You are on page 1of 11

MODYUL 9: MGA BIRTUD

Ang gawi ay bunga ng paulit-ulit na pagsasakilos o pagsasagawa ng tao ng isang kilos na may
kakambal na pagsisikap. Kung patuloy at regular ang kaniyang ginagawang pagsisikap,
magiging isang permanenteng katangian na niya ito at masisiyahan siya na palaging gawin
ito.
Ang gawi ay ang unang hakbang sa paghubog ng birtud. Mahalagang malinang mo ang
mabuting gawi upang masanay ka sa paggawa ng mabuting kilos. Kahit na paulit-ulit ang
pagsasagawa ng kilos upang malinang ang birtud, nangangailangan din ito ng pagpili, pag-
unawa at kaalaman.
Ang birtud ay isang maingat na pagpapasiya na kumilos. Ang birtud ay hindi lamang habitual
kinagawiang kilos kundi kilos na decision pinagpasiyahang gawin ayon sa tamang katuwiran.
Ang virtue (Ingles ng birtud) ay mula sa salitang Latin na virtus (vir) na nangangahulugang
pagiging tao, pagiging matatag, at pagiging malakas. Ito ay para sa tao lamang dahil tanging
tao lamang ang pinagkalooban ng Diyos ng isip at kilos- loob. Mahalagang maunawaan mo
na ang birtud ay laging nakaugnay sa pag-iisip at pagkilos ng tao. Ang birtud ay bunga ng
mahaba at mahirap na pagsasanay.
Ayon kay Aristoteles, mayroong dalawang uri ng birtud: ang intelektuwal at ang moral na
birtud. Idinagdag ni Santo Tomas de Aquino ang ikatlo, ang teolohikal na birtud. Makikita
ang mga ito sa talaan sa ibaba.

MODYUL 10: HIRARKIYA NG MGA PAGPAPAHALAGA


Ang pagpapahalaga (values) ay nagmula sa salitang Latin na valore na nangangahulugang
pagiging matatag at pagkakaroon ng saysay o kabuluhan. Mula sa kahulugang ito, maaari
nating masabi na kailangang maging matatag tayo sa pagbibigay-halaga sa anomang bagay
na may saysay o kabuluhan sa atin. Katulad ng katapatan, may kabuluhan ito dahil
magdudulot ito ng magandang pakikipag- ugnayan sa kapuwa. Kailangan ng pagiging
matatag sa pagiging matapat dahil mahirap ang magsabi lagi ng totoo at mas madali ang
magsinungaling o hindi maging matapat. Kailangan ding isaalang-alang ang katotohanan.
Ayon naman sa mga sikolohista, ang pagpapahalaga ay anomang bagay na kaibig-ibig,
kaakit-akit, kapuri-puri, kahanga-hanga at nagbibigay ng inspirasyon, magaan at kasiya-siya
sa pakiramdam, at kapaki-pakinabang. Hindi mo pahahalagahan ang isang bagay kung hindi
mo nakikita ang alinman sa mga katangiang ito.
Ayon sa tradisyon, ang pagpapahalaga ay tumutukoy sa saligan o batayan ng kilos o gawa at
sa ubod ng paniniwala.
Ang mabuti ay ang mga bagay na hinahangad at pinaghihirapang makamit nang hindi
nakapipinsala o nakasasakit sa ating sarili at sa kapuwa.
Ayon kay Max Scheler (Dy M., 1994), ang pagpapahalaga ay obheto ng ating intensyonal na
damdamin (object of our true emotions). Mauunawaan natin ang pagpapahalaga sa
pamamagitan ng pagdama dito. Hindi ito naghihintay ng katuwiran upang lumitaw sa ating
buhay. Ang pagpapahalaga ay hindi iniisip; ito ay dinaramdam. Hindi ito obheto ng isip kundi
obheto ng puso. Ang ating isip ay bulag sa pagpapahalaga; tulad ng ating mata na bingi sa
ingay at ng ating tainga na bulag sa kulay. Sinasabi ni Scheler na ang pagpapahalaga ang
nagbibigay ng kabuluhan o kalidad sa buhay ng tao. Narito ang mga katangian ng
pagpapahalaga:
a. Immutable at objective. Ibig sabihin, hindi nagbabago ang mga pagpapahalaga dahil ang
mga ito, lalo na ang nasa higit na mataas na antas, ay mga kalidad kung saan nakasalalay ang
pagkatao. Halimbawa, ang pagpapahalaga ng kalusugan ay hindi nagbabago. Kung ang tao
ay hindi tumugon sa pagpapahalaga ng kalusugan; hindi siya kumakain ng masustansiyang
pagkain, hindi nag-eehersisyo o kaya'y palagiang umiinom ng alak at naninigarilyo, hindi ang
pagpapahalaga ng kalusugan ang nasisira kundi ang tao mismo. Dahil ang mga gawaing ito
ay magiging sanhi upang magkasakit siya.
