You are on page 1of 32

Araling Panlipunan VI

Unang Markahan
Ikalimang Linggo
Aralin 17

I. LAYUNIN:
7.2.1. Natatalakay ang mga ambag ni Andres Bonifacio sa
pagkakatatag ng Katipunan
7.2.2. Nakapagpapakita ng bahaging ginampanan ni Andres
Bonifacio sa pagkakatatag ng Katipunan
7.2.3. Nakapagbibigay ng sariling pagpapahalaga sa pagkakatatag
ng Katipunan.

II. NILALAMAN:
Mga Ambag ni Andres Bonifacio sa Pagbubuo ng Pilipinas Bilang Isang
Malayang Bansa

III. KAGAMITAN PANTURO:


A. Sanggunian : MISOSA p. 53 – 54, Teksbuk p. 286, TG,
AP6PMK-IE-7, LM 34 – 38, etc.
B. Iba pang kagamitan : larawan ni Andres Bonifacio, PPT,
laptop, Realia (Php10 coin)

IV. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan tungkol sa napapanahong isyu.
(Pagbabalita ng nakatakdang mag-aaral na magbabalita sa
araw na ito)
2. Balik Aral
 Ano ang pangyayaring naganap sa Pugadlawin?
 Kailan naganap ang pag-punit ng sedula ng mga
Katipunero?
 Anong ang nag-udyok upang magtipon-tipon ang mga
Katipunero sa Pugadlawin?
 Anu-anong probinsiya ang lumaban sa mga Espanyol?

3. Panimulang Pagtataya
Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Sino ang nagtatag ng Katipunan?
A. Emilio Aguinaldo C. Manuel L. Quezon
B. Andres Bonifacio D. Jose P. Rizal
2. Kailan itinatag ang Katipunan?
A. Hulyo 7, 1982 C. Hulyo 7, 1890
B. Hulyo 7, 1892 D. Hulyo 7, 1882
3. Saan itinatag ang Katipunan?
A. Cavite C. San Pedro, Laguna
B. Laguna D. Kalye Azcarraga sa Maynila
4. Ano ang kahulugan ng simbulong KKK?
A. Kataas-taasan, Kabait-baitan Katipunan anak ng Bayan
B. Kataas-taasan, Karangal-ngaralang Katipunan ng mga
anak ng Bayan
C. Kataas-taasan, Karangalang Katipunan ng mga Anak ng
Bayan
D. Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga
Anak ng Bayan
5. Kailan naging Supremo ng Katipunan si Andres Bonifacio?
A. 1895 hanggang 1987 C. 1875 hanggang 1987
B. 1985 hanggang 1987 D. 1895 hanggang 1987
Sagot: 1. A 2.B 3. D 4. D 5.A

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin o Pagganyak


Bigyan ang mga bata ng tig sampung piso o hayaang maglabas
sila ng baryang sampung piso.
 Kaninong larawan ang nasa sampung piso?
 Bakit sila nakaukit sa ating pera?
 Ano ang naibahagi nila sa katipunan/ sa ating bansa?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin / Paglalahad ng


Aralin (Integrative Approach)
Panoorin natin ang PowerPoint presentation tungkol sa mga ambag
ni Andres Bonifacio sa kasaysayan ng Kalayaan ng bansa.
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong
kasanayan
1. Gawain 1

Andres Bonifacio at Ambag Niya sa Katipunan


Ang pagkakaron ng ibang ideolohiya ang nagtulak kay Andres
Bonifacio at iba pang miyembro ng La Liga Filipina para itatag ang
Katipunan nong 1892. Naniniwala sila na makakamit ng Pilipinas ang
kalayaan sa pamamagitan ng rebolusyon at hindi sa mapayapang
paraan na sinubukan nang gawin ng kilusang Propaganda.
Itinatag ito noong ika-7 ng Hulyo, 1892 sa isang bahay sa Kalye
Azcarraga (Claro M. Recto) sa Maynila. Ang Katipunan ay may
simbolong Kataas-taasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga
Anak ng Bayan. Ang hangarin ng samahan ay tipunin ang mga
Pilipinong handang lumaban para sa kanilang kalayaan mula sa
Espanya. Noong 1895 hanggang 1897, si Andres Bonifacio ay naging
Supremo ng Katipunan. Pinatunayan niya na hindi hadlang ang
kahirapan upang pamunuan ang bansa. Ang mga akdang isinulat
niya na nakaimpluwensiya sa maraming mga Pilipino ay ang: Pag-ibig
sa Tinubuang Lupa, Sampung Utos at Dekalogo ng Katipunan.
Pinamunuan niya ang Katipunan hanggang sa huli.
Source: Lahing Dakila 6 pahina 286

1. Sino ang namuno sa Katipunan?


2. Anu-ano ang mga ambag niya sa kasaysayan ng bansa?
3. Bakit itinatag ang Katipunan?
4. Ano ang bahaging ginampanan ni Andres Bonifacio sa
paglaya ng bansa?
5. Sa kabila ng kahirapan naging isang mahusay na pinuno ba si
Andres Bonifacio? Bakit?
6. Paano binago ni Andres Bonifacio ang pananaw ng mga
Pilipino?
7. Magbigay ng akdang ginawa ni Bonifacio na nakapagpukaw
sa himagsikang Pilipino?
2. Gawain 2: Piliin sa loob ng kahon ang mga ambag ni Andres
Bonifacio sa kasaysayan ng bansa. Isulat ito sa graphic organizer.

