You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV-A ng CALABARZON
Sangay ng Rizal
PUROK NG TANAY

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN VI


Unang Markahan

I.

Layunin: Natatalakay ang mga ambag ni Andres Bonifacio, ang


Katipunan at Himagsikan ng 1896 sa pagbuo ng Pilipinas bilang
isang bansa

II.

Nilalaman:
A Paksa: Mga ambag ni Andres Bonifacio, ang Katipunan at
Himagsikan ng 1896 sa pagbuo ng Pilipinas bilang isang bansa
B.Sanggunian:Gabay Pangkurikulum sa Araling Panlipunan
AP6PMK-Ie-7
Lakbay ng lahing Pilipino 5
C. Kagamitan:Picture Puzzle;
D. Pagpapahalaga: Pagkilala at pagpapahalaga sa kadakilaan
ng mga Bayani

III.

Pamamaraan
A. Panimulang Gawain:
1. Balik Aral
Anong uri ng samahan ang Kilusang Propaganda at La
Liga Filipina? Ano ang kanilang mga layunin?
2. Pagganyak
Picture Puzzle:Buuin ang apat(4) na bahagi ng larawan.

B. Panlinang na Gawain
1. Pangkatang Gawain
Hatiin sa tatlong bahagi ang mga mag aaral. Bawat
pangkat ay may nakalaan ng gawaing ibabahagi sa
klase.matapos ang nakalaang panahong ibinigay ng guro.
Gawain A
Itala ang mga hinihinging datos/imormasyon sa

Personal
Katipunan(ambag/ganap)
Himagsikan

Andres

Gawain B
Paghambingin ang mga Kilusang naitatag na nakutulong
sa pagkabuo ng bansang Pilipinas.
Kilusan

Pamamara

Layunin

an
Katipuna
n
Katipuna
n
Katipuna
n

Gawain C
Pagsasadula ng mga pangyayaring naganap noong Agosto
23, 1896 sa Pugadlawin.
2. Pagtalakay
Mag saliksik ng mga datos sa mga paksang kaugnay
ng katipunan.
Dekalogo ng Katipunan
Cartilya
Kalayaan ng Katipunan
3. Pagsusuri
Sa iyong palagay kung hindi sana nagkaroon ng hindi
pagkaka-unawaan ang mga lider at miyembro ng
katipunan, ano kaya ang naging bunga ng kanilang
ipinaglalaban? Ipaliwanag ang iyong sagot.
IV.

Paglalahat
Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari tungo sa pagpapahayag
ng kalayaan ng bansa. Isulat sa patlang mula sa bilang 1
hanggang 5 ayon sa unang nangyari.

______Kasunduan sa Biak-na-Bato
______kumbensyon sa Tejeros
______Pagkakabunyag ng Katipunan
______Pagpapahayag ng kalayaan ng bansa
______Sigaw sa Pugadlawin
V.

Pagtataya
Suriing mabuti ang tanong sa bawat bilang.piliin ang titik ng
tamang sagot.
1. Ano ang nagbunsod sa katipunan upang gumamit ng dahas sa
paghihimagsik laban sa mga Espanyol?
a. Sapagkat likas na magaling sa pakikipaglaban ang mga
pinunong nagtatag nito.
b. Sapagkat nakita nilang hindi naging matagumpay anga
dalawang naunang samahang gumamit ng mapayapang
paraan sa paghingi ng mga reporma.
c. Sapagkat may sapat na kakayahan at armas na ang mga
Pilipino noon kayat kayang kaya na nilang makipagsabayan
sa mga Espanyol.
d. Sapagkat likas ang katapangan ng mga kasapi ng katipunero.
2. Siya ang tinaguriang ama ng katipunan.?
a. Emilio Jacinto
b. Emilio Aguinaldo
c. Andres Bonifacio
d. Jose Rizal
3. Sa lugar na ito ipinahayag ang kasarinlan ng bansa
a. Talisay, Batangas
b. Kawit, Cavite
c. Luneta,Maynila
d. Binakayan, Cavite
4. Ano ang ipinahihiwatig ng mga pangyayari sa pugad lawin?
a. Lumakas na ang kapangyarihan ng mga Espanyol sa
Bansa.
b. Lumuganap na ang mga katiwalian ng mga Espanyol sa
buong bansa at ito ay buong lakas na isinigaw ng mga
Piipino.
c. Hudyat ng himagsikan laban sa mga Espanyol.
d. Pagkakaisa ng mga katipunero na palakasin ang
kanilang pwersa laban sa Espanyol.
5. Lihim na samahang naghangad ng kalayaan sa pamamagitan
ng rebolusyon o panghihimagsik
a. Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga
anak ng bayan.
b. Kataa-staasan, Kagalang-galangang Katipunero ng
Bayan
c. Kataas-taasan, Kagalang-galangang Kilusan para
Bayan.
d. Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunero

VI.

Takdang Aralin

Iguhit o ilarawan kung sa paanong pamamaraan


pinahahalagahan ang mga bayani ng ating bansa.
Inihanda ni:
Gng. Jessica S. Aguirre
Guro

You might also like