b. Sumasaibayo (transcends) sa isa o maraming indibiduwal. Ang pagpapahalaga ay
maaaring para sa lahat o para sa sarili lamang. Halimbawa, ang pagpapahalaga sa kalusugan
ay para sa lahat ng tao subalit ang bokasyon na magpari o magmadre ay personal sa isang
indibiduwal.
c. Nagbibigay ng direksyon sa buhay ng tao. Ang pagpapahalaga ang nilalayong makamit ng
isang tao. Sa pagsisikap na makamit ito, ang kilos ng tao ay nahuhubog at nagkakaroon ng
direksiyon tungo sa pag-abot ng kaniyang pagpapahalaga. Ang isang layunin ay nakabatay sa
pagpapahalaga.
d. Lumilikha (create) ng kung anong nararapat (ought-to-be) at kung ano ang dapat gawin
(ought-to-do). Halimbawa, ang pagpapahalaga ng katarungan ay dapat nariyan, buhay at
umiiral. Kaya "ako" ay dapat maging makatarungan at kumilos nang makatarungan. Sa
madaling salita, ang pagpapahalaga ang pundasyon ng mga obligasyon, paniniwala, mithiin,
at saloobin.
MGA URI NG PAGPAPAHALAGA
Mga Ganap na Papapahalagang Moral (Absolute Moral Value). Ang mga ito ang
pangkalahatang katotohanan (universal truths) na tinatanggap ng tao bilang mabuti at
mahalaga. Ito ay ang mga prinsipyong etikal (ethical principles) na kaniyang pinagsisikapang
makamit at mailapat sa pang-araw-araw na buhay. Ito ay mithiing na tumatagal at
nananatili, katanggap-tanggap at makabuluhan para sa lahat ng tao anuman ang kaniyang
lahi o relihiyon. Ito ang nagbubuklod sa lahat ng tao sa Diyos.
Ilan sa mga halimbawa ng ganap na pagpapahalagang moral ay: pag-ibig, paggalang sa
dignidad ng tao, pagmamahal sa katotohanan, katarungan, kapayapaan, paggalang sa
anumang pag-aari, pagbubuklod ng pamilya, paggalang sa buhay, kalayaan, paggawa,
Pagpapahalagang Kultural na Panggawi (Cultural Behavioral Value). Ito ay maaaring
pansariling pananaw ng tao o kolektibong paniniwala ng isang pangkat kultural. Ang layunin
nito ay makamit ang mga dagliang pansarili o pampangkat na tunguhin. Kasama rito ang
pansariling pananaw, opinyon, ugali, at damdamin. Halimbawa, ang pagmamano o
pagdampi ng likod ng kamay ng nakatatanda sa noo ng bata ay mahalaga para sa mga
Pilipino. Para sa atin, isa itong paniniwalang nagpapakita ng paggalang ngunit hindi
kinagawian sa ibang kultura.
Bumuo si Max Scheler ng Hirarkiya ng Pagpapahalaga na tinawag niyang "ordo amoris" o
order of the heart. Ayon sa kaniya, ang ganitong hirarkiya ng pagpapahalaga ay hindi ganap
na mauunawaan lamang ng isip. Naniniwala siyang ang puso ng tao ay kayang magbigay ng
kaniyang sariling katuwiran na maaaring hindi mauunawaan ng isip. Nabuo niya ang
hirarkiyang ito batay sa mga prinsipyong ito ang Limang Katangian ng Mataas na
Pagpapahalaga (mula sa tesis ni Tong- Keun Min na "A Study on the Hierarchy of Values").
Ang hirarkiya ng pagpapahalaga ay hindi ganap na mauunawaan lamang ng isip. Ang "puso"
ng tao ay kayang magbigay ng kaniyang sariling katuwiran na maaaring hindi mauunawaan
ng isip.
