You are on page 1of 17

PAMAMAHALA NG

KOLONYALISMONG
HAPON
Ang Pamahalaang Militar
Lubusang nasakop ng mga Hapones ang
Maynila noong Enero 2,1942. Ipinahayag agad ni
Heneral Masaharu Homma ang kalawang-bias ng
kapangyarihan ng Amerika at ang kanilang
patakaran sa pananakop. Siya ang punong
kumander ng Hapon at ng Hukbong Sandatahan ng
Imperyong Hapones.
Ang napiling maging
pangulo ng Komisyong
Tagapagpaganap
( Executive Commission) ay si Jorge
Vargas, ang alkalde ng Maynila.
Itinalagang mga tagapayo na mga
Hapones sa bawat kagawaran.
Ang Pambansang Asamblea
Ito ay dating nasa ilalim ng
Pamahalaang Commonwealth ay hinayaang
manatili ng mga Hapones. Subalit wala na itong
kalayaan at kapangyarihang gumawa at
magpatupad ng mga batas. Ang pamunuang militar
ng mga Hapones ang namahala sa paggawa at
pagpapatupad ng mga kautusang pampangasiwaan,
at nagpatibay ng mga batas.
Ang mga Hukuman
Ang dating ispiker ng Asamblea ng
Commonwealth na si Jose Yulo ang napiling Punong
Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman.
Nanatili ang mga dating hukuman. Ngunit
pinigilan ang mga kalayaan nito. Ang tanging
kapangyarihan nito ay ang lumitis sa mga usaping
sibil at kriminal na kinasangkutan ng mga Pilipino
lamang.
Ilan sa mga usaping ito ay ang mga
nauugnay sa trapiko, pagpatay at ang
salang bigamya. Ngunit madalas din itong
pakialaman ng Kempeital, ang mga pulis-
military na Hapones. Nawalan ng
kalayaang magbigay ng katarungang hatol
ang mga hukom.
Mga Nawalang Karapatan
Totalitaryan ang pamahalaang pinairal ng
pamahalaang military ng mga Hapones. Binuwag
nila ang pamahalaang demokratikong ipinakilala
ng mga Amerikano. Maraming ipinagbawal ang
Pamahalaang Hapon at ang mga karapatan ng mga
mamamayan ay nawala tulad ng:
1. Karapatang
mabuhay nang malaya
2. Karapatang ituring na
walang sala hangga’t hindi
napatutunayan sa
makatarungang paglilitis
3. Karapatan sa
malayang
pagpapahayag at
paglilimbag
4. Karapatanng
magsagawa ng isang
tahimik na pagtitpon
5. Karapatang
makapaglakbay
6. Karapatang mahalal
na pinuno ng bayan
Pagtatag ng KALIBAPI
Ang lahat ng mga lapiang pampolitika ay
binuwag ng mga hapones. Ang tanging partidong
tinangkilik ng mga Hapones ay ang Kapisanan ng
Paglilingkod sa Bagong Pilipinas o KALIBAPI.
Ito ay ipinalit sa mga binuwag na partido, at
pinamunuan ni Jorge Vargas at pinamahalaan ni
Benigno Aquino Sr.
Pagtatatag ng Preparatory Commission for
Philippine Independence
Hulyo 19, 1943 idinaos ng KALIBAPI ang
Pambansang Kumbensiyon upang humirang ng 20
kaanib sa Komisyon sa Paghahanda sa Kalayaan ng
Pilipinas (PreparatoryCommission for Philippine
Independence o PCPI) Napiling pangulo si Jose P.
Laurel. Ang kanyang pangunahing tungkulin ay
balangkasin ang bagong Saligang Batas.
Ang Saligang Batas 1943
Upang ipakita na mayroong batayan ang kanilang
layunin, ipinabago ng mga Hapones ang Saligang
Batas upang maging makatotohanan ang pagtatatag ng
Ikalawang Republika. (Gayun pa man, ang republikang
ito ay naging puppet o sunud-sunuran
lamang.)Pinagtibay ito ng 117 kinatawan ng
KALIBAPI noong Setyembre 4, 1943. Ang mga
sumusunod ay ilan sa mga katangian ng Saligang Batas
1943
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga katangian ng
Saligang Batas 1943
1. May higit na kapangyarihan ang Pangulo ng
Republika kaysa Hukuman.
2.Walng posisyon para sa Pangalawang Pangulo
3.May kapangyarihang pambatas ang batasang
unicameral na tinawag na Pambansang Asemblea.
4.Binigyang-diin ang mga pananagutan at tungkulin
ng mga mamamayan.

You might also like