Pambansang Bayani Pinamunuan ang Katipunan


Ama ng Wikang Pambansa Nagtatag ng Katipunan
Sumulat ng mga Akdang nakaimpluwensiya sa mga PIlipino

Ambag ni ANDRES BONIFACIO


sa Katipunan
E. Paglinang sa Kabihasaan
Isadula ang bahaging ginampanan ni Andres Bonifacio sa
kasaysayan ng bansa.

Sama samang nagpupulong ng mga Katipunan sa pangunguna ni


Andres Bonifacio
Andres B : Handa ba kayong makamtan natin ang kalayaan?
Katipunan : Opo! kalayaan ng ating bansa sa Espanya!
Andres B : Kung gayon sa araw na ito itinatatag natin ang KKK
at samasama

F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay.


Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa pagkakatatag ng
Katipunan?

G. Paglalahat ng Aralin
Ano-ano ang ambag ni Andres Bonifacio sa kasaysayan ng
kalayaan ng bansa?

H. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Piliin ang letra nang tamang sagot.
1. Sino ang namuno sa Katipunan?
A. Emilio Jacinto C. Andres Bonifacio
B. Emilio Aguinaldo D. Manuel L. Quezon
2. Alin ang ambag ni Andres Bonifacio na nagpatunay na hindi
hadlang ang kahirapan upang maging pinuno?
A. ang kanyang mga sinulat na akda
B. pagiging supremo ng katipunan
C. pagiging lumpong utak ng himagsikan
D. ang kanyang pagiging pambansang bayani
3. Bakit mahalaga si Andre Bonifacio sa kasaysayan ng kalayaan
ng bansa?
A. Itinatag niya ang Katipunan
B. Ipinanalo niya ang himagsikan
C. Naging mabuti siyang katipunero
D. Naging inspirasyon siya sa mga Pilipino
4. Ano ang ipinahihiwatig ng salitang Andres Bonifacio at
Katipunero?
A. Kalayaan C. demokrasiya
B. Reporma D. nasyonalismo
5. Paano binago ni Andres Bonifacio ang pananaw ng maraming
Pilipino? Pinatunayan niyang_____.
A. ang karunungan ng tao ay pantay-pantay lamang
B. hindi hadlang ang kahirapan upang maging pinuno
C. kayang maglingkod ng kababaihan sa pamahalaan
D. ang pinakadakilang pag-ibig ay ang pag-ibig ng bayan

Sagot: 1. C 2. A 3.A 4.A 5. D

I. Karagdagan Gawain para takdang aralin at remedyasyon


 Sinu-sino ang mga kababaihang may partisipasyon sa
kasaysayan ng rebolusyon Pilipino?
Sanggunian: Lahing Dakila 6, pahina 270
Araling Panlipunan 6
Unang Markahan
Ikalimang Linggo
Aralin 18

I. LAYUNIN:
7.2.1. Natatalakay ang mga pangyayaring nagbunsod sa Himagsikan
noong 1896 sa pagbuo ng Pilipinas bilang isang bansa
7.2.2. Naipakikita ang ilang mga pangyayaring naganap sa Himagsikan
noong 1896
7.2.3. Nakapagbibigay ng sariling kurukuro tungkol sa mga
pangyayaring naganap sa Himagsikan noong 1896.

II. NILALAMAN:
Himagsikan ng 1896 sa Pagbubuo ng Pilipinas Bilang Isang Bansa

III. KAGAMITAN PANTURO:


A. Sanggunian : AP6PMK-IE-7, Yaman ng Pilipinas 6 TX p.
139, Makabayan Kasaysayang Pilipino
5 TX pp. 114-116
B. Iba pang kagamitan : larawan, video clips, activity sheet,
laptop
IV. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan tungkol sa napapanahong isyu.
2. Balik Aral
1. Ano ang itinatag ni Andres Bonifacio kasama ang ilang
makabayan noong Hulyo 7, 1892? (KKK)
2. Ano ang pangunahing layunin ng katipunan? (paglaya ng
Pilipina)
3. Sino ang kaibigan ni Bonifacio na tinatawag ding “Utak ng
Katipunan”? (Emilio Jacinto)
4. Ano ang naglalaman ng mga mithiin at hangarin ng
katipunan? (Kartilya ng Katipunan)

