You are on page 1of 35

Edukasyon sa

Pagpapahalag
a7
Mariz S. Blaza
Guro sa ESP
Balik aral!
Check pag nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng isang tao. At
ekis kung hindi.

1. Pantay na pakikitungo sa tao.


2. Pinagmamalaki nag pagiging Pilipino.
3.Pagwawalang bahala sa kapakanan ng iba.
4.Pag sang ayin sa kamag anak kahit mali ang nagawa.
5.Pagtulong ng walang kapalit.
Buuin ang
1.TUBIRD
sumusunod
BIRTUD
2.AAPPPHAGALA
PAGPAPAHALAGA
Buuin ang
3. ITABH
sumusunod
HABIT
4.LWATKEELETNI
INTELEKTWAL
Buuin ang
5. RLMAO
sumusunod
MORAL
Ang kaugnayan ng pagpapahalaga at
birtud
Ang Birtud o Virtue ay galing sa salitang Latin na virtus (vir) na
nangangahulugang “pagiging tao”, pagiging matatag at
pagiging malakas.

Ang habit o gawi ay mula sa salitang Latin na habere


na nangangahulugang to have o magkaroon o
magtaglay.
Dalawang Uri ng Birtud
01 Intelekwal na
Birtud
02
Moral na Birtud
01 Intelekwal na Birtud
Ang mga intelektwal na birtud ay may
kinalaman sa isip ng tao. Ito ay tinatawag na gawi
ng kaalaman
(habit of knowledge).
Uri ng Intelekwal na Birtud
A. Pag-unawa o understanding
Ang pag-unawa ang
pinakapangunahin sa lahat ng birtud na
nakapagpapaunlad ng
isip.
Uri ng Intelekwal na Birtud
B Agham (Science)
Ito ay sistematikong
kalipunan ng mga tiyak at tunay na
kaalaman na bunga ng pagsasaliksik at
pagpapatunay. Sa pamamagitan nito
ay na kakatuklas ang tao ng bagay na
makakabuti sa kanya.
Uri ng Intelekwal na Birtud
CKarunungan (Wisdom)
Ito ang nagtutulak
sa tao upang maunawaan ang bunga o
kalalabasan (consequence) ng lahat ng
pananalita at kilos bago ito sabihin at isagawa.
Uri ng Intelekwal na Birtud
D Maingat na Paghuhusga
(Prudence)
Ang maingat na
paghuhusga ang nagbibigay-liwanag at
gumagabay sa lahat
ng ating mabuting asal o ugali.
Uri ng Intelekwal na Birtud
E Sining (Art)
Ang sining ang nagtuturo sa atin upang lumikha sa tamang
pamamaraan., at paglikha, ito ay bunga ng katuwiran. Ito rin
ay maaaring gamitin sa paglikha ng mga bagay na may
kapakinabangan. Nakakagawa ang tao ng mga iba’t-ibang
paraan upang isakatuparan ang kanyang iniisip na maaring sa
paraan ng pagkanta, pagpinta atbp.
02 Moral na Birtud
Ang mga moral na birtud ay may kinalaman sa pag-
uugali ng tao. Ito ay ang mga gawi na nagpapabuti
sa tao.
Ang lahat ng mga moral na birtud ay may
kaugnayan sa kilos-loob.
Apat na Uri ng
Moral na Birtud
Katarungan
(Justice)
Ang katarungan ay isang birtud
na gumagamit ng kilos-loob
upang ibigay sa tao ang
nararapat lamang para sa
kanya, sinuman o anuman ang
kaniyang katayuan sa lipunan.
Pagtitimpi
(Temperance or
Moderation)
Ang pangunahing kailangan ay
moderasyon. Nakikilala ng isang taong
nagtataglay ng pagtitimpi ang bagay na
makatuwiran at ang bagay na
maituturing na luho lamang.
Katatagan (Fortitude)
Ito ay ang birtud na
nagpapatatag at nagpapatibay sa tao na
harapin ang anumang pagsubok o panganib.
Ginagamit ito ng tao bilang sandata sa
pagharap sa pagsubok o panganib sa buhay.
Maingat na Paghuhusga
(Prudence)
Ito ang tinuturing na ina ng mga birtud
sapagkat ang pagsasabuhay ng ibang mga
birtud ay dumadaan sa maingat na
paghuhusga. Ang birtud na ito ay parehong
intelektuwal at moral na birtud.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1.
Sa bond paper, gumuhit ng
VIRTUE WHEEL. Ilagay sa
loob ng bawat piraso ang
iyong mga katangiang taglay.
Pagkatapos ay isulat kung
paano mo ito isinasabuhay.
Kahulugan at Uri ng
Pagpapahalaga
Ang pagpapahalaga o (values) ay nagmula sa salitang
Latin na valore na nangangahulugang pagiging malakas
o matatag at pagiging makabuluhan o pagkakaroon ng
saysay o kabuluhan.

