrizal Nating


Buki Bayani Araw ng Namin
d Kalayaan
kami Sila ako
1. Si _________________ ang ating
pambansang ________________.
2. Gusto kong manood ng palabas sa
_________________.
3. Sagana ang pamumuhay ng
magsasaka sa _____________.
4. Tuwing ika-12 ng Hunyo
ipinagdiriwang natin ang
_________________________.
5. Masaya ang mga _________ kung
mataas ang marka ng mga mag-aaral
sa pagsusulit.
6. _______________ay sumusunod sa
utos n gating gobyerno.
7. Sina Aling Martha at Mang Kardo
ay nagtanim ng maraming gulay sa
likod ng kanilang bahay. ________
ay umani ng maraming gulay.
8. Si Jose ay may alagang aso at
__________ naman may alagang
pusa.
9. Huwag na _____________ hayaan
na dapuan tayo ng sakit.
10. Malinis ang silid-aralan nina Gng.
Almalbis at Bb. Dela Cruz. Iyon ang
gayahin __________.

GAWAIN 2
PANUTO: Kilalanin kung anong uri ng
panghalip ang salitang may salungguhit. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1. Alin ang mas gusto mo, tsiko o atis?


2. Ganito ang wastong pagsulat ng titik M.
3. Doon tumakbo sa ilalim ng mesa ang
pusa.
4. Ang madla ay pumalakpak sa mabilis na
pagtakbo ni Jose.
5. Kumain ng masarap na suman ang
panauhin namin sa bahay.

Evaluation
A. PANUTO: Piliin sa loob ng panaklong ang panghalip na angkop gamitin sa sumusunod
na pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. ( Sinuman, Bawat isa) sa aming panauhin ay kaibigan ng kuya ko.


2. Ang pagmamahal ng mga ilaw ng tahanan ay walang (sinuman,anuman) ang
makakapantay.
3. Ipinapakita ng nanay ang wastong paraan ng pagluluto ng binating itlog.. Ano ang
sasabihin niya? “(Ganito,Ganiyan) ang pagbati ng itlog” paliwanag ng nanay.’’
“(Ganito, Ganiyan) ba ang tamang paghawak ng tinidor?’’ tanong ng anak.
4. Ipinapakita ni Ana ang isang bagay sa kaibigang si Maris. Ano ang sasabihin niya?
(Ganito,Ganiyan) ba ang gusto mo Maris?’’ “Opo (ganito, ganiyan) nga ang gusto
ko.’’sabi ni Ana.
5. Matatalino ang lahat ng mga anak nina Mang Jimmy at Aling Sabel. ( Lahat, Bawat isa)
sila ay mga lalaki.

B. REPLEKSYON:
PANUTO: Kumpletuhin ang pahayag.

Sa mga gawaing inilaan ng guro, nalaman ko na


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
__________________________.

ASSIGNMENT

Gumawa ng sariling pangungusap gamit ang pangalan at panghalip.

PREPARED BY:
JUNEL JAMES SALINGBAY
BEED 4TH YEAR

You might also like