You are on page 1of 6

Name: JULIUS CARL P.

TOMADA

Course/Year/Section: BEED 3-A

Subject: Maj –GEd 303 Teaching Social Studies in the Elementary Grade – Philippine History and
Government

DETAILED LESSON PLAN IN TEACHING SOCIAL STUDIES IN THE ELEMENTARY


GRADES – PHILIPPINE HISTORY AND GOVERNMENT

Grade Level Grade 3

Learning Area ARALING PANLIPUNAN

Quarter YUNIT 2

I. Objectives

Learning Pagkatapos ng talakayang ito, ang mag-aaral ay


Competencies/Objectives inaasahang:

 Nakapagbibigay kahulugan sa iba’t ibang uri


ng mga Yaman ng Bansang Pilipinas.

 Nakapagsasapuso sa kahalagahan ng Yaman


ng Bansang Pilipinas

 Nakapag-uuri ng kaibahan sa mga Yaman ng


Bansang Pilipinas.

II. Content ANG MGA YAMAN NG BANSANG PILIPINAS

III. Learning Resources

References ANG BAYAN KONG PILIPINAS 3 – Karapatang-ari


2009 ng DIWA LEARNING SYSTEMS INC

Other Learning Resources  Laptop

 Projector

 Tagapagsalita
IV. Procedure Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

Before the Lesson A. Motivational

Magandang Hapon mga bata. Ako nga


pala ang guro ninyo sa subject na ito.
Ako si Julius Carl P. Tomada.

Bago natin simulan ang tatalakayin ko


ngayon ay magsitayo muna tayo at
tayo’y manalangin.

Handa naba kayo mga bata? Handa na po.


(Lahat ng mga
estudyante ay
nagsitayuan at
nanalangin. Pagkatapos
ay sumunod ang
pampasiglang awitin)
During the Lesson B. Discussion

Mayroon akong bidyo na ipapakita sa


inyo upang malaman niyo kung ano (lahat ng mga
ang aking tatalakayin sa araw na ito. estudyante ay
nakatingin sa bidyo)
(Ang mga Yaman ng Bansa)

Ano-ano ang inyong napansin sa bidyo Mga Yaman po ng


na inyong napanood? Bansang Pilipinas po
aming guro.
Mahusay mga bata!

Para saan ang lahat ng iyon? Para po iyong sa


tatalakayin niyo po
ngayon aming Guro.

Napakahusay mga bata!

Ang mga Yaman ng Bansang Pilipinas


ay mayroong iba’t ibang anyo.

Sagana ang Pilipinas sa mga yamang


likas. Ang mga ito ay yamang lupa at
tubig. Kabilang na rito ang kagubatan
ng bansa.

Sa mga yamang ito tayo kumukuha ng


ating mga kailangan para mabuhay.

Subalit maaaring masira ang mga ito


nang tuluyan kung hindi tayo kikilos at
gagawa ng paraan para
mapangangalagaan ang mga ito.
Bilang mga mamamayang Pilipino,
tungkulin nating ingatan at gamitin
nang wasto ang mga yamang likas ng
ating bansa.

ANG YAMANG-LUPA

Dito nakapaloob ang mga bagay na


nagmumula at nakukuha sa lupa.
Maaaring ito ay ang mga bunga ng
mga halaman o mga mineral na
nabubuo o nagmumula sa ilalim ng
lupa. Tinuturing na agricultural na
bansa ang Pilipinas dahil dito ang
pangunahing hanapbuhay ng mga tao
sa ating bansa at ito ang pagsasaka.

Mga bata maaari ba kayong magbigay Marami po aming guro,


ng iba’t-ibang uri ng yamang-lupa? ito po ang mga bundok,
bulkan, kapatagan,
lambak, talampas, at
burol.
Tama mga bata!

Kasunod naman nito ang YAMANG


TUBIG.

ANG YAMANG TUBIG

Ang Pilipinas ay napapalibutan ng


katubigan. May mga karagatan, dagat,
ilog, lawa, talon, kipot, at golpo na
matatagpuan sa ating bansa.
Nakakakuha ng mga isda, hipon,
alimasag, kabibe, halamang dagat, at
marami pang iba sa mga anyong-tubig
na ito.

