You are on page 1of 16

7

  
    
 

Kagawaran ng Edukasyon– Sangay na Palawan

i
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika- 7 Baitang
Contextualized Self-Learning Module
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Ang Birtud
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Palawan


Pansangay na Tagapanimahala ng mga Paaralan:
Natividad P. Bayubay, CESO VI
Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan:
Rufino B. Foz
Arnaldo G. Ventura, Ph.D

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Lolly M. Joven
Editor: Richlene O. Dabandan
Tagasuri: Wennie L. Lorzano, Clemencia G. Paduga
Tagaguhit: Alwin A. Rosadeňo
Tagalapat: Roselle Anne H. Oblian
Tagapamahala: Aurelia B. Marquez
Rosalyn C. Gadiano
Rodgie S. Demalinao
Allyn G. Gonda, Ph.D.
Clemencia G. Paduga
Rutheda M. Bacosa
Wennie L. Lorzano

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education: MIMAROPA- Sangay na Palawan
Office Address: PEO Road, Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City
Telephone Number: (048) 433-6392
Email Address: palawan@deped.gov.ph
Website: www.depedpalawan.com

ii
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman


ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

iii
Edukasyon sa
Pagpapakatao 7
Ikatlong Markahan
Ang Birtud
Unang Linggo

MELC: Nakikilala ang pagkakaiba at pagkakaugnay ng birtud at pagpapahalaga


Natutukoy:
a. ang mga birtud at pagpapahalaga na isasabuhay
b. ang mga tiyak na kilos na ilalapat sa pagsasabuhay ng mga ito
Layunin: Naipamamalas ng mag- aaral ang pag-unawa sa pagpapahalaga at birtud

Subukin Natin
Panuto: Sa iyong kwaderno, isulat ang LETRA ng napiling sagot.

1. Ano ang moral na birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang
nararapat para sa kanya: sino man o ano man ang kanyang katayuan sa lipunan?
A. Karunungan C. kalayaan
B. katarungan D. katatagan

2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi totoo tungkol sa birtud?


A. Ang birtud ay laging nakaugnay sa pag-iisip at kilos ng tao.
B. Ang salitang birtud ay galing sa salitang Latin na virtus o vir.
C. Ang birtud ay natural lamang na taglay ng lahat ng nilikha ng Diyos.
D. Ang gawi ay bunga ng paulit-ulit na pagsasakilos na nakamit dahil sa
pagsisikap.

3. Ang ___ ay hindi lamang kinagawiang kilos kundi kilos na ginawa ayon sa tamang
katwiran. Ito ay nararapat lamang para sa tao.
A. Habit C. Birtud
B. Puso D. Karunungan

4. Ito ang pinakawagas na uri ng kaalaman. Ito ang pinakahuling layunin ng lahat
ng kaalaman ng tao.
A. Karunungan C.Puso
B. Kaalaman D. Isip

5. Kung hindi ginagabayan ng ___ ang ating pagsisikap na matuto, walang saysay
ang ating isip.
A. Pag-iisip C. Pagpasya
B. Pag-unawa D. Paggamit

1
Ating Alamin at Tuklasin

Sa ating nakaraang aralin, ating nalaman ang kahalagahan ng dignidad at


kung ano ang mga dapat mong gawin bilang taong may dignidad. Ngayong linggo
naman, ating malalaman ano baa ng birtud? Ano ang dapat linangin natin sa ating
buhay upang mapaunlad ang ating pagkatao?
Ang virtue ay galing sa salitang latin na virtus (vir) na nangangahulugang
“pagiging tao”, pagiging matatag at pagiging malakas, Ito ay nararapat lamang para
sa tao. Ito ay dahill tanging tao lamang ang biniyayaan ng Diyos ng isip at kilos-
loob.
Ang birtud ay hindi taglay ng tao sa kaniyang kapanganakan. Ngunit sa
paglipas ng panahon, unti unting nakikita ang pagbabago at pag unlad ng mga ito.
Ang mga ito ay dahil sa gawi (habit) na nagmula sa salitang latin
na habere na nangangahulugang to have o
magkaroon/magtaglay. Ang gawi ay bunga nang paulit ulit na
pagsasakilos o pagsasagawa ng isang kilos. Ang birtud ay hindi
lamang kinagawiang kilos kundi kilos na pinagpasiyahang gawin
ayon sa tamang katuwiran.
Dreamstime.com

Ang birtud ay bunga ng mahaba at mahirap na pagsasanay.


