You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA

Name: ____________ Score:


Grade 7 - Date: _______________

LEARNING ACTIVITY SHEET


Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan

Kaugnayan ng Birtud at Pagpapahalaga


Ang pagpapasya ay ang pagpili ng kilos o aksyon na gagawin ng tao o tugon ayon sa kinakaharap na
sitwasyon. Ngunit maaaring tama o mali ang maging pasya. Paano naugnay ang birtud at pagpapahalaga
dito. Bigyan muna natin ng kahulugan ang birtud at pagpapahalaga.
Kahulugan at Uri ng Birtud
Nagmula ang birtud o virtue mula sa salitang latin na Virtus (vir). Ang kahulugan nito ay pagiging tao,
pagiging matatag at pagiging malakas. Ito ay nararapat lamang para sa tao. Mahalagang maunawaan na
ang virtue ay laging nakaugnay sa pag-iisip at pagkilos ng tao. Ang mga birtud ay hindi taglay ng tao
mula sa kanyang kapanganakan. Maaari niya itong taglayin sa paglipas ng panahon depende sa mga habit
o gawi na kanyang malilinang. Ang habit o gawi ay bunga ng paulit-ulit na pagsasagawa ng isang kilos.
Hindi lamang kinagawiang kilos ang birtud kundi kilos na pinagpasyahang gawin ayon sa tamang
katwiran.
Dalawang Uri ng Birtud
1. Intelektwal na birtud- may kinalaman sa isip ng tao na tinatawag ding gawi ng kaalaman Mga
Uri ng Intelektwal na Birtud a. Pag-unawa (understanding) b. Agham (Science) c. Karunungan
(wisdom) d. Maingat na Paghuhusga (Prudence) e. Sining (art
2. ) Moral na Birtud-may kinalaman sa pag-uugali ng tao, mga gawi na nagpapabuti sa tao. a.
Katarungan (justice)- ang birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang nararapat
lamang para sa kanya. b. Pagtitimpi (temperance o moderation)- pagpipigil o pagkontrol sa sarili
na maiwasan ang tukso o masamang gawain. c. Katatagan (fortitude)- ang birtud na ito ang
nagpapatibay o nagpapatatag sa tao na harapin ang anumang pagsubok. d. Maingat na
Paghuhusga (prudence)- itinuturing na ina ng mga birtud sapagkat ang pagsasabuhay ng ibang
birtud ay dumadaan sa maingat na paghuhusga.
Kahulugan at Uri ng Pagpapahalaga
Ang value o pagpapahalaga ay mula sa salitang latin na valore na nangangahulugan ng pagiging
matatag o malakas at pagiging makabuluhan o pagkakaroon ng saysay o kabuluhan. Ayon kay Max
Scheler, (Dy M.,1994) ang pagpapahalaga ay obheto ng ating intensyonal na damdamin. Sinasabi
ni Scheler na 6 ang pagpapahalaga ang nagbibigay ng kabuluhan o kalidad sa buhay ng tao.
Narito ang mga katangian ng pagpapahalaga: a. Immutable at objective- hindi nagbabago ang
mga pagpapahalaga. b. Sumasaibayo (transcends) sa isa o maraming indibidwal c. Nagbibigay ng
direksyon sa buhay ng tao d. Lumilikha ng kung ano ang nararapat (ought -to-be) at kung ano
ang dapat gawin (ought-to-do)
Mga uri ng Pagpapahalaga
1. Ganap na Pagpapahalagang Moral (Absolute Moral Values)- Ito ang pangkalahatang
katotohanan (universal truth) na tinatanggap ng tao bilang mabuti at mahalaga.
2. Pagpapahalagang Kultural na Panggawi (cultural behaviors)- Maaari itong pansariling pananaw
ng tao o paniniwala ng isang pangkat kultural.
Kaugnayan ng Pagpapahalaga at Birtud
Ang mga pagpapahalaga at birtud ang nagbibigay halaga sa ating tunay na pagkatao. Bagamat
magkaiba subalit magkaugnay ang pagpapahalaga at birtud. Dahil ang pagpapahalaga ang
nagbibigay ng kabuluhan o kalidad sa buhay ng tao, kaya’t ito ang pinagsusumikapan ng tao na
makamit ayon kay Ayn Rand. Ang birtud, ayon pa rin kay Rand ay ang mabuting kilos na ginagawa
ng tao upang isakatuparan ang pinahahalagahan. Ito ang moral na gawi na nagreresulta ng
pagkakamit at pagpapanatili ng pagpapahalaga. Samakatuwid, kung ang pagpapahalaga ang
layunin o tunguhin ng tao…ang birtud ang daan upang makamit ito. Ang ating mga
pinagpapasyahang mabuting kilos kung paulit-ulit nating isasagawa ay magiging gawi na kalauna’y
magiging birtud. Mga birtud na magagamit naman natin sa pagsasakatuparan ng ating
pagpapahalaga. Nagsisimula ang lahat sa tamang pagpili ng isasagawa o pagpapasya. (Hango mula
sa K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Kagamitan ng Mag-aaral , pahina 14)

GAWAIN:
Panuto: Mula sa iyong karanasan, isalaysay ang sariling gawi na maaaring maging daan upang
taglayin mo ang mga moral na birtud (katatagan, pagtitimpi, katarungan, maingat na
pagapapasya)

Gawi Birtud na Maaaring Malinang


Hal. Araw-araw kong pinipiling magsagot Pagtitimpi
sa mga gawain sa aking modyul kaysa
maglaro
Ikaw naman
1.

2.

3.

Prepared by:
ARMINE M. DAVID
Teacher I

KRISSA JOYCE C. SADURAL


MLSB
Checked by: Approved by:
MARIA ELSA S. BALBUENA MARLIE C.
EDUARDO
Head Teacher III School Principal II

You might also like