3. Panimulang Pagtataya
Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat sitwasyon.
1. Maraming mga bayani ang nakipaglaban sa mga Espanyol
para sa kalayaan ng bansa, sino sa mga bayaning ito ang
nanguna sa himagsikan upang mapalaya ang bansa?
A. Andres Bonifacio C. Juan Luna
B. Marcelo H. Del Pilar D. Jose Rizal
2. Noong Agosto 19, 1896 natuklasan ang Katipunan at inaresto
ang mga hinihinalang kasapi nito ngunit nakatakas sina
Bonifacio at Jacinto, saang lugar nagkita-kita ang iba pang
kasapi nito at nagplanong ipagpatuloy ang paghihimagsik?
C. Batangas C. Pampanga
D. Bulacan D. Pugad Lawin
3. Ideneklara ang batas militar sa walong lalawigang
naghimagsik laban sa Espanya ito ay ang Maynila, Cavite,
Batangas, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac at
Laguna, sino ang nagdeklara ng batas militar sa mga lugar na
ito?
A. Gobernador Blanco C. Heneral Aguinaldo
B. Gobernador Rivera D. Heneral Luna
4. Nagkasundo ang mga katipunero na simulant ang himagsikan
at sabay-sabay na sumigaw ng “Mabuhay ang Pilipinas”,
kasabay ng kanilang pagsigaw ano ang pinunit ng mga
katipunero?
A. Damit C. Papel
B. Panyo D. Sedula
5. Noong Marso 22, 1897 itinatag ang rebolusyonaryong
pamahalaan na pumalit sa Katipunan sa pagtataguyod ng
himagsikan, sino ang nahalal bilang pangulo nito?
A. Andres Bonifacio C. Artemio Ricarte
B. Emilio Aguinaldo D. Emilio Riego de Dios

Sagot: 1. A 2. D 3. A 4. D 5. B

B. Paghahabi sa layunin ng aralin o Pagganyak


Pagpapakita ng larawan na may kaugnayan sa himagsikaan.

https://tse3.mm.bing.net/th?id=OIP.MNsj8iqWx_9_eu8Mj5BMmgEPEs&
pid=15.1&P=0&w=300&h=300
https://tse3.mm.bing.net/th?id=OIP
 Sino-sino ang mga nasa larawan?
 Ano ang kanilang mga naging kontribusyon sa paglaya ng
Pilipinas?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin o Paglalahad ng


Aralin
a. Pagbuo ng Suliranin
 Ano-ano ang mga pangyayaring nagbunsod sa
Himagsikan ng 1896 sa pagbuo ng Pilipinas bilang isang
bansa?
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong
kasanayan
1. Gawain 1 – Panonood ng video clip
Panoorin at unawain ang video clip at sagutin ang mga
sumusunod na tanong.

https://www.youtube.com/watch?v=FZqYeJKBPhA
a. Sino-sino ang mga namuno sa rebolusyon sa Pilipinas?
b. Saang lugar nagkita-kita ang katipunero matapos
matuklasan ng mga Espanyol ang Katipunan?
c. Ano ang naging hudyat ng himagsikan ng 1896?
d. Ano-ano ang mga lalawigan na nag-alsa laban sa
Espanya sa isinailalim ni Gobernador Blanco sa batas
militar?
2. Gawain 2 – Paggamit ng Metacards
 Gamit ang metacards pag-usapan sa grupo ang mga
pangyayari na nagbunsod sa Himagsikan ng 1896 sa
pagbuo ng Pilipinas bilang isang bansa.

Hindi pagbabayad ng tamang halaga ni Gob. Rivera


sa mga Pilipino.
Pagsasailalim ni Gobernador Blanco sa walong
lalawigan na nag-alsa laban sa Espanya.

Hindi pagsunod ng mga Espanyol at Pilipino sa


kanilang pinagkasunduan.

3. Gawain 3 – Role Playing


Isadula ang mgasumusunod na pangyayari sa ibaba na
nagbunsod sa Himagsikan ng 1896.
1. Pagdakip sa mga katipunero ng matuklasan ang
katipunan.
2. Pagkikita-kita ng mga katipunero sa Pugad Lawin upang
magplano ng himagsikan laban sa mga Espanyol at
pagpunit ng kanilang mga sedula sa pamumuno ni Andres
Bonfacio.
3. Pakikipagkasundo ni Heneral Emilio Aguinaldo kay
Gobernador Heneral Primo de Rivera na itigil
pansamantala ang labanan at magbayad ang mga
Espanyol sa mga mamamayang Pilipino, atbp.

Rubrik sa Pagtataya ng Munting Palabas


Kriterya 5 4 3 2 1
Kahandaan Ipinamalas Ipinamalas Nawawala Hindi Hindi
ang ang ang ibang handa sa nakapag-
kahandaan kahandaan mga linya mga linya sagawa
sa mga linya sa mga ng eksena ang mga ang
at alam ang linya, ngunit tauhan pangkat
kanilang minsan ay
katauhan sa nawawala
gawain sa kanilang
katauhan sa
gawain
Kalinawan Nasasabi Nasasabi Nasasabi Hindi Hindi
ng Boses ang mga ang ilan sa ang mga malinaw nakapag-
linya ng mga linya ng linya ngunit ang bigkas ng
malinaw at malinaw at may pagbigkas mga linya
malakas malakas kahinaan ng mga ang mga
ang boses linya tauhan
Kabuuang Naipababati Naipaabatid Nawawala Hindi Hindi
Eksena d ang tunay ang ang tunay malinaw nakapag-
na nilalaman ng na na sagawa
nilalaman historya sa nilalaman naipabati ang
ng historya pamamagit ng historya d ang pangkat
sa an ng ilang sa nilalaman
pamamagit kilos ng kakulangan ng
an ng tauhaan ng wastong historya
wastong kilos ng
kilos ng mga tauhan
tauhan
Pagta- Masigasig Masigasig na Nakikilahok Kulang Walang
tapos sa na nakikilahok ang buong ang natapos
Takdang nakikilahok ang buong grupo nagawan na
Oras ang buong grupo at ngunit hindi g eksena gawain
grupo at natapos ang natapos sa ng grupo ang grupo
natapos ang gawain sa takdang
gawain ng takdang oras ang
hindi pa oras gawain
tapos ang
takdang
oras
Kabuuang
Iskor