Bilang tao kailangan nating makamit ang dalawang mahalagang kasanayan:

1. Ang pagpapaunlad ng kaalaman at karunungan na siyang gawain ng


ating isip. Ito ay makakamit sa pamamagitan ng paghubog ng mga
intelektwal na birtud.

2. Ang pagpapaunlad ng ating kakayahang gumawa ng mabuti at umiwas


sa masama na siyang gawain ng ating kilos-loob. Ito ay makakamit sa
pamamagitan ng paghubog ng mga moral na birtud.

2
DALAWANG URI NG BIRTUD

1. Intelektuwal na Birtud
Ang mga intelektwal na birtud ay may kinalaman sa isip ng tao. Ito ay tinatawag
na gawi ng kaalaman (habit of knowledge).

Maaari mong gamiting gabay ang sumusunod na pamamaraan:


a. Paghahanap ng kaalaman upang makaalam tungo sa paggawa
nang may kasanayan na magagawang perpekto lamang sa
tulong ng pagunawa (understanding), agham (science),
karunungan (wisdom)
b. Paggamit ng kaalamang nakalap sa mga pagpapasya at kilos
na maaaring mapagyaman sa tulong ng sining (art) at maingat
na paghusga (prudence)

Mga Uri ng Intelektwal na Birtud

• Pag-unawa (Understanding).
Ang pag-unawa ang pinakapangunahin sa lahat ng birtud na
nakapagpapaunlad ng isip. Ito ay nasa buod (essence) ng lahat ng
ating pag-iisip. Kung hindi ginagabayan ng pag-unawa ang ating
pagsisikap na matuto, walang saysay ang ating isip. Ito ang
dahilan kung bakit ibinigay ito sa atin bilang biyaya na taglay natin
habang tayo ay unti-unting nagkakaisip. Ang pagunawa ay kasing
kahulugan ng isip. Tinatawag ito ni Santo Tomas de Aquino na
Gawi ng Unang Prinsipyo (Habit of First Principles).

• Agham (Science). Ito ay sistematikong kalipunan ng mga tiyak at tunay na


kaalaman na bunga ng pagsasaliksik at pagpapatunay. Matatamo natin ito
sa pamamagitan ng dalawang pamamaraan:
a. Pilosopikong pananaw – Kaalaman sa mga bagay sa
kaniyang huling layunin (last cause) o sa kaniyang
kabuuan.
b. Siyentipikong pananaw – Kaalaman sa mga bagay sa
kaniyang malapit na layunin (proximate cause) o sa
isang bahagi nito. Halimbawa, pag-aaral bayolohikal
na bahagi ng tao; o sa kaniyang kilos, kakayahan,
kapangyarihan at iba pa.

• Karunungan (Wisdom). Ito ang pinakawagas na uri ng


kaalaman. Ito ang pinakahuling layunin ng lahat ng kaalaman
ng tao. Ang karunungan ang nagtuturo sa tao upang humusga
ng tama at gawin ang mga bagay na Mabuti ayon sa kaniyang
kaalaman at pag-unawa.

• Maingat na Paghuhusga (Prudence). Isang uri ng kaalaman na ang layunin


ay labas sa isip lamang ng tao. Ito ay may layuning sabihin sa ating sarili
kung paano kumilos nang tama o wasto.

3
Ang maingat na paghuhusga ang nagbibigay-liwanag at
gumagabay sa lahat ng ating mabuting asal o ugali. Sinasabi nga
na sa tunay na esensya ng buhay, mas mahalaga ang maging
mabuti kaysa maging malusog, mayaman at matalino. Ito ang
pinakamahalaga at pinakamakabuluhan sa lahat ng mga
intelektwal na birtud kaya’t tinatawag itong “praktikal na
karunungan” (practical wisdom).

