You are on page 1of 2

I.

BIRTUD (Virtue)
-Ito ay hindi lamang kinagawiang kilos kundi kilos na
pinagpasyahang gawin ayon sa tamang katuwiran.
-Ito ay lagging nakaugnay sa pag-iisip at pagkilos ng
tao
-Hindi ito taglay sa kapanganakan. Ang virtue ay
galing sa salitang Latin na virtus (vir) na
nangangahulugang pagiging tao, pagiging matatag
at pagiging malakas. Ito ay nararapat lamang para sa
tao
HABIT- Ito ay bunga nang paulit-ulit na pagsasakilos o
pagsasagawa ng isang kilos.
Unang hakbang sa paglinang ng BIRTUD
1. INTELEKTWAL NA BERTUD
Ito ay ang gawi ng kaalaman
a. Pag-unawa (understanding)- Ito ay ang
pinakapangunahin sa lahat ng birtud na
nakapagpapaunlad ng isip
b. Agham (science)- Ito ay sistematikong kalipunan ng
mga tiyak at tunay na kaalaman na bunga ng
pagsasaliksik at pagpapatunay.
Pamamaraan sa pagtamo ng AGHAM
>Pilosopikong Pananaw- halimbawa ay ang pag-aaral
ukol sa tao, sa kanyang kalikasan, pinagmulan at
patutunguhan
> Siyentipikong Pananaw- Halimbawa, pag-aaral
bayolohikal na bahagi ng tao;o sa kaniyang kilos,
kakayahan,kapangyarihan at ibpa
c. Karunungan (Wisdom)- Ito ang pinakawagas na uri
ng kaalaman at nagtuturo sa tao upang humusga ng
tama at gawin ang mga bagay na mabuti ayon sa
kaniyang kaalaman at pag-unawa.
d. Maingat na Pagpapasya (Prudence) Ito ang
nagbibigay-liwanag at gumagabay sa lahat ng ating
mabuting asal o ugali.
e. Sining(art)- It pang nagtuturo sa atin upang
lumikha sa tamang pamamaraan
2. MORAL NA BERTUD-Ito ay ang mga gawi na
nagpapabuti sa tao at may kaugnayan sa KILOSLOOB.
a. Katarungan(Justice) Ito ay gumagamit ng kilos-loob
upang ibigay sa tao ang nararapat
b. Pagtitimpi(Temperance o Moderation)- Nakikilala
ang bagay na makatuwiran at ang bagay na
maituturing na luho lamang.
c. Katatagan (Fortitude)- nagpapatatag at
nagpapatibay sa tao na harapin ang anumang
pagsubok o panganib.
d. Maingat na Paghuhusga (Prudence)- Ito ay ang ina
ng mga birtud at parehong intelektwal at moral.
KAUGNAYAN NG PAGPAPAHALAGA AT BIRTUD
PAGPAPAHALAGA (Values)
Ito ay nagbibigay kabuluhan o kalidad sa buhay ng
tao; ito ay hindi iniisip; ito ay dinaramdam.
Mga Katangian ng Pagpapahalaga
1. Immutable at Objective hindi nagbabago
2. Sumasaibayo (Transcends) para sa lahat at sarili
3. Nagbibigay ng direksyonsa buhay ng tao
4. Lumilikha ng kung anong nararapat(ought-to-be) at
kung ano ang dapat gawin(ought-to- do).
Mga Uri ng Pagpapahalaga
1. Ganap na Papapahalagang Moral (Absolute Moral
Values).
KATANGIAN: a. Obhetibo b. Pangkalahatan at c.
Eternal
2. Pagpapahalagang Kultural na Panggawi
(Cultural Behavioral Values).
KATANGIAN:

