You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Pagtuturo ng

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikaanim na Baitang

Ikalawang Markahan

(Week 1)

Date: August 13, 2019

I. Layunin

1. Naipapamalas ang pag unawa sa kahalagahan ng pakikipagkapwa tao na may kaakibat na paggalang at

responsibilidad.

2. Naisasabuhay ang pagkakaroon ng bukas na isipan at kahinahunan sa pagpapasya para sa kapayapaan ng sarili

at kapwa.

3. Naipapakita ang kahalagahan ng pagiging responsable sa kapwa, pangako o pinagkasunduan.

Code: EsP6P-Ila-30

II. Nilalaman

Paksa : Pangako, hindi dapat mapapako

Kaugnayan sa Pagpapahalaga : Pagkamapanagutan (responsibility)

III. Kagamitang Panturo

A. Sanggunian

1. Gabay ng guro : Google.com

- https://brainly.ph/question/233327#readmore

A. Kagamitang Panturo : visual aid, metacards, marker, scatch tape

IV. Pamamaraan

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng aralin

1. Ano-ano ang mga paraan ng pagkalap ng impormasyon?

2. Anong mahalagang balita ang nakalap ninyo?

B. Pagganyak
1. Bumuo ng apat na pangkat.

2. Bawat pangkat ay bubunot ng isang numero na may naka akdang gawain.

3. Ayusin ang mga titik ng bawat salita upang mabuo ang tamang konsepto.

a. Koganpa

b. Andusunka

c. Nanapatangu

d. Biliresdadponsi

C. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad sa bagong kasanayan

Ipaliwanag ang pagkakaintindi sa nabuong salita.

a. Pangako - ay ang pangangako mo sa isang tao para sa isang bagay minsan nag kakatotoo pero minsan

ay hindi, tulad ng kasabihan nilang 'promise are meant to be broken' ngunit ito ay nasa

tao kung gusto niya itong sundin o hindi.

b. Kasunduan - ay ang pinag-usapan ng dalawang magkaibang panig, na nakapagkasunduang gagawin, o

kaya ang bagay na napagdesisyunan.

c. Pananagutan - ay responsibilidad na kailangang gawin ng isang tao, institusyon o grupo. Ang

pananagutan, kapag hindi ginawa, ay may karampatang mga resulta na karaniwa'y

negatibo.

d. Responsibilidad - ito ay tumutukoy sa tungkulin ng tao sa kapwa, paligid, pamahalaan at sa mga

nakapaligid sa kanya.Ito ay parte ng buhay ng tao, bawat taong isinilang sa mundo

ay may kanya kanyang responsibilidad.

D. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay

Kailan kayo nangangako? Bakit?

E. Paglalahat ng Aralin

Ano ang dapat gawin sa mga pangakong binibitawan?

F. Pagtataya ng Aralin

Ipaliwanang sa sariling salita ang salitang PANGAKO.

V. Takdang-Aralin

Bumuo ng akrostik sa salitang PANGAKO

P-
A-

N-

G-

A-

K-

O-

You might also like