• Sining (Art). Kung ang maingat na paghusga ay wastong


paghusga tungkol sa mga bagay na dapat isagawa, ang sining
ay tamang kaalaman tungkol sa mga bagay na dapat gawin.
Kung ang maingat na paghuhusga ay nagtuturo sa atin ng
tamang asal, ang sining ang nagtuturo sa atin upang lumikha
sa tamang pamamaraan.

2. Moral na Birtud – may kinalaman sa pag uugali ng tao. Ito ay ang mga gawi
na nagpapabuti sa tao. Ito rin ay ang mga gawi na nagtuturo sa atin na iayon
ang ating ugali sa tamang katuwiran.

• Katarungan (Justice) – isang birtud na gumagamit ng kilos-loob upang


ibigay sa tao ang nararapat lamang para sa kanya, sinuman o anuman ang
kaniyang katayuan sa lipunan.
• Pagtitimpi (Temperance or Moderation) – Nabubuhay ang tao sa isang
mapanuksong mundo. Maraming inihahain ang mundo sa ating harapan na
maaaring maging dahilan upang magtalo ang ating pagnanasa at katuwiran
• Katatagan (Fortitude) – Ito ang birtud na nagpapatatag at nagpapatibay sa
tao na harapin ang anumang pagsubok o panganib.
• Maingat na Paghuhusga (Prudence) – Ito ang itinuturing na ina ng mga
birtud sapagkat ang pagsasabuhay ng ibang mga birtud ay dumadaan sa
maingat na paghuhusga.

Hinango mula sa: Module ESP Gr 7 (Ikalawang Bahagi) LM pg. 8-16

4
Tayo’y Magsanay
GAWAIN 1: MGA KILOS KONG PAULIT-ULIT
Panuto:

1. Sa mga karaniwang situwasyon ng iyong buhay, anong mga kilos ang paulit-
ulit mong ginagawa? Ilista ang mga ito ayon sa hinihingi ng tsartsa ibaba.
2. Tukuyin ang iyong nararamdaman sa bawat kilos.
3. Isulat ang mga ito sa iyong kuwaderno.

Nararamdaman ko kapag
Mga kilos kong Ginagawa ko (I-tsek)
Mga sitwasyon
paulit-ulit

1. Pagkagising sa
umaga tuwing may
pasok sa paaralan

2. Kapag may
bakanteng oras sa
paaralan (hal. Wala
ang guro sa isang
asignatura)

3. Pagdating sa bahay
mula sa paaralan

4. Bago matulog

5. Tuwing walang
pasok sa paaralan

6. Kapag araw ng
pagsamba/pagsimba

5
GAWAIN 2: KAYA MO YAN!

1. Balikan ang iyong sariling karanasan at sagutan ang mga hinihingi sa bawat
kahon.
Tukuyin kung ano-ano ang ang mga suliraning iyong kinakaharap sa iyong pag aaral
o sa pagkamit ng iyong panagarap sa buhay sa panahon ng pandemya.

Anong pangarap sa buhay ang nais mong makamit:


____________________________________________________________________
Ano ang
mga birtud
Ano-anong na
Mga gawi
mga nahuhubo
na
pagsubok Ano-anong g mo sa
nalinang o Ano ang nagiging
ang kilos ang iyong sarili
pagbabago epekto ng
kinakahara ginagawa mo dahil sa
sa iyong pinahahalagahan
p mo upang mga
pagkatao mong pangarap sa
ngayon sa malampasan nararanas
dahil sa iyong kilos?
pag abot ng ang mga ito? an mo
mga kilos
iyong tungo sa
na ito?
pangarap? pag abot
ng iyong
pangarap?

Naitala mo ba ang mga pinahahalagahan mo sa buhay na nais makamit? Ang


iyong pagsisikap sa pagkamit nito ay makatutulong sa paglinang ng iyong
mabuting gawi. Walang duda, kaya mong patuloy na maging mabuting tao!

