You are on page 1of 3

Semi-Detailed Lesson Plan in Araling Panlipunan 6

1st Quarter

Date: July 17, 2019

I. Layunin

1. Napapahalagahan ang nagawa ni Andres Bonifacio at at ng Katipunan.

2. Naisusuri ang mga pangyayari sa himagsikan ng mga Pilipino.

3. Natatalakay ang mga ambag ni Andres Bonifacio, ang Katipunan at Himagsikang 1896

sa pagbuo ng Pilipinas bilang isang bansa.

AP6PMK-Ie-7

II. Paksang Aralin

Paksa: Kilusang Propaganda, Katipunan at Himagsikan

Kahalagahan: Pagiging Matapang sa Lahat ng Hamon sa Buhay

Mga Sanggunian: K-12 Curriculum Guide

https://www.scribd.com/document/412453340/Pamantayan-Sa-Pagpili-Ng-Pambansang-Bayani

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawai

Balik -aral:

Ano-ano ang mga pamantayan sa pagpili ng Pambansang Bayani?

B. Panlinang na Gawain

1. Ipakita ang larawan sa klase.

1. Ano ang nakikita niyo sa larawan?

2. Kilala nyo ba ang nasa larawan?

3. Ano ang masasabi ninyo sa larawan?

2. Paglalahad

Mga Tanong:

1. Kilala nyo ba si Andres Bonifacio?


2. Sino si Andres Bonifacio?

3.Pagtatalakay

1. Ano ang nagawa ni Andres Bonifacio?

2. Ano ang papel na ginampanan ni Andres Bonifacio sa Himagsikan?

3. Ano ang nangyari noong Himagsikan taong 1896?

4. Paano naging isang bayani si Andres Bonifacio?

5. Anong klaseng bayani si Andres Bonifcaio?

4. Pagpapayamanin ng mga gawain

a. Gabayan ang mga mag-aarl sa pagbuo ng tatlong pangkat. Hikayatin silang isadula ang sumusunood na

Sitwasyon.

Magpili ng lider, sa bawat lider kukuha ng papel sa kahon. Bawat grupo ay magsasadula ng mga

naiambag ni Andres Bonifacio.

- Himagsikan

- Katipunan

- Kalayaan ng Pilipinas

b. Parisang gawain

Magbigay ng naiambag ni Andres Bonifacio para sa kalayaan ng Pilipinas at isabi ito sa kapares.

5.Paglalahat

Kung bibigyan kayo ng isang pagkakataon na pumili ng isang bayani, pipiliin mo ba si Andres Bonifacio?

Bakit?

6.Karagdagang pagsasanay

Iulat ang naiambag ni Andres Bonifacio at ang kanyang papel na ginampanan noong Himagsikan sa buong
Pilipinas. Kayo, paano nyo hinarap ang hamon ng inyung buhay?

7.Pagpapahalaga

Kung si Andres Bonifacio buong tapang niyang hinarap ang himagsikan para sa Kasarinlan ng Pilipinas. Kayo
paano nyo hinarap ang hamon ng inyung buhay?
IV. Pagtataya o Ebalwasyon

Sa malinis na papel isulat ang mg naiambag ni Andres Bonifacio ang Katipunan at Himagsikan ng 1896 sa pagbuo ng
Pilipinas bilang isang bansa.

V. Gawaing Bahay

Iguhit ang mga naiambag ni Andres Bonifacio para sa ating banssang Pilipinas.

You might also like