E. Paglinang sa Kabihasaan
a. Ano ang naging hudyat ng simula ng rebolusyon sa Pilipinas?
b. Kailan nilusob ng mga Espanyol ang pook ng mga katipunero?
c. Anoano ang walong lalawigan na nag-alsa laban sa Espany?
d. Sino ang tumutol sa pagkakahalal ni Bonifacio bilang direktor
ng interyor sa rebolusyonaryong pamahalaan?
e. Magkano ang napagkasunduang halaga nina Hen. Aguinaldo
at Gob. Rivera na ibabayad ng mga Espanyol sa mga
mamamayang naghimasik?
f. Magkano ang napagkasunduan nilang halaga na ibabayad sa
mga naghirap sa digmaan?
g. Magkano lamang ang ibinayad ni Gob. Rivera?

F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay.


Kung ikaw si Hen. Emilio Aguinaldo at nalaman mo na niloloko ka ng
mga Espanyol dahil sa kabila ng inyong kasunduan na
pansamantalang itigil ang labanan ay hindi pa rin sila tumitigil sa
pag-aresto sa mga katipunero, ano ang gagawin mo? Bakit?

G. Paglalahat ng Aralin
 Ano-ano ang mga pangyayaring nagbunsod sa Himagsikan
1896 sa pagbuo ng Pilipinas bilang isang bansa?

Pagdakip sa mga katipunero ng matuklasan ang


katipunan.
Pagkikita-kita ng mga katipunero sa Pugad Lawin upang
magplano ng himagsikan laban sa mga Espanyol at
pagpunit ng kanilang mga sedula sa pamumuno ni
Andres Bonfacio.
Pagsasailalim ni Gobernador Blanco sa walong lalawigan
na nag-alsa laban sa Espanya.
Pakikipagkasundo ni Heneral Emilio Aguinaldo kay
Gobernador Heneral Primo de Rivera na itigil
pansamantala ang labanan at magbayad ang mga
Espanyol sa mga mamamayang Pilipino.
Hindi pagsunod ng mga Espanyol at Pilipino sa kanilang
pinagkasunduan.
Hindi pagbabayad ng tamang halaga ni Gob. Rivera sa
mga Pilipino.
H. Pagtataya ng Aralin
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Sa gitna ng paghihimagsik ng mga Pilipino mayroon din
nabubuong alitan sa pagitan ng mga pinuno ng mga ito. Sino
sa dalawang pinuno ang nagkaroon ng alitan?
A. Andres bonifacio at Emilio Aguinaldo
B. Andres Bonifacio at Emilio Jacinto
C. Emilio Aguialdo at Emilio Jacinto
D. Emilio Aguinaldo at Gob. Rivera
2. Tumutol si Daniel Tirona sa pagkahalal ni Andres Bonifacio
bilang direktor ng interyor, ayon sa kanya ang direktor ay dapat
na nakapagtapos, anong kurso ang dapat tapusin upang
mahalal bilang direktor ng interyor?
A. Abogado C. Enhinyero
B. Doktor D. Guro
3. Matapos matuklasan ng mga Espanyol ang tungkol sa
katipunan, inaresto ang mga pinaghihinalaang kasapi nito. Sa
pagkatakas nina Bonifacio at Jacinto sila ay nagtungo sa
Pugad Lawin upang ipagpatuloy ang paghihimagsik. Kailan
nangyari ang kanilang pagpunit sa sedula at pagsigaw para sa
kalayaan ng bansa?
A. Agosto 19, 1896 C. Marso 22, 1897
B. Agosto 23, 1896 D. Mayo 6, 1897
4. Nang pareho ng pagod sa pakikipaglaban sina Hen Aguinaldo
at Gob. Rivera, sila ay nagkasundo na pansamantalang itigil
ang labanan, saang lugar sila nagkasundo?
A. Biak-na-Bato C. Pasong Tirad
B. Malolos, Bulacan D. Pugad Lawin
5. Napagkasunduan nina Hen. Aguinaldo at Gob. Rivera na
magbabayad ang mga Espanyol ng P 800,000.00 sa mga
mamamayang naghimagsik at P 900,000.00 sa mga naghirap
sa digmaan. Ngunit hindi tinupad ni Gob. Rivera ang kanilang
kasunduan. Magkano lamang ang halagang ibinayad ni Gob.
Rivera?
A. P 100,000.00 C. P 300,000.00
B. P 200,000.00 D. P 400,000.00

Sagot: 1. A 2. A 3. B 4. A 5. D

I. Karagdagan Gawain
Kompletuhin ang talaan sa pamamagitan ng paglalagay ng mga
pangyayaring nagbunsod sa Himagsikan ng 1896 sa pagbuo ng
Pilipinas bilang isang bansa.

