You are on page 1of 23

Modyul 9:

KAUGNAYAN NG
PAGPAPAHALAGA
AT BIRTUD
Ang virtue ay galing sa salitang Latin
na virtus (vir) na nangangahulugang
“pagiging tao”, pagiging matatag at
pagiging malakas. Ito ay nararapat
lamang para sa tao.

Birtud (Virtue)
2
• Ang birtud ay hindi taglay ng tao sa
kaniyang kapanganakan.

• Ang habit o gawi ay mula sa salitang


Latin na habere na nangangahulugang to
have o magkaroon o magtaglay.
Ang birtud ay bunga ng mahaba at mahirap na
pagsasanay. Bilang tao kailangan nating makamit
ang dalawang mahalagang kasanayan:
1. Ang pagpapaunlad ng kaalaman at karunungan na
siyang gawain ng ating isip. Ito ay makakamit sa
pamamagitan ng paghubog ng mga intelektwal na
birtud.
2. Ang pagpapaunlad ng ating
kakayahang gumawa ng mabuti at
umiwas sa masama na siyang gawain
ng ating kilos-loob. Ito ay makakamit
sa pamamagitan ng paghubog ng mga
moral na birtud.
6
DALAWANG  Intelektwal na Birtud
URI
NG  Moral na Birtud
BIRTUD
Intelektwal na Birtud

● Ang mga intelektwal na birtud ay may


kinalaman sa isip ng tao.
● Sa buhay ng tao, naglalaan tayo ng
mahabang panahon sa pagpapayaman
ng ating isip.

8
Mga Pamamaraan sa paggamit ng
Intelektwal na Birtud
a. Paghahanap ng kaalaman upang makaalam tungo sa
paggawa nang may kasanayan na magagawang perpekto
lamang sa tulong ng pag-unawa (understanding), agham
(science), karunungan (wisdom)

b. Paggamit ng kaalamang nakalap sa mga pagpapasya at


kilos na maaaring mapagyaman sa tulong ng sining (art) at
maingat na paghusga (prudence)
Mga Uri ng Intelektwal na Birtud
● Pag-unawa (Understanding)
● Agham (Science)
● Karunungan (Wisdom)
● Maingat na Paghuhusga (Prudence)
● Sining (Art)
Pag-Unawa (Understanding

● Ang pag-unawa ang pinakapangunahin sa lahat ng


birtud na nakapagpapaunlad ng isip.
● Ang pag-unawa ay kasing kahulugan ng isip.
● Tinatawag ito ni Santo Tomas de Aquino na Gawi
ng Unang Prinsipyo (Habit of First Principles).
Agham (Science)
● Ito ay sistematikong kalipunan ng mga tiyak at
tunay na kaalaman na bunga ng pagsasaliksik at
pagpapatunay.
● Dalawang Pamamaraan
Pilosopikong Pananaw
(Hal. Pag-aaral ukol sa tao sa kanyang
pinagmulan atbp.
Siyentipikong Pananaw
(Hal. Pag-aaral sa bayolohikal na
bahagi ng tao)
Karunungan (Wisdom)
● Ito ang pinakawagas na uri ng kaalaman.

● Ang karunungan ang nagtuturo sa tao upang


humusga nang tama at gawin ang mga bagay na
mabuti ayon sa kaniyang
kaalaman at pag-unawa.
Maingat na Paghuhusga
● Ang maingat na paghuhusga ay isang uri ng
kaalaman na ang layunin ay labas sa isip lamang
ng tao.
● Ang maingat na paghuhusga ang nagbibigay-
liwanag at gumagabay sa lahat ng ating mabuting
asal o ugali.
Sining (Art)
● Ang sining ay paglikha, ito ay bunga ng katuwiran.
Anuman ang nabuo sa isip ay inilalapat sa paglikha ng
bagay.
● Palaging binibigyang-diin ni Santo Tomas de Aquino na,
“Ang isang “artista” ay hindi pupurihin dahil sa panahon
at pawis na kaniyang inilapat sa kaniyang gawa kundi sa
kalidad ng bunga ng kaniyang pagsisikap.
Moral na Birtud
● Ang mga moral na birtud ay may kinalaman sa
pag-uugali ng tao. Ito ay ang mga gawi na
nagpapabuti sa tao. Ito rin ay ang mga gawi na
nagtuturo sa atin na
iayon ang ating ugali
sa tamang katuwiran.
Mga Uri ng Moral na
Birtud
● Katarungan (Justice)
● Pagtitimpi (Temperance)
● Katatagan (Fortitude)
● Maingat na Paghuhusga)
Katarungan (Justice)
● Ang katarungan ay isang
birtud na gumagamit ng kilos-
loob upang ibigay sa tao ang
nararapat lamang para sa
kanya, sinuman o anuman ang
kaniyang katayuan sa lipunan.
Pagtitimpi (Temperance
● Nakikilala ng isang taong nagtataglay ng pagtitimpi
ang bagay na makatuwiran at ang bagay na
maituturing na luho lamang.

● Ginagamit niya nang makatuwiran (ibig sabihin


nang naaayon sa totoo at matuwid na prinsipyo) ang
kaniyang isip, talento, kakayahan, hilig, oras at
salapi.
Katatagan (Fortitude)
● Ito ay ang birtud na nagpapatatag at nagpapatibay sa
tao na harapin ang anumang pagsubok o panganib.
● Ginagamit ito ng tao bilang sandata sa pagharap sa
pagsubok o panganib sa buhay. Ito rin ang birtud na
nagtuturo sa ating paninindigan ang pag-iwas sa
mga tuksong ating kinakaharap sa araw-araw.
Maingat na Paghuhusga

● Ito ang tinuturing na ina ng mga birtud sapagkat ang


pagsasabuhay ng ibang mga birtud ay dumadaan sa
maingat na paghuhusga.
Mga Uri ng Birtud
Intelektwal Moral
• Ito ay may kinalaman
• Ito ay may kinalaman
sa isip ng tao.
sa pag-uugali ng tao.
• Ito ay tinatawag na
gawi ng kaalaman
22
Ano ang nais
ipabatid ng
sipi?

23

You might also like