Ang Hirarkiya ng Pagpapahalaga ayon kay Max Scheler (Dy, M. Jr., 1994)
1. Mga Pandamdam na Pagpapahalaga (Sensory Values). Itinuturing na nasa
pinakamababang antas ng pagpapahalaga, tumutukoy ito sa mga pagpapahalagang
nagdudulot ng kasiyahan sa pandamdam ng tao. Kasama dito ang pagbibigay- halaga sa mga
bagay na tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng pagkain, tubig, damit,
tirahan, at iba pang teknikal na mga pagpapahalaga. Kasama rin sa mga pagpapahalagang
ito ang mga bagay na maituturing lamang na rangya o luho ng isang tao, tulad ng
mamahaling alahas, magarang sasakyan, o mamahaling bag at sapatos na labis na
hinahangad ng ilang tao.
2. Mga Pambuhay na Pagpapahalaga (Vital Values). Ito ay mga pagpapahalagang may
kinalaman sa mabuting kalagayan ng buhay (well-being). Halimbawa, mahalaga sa tao ang
makapagpahinga kung siya ay pagod dahil ito ang makapagpapabuti sa kaniyang
pakiramdam at ang kumain ng masustansiyang pagkain upang matiyak na siya ay malusog at
hindi magkakasakit. Mahalaga sa atin na may makausap na taong mahalaga sa atin upang
mabawasan ang ating kalungkutan. Ang lahat ng nabanggit ay mga bagay na
pinahahalagahan ng tao upang masiguro niya ang kaniyang kaayusan at mabuting
kalagayan.
3. Mga Espiritwal na Pagpapahalaga (Spiritual Values). Maituturing na mas mataas ang
pagpapahalaga nito kaysa sa dalawang unang nabanggit. Ang pagpapahalagang ito ay
tumutukoy sa mga pagpapahalagang para sa kabutihan, hindi ng sarili kundi ng mas
nakararami. May tatlong uri ang pagpapahalagang ito ayon sa aklat na Problems of a
Sociology of Knowledge na isinulat ni Max Scheler:
a. Mga pagpapahalagang pangkagandahan (aesthetic values)
b. Pagpapahalaga sa katarungan (value of justice)
c. Pagpapahalaga sa ganap na pagkilala sa katotohanan (value of full cognition of truth)
4. Mga Banal na Pagpapahalaga (Holy Values). Ito ang pinakamataas sa lahat ng antas ng
mga pagpapahalaga. Tumutukoy ito sa mga pagpapahalagang kailangan sa pagkamit ng tao
ng kaniyang kaganapan upang maging handa sa pagharap sa Diyos. Ang pagkilos tungo sa
kabanalan ang katuparan ng kaganapan hindi lamang ng materyal na kalikasan ng tao kundi
maging ng kaniyang espiritwal na kalikasan.
MODYUL 11 KARUNUNGAN AT PAGTITIWALA SA SARILI
Ang pilosopo ay taong gumagamit ng pilosopiya sa kanyang pag-iisip at pangangatwiran.
Ang salitang "philosophy" ay mula sa Griyegong salita, "philos" na ibig sabihin ay
pagmamahal (love), at "sophia" na ibig sabihin ay karunungan (wisdom). Kung magkagayon,
ang pilosopo ay taong nagmamahal sa karunungan.
Gayunpaman, dapat maging malinaw na ang taong may karunungan ay iba sa taong may
kaalaman (wisdom vs. knowledge). Lahat ng marunong ay may kaalaman, ngunit hindi lahat
ng maalam ay may karunungan. Ipinapalagay natin na ang mga matatanda ay may taglay ng
karunungan sapagkat marami na silang alam. Gayunpaman, may pagkakataong ang
matatanda, kahit marami ng alam, hindi nagpapakita ng karunungan. Halimbawa dito ang
isang politiko na ginagamit lang ang kanyang puwesto sa pamahalaan upang ibulsa ang
kaban ng bayan at magpayaman. Tiyak na walang makapagsasabing ang politikong iyon ay
may taglay na karunungan sa kaniyang ginagawa. Totoo din ito sa kabataang tulad mo.
Halimbawa ang isang mag-aaral ay may mataas na gradong nakukuha sa paaralan. Ngunit
nasasangkot naman sa mga pagsuway at kalokohan sa paaralan. Sa palagay mo, nagpamalas
ba siya ng karunungan?
NOTE: Upang ang kaalaman ay maging karunungan, dapat ang tao ay magpasiyang gawin at
isabuhay ang mga nalaman at naunawaan niya gamit ang kaniyang kilos-loob. Ang kaniyang
inaasahang pagsasabuhay ay magdudulot ng kabutihan sa kaniyang kapuwa at sa kanyang
sarili.
(In order for knowledge to become wisdom, a person must decide to do and put into practice
what he has learned and understood using his inner attitude. His expected practice will bring
good to his neighbor and himself.)