Mga pangyayaring
nagbunsod sa Himagsikan
ng 1896 sa pagbuo ng
Pilipinas bilang isang bansa
Araling Panlipunan 6
Unang Markahan
Ikalimang Linggo
Aralin 19

I. LAYUNIN:
8.1.1. Natatalakay ang partisipasyon nina Melchora Aquino at
Trinidad Tecson Sa Rebolusyong Pilipino
8.1.2. Naitatala ang mga naging partisipasyon nina Melchora Aquino
at Trinidad Tecson Sa Rebolusyong Pilipino
8.1.3. Napahahalagahan ang naging partisipasyon nina Melchora
Aquino at Trinidad Tecson Sa Rebolusyong Pilipino.

II. NILALAMAN:
Ang Partisipasyon nina Melchora Aquino at Trinidad Tecson Sa
Rebolusyong Pilipino

III. KAGAMITAN/ PANTURO:


A. Sanggunian : AP6 PMK-Ie-8, Ang Pilipino sa Pagbuo ng
Bansa pahina 208, Recepiler.com-para sa
larawan
B. Iba pang kagamitan : larawan at laptop, power point
presentaion

IV. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan tungkol sa napapanahong isyu.
2. Balik Aral
Pagsunud-sunurin ang mga pangyayaring naganap sa pagsiklab
ng rebulusyon. Ilagay sa bilang 1-5.
1. Pagsalakay sa San Juan Del Monte
2. Pagpupulong sa Tejeros
3. Paglilitis kay Bonifacio
4. Pagpupunit ng Sedula ng mga Katipunero
5. Pakikipagkasundo sa Biak-na- Bato
Sagot: 2, 3, 4, 1, 5

3. Panimulang Pagtataya
Piliin ang titik ng tamang sagot
1. Sino ang kilala sa tawag na Tandang Sora?
C. Melchora Aquino C. Gabriela Silang
D. Gregoria De Jesus D. Trinidad Tecson
2. Bakit siya tinaguriang Tandang Sora?
A. Matanda na siya ng sumiklab ang himagsikan
B. Tawag ng mga sundalo
C. Tunay na pangalan
D. Kanyang palayaw
3. Anong tulong ang binigay ni Melchora Aquino sa mga
sundalo?
A. Kinupkop at pinakain C. Ginamot
B. Pinagtrabaho D. Itinago
4. Bakit namangha ang kasamahan ni Tecson sa kanyang
ginawa na hindi ginagawa ng mga kababaihan?
A. Naging nars
B. Ginamit ang kanyang dugo sa paglagda
C. Sumama sa pagkuha ng armas sa loob ng Korte
D. Nakasama ng nakipaglaban niTecson sina Hen.
Francisco Makabulos
5. Ano ang dahilan ng pag atras ng pangkat nina Tecson
samadugong Bakbakan sa San Miguel at Zaragosa?
A. Naubusan ng armas
B. Tinamaan si Tecson sa hita
C. Natakot ang kanyang mga kasama
D. Naramdaman nila na sila ay tatalunin
Sagot: 1. A 2. A 3. A 4. B 5. B

B. Paghahabi sa layunin ng aralin o Pagganyak


1. Sino ang kilala ninyong bayaning babae?
2. Bakit mo nasabi na siya ay bayani? Ano sa palagay mo ang
nagawa niya sa ating bansa?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin o Paglalahad ng


Aralin.
Kiilalanin kung sino–sino sila.

https://www.artmajeur.com/en/artist/kbadz/collection/picture-perfect-
portraits/1001227/artwork/melchora-aquino/102288
http://www.bulacan.gov.ph/generalinfo/hero.php?id=44 Recepiler.com

Sino ang nasa unang larawan? Ikalawang larawan?


D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong
Kasanayan
1. Gawain 1
Pag-usapan ang mga tala tungkol kay Melchora Aquino at
Trinidad Tecson.
Si Melchora Aquino (kapanganakan 6 Enero 1812,
kamatayan 2 Marso 1919) o Tandang Sora ay hindi nagkaroon ng
pagkakataong mag-aral subalit kung pakikipagkapwa tao ang
pag-uusapan ay nasa kanya na ang mga katangiang maaring
ituro ng isang guro sa paaralan. Siya ay may isang maliit na
tindahan sa Balintawak. Tinagurian siyang Tandang Sora,
sapagkat matanda na siya noong sumiklab ang himagsikang
pinamumunuan ni Andres Bonifacio noong taong 1896.

Siya ay ikinasal kay Fulgencio Ramos, isang cabeza de


barrio at may anim na anak. Namatay si Ginoong Ramos noong
pitong taong gulang pa lang ang kanilang bunsong anak. Mula
noon siya na ang nagtaguyod sa buong pamilya at hindi muling
nagpakasal.

Noong Agosto, 1896, ang kalupitan ng mga Kastila ay


lalong tumindi dahil sa pagkakatuklas ng nalalapit na
paghihimagsik ng mga katipunero ni Andres Bonifacio. Maraming
mamamayan ang hinuli at pinahirapan at pilit na pinagtatapat
ng tungkol sa mga lihim ngKatipunan. May mga nakatakas at sa
kagubatan nakapagtago at dito nila nakatagpo si Tandang Sora.
Kinupkop sila ng matanda, pinakain at pinabaunan ng konting
salapi at pinapupunta sa lugar na ligtas sapag-uusig ng mga
Kastila. Lahat ng dumudulog sa munting tahanan ni Tandang Sora
ay kanyang pinagyayaman, bata man o matanda, babae o
lalaki.

