You are on page 1of 13

ARALING PANLIPUNAN 5

Lesson 9

Competency: Natatalakay ang teorya ng pandarayuhan ng tao mula sa rehiyong


Austronesyano (AP5PLP-Ie-5)
SKILL: Natatalakay (explain)UNDERSTANDING
DAY 1 : Natutukoy ang Teorya ng Pandarayuhan ng Tao mula sa rehiyong Austronesyano.
Learning Episode 1:
A. Motivation
1. Ngayon ay tatalakayin natin ang teorya ng pandarayuhan ng tao mula sa rehiyong
Austronesyano.
2. Mahalaga na matatalakay natin ang teorya ng pandarayuhan ng tao mula sa rehiyong
Austronesyano upang maintindihan natin ang pinagmulan ng mga Sinaunang Pilipino.
3. Pagkatapos ng aralin, susukatin ang inyong natutunan sa pamamagitan ng
pagtatalakay sa teorya ng pandarayuhan ng tao mula sa rehiyong Austronesyano sa
pamamagitan ng pagsulat ng talata.

B. Probe and Respond: Information Gathering .


Note to the teacher: Ipakita ang mga larawan ng pandarayuhan at ibigay ang
kahulugan batay sa ipinapakita nito.

Maghanda ng strip na may nakasulat na kahulugan ng pandarayuhan. Sasabihin at ipaliwanag


ito. Magbigay ng sitwasyon upang lubos na maunawaan ng mga bata ang kahulugan
nito.

 Ang pandarayuhan o imigrasyon ay ang tawag sa pagpunta o pagdayo ng


isang tao/grupo ng mga tao sa ibang lugar o bansa upang permanenteng
manirahan doon.
 Ang mga Austronesyano ay galing sa Southeast Asia, mga Isla sa Pasipiko at Isla ng
Madagascar sa Aprika. Naging mabilis ang kanilang pagkalat dahil sa kanilang husay sa
pandaragat. Kumulat sila patimog sa Celebes at Moluccas. Nakarating naman sila
pakanluran sa Borneo, Java, Sumatra, Tangway Malayo, Katimugang Vietnam, Sri
Lanka, India at Madagascar.

Learning Episode 2. Modeling. Gamit ang mapa sa Ibaba, ipapakita, itatalunton at tatalakayin
ni Titser ang teorya ng pandarayuhan. Sasabihin niya:

Ang teoryang pandarayuhan ay tumutukoy sa isang teorya na nagpapaliwanag


ng pagdating ng tao sa Pilipinas, o unti-unting pagkakaroon ng tao sa Pilipinas sa pamamagitan
ng iba't ibang waves o yugto ng pagdating ng tao sa mga isla.

A yo n s a t e o r ya n i P r o p e s o r H . O t l e y B e ye r , i s a n g A m e r i k a n o n g
antropologo, na nagsasabi na ang mga Pilipino ay nagmula sa t a t l o n g p a n g k a t n g
t a o n a d u m a t i n g s a P i l i p i n a s m u l a s a i b a ’ t ibang panig ng Asya. Ang unang pangkat
ay ang mga Negrito o Ita.

Galing sila sa Borneo at naglakad sa mga tulay na lupa. (Itatalunton ito ni Titser sa mapa)
Nagtungo sila sa Palawan,Mindoro at sa ilang bahagi ng Mindanao.Pandak at maitim ang mga
Negrito. Pango ang ilong at makapal ang kanilang labi.Kulot na kulot ang itim nilang buhok.Pagala-gala
sila upang humanap ng pagkain tulad ng prutas at halamang-ugat.Nabubuhay sila sa pangingisda gamit ang
kanilang sumpit, busog at pana, at mga kagamitang yari sa bato.

Ang ikalawang pangkat ay ang mga Indones


Dumating sila sa kapuluan sakay ng mga bangka.Sinasabing may dalawang pangkat ng mga
Indones na dumating. Ang unang pangkat ay kayumanggi at matatangkad. Mayroon silang
maninipis na labi at balingkinitang pangangatawan. Nabuhay sila sa pangingisda at
pagkakaingin. Ang ikalawang pangkat ng mga Indones ay sinasabing nagmula sa South
China at Indochina. Maiitim sila, pango ang ilong at makakapal ang
labi. Matipuno ang kanilang katawan.Nabuhay sila pagtatanim ng palay at mga
halamang-ugat at sa Pangingisda. Gawa sa kahoy at kugon ang kanilang tirahan.