Ang pagpapahalaga ay mga prinsipyo o pamantayan ng


pag uugali ng isang tao kung ano ang mahalaga para sa
kanya.
Mga Uri ng Pagpapahalaga
1. Ganap na
Papapahalagang Moral
(Absolute Moral Values).
Ito ay nagmumula sa labas ng tao. Ito ay
ang mga mithiin na tumatagal at
nananatili.
2. Mga Uri ng Pagpapahalaga
Pagpapahalagang Kultural na
Panggawi (Cultural Behavioral
Values)
Ito ay mga pagpapahalagang nagmula sa loob ng tao. Ito ay
maaaring pansariling pananaw ng tao o kolektibong paniniwala ng
isang pangkat kultural. Ang layunin nito ay makamit ang mga
dagliang pansarili o pampangkat na tunguhin (immediate goals).
Kasama rito ang pansariling pananaw, opinyon, ugali at damdamin.
Kaugnayan ng
Pagpapahalaga at Birtud
Ang pagpapahalaga ang nagbibigay
ng kabuluhan o kalidad sa buhay ng tao. Ang pagpapahalaga ay
ang kapangyarihan na umuudyok sa tao at ang kailangan ng tao
upang mabuhay.

Ang birtud ay ang mabuting kilos na ginagawa ng tao upang


isakatuparan ang pinahahalagahan. Ito ang moral na gawi na
nagbubunga sa pagkamit at pagpapanatili ng pagpapahalaga.
1. Ito ay bunga ng paulit-ulit na pagsasagawa ng a. Birtud
isang kilos b. Pagpapahalaga
2. May kinalaman ito sa pag-uugali ng tao, mga c. Katangian ng pagpapahalaga
gawi na nagpapabuti sa tao. d. Habit o Gawi
3. may kinalaman sa sa isip ng tao na tinatawag e. Intelekwal na birtud
ding gawi ng kaalaman f. Moral na Birtud
4. Nangangahulugan ng pagiging tao, pagiging g. Ganap na Pagpapahalagang Moral (Absolute
Moral Values)
matatag at pagiging malakas . h. Pagpapahalagang Kultural na Panggawi
5. Ito ang obheto ng ating intensyonal na (cultural behaviors)
damdamin i. Pagpapasya
6. Nagbibigay ito ng kabuluhan o kalidad sa buhay
ng tao
7. Ito ang pangkalahatang katotohanan (universal
truth) na tinatanggap ng tao bilang mabuti at
mahalaga.
8. Ito ay maaring pansariling pananaw ng tao o
kolektibong paniniwala ng isang pangkat
kultural.
9. immutable o objective
10. nagbibigay direksyon sa buhay ng tao
Gawain
Sa bond paper, gumawa ng isang wall post na
naglalaman ng iyong advice o payo sa iyong mga
kaibigan o kapwa kabataan para mapaunlad ang kanilang
pagkatao bilang isang nagdadalaga at nagbibinata.
A. Panuto: Basahing Mabuti ang mga tanong
o pangungusap sa bawat bilang. Isulat ang
titik ng pinakaangkop na sagot.
1.  Ang ___________ ay bunga ng paulit-ulit
na pagsasagawa ng isang kilos.
a. habit o gawi
b. birtud
c. pagpapahalaga
d. pagpapakatao
2.Ang mga sumusunod ay mga paglalarawan sa
birtud maliban sa isa.
a. Ang birtud ay laging nakaugnay sa pagiisipat
kilosng tao.
b. Ang salitang birtud ay galing sa salitang Latin
na virtus o vir
c. Ang birtud ay natural lamang na taglay ng lahat
ng nilikha ng Diyos
d. Ang birtud ay nararapat lamang para sa tao
3. Ito ay obheto ng ating
intensyonal na damdamin.
a.Pagpapahalaga
b.Birtud
c.Gawi o Habit
d.Pagpapakatao
4. Ang mga sumusunod ay katangian ng
pagpapahalaga maliban sa isa:
a. Immutable at objective-hindi nagbabago ang
mga pagpapahalaga.
b. Sumasaibayo(transcends) sa isa o maraming
indibidwal
c. Nagbibigay ng direksyon sa buhay ng tao
d. Ganap na Pagpapahalagang Moral (Absolute
Moral Values)
5. Sa paanong paraan nagkaugnay ang
pagpapahalaga at birtud?
a. Ang birtud, ay ang mabuting kilos na ginagawa
ng tao upang isakatuparan ang
pinahahalagahan
b.  Magkauganay ang pagpapahalaga at birtud
dahil pareho lamang Mabuti ang ginagawa sa
tao
c. Nagiging mahalaga ang bagay depende sa
birtud na nagamit
d. Nagiging mahalaga ang buhay dahil sa birtud
B. Panuto: Isulat ang titik T kung ang
pahayag ay tama at M kung ang pahayag
ay di wasto.

6. Ang birtud ay taglay na ng tao sa


kanyang kapanganakan.
7. Ang birtud ay hindi lamang kinagawiang
kilos kundi kilos na pinagpasyahang gawin
ayon sa tamang katwiran.
8.Sinasabi ni Scheler na ang pagpapahalaga ang
nagbibigay ng kabuluhan o kalidad sa buhay ng tao.
9.Kung ang pagpapahalaga ang layunin o tunguhin
ng tao, ang kalayaan ang daan upang makamit ito.
10.Ang Intelektwal na Birtud ay may kinalaman sa
pag-uugali ng tao, mga gawi na nagpapabuti sa tao.

You might also like