Natunugan ng mga Kastila ang kabutihan ni Tandang Sora,


lalo na sa mga katipunero kaya't siya ay hinuli at ipinatapon sa
pulo ng Marianas. Bumalik sa Pilipinas si Tandang Sora nang ito ay
nasapamahalaan na ng mga Amerikano. Matandang-matanda
na siya at wala ng nalalabing ari-arian. Nabuhay siyang isang
dukha at namatay sa karalitaan noong 2 Marso 1919.

Siya ay nakahimlay sa kanyang bakuran sa Balintawak (na


ngayon ay kinatatayuan ng Himlayang Pilipino, Tandang Sora).

TRINIDAD TECSON

Nagsimulang mamulat sa mga kalupitan ng mga Espanyol


si Tecson, nang siya ay maging kagawad ng Logia de Adopcion,
na itinatag noong 1893. Ang samahang ito ay binuo upang
tuligsain ang maling pamamalakad ng mga paring Espanyol sa
Pilipinas.

Noong 1895, sa edad na 47, si Tecson ay sumali sa


Katipunan. Namangha ang kaniyang mga kasamahan ng
gamitin niya ang kaniyang dugo sa paglagda ng kaniyang
panunumpa, na noon ay hindi pinapagawa sa babaeng kasapi
ng Katipunan. Bilang isang katipunero, kasama si Tecson sa grupo
na kumuha ng mga armas sa loob ng korte sa Kalookan, at sa San
Isidro, Nueva Ecija. Si Hen. Mariano Llanera ang kaniyang pinuno
nang sumiklab ang rebolusyon.

Nakasama ng nakipaglaban si Tecson sina Hen. Francisco


Makabulos ng Nueva Ecija, Hen. Mariano Llanera, Hen. Isidro
Torres, at Hen. Gregorio del Pilar ng Bulakan. Siya ang naging nars
ng mga sugatang Katipunero sa laban. At sa madugong
bakbakan sa San Miguel at Zaragosa, si Tecson ay tinamaan sa
kaniyang hita. Napilitan ang kaniyang mga kasamahan na
umatras patungong Biyak-na-Bato, na naging punong himpilan ni
Hen. Emilio Aguinaldo.
2. Gawain 2 Pangkatang Gawain
2.1. Pangkat 1
2.1.1. Pumili ng pinuno at kalihim
2.1.2. Gamitin ang tala na ibibigay ng guro
2.1.3. Lagyan ng mga tala ang concept map ukol sa
partisipasyon ni Trinidad Tecson

2.2. Pangkat 2
2.2.1. Pumili ng pinuno at kalihim
2.2.2. Gamitin ang tala na ibibigay ng guro
2.2.3. Ipakita ang mga partisipasyon ni Melchora Aquino sa
isang maikling dula-dulaan
2.2.4. Punan ang tsart tungkol sa sa inilahad na tala.
Partisipasyon ni Trinidad Partisipasyon ni Melchora
Tecson noong panahon ng Aquino noong panahon ng
rebolusyon rebolusyon

E. Paglinang sa Kabihasaan
 Ano-ano ang ginawa ni Melchora Aquino sa mga katipunero
noong panahon ng rebolusyon?
 Sa pagsapi ni Trinidad Tecson sa Katipunan, ano–ano ang
kahanga-hangang partispasyon niya sa samahan?

F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay.


 Bilang mag-aaral, matapos mong malaman ang mga
naging partisipasyon nina Melchora Aquino at Trinidad
Tecson Sa Rebolusyong Pilipino, paano mo pahahalagahan
ang kanilang nagawa noong panahon ng rebolusyon?

G. Paglalahat ng Aralin
 Ano ang mahalagang partisipasyon nina Melchora Aquino at
Trinidad Tecson noong panahon ng rebolusyon?
o Malaki at mahalaga ang naging partisipasyon ng mga
kababaihan noong panahon ng rebolusyon; si Melchora
Aquino ay kinupkop ang mga Katipunero, pinakain,
pinabaunan ng pera at dinala sa ligtas na lugar.
o Samantala, si Trinidad Tecson naman ay sumama sa
grupo na kumuha ng mga armas sa loob ng korte sa
Kalookan. Nakasama siya ng nakipaglaban na sina Hen.
Francisco Makabulos ng Nueva Ecija, Hen. Mariano
Llanera, Hen. Isidro Torres, at Gregorio Del Pilar. Naging
nars din siya ng mga sugatang Katipunero at sumama
sa madugong bakbakan sa San Miguel at Zaragosa.