6
Ating Pagyamanin
GAWAIN 3: TUGMA BA?

PANUTO: Nais mo bang maging tugma ang pagpapahalaga sa iyong ginagawa at


malinang ang iyong birtud? Narito ang paraan kung paano ito isasakatuparan.
Sundan ang mga hakbang:

1. Tukuyin ang birtud na nais mong malinang o pagbabagong gagawin upang


magtugma ito sa iyong pagpapahalaga.

2. Tukuyin din ang paraan o hakbang ng pagsasabuhay. Sa tapat ng bawat paraan


ay maglagay ng pitong kolum na kakatawan sa pitong araw na mayroon sa isang
linggo.

3. Lagyan ng tsek (/) ang kolum kung naisagawa sa naturang araw ang pamamaraan
na naitala at ekis (X) kung hindi. Gawin ito sa loob ng dalawang linggo. Sa ganitong
paraan ay masusubaybayan kung tunay mong nailalapat ang pamamaraan upang
maisabuhay ang virtue. Gamitin mong gabay ang halimbawa sa ibaba.

Virtue na Nais Araw


Malinang o
MIYERKUL

HUWEBES

BIYERNES

SABADO
MARTES

Pagbabagong

LINGGO
LUNES

Gagawin upang Paraan o Hakbang


ES

Maging Tugma sa ng Pagsasabuha


Pagpapahalaga
(Matiwasay na a. Gagampanan ang
pagsasama ng gawaing
pamilya) nakatakda tulad
ng paghugas ng
Pagiging pinggan.
responsable b. Susundin ko
agad ang
naguutos nang
hindi gumagawa
ng anumang
pagdadahilan.
(Malapit na a. Ipagpatuloy ang
pakikipag ugnayan pagdarasal sa
sa Diyos) araw at gabi
b. Pagsimba sa araw
ng Linggo o araw

7
Madasalin, na itinakda ng
palasimba at aking relihiyon.
paglingkod sa iba c. Tutulungan ko
ang sinumang
mangailangan ng
aking tulong

Hinango mula sa: Module ESP Gr 7 (Ikalawang Bahagi) LM pg. 19-20

GAWAIN 4: “PAGNINILAY”
Sumulat ka ng isang pagninilay sa iyong kuwaderno tungkol sa natuklasan mo sa
iyong birtud na higit na magpapaunlad ng iyong pagkatao.
Mga gabay na tanong sa paggawa ng Journal.

1. Ano-ano ang mga konseptong pumukaw sa akin?


2. Ano ang aking pagkaunawa at reyalisasyon sa mga konseptong ito?
3. Ano-ano ang aking gagawin upang mailapat ang mga pagunawa at
reyalisasyong ito sa aking buhay?

Journal

8
Ang Aking Natutuhan

GAWAIN 5: ATING ALAMIN

Tayahin natin ang iyong pag-unawa:

Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim


ng iyong naunawaan sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong
kuwaderno:

1. Ano ang birtud? Paano ito nalilinang sa tao?

B
I
R
T
U
D

TANDAAN: Kailangang maging maingat at di padalos-dalos sa gagawing


pagpapasya at kailangan maging bukas sa pagtanggap ng tulong o payo mula sa mga
taong nagmamalasakit at nagpapamalas ng mabuting pamumuhay.

9
Ating Tayahin
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay isang uri ng birtud na may kinalaman sa isip ng tao.


A. Kabutihan C. Intelektwal
B. Kaalaman D. Karunungan

2. Nabubuhay ang tao sa isang mapanuksong mundo. Alin sa mga sumusunod na


birtud ang makakatulong sa iyo upang maiwasan ito?
A. Kabutihan C. Pagtitimpi
B. Katarungan D. Pag-unawa

3. Ang pagpapaunlad ng kaalaman/karunungan na siyang gawi ng ating isip ay


makakamit sa pamamagitan ng paghubog ng ________.
A. Intelektwal na birtud C. Ispiritwal na birtud
B. Moral na birtud D. Sosyal na birtud

