You are on page 1of 10

DETAILED LESSON PLAN

ARALING PANLIPUNAN
GRADE 6

I. PAKSANG ARALIN
Pananakop ng mga Hapones at ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig

II. MGA LAYUNIN


Sa pag tatapos ng aralin ang mga mag aaral ay inaasahang
a. mailahad ang mga pangyayari sa pagpapatibay at pagbabalangkas ng Konstitusyon ng 1943 at ang
pagtatag ng Ikalawang Republika ng Pilipinas
b. matukoy ang mga naging hakbang at kilusan na may kinalaman sa kalayaan
c. maisasalamin ang aralin sa sarili.

III. KAGAMITAN/ SANGGUNIAN


PowerPoint, BlackBoard, Chalk
Ikatlong Kwarter: Modyul 6 sa Araling Panlipunan 6
https://www.youtube.com/watch?v=51niWyk-ueo&t=50s

IV. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng mga mag-aaral
A. Pambungad na Gawain
-Pagdarasal Tumayo tayong lahat at tayo ay
manalangin Sa ngalan ng Ama ng Anak at Ng
Espirito Santo. Amen.

-Pagbati Magandang Hapon sa ating Lahat Magandang hapon din po Guro

Pagsusuri Sa huling aralin ninyo ito ay ang


pamamahala ng militar ng Hapon
Anong Petsa nasakop ng mga
Hapon an gating Bansa? Enero 2, 1942 po guro

Sino ang mga pinunong


nagdesisyon na makipag ugnayan
at tulungan ang mga hapones? Sina, Jose Yulo, Jose Laurel, at
Claro Recto
Okay Very Good
Pagganyak
Ngayong aralin ipapanuod ko ang
Bidyo kung paano nasakop ng
mga hapones an gating bansa.

B. PAGLALAHAD
Paglalahad Aralin

Ang Aralin natin ngayon ay ang


Pananakop ng mga Hapones at
ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig
Matutukoy dito ang
Pagbabalangkas at Pagpapatibay
ng Konstitusyon ng 1943.
Pagtatatag ng Ikalawang
Pagtatalakay Republika ng Pilipinas.
Mga Hakbang at Kilusan na may
Kinalaman sa Pagsasarili.

Basahin ang nasa Modyul Ang konstitusyon ng 1943 ay


Pagbabalangkas at Pagpapatibay pinagtibay ng Komisyon noong
ng Konstitusyon ng 1943 Setyembre 4, 1943. Ang
konstitusyon na ito ay naisulat sa
wikang Tagalog at Ingles at
binubuo ng panimula at
labindalawang Artikulo. Itinatag
nito ang ikalawang Republika ng
Pilipinas.
Noong Setyembre 20, 1943 pinli
mula sa kasapi ng KALIBAPI ang
108 na kinatawan ng Pambansang
Kapulungan. Hinirang ng
Pambansang Kapulungan ilang
Pangulo ng Republika ng Pilipinas
si Jose P. Laurel. Noong Oktubre
14, 1943 pinasinayaan ang
pagpasok ng bagong pangulo ng
Republika ng Pilipinas.
Kailan Piangtibay ang
konstitusyon?
Setyembre 4, 1943
Kailan naman ito itinatag?
Setyembre 20, 1943
Kelan Pinasinayaan ang pagpasok
ng bagong pangulo? Oktubre 14, 1943

Sa pamamagitan ng samahang ito


nabuo ang bagong pamahalaan ng
Pilipinas. Pagkatapos kilalanin si
Laurel na pangulo, siya ay
pinalagda ng isang pormal na
kasunduan sa mga Hapon na
pahintulutan ang Sandatahan ng
Imperyong Hapones na manatili at
magkaloob sa kanila ng karapatang
kahalintulad sa mga Pilipino na
gamitin ang likas na yaman ng
bansa. Ang kasunduang ito ay
tinawag na Pact of Alliance sa
mga Hapon. Matamlay ang
pagtanggap ng mga mamamayang
Ano ang tawag sa kasunduan sa
Pilipino sa Ikalawang Republika ng
mga hapones?
Pilipinas.