Ang pangatlong pangkat ay mga Malay

Sakay sila ng bangka na tinawag na balangay.Dumaong sila sa Luzon, Visayas


at Mindanao. May sariling silang pamahalaan at batas. May kaalaman sila sa sining,
musika, at agham. Nabuhay sila sa pagsasaka, pagmimina, pangingisda,
at pagpapanday at paggawa ng mga kagamitang yari sa bakal.
B. Ang Teorya ng Paglipat-lipat ng mga Asyano- Naniniwala si Peter Bellwood (1985) sa
paglipat-lipat ng panirahan ngunit hindi maramihan tulad ng Teorya ng Migrasyon ni Beyer.
Ayon kay Bellwood hindi grupu-grupo ang dumating dito sa Pilipinas kundi mangilanngilan
lamang. Ang mga taong ito ay hindi rin tinaguriang Malayo-Polynesia at hindi nanggaling sa
bahaging Indonesia sapagkat napatunayang mas matanda ang kanilang wika kaysa sa mga
Malayo–Polynesian. Ang grupong ito ay ang mga Austronesyano.

Ang mga Austronesyano ay sinasabing nagmula sa Timog Tsina. Sa pamamagitan ng pagdaan


sa Taiwan, sila ay nakarating sa Batanes mga 5,000-4,000 bago ipinanganak si Kristo. Sila ay
may wikang Austronesyan at gumagamit ng mga kagamitang bato.

Ayon sa arkeologong si Peter Bellwood, noon pa mang 6000 BCE, may mga pamayanan sa
timog China at hilagang Vietnam na namumuhay sa pamamagitan ng pagsasaka ng palay
at millet. Kinikilala sila bilang mga Austronesyano. Nang lumaki ang kanilang populasyon,
kinailangang lumisan ng ilan upang maiwasan ang pagkaubos ng yamang likas sa kanilang lugar.
Gamit ang mga bangka, tumawid sila sa karagatan at nakarating sa isla ng Taiwan noong 5000–
4000 BCE. Isang pangkat naman ng mga Austronesyano ang naglakbay mula Taiwan noong
2500 BCE at nakarating sa isla ng Luzon. Dito nagtatag sila ng mga pamayanan at ginamit ang
kanilang alam na teknolohiya. Batay ito sa mga ebidensiya ng mga arkeologo tulad ng mga estilo
ng mga paso, banga, at paraan ng agrikultura tulad ng paggawa ng rice terraces at wet rice
agriculture na natagpuan sa Pilipinas.
Nagkaroon muli sila ng panibagong paglalakbay patimog at nagtayo ng mga pamayanan sa
Visayas at Mindanao. Umabot din sila sa silangang Indonesia at ang ilan ay napadpad sa
Carolinas, Palau, New Zealand, at Marianas. Mayroon ding nakarating ng Madagascar. Sa
ganitong paraan naging ninuno sila ng mga katutubo roon.

Note to the Teacher: Itatalunton ang mga pandarayuhan sa mapa upang lalong
maunawaan ng mga bata ang teorya.( Ito ang mungkahing talata na pwede pang pagyamanin
ni Titser)

Ang Teoryang Pandarayuhan ni Henry Otley Beyer ay naniniwalang may tatlong grupo ng mga
taong dumating sa Pilipinas na siyang unang mga tao sa Pilipinas. Ito ay ang mga Negrito, Malay
at Indones.

Ayon naman kay Peter Bellwood hindi grupu-grupo ang dumating na mga tao dito sa Pilipinas
kundi mangilanngilan lamang. Ang mga taong ito ay hindi rin tinaguriang Malayo-Polynesia at
hindi nanggaling sa bahaging Indonesia sapagkat napatunayang mas matanda ang kanilang wika
kaysa sa mga Malayo–Polynesian. Ang grupong ito ay ang mga Austronesyano na
pinaniniwalaang nagmula sa Timog Tsina.

Sila ay p i n a n i n i w a l a a n g p i n a g h a l o n g l a h i n g Mongoloid o taong madilaw at Australoid


o taong maitim. Ang mga Austronesian ay may maunlad na kaalaman sa agrikultura
at paglalayag.Marunong silang gumawa ng mga kagamitan na gawa sa luwad tulad ng palayok at tapayan.
Sa pamamagitan ng pagdaan sa Taiwan, sila ay nakarating sa Batanes mga5,000-4,000 bago
ipinanganak si Kristo. Sila ay may wikang Austronesyan at gumagamit ng mga kagamitang bato.
Learning Episode 3.
Note to the teacher: Maghanda ng kopya ng mapa para sa pangkatang Gawain ng mga bata.
A. Guided practice:
1. Pangkatin ang mga bata sa dalawahan(DYAD)
2. Gamit ang mapa sa itaas itatalunton, at tatalakayin ng bawat pares ang teorya ng
pandarayuhan sa pamamagitan ng pagsulat ng talata.
3. Pagkatapos sa Gawain, bawat pares ay mag-uulat sa harap ng klase

B. Independent practice
Isa-isang tatalakayn ng mga bata ang Teorya ng Pandarayuhan sa pamamagitan ng
pagsulat ng talata

Learning Episode 4: Evaluation


The independent practice is the evaluation itself.

Prepared by:

The CID Team

You might also like