4. Isa sa uri ng birtud na may kinalaman sa pag-uugali ng tao.


A. Kabutihan C. Katotohanan
B. Moral D. Intelektwal

5. Ang tiyak at tunay na kaalaman na bunga ng pagsasaliksik at pagpapatunay.


Anong uri ng intelektwal na birtud ito?
A. Karunungan C. Katarungan
B. Pag-unawa D. Agham/Science

10
11
GAWAIN 1 – Malayang Pagsagot
SUBUKIN NATIN
1. B
GAWAIN 2 – Malayang Pagsagot 2. A
3. C
4. A
5. A
GAWAIN 3 – Malayang Pagsagot
GAWAIN 4 – Malayang Pagsagot TAYAHIN
1. C
2. C
3. A
GAWAIN 5 – Malayang Pagsagot 4. B
5. D
Gabay sa Pagwawasto
Sangguniaan

A. Aklat

Edukasyon Sa Pagpapakatao 7 - LM (Ikalawang Bahagi) pg. 1-22

Gabay sa Kurikulum – Edukasyon sa Pagpapakatao (MELC Edition)

Stock Photos & Royalty Free Photos. Dreamstime, 2021.

http://www.dreamstime.com

B. Mga Larawan

Dreamstime.com
https://www.google.com/search?q=filipino%20going%20to%20school
&tbm=isch&hl=en&tbs=rimg:CTDhFumkXAulYYx1Wp4qR1G2
&client=ms-android-oppo-
rev1&prmd=inv&sa=X&ved=0CBIQuIIBahcKEwiYt6LGrO3uAh
UAAAAAHQAAAAAQDQ&biw=360&bih=696

https://www.google.com/search?q=nagpipinta%20ng%20lalaking%20
pinoy&tbm=isch&hl=en&tbs=rimg:CQ6HCj6--
M7RYe6qRvHlExOH&client=ms-android-oppo-
rev1&prmd=inv&sa=X&ved=0CBMQuIIBahcKEwjohvqLr-
3uAhUAAAAAHQAAAAAQBg&biw=360&bih=696#imgrc=cAJq5
TOR73LHBM

https://www.google.com/search?q=pinoy+passenger+bike&tbm=isch
&hl=en&chips=q:pinoy+passenger+bike,online_chips:pedicab&
client=ms-android-oppo-
rev1&prmd=inv&sa=X&ved=2ahUKEwjG3f-
GsO3uAhUHWpQKHegqB7EQ4lYoBHoECAEQCQ&biw=360&b
ih=696#imgrc=O4Os3UJSC_nf9M

https://www.google.com/search?q=nagmamano&tbm=isch&hl=en&c
hips=q:pagmamano+nagmamano,online_chips:pagmamano,on
line_chips:respect&client=ms-android-oppo-
rev1&prmd=insv&sa=X&ved=2ahUKEwiV_Jrdxe3uAhVLYpQK
HbvIBeIQ4lYoAnoECAEQCQ&biw=360&bih=696#imgrc=1VxZ
MpRnjdCU2M&imgdii=NXKOOUoEemGKLM

https://www.google.com/search?q=bahay+na+tagpi-
tagpi+na+may+gulong&tbm=isch&ved=2ahUKEwj238n6qe3uA

12
hUTJqYKHcJ7AWUQ2-cCegQIABAC&oq=bahay+na+tagpi-
tagpi+na+may+gulong&gs_lcp=ChJtb2JpbGUtZ3dzLXdpei1pb
WcQAzoECCMQJzoECAAQHjoECB4QClDcV1jhcWCRdGgAcAB
4AIAB0gGIAdsTkgEGMC4xNC4xmAEAoAEBwAEB&sclient=mo
bile-gws-wiz-
img&ei=2SkrYLaPHJPMmAXC94WoBg&bih=696&biw=360&cli
ent=ms-android-oppo-rev1&prmd=inv#imgrc=dIXTDrp4-
r3mTM

For inquiries or feedback, please write or call:


Department of Education – SDO Palawan

Curriculum Implementation Division Office


2nd Floor Deped Palawan Building
Telephone no. (048) 433-3292

Learning Resources Management Section


LRMS Building, PEO Compound
Telephone np. (048) 434-0099

13

You might also like