Batid nila na ang kalayaan na


ibinigay ng mga Hapones ay huwad
at ang pamahalaang ito ay isang
pamahalaang kontrolado ng ibang
pamahalaan(puppet
government) na parang puppet
ito. Ito ay dahil ang mga Pilipinong
opisyal ay tauhan lang ng mga
Hapones. Walang kalayaan si Jose
P. Laurel na mamuno ayon sa
minimithi ng mga Pilipino. ang
mga tagapayo ay hindi nagpayo
kundi nag-utos ng anong dapat
gawin. Ang kanilang iniutos ay
pawang nakabubuti lamang para sa
Bakit Tinawag na Puppet sarili. Minsan, hindi nila sinusunod
Government ang ibang ang mga utos ng mga Hapones
pamahalaan? kung alam nilang hindi ito
makabubuti sa mga Pilipino.
Ang susunod ay ang
Pagtatatag ng Ikalawang
Republika ng Pilipinas.
Paano nga ba naitatag ang
ikalawang republika? Si Manuel Quezon ang
nanatiling pinuno sa pamahalaang
Komonwelt ngunit siya ay ay
namalagi muna sa Australiya bago
tuluyang pumunta sa Amerika. Ang
pagpunta ng ilang opisyal ng
Pilipinas sa ibang bansa ay
nagdulot ng iba-ibang pananaw.
Ayon sa iba, ito ay nagpapakita ng
kanilang kahinaan dahil hindi nila
nakayanan ang mga pagsubok na
nangyari sa bansa sa panahon ng
digmaan. Sa kabilang banda, ang
iba naman ay sumang-ayon dito
sapagkat ito lamang ang tanging
paraan na mapangalagaan ang
pinakamataas na opisyal ng bayan.
Ang tanging nagawa ng
pamahalaang ito sa panahon ng
pananakop ng mga Hapones ay
udyukin ang mga Pilipinong
manatiling matatag sa harap ng
pagsubok.

Sa panahon ng pananakop ng mga


Hapones, nagtatag sila ng
pamahalaang de facto. Kahit na
ang adhkain ng Imperyong
Hapones ay ang pananakop sa
Pilipinas, nahirapan pa rin silang
kunin ang loob ng Pilipino na
makipagtulungan sa pamahalaang
itinatag nila. Ang isang sa mga
ginawa ni Punong Ministro Hideko
Tojo upang makuha ang tiwala ng
mga Pilipino ay ang nagpahayag
nito na ipagkaloob ang kasarinlan
ng Pilipinas kapag naintindihan ng
mga Pilipino ang layunin sa
Mga Hakbang at Kilusan na may pagsakop sa Pilipinas at
Kinalaman sa Pagsasarili. makipagtulungan ang mga Pilipino
sa Programang Greater East Asia
Co-prosperity Sphere

Ang mga Pilipino ay patuloy pa


ring umasa na balang araw ay
tuluyan ding makakamtan nila ang
tunay na kalayaan at magkakaroon
ng isang bansang may tunay na
kasarinlan na kikilalanin ng buong
mundo. Kahit na anumang pilit ng
mga Hapones na ipakilala ang
kanilang uri ng pamumuhay at
hikayatin ang mga Pilipino na
makipagtulungan sa kanilang
layunin, marami pa ring mga
Pilipino ang tahasang nagsulong sa
tuluyang paglaya ng Pilipinas.
Dahil sa mithiing ito, nagtatag ng
pamahalaang militar ang
Imperyong Hapones at
kagawarang nagpapalakad nito

Pagtatatag ng Preparatory
Commission in Preparation for
Independence - PCPI (Ang
panimulang komisyon para sa
kasarinlan ng Pilipinas)
Kailan nabuo ang PCPI? Ito ay nabuo noong Enero 20,
1943. Ito ay isang komisyon na
itinatag upang maihanda ang isang
konstitusyon para sa Republika ng
Pilipinas na sumusuporta at
pumapanig sa mga Hapon. Si Jose
P. Laurel ang naging tagapangulo
ng komisyong ito, habang si
Ramon Avanceña at Benigno
Aquino Sr, naman ang mga
pangalawang tagapangulo.