H. Pagtataya ng Aralin
Piliin ang titik ng tamang sagot
1. Sino ang matandang kumupkop, nagbigay ng pera at
nagpakain sa mga Katipunero?
A. Gabriela Silang C. Trinidad Tecson
B. Melchora Aquino D. Gregoria De Jesus
2. Ano ang ginawang kahanga-hanga ni Trinidad Tecson na hindi
ginagawa ng mga kababaihang kasapi ng Kilusan?
A. Naging nars
B. Ginamit ang kanyang dugo sa paglagda
C. Sumama sa pagkuha ng armas sa loob ng Korte
D. Nakasama ng nakipaglaban niTecson sina Hen.
Francisco Makabulos
3. Ano ang ginawa ng mga Kastila kay Melchora Aquino ng
malaman nila ang partisipasyon niya sa mga Katipunero?
A. Hinuli at ipinatapon sa Pulo ng Marianas
B. Ipinapatay ng mga Kastila
C. Ikinulong
D. Iginapos
4. Saang labanan nakasama si Trinidad Tecson na kung saan ay
tinamaan siya sa hita na naging sanhi ng kanilang pag-atras.
A. Kalookan C. Nueva Ecija
B. Navotas D. San Miguel
5. Ano ang isa pang mahalagang partisipasyon ni Trinidad Tecson
sa mga sugatang katipunero?
A. Bilang Guro C. bilang Doktor
B. Bilang Nars D. bilang Tagapag-tangggol

Sagot: 1. B 2. B 3. A 4. D 5. B

I. Karagdagan Gawain para sa takdang aralin at remedyasyon


 Magbigay ng ilang tala ni Gregoria De Jesus at Teresa Magbanua
tungkol sa kanilang naging partisipasyon sa rebolusyon.

Sanggunian: Ang Pilipino sa Pagbuo ng Bansa p. 208


Google
AralingPanlipunan 6
UnangMarkahan
Ikalimang Linggo
Aralin 20

I. LAYUNIN:
8.2.1. Natatalakay ang partisipasyon nina Gregoria De Jesus at Teresa
Magbanua sa Rebolusyong Pilipino
8.2.2. Naitatala ang mga naging partisipasyon nina Gregoria De
Jesus at Teresa Magbanua sa Rebolusyong Pilipino
8.2.3. Napahahalagahan ang naging partisipasyon ng mga
kababaihan sa panahon ng rebolusyon.

II. NILALAMAN:
Ang Partisipasyon nina Gregoria De Jesus at Teresa Magbanua sa
Rebolusyong Pilipino

III. KAGAMITAN/ PANTURO:


A. Sanggunian : AP 6PMK-Ie-8, Ang Pilipino sa Pagbuo
ng Bansa pahina 208, Recepiler.com-
para sa larawan
B. Iba pang kagamitan : larawan at laptop, power point
Presentation

IV. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Balitaan tungkol sa napapanahong isyu.
2. Balik Aral
 Ano-ano ang nagging partisipasyon ni Melchora Aquino sa
rebolusyong Pilipino?
 Tulad ni Melchora Aquino, si Trinidad Tecson ay may
partisipasyon din sa rebolusyong Pilipino, ano-ano ang
mga ito?
3. Panimulang Pagtataya
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Sino ang asawa ni Andres Bonifacio at kilalang Lakambini
ng Katipunan?
A. Gabriela Silang C. Teresa Magbanua
B. Gregoria De Jesus D. Trinidad Tecson
2. Ano ang naging partisipasyon ni Gregoria De Jesus sa
Women’s Chapter ng Katipunan?
A. Presidente C. Kalihim
B. Bise-Presidente D. Ingat-Yaman
3. Sino ang babaeng Heneral na namuno sa labanan sa
Pamahalaang Kolonya ng Espanya?

A. Gabriela Silang C. TrinidadTecson

B. Melchora Aquino D. TeresaMagbanua

4. Ano ang natapos na propesyon ni Teresa Magbanua

na nakatulong sa kanyang pamilya at sabayan?

C. Guro C. Doktor
D. Nars D. Tagapag – tanggol
5. Anong katangian ang nagpatanyagkay Teresa
Magbanua?
A. Matapang C. Buoangloob
B. Maganda D. Maasahan

Sagot: 1. A 2. B 3. D 4. A 5. C

B. Paghahabi sa layunin ng aralin o Pagganyak


Kilalanin ang dalawang babae sa larawan.
Recepiler.com

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin o Paglalahad ng


Aralin.
Pagtalakay sa mga tala tungkol kay Gregoria De Jesus at Teresa
Magbanua

Gregoria de Jesus (1875-1943) ang may bahayni Andres


Bonifacio at kinikilalang Lakambini ng Katipunan. Kilala rin siya
sa tawag na Aling Oriang at naging bise-presidente ng
women's chapter ng Katipunan ng Pilipinas. Marami siyang
naging kontribusyon para sa Katipunan. Siya ang itinalagang
tagapagtago ng mga dokumento at ng selyo o sagisag ng
Kilusan.

Teresa Magbanua (Nobyembre 4. 1871 - Agosto 1947) ay


isa sa maipagkakapuri ng mga Pilipina, ang natatanging
babaeng heneral tulad ni Reyna Sima, Prinsesa Urduja at
Gabriela Silang ay pinatunayan na ang mga babae ay may
angking kakayahang tibay ng puso at katapangan at
handang magsakripisyo o maghandog man ng buhay kung
kinakailangan.

Pangalawa siya sa walong anak ni Juan Magbanua at


Alejandra Ferraris, mga kinilala at nabibilang sa mabuting
angkan sa kanilang bayan. Ang kakayahang mamuno, lakas
ng loob at kagitingan ng babae ay ilan lamang sa mga
katangian na naipakita ni Teresa. Mga kalaro niya ay mga
batang lalaki. Sa kanyang bayan siya nag-elementarya at sa
Jaro, Iloilo siya nag-high school at nag-kolehiyo.