a. Subhetibo- to ay ang personal na pananaw, ugali o


hilig na bunga ng pag-udyok ng pandamdam,
damdamin, iniisip, motibo, karanasan at
nakasanayan.
b. Panlipunan(Societal). Ito ay naiimpluwensyahan ng
pagpapahalaga ng lipunan - ang nakagawiang kilos o
asal na katanggap-tanggap sa lipunan.
c. Sitwasyonal (Situational) - Ito ay nakabatay sa
sitwasyon, sa panahon at pangyayari.
Kaugnayan ng Pagpapahalaga at Birtud
Ang PAGPAPAHALAGA ay ang pinagsusumikapan ng
tao na makamit. Ang BIRTUD ay ang mabuting kilos
na ginagawa ng tao upang isakatuparan ang
pinahahalagahan.
II. Hirarkiya ng pagpapahalaga
III.PANLOOB NA SALIK NA NAKAKAIMPLUWENSYA SA
PAGHUBOG NG MGA PAGPAPAHALAGA
1.Konsensya-batas-moral na itinanim ng Dyos sa isip
at puso ng tao. Ito ay ang praktikal na
panghuhusgang moral ng isip-ang panghuhusga kung
mabuti o masama ang isang kilos.
2. mapanagutang paggamit ng kalayaan-ang
pagnanais ng taong takas an ang konsekwensya ng
kanyang kilos ay ang pagnanais na takasan ang
kalayaan.
3.Pagiging sensitibo sa gawang masama- kung ang
tao ay tapat sa paggawa ng tama, mag aalinlangan
sya sa paggawa ng masama.
Paraan ng pagsukat sa pangkalahatang kabutihan o
kasamaan:
a.layon(end)
b. Pamamaraan(means)
c.Mga pangyayari(circumtances)
Pagsasabuhay ng mga Birtud(Practice of virtues)d. Disiplinang Pansarili\
e. Moral na Integridad(Moral discernment)
a. masusing pag iisip batay sa moral na pamantayan
b.Matibay na pagkapit sa sariling
paniniwala(Consistent Behavior)
c. Hayagang paninindigan(public Justification)
IVPANLABAS NA SALIK NA NAKAKAIMPLUWENSYA SA
PAGHUBOG NG MGA PAGPAPAHALAGA
1. Pamilya at paraan ng pag aruga sa anak
2. Guro at tagapagturo ng relihiyon
3. Mga kapwa Kabataan(peers)
4. Pamana ng Kultura(cultural heritage0 at
Impluwensya ng kapaligiran o lipunan.
5. Katayuang panlipunan- pangkabuhayan(socioeconomic background)
6. Media
Mga Makabuluhang Katanungan: Pangkatang Gawain:
Magpakita ng Debate tungkol sa paggamit ng
konsensya tungkol sa pag-ibig vs. pag-aaral ISANG
MOTIBASYON ANO ANG KONSENSYA? PAGHUHUSGA
KUNG MABUTI O MASAMA ANG ISANG KILOS
KONSENSYA ISA SA MGA PANLOOB NA SALIKNA
NAKAKAIMPLUWENSYA SA PAGPAPAHALAGA Ano ang
halaga ng konsensyasa iyong buhay bilang
nagdadalaga at nagbibinata? Paano nagiging
makabuluhan ang buhay sa tulong ng konsensya?
Gumawa ng Pormula para sa kahulugan ng konsensya
Gumuhit ng Simbolong konsensya at bigyang
paliwanag Magtanghal ng isang kwentotungkol sa
paggamit ng konsensya Bigyang kahulugan ang isang
tula tungkol sa isang konsensya UNANG PANGKAT
IKALAWANG PANGKAT IKATLONG PANGKAT IKAAPAT NA
PANGKAT IKALIMANG PANGKAT Magsulat ng liham
para sa sarili kung paanomaipapangako ang paggamit

ng tamang konsensya ISANG PAGHUHUSGANG MORAL


KONSENSYA PAGKILALA SA SARILI PAGKILALA SA IBA
KATOTOHANAN GABAY NG DIYOS
Takdang-Aralin:

1. Sumulat sa iyong kwaderno ng isang pangyayari


na ginamit mo sa tama ang iyong konsensya.
2. Magsaliksik ng kasaysayan o pinagmulan ng
konsensya.

You might also like