United States Armed Forces of


the Far East (USAFFE)
Itinatag ito noong Hulyo 26, 1941.
Ang kilusang ito ay binubuo ng
mga reserba at regular na sundalo
na lumahok sa sandatahan ng mga
sundalo ng Amerika. Ito ay
Sino ang namuno sa USAFFE?
pinamunuan ni Heneral Douglas
McArthur. Binubuo ito ng 100,
000 sundalong Pilipino na nahasa
ni Heneral McArthur sa
modernong pamamaraan ng
pakikidigma. Ang mga kasapi ng
sandatahang ito ay lumaban at
nagpakita ng kanilang matapang
na diwa sa pakikibaka laban sa
mapait na dulot ng imperyalismo.
Kahit na marami sa kanila ang
namatay at limitado ang sandata,
naipakita ng mga kasapi nito at
kagitingan at katapangan na
harapin ang mapait na dulot ng
pagsuko sa mga Hapones

Hukbong Sandatahan Laban


sa Hapon (HUKBALAHAP)
Ito ang pinakamalaking pangkat ng
Sino-sino ang tumatag sa mga gerilya na itinatag ni Luis
HUKBALAHAP? Taruc, Jesus Lava at Jose
Banal. Ito ay binubuo ng mga
magsasaka mula sa Gitnang Luzon
na nakaranas ng pang-aabuso at
kalupitan mula sa mga Hapones
kagaya ng pagkukumpiska ng mga
produkto mula sa pagsasaka at
pagkuha sa kanilang alagang hayop
upang gawing pagkain ng mga
Hapones.
Tinawag na Huk ang mga kasapi
ng sandatahang ito. Maraming mga
Pilipino ang sumali dahil sa
kalupitan ng mga Hapones

MAKAPILI at KEMPETAI
Ang makabayang Kalipunan
ng mga Pilipino (League of
Patriotic Filipinos) o Makapili
ay isang samahan ng mga
tagapagmasid ng mga Hapones
noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Ang mga Makapili ay
Anong taon itinatag ang nagtatakip ng kanilang mukha sa
Kempatai? loob ng isang bayong.

Kempetai naman ang mga pulis


C. Pagsubok militar ng imperyong hapones na
itinatag noong 1881. Ang kempetai
ay gumanap din bilang sangay
pang-espiya ng mga Hapones. Sila
ay kilala sa pagpapahirap ng mga
mamamayang pinaniniwalaang
sumusuporta sa mga gerilyang
lumalaban sa Hapones. Ang
organisasyong ito ay nagbigay ng
matinding takot sa mga
mamamayang Pilipino dahil kahit
sino sa kanila ay maaaring
mapahamak.

Tinupad ng mga Amerikano ang


kanilang pangako na sila ay
magbabalik nang dumaong sila sa
Leyte at sinimulan ang
pakikidigma sa puwersa ng mga
hapones noong Oktubre 1944.
Nagtapos at tuluyang nakalaya ang
Pilipinas sa kamay ng mga
Hapones noong Hulyo 4, 1945.

Isulat ang kahulugan ng mga


sumusunod na acronyms sa
nakalaang guhit. Ipaliwanag ang
kontribusyon ng mga ito sa
Panahon ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
1. USAFFE -
2. HUKBALAHAP-
3. MAKAPILI-
4. PCPI –

Ikumpara ang pamumuhay ng mga


Pilipino sa panahon ng mga
dayuhang mananakop mula sa
nagdaang aralin. Isulat ang mga
impormasyon sa talaan.
Pagkatapos ay isulat sa loob ng
kahon ang pagkakatulad ng mga
mananakop batay sa naisulat sa
tsart.

V. PAGLALAHAT.

Naintindihan Ba ang Pananakop ng mga Hapones sa ating bansa?

Kailan pinatibay ang Konstitusgyon 1943?


Ano-Ano ang Mga Hakbang at Kilusan na may Kinalaman sa Pagsasarili (apat na Hakbang)
VI. Takdang Gawain
Panoorin Kung Paano Nagsimula ang ikalawang digmaang pandaigdig
At gumawa ng narrative sa isang buong papel.

You might also like