Maraming mangingisda sa Pilipinas


ang umaasa sa ating mga yamang-
tubig. Ang mga ito ang pangunahing
pinagkukunan nila ng kanilang pang-
araw-araw na kabuhayan.
Mga bata, ano nga ulit ang iba’t-ibang Aming guro, iyon po ay
uri ng yamang tubig? ang mga karagatan,
dagat, ilog, lawa, talon,
kipot, at golpo.

Tama mga bata!

Kasunod nito ang YAMANG-TAO

ANG YAMANG-TAO

Ang mga yamang-tao ay tumutukoy sa


mga mamamayan ng bansa. Sila ang
tumutulong upang lumaganap at
umasenso ang bansa lalo na sa
paglinang ng mga likas na yaman ng
bansa. Kabilang sa yamang-tao ang
mga guro, doctor, tsuper, karpintero,
at marami pang iba.

Sinu-sino pa ang mga kabilang sa mga Ang mga pulis,


yamang-tao? arkitekto, enhinyer, mga
artista at mga nars po
aming guro.

Tama mga bata!

Ang huli neto ay ang YAMANG DI-


LIKAS o ang Teknolohiya at mga
Kagamitan na ating ginagamit sa pang
araw-araw.

ANG YAMANG DI-LIKAS

Ito ay ang mga produkto na


nagmumula sa mga likas na yaman na
ginagawa o nililinang ng mga tao. Ilan
sa mga halimbawa nito ay ang mga
gusali, tulay, sasakyan, sapatos, damit,
at marami pang iba.

C. Enrichment

Subukan natin mga bata kung may


natutunan nga kayo sa aking
diskusyon.

Gawin Natin
Isulat sa patlang ang TAMA kung
wasto ang ipinahahayag ng
pangungusap. Kung mali, iwasto ang
pangungusap. Palitan ang salita o
grupo ng mga salita na may
salungguhit na nagpamali rito at isulat
ito sa patlang. Sagot ng mga mag-
aaral.
1. May tatlong uri ng mga
yaman ang ating bansa. 1. TAMA
2. TAMA
2. Ang mga yamang di-likas ay 3. TAMA
yamang hindi nagmula sa kalikasan. 4. TAMA

3. Ang mga yamang-tao ay


tumutukoy sa mga mamamayan ng
bansa.

4. Malaki ang pakinabang ng


mga tao sa kalikasan.

D. Generalization and Importance

 May iba’t ibang uri ng yaman


ang ating bansa. Ang mga ito
ay ang yamang-likas, yamang
di-likas, at yamang-tao.
 Itinuturing ang yamang-likas
na biyaya mula sa Diyos. Ito ay
yamang nagmula sa kalikasan.
Kabilang sa mga halimbawa ng
yamang-likas ang mga
yamang-lupa at yamang-tubig.
 Ang yamang di-likas ay
tumutukoy sa mg aproduktong
nilikha o nilinang ng mga tao
mula sa yamang-likas.
 Ang yamang-tao ay tumutukoy
sa mga mamamayan ng ating
bansa. Ang mga mamamayang
ito ay nagtataglay ng kaalaman
at kakayahan sa paggawa.
After the Lesson E. Evaluation

Pasa sa inyong ebalwasyon ngayon,


ihiwalay at ilagay ang mga salita na
kabilang sa Yamang-likas, Yamang di-
likas, at Yamang-tao.
Ilog Ibon dagat
aklat palay burol nars
lapis bahay sapatos hawla
guro dentista ginto tanso
doktor damit telepono
artista nara
Sagot ng mga mag-aaral
Yamang-Yamang Yamang-
LikasDi-likas tao

Yamang Likas
 Burol
 Tanso
 Nara
 Ginto
 Dagat
 Ibon
 Palay
 Ilog
Yamang Di-likas
 Damit
 Telepono
 Lapis
 Aklat
 Bahay
 Sapatos
 Hawla
Yamang-tao
 Artista
 Dentista
 Doktor
 Nars
 Guro
F. Assignment

Para sa inyong asignatura, basahin


niyo ang pahina 79, Aralin 2 – Ang
mga Anyong Lupa.

You might also like