Bumalik siya sa kanyang bayan at doo'y nagsilbing guro


at isang magsasaka, tumigil siya sa pagtuturo at tumulong na
lang siya sa asawa niya sa Gawain sa bukid. Nang sumiklab
ang digmaan pumunta siya sa kampo ng mga naghihimagsik
na pinamunuan ni Heneral Perfecto Poblador.

D. Pagtalakayan ang bagong konsepto at paglalahad ng bagong


kasanayan
1. Gawain Pagpuno sa tsarts

PARTISIPASYON NG MGA KABABAIHAN SA


REBOLUSYON

GREGORIA DE JESUS TERESA MAGBANUA

2. Gawain Pangkatang Gawain


a. Pangkat 1 Partisipasyon ni Gregoria De Jesus
b. Pangkat 2 Partisipasyon ni Teresa Magbanua
Isadula batay sa mga tala ang tungkol sa naging
partisipasyon ni Gregoria De Jesus/ Teresa Magbanua
noong panahon ng rebolusyon. Gamitin ang rubrics na
sumusunod:

Puntos Pamnatayan
5 Naipakita nang wasto sa pamamagitan ng
pagsasadula ang partisipasyon ni Gregoria De
Jesus/ Teresa Magbanua sa rebolusyon.
4 Naipakita sa pamamagitan ng pagsasadula
ang partisipasyon ni Gregoria De Jesus/ Teresa
Magbanua ngunit may ilang kakulangan
3 Naipakita sa pamamagitan ng pagsasadula
ang partisipasyon ni Gregoria De Jesus/ Teresa
Magbanua ngunit may maraming kakulangan
sa kilos.
2 Naipakita sa pamamagitan ng pagsasadula
ang partisipasyon ni Gregoria De Jesus/ Teresa
Magbanua ngunit may maraming kakulangan
sa kilos at sa salita.
1 Pinilit na maipakita ang pagsasadula ngunit
walang saysay.

E. Paglinang sa Kabihasaan
 Ano-ano ang naging partisipasyon ni Gregoria De Jesus noong
panahon ng rebolusyon?
 Ano-ano naman ang partisipasyon ni Teresa Magbanua?

F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay.


 Kung ikaw si Gregoria De Jesus o si Teresa Magbanua,
gagawin mo din ba ang kanilang ginawa? Bakit?

G. Paglalahat ng Aralin
 Batay sa ating naging talakayan, isa-isahin ang mga mga
naging partisipasyon nina Gregoria De Jesus at Teresa
Magbanua noong panahon ng rebolusyon.
 Posibleng maging kasagutan ng mga bata.
Gregoria De Jesus
 Bise-Presidente ng women's chapter ng Katipunan
ng Pilipinas.
 Itinalagang taga pagtago ng mga dokumento at
ng selyo o Sagisag ng Kilusan.

Teresa Magbanua
 Natatanging babaeng heneral na nagsilbing guro
at isang magsasaka.
 Nang sumiklab ang digmaan pumunta siya sa
kampo ng mga naghihimagsik na pinamunuan ni
Heneral Perfecto Poblador.

H. PagtatayangAralin
Piliin ang titik ng tamang sagot
1. Ano ang naging partisipasyon ni Gregoria De Jesus sa
Women’s Chapter ng Katipunan?
A. Presidente C. Kalihim
B. Bise-Presidente D. Ingat-Yaman
2. Sino ang itinalaga na tagapag-ingat ng dokumento o
selyong Kilusan?
A. Gregoria De Jesus C. TrinidadTecson
B. Melchora Aquino D. TeresaMagbanua

3. Sino angnatatangingbabaengHeneralnanagsilbingguro at
magsasaka?
A. Gabriela Silang C. TrinidadTecson
B. Melchora Aquino D. TeresaMagbanua
4. Sinong babae ang pumunta sa kampo noong sumiklab ang
Digmaan sa pamumuno ni Heneral Perfecto Poblador?
A. Gabriela Silang C. TrinidadTecson
B. Melchora Aquino D. TeresaMagbanua
5. Sino ang asawa ni Andres Bonifacio at kilalang Lakambini ng
Katipunan?
A. GabrielaSilang C. TrinidadTecson
B. Melchora Aquino D. Gregoria De Jesus

Sagot: 1. B 2. A 3. D 4. D 5.B

I. Karagdagan Gawain para sa takdang aralin at remedyasyon


 Magsaliksik ng mga kilalang kababaihan sa kasalukuyan na
may partisipasyon sa mga gawaing makabansa.
Sanggunian: Aklat ng mga Bayani, Google
Araling Panlipunan 6
Unang Markahan

I. Layunin
Nasasagot ang mga tanong sa Lingguhang Pagsusulit

II. Paksang Aralin


LINGGUHANG PAGSUSULIT
III. Pamaraan
A. Pagganyak
B. Pagpapaliwanag ng mga panuto at panuntunan sa pagsusulit
C. Pagbibigay ng pagsusulit
D. Pagsagot ng mga bata sa pagsusulit
E. Pagsubaybay at pagmamasid ng guro sa mga bata habang
nagsusulit
F. Pagwawasto ng pagsusulit
G. Pagtatala ng resulta

You might also like