You are on page 1of 15

Aralin I: Paraan ng Pamamahala

Ang ating bansa ay may sarili nang


paraan ng pamamahala at masasabing
maayos na kalagayang panlipunan noon
pa man. Hindi nga lamang ito nakilala
kaagad dahil pampamayanan lamang ang
sistemang umiiral noon. Ibig sabihin nito,
sa bawat lugar o tribo ay may kani-
kaniyang sistema at walang pambansang
pamhalaang matatawag.
Kilalanin rin natin ang mga
kasingkahulugan ng mga sumusunod
na mga salita sa kahon upang higit na
maging madali para sa ating
maunawaan ang araling ito.
batas – alituntunin ng kagandahang-asal o
pamantayang kinikilala at sinusunod sa isang komunidad na
ipinatutupad ng mga namumuno rito.
teritoryo- lawak ng lupang pag-aari ng isang
pamahalaan o mamamayan
tagapagpatupad- kapangyarihan ng pinunong ipatupad
o ipagawa sa mga mamamayang ang nagwang batas.
tagapagbatas – kapangyarihang ng pinunong gumawa
o lumikha ng batas na makakatulong sa kaunlaran ang mga
nagawang batas.
tagahukom- kapangyarihan ng pinunong maglitis o
humatol sa sinumang nasasakuoang lumabag o nagkasala sa
batas
Ang Barangay…
Ayon sa kasaysayan, may isang bangkang
Malay na dumating sa Pilipinas. Balangay ang tawag
sa bangkang ito. May paniniwalang sa bangkang ito
sumakay ang mga unang taong nakarating sa ating
bansa. Sinasabi na ang bangka ay nakakapagsakay
ng 60-90 katao. Sakay ng bangka ang isang
pamilyang binubuo ng mga magulang, mga anak,
kamag anak, at mga alipin. Pumili sila ng panahanan
sa kapuluan at nagsimulang magtatag ng isang
lipunan.
Balangay
Mula sa lipunang ito natatag
ang isang uri ng pamahalaan na
tinawag nilang barangay.
Barangay ang tawag sa
pamahalaan ng mga unang
Pilipino.
Sa kalagayang panlipunan ng mga
unang Pilipino, ang bawat barangay ay may
sarili at malayang pamamahala kaya’t
walang matatawag na hari o pinakapinuno
ng lipunan. Ang bawat barangay ay may
kani-kaniayang pinuno at batas na umiiral.
Datu ang tawag sa
pinuno ng barangay.

Raja o Lakan naman


ang namumuno sa higit
na malaking barangay.
Ang datu ang nagsisilbing tagapagbatas,
tagapagpaganap at tagahukom.
Siya rin ang itinuturing na punong militar sa
pamayanan.
Katulong ng datu ang matatandang
kasapi ng barangay.
Sa pagpili ng datu, tinitignan ang lakas,
tapang, at tatag ng loob ng isang tao upang
matiyak ang kakayahan nitong ipagtanggol ang
kanyang barangay sa mga kaaway.
Ang pagiging datu ay maaaring mamana.
Kapag ang datu ay namatay na walang anak na
babae o lalaki, ang mga tao sa barangay ang
pipili ng bagon datu ngunit siya ay dapat na….
pinakamayaman, pinakamakisig,
pinakamatapang, at pinakamatalino.
Sapagkat ang datu ang pinakamataas,
iginagalang siya ng lahat. Makakaasa siya sa
paglilingkod ng mga alagad sa panahon ng
digmaan, paglalayag, pagbubungkal ng
lupa, pangingisda at paglalayag.
Magkahalong lupit at kabutihan ang uri ng
pamamahala ng datu. Dahil sa kanyang
kapangyarihan, maaari niyang ipatapon ang isang
alagad o kunin ang ari-arian nito. Sa kabilang
dako, nagpapamalas din siya ng kabaitan at
pakikipagkapwa sa mga nasasakupan. Lagi niyang
ipindarama sa kanyang mga alagad ang
kahalagahan ng pagtulungan at pagkakaisa.

You might also like