Ayon sa isang manunulat at teologo na si Lockyer, ang karunungan ay isang "kakayahang
humatol nang tama, at sumunod sa pinakamabuting pagkilos na nakabatay sa kaalaman at
pagkaunawa".
Ang isip ay may mahalagang ginagampanan upang ang tao ay makaalam at makaunawa ng
mga bagay sa paligid at maging sa kalooban niya. Ito ang tumutulong upang maproseso sa
isip niya ang mga impormasyon at humantong sa pagkaunawa sa pamamagitan ng pagnilay-
nilay. Ngunit hindi dito natatapos ang paglinang ng karunungan. Upang ang kaalaman ay
maging karunungan, dapat ang tao ay magpasiyang gawin at isabuhay ang mga nalaman at
naunawaan niya gamit ang kaniyang kilos-loob. Ang pagsasabuhay niya ay inaasahang
magdudulot ng kabutihan sa kanyang sarili at kapuwa.
(The mind plays an important role so that people can know and understand things around
them and even in their own will. This helps him to process the information in his mind and
lead to understanding through meditation. But the cultivation of wisdom does not end here.
In order for knowledge to become wisdom, a person must decide to do and put into practice
what he has learned and understood using his inner attitude. His practice is expected to
bring good to himself and others.)
Ayon sa pilosopong si Socrates, "Kung papaanong ang isang karpintero ay mayroong mga
kagamitan sa pagkakarpintero at may kaalaman siyang gamitin ang mga iyon upang siya ay
magtagumpay. gayundin ang karunungan ay kakayahang gamitin ang kaalaman at ang lahat
ng nakapaloob dito upang ang lahat ng ito ay mapakinabangan." Mapapakinabangan lamang
ito kung ang tunguhin nito ay kabutihan.
Narito ang proseso: Ginagamit natin ang ating isip upang tayo ay makaalam, makaunawa,
magsuri, at maghusga. Gamit naman ang ating kilos-loob, pinagpapasiyahan natin na
isabuhay ang ating naunawaan tungo sa kabutihan. Kapag ito ay paulit-ulit nating ginagawa
nang may kamalayan, nabubuo sa ating pagkatao ang isang birtud - ang moral na
karunungan (moral wisdom).
Ayon sa pilosopong si Aristoteles, ang lahat ng mga birtud ay hindi maisasakatuparan kung
walang karunungan.
Ang taong may karunungan ay makatotohanan, hindi mayabang, hindi nandaraya, hindi
naninirang- puri, at hindi namumuhi. Ang marunong ay lumalagpas sa kasamaan ng ganid at
karamutan. -Buddah(mula sa Sutta-Nipata)
May tatlong hakbang ng praktikal na karunungan ayon kay Santo Tomas de Aquino na dapat
nating tandaan upang maisagawa natin ito:
1. Payo. (advice)Kailangang humingi ng payo mula sa mga taong may karunungan at
karanasan tungkol sa bagay na iyong pinag-aaralan. Ito ay pagkakataon na magtipon ng mga
impormasyon upang makagawa ng tamang pagpapasiya. Iwasan ang pabigla-biglang pasiya
na hindi pinag-iisipan (impulsiveness). Humahadlang din ang katigasan ng ulo (stubborness),
at matinding damdamin (passion) upang hindi makinig sa mga payo.
2. Hatol. (judgment) Matapos niyang tipunin ang mga impormasyon at payo, kailangang
pag-aralang mabuti at timbangin ang mga ebidensya. Ang paghatol ay kakayahang ilapat ang
lahat ng mga prinsipyo at impormasyon kaugnay sa gagawing pagpapasiya.
3. Pasiya. (decision) Matapos makagawa ng pagpapasiya, dapat niya agad itong
isakatuparan. Kapag hindi naisakilos ang pinagpasiyahan, ito ay hindi rin maituturing na
karunungan. Sa pamamagitan lamang ng pagsasakatuparan ng iyong pinagpasiyahan, doon
lamang ito nagiging praktikal. At kapag paulit- ulit na ginagawa ang tatlong hakbang na ito,
ang tao ay nagtataglay ng praktikal na karunungan.
Ayon sa mga sikolohiko, ang konsepto sa sarili ay ang larawan ng iyong sarili na binuo mo
gamit ang iyong isip. Ito rin ay koleksyon ng iyong pananaw at paniniwala tungkol sa iyong
sarili. Halimbawa, maaaring pinaniniwalaan ng isang tao na siya ay masipag, masayahin o
maganda (Weiten, et al., 2012). Maaaring malawak at pabagu-bago pa ang kanyang
konsepto sa sarili sa simula ng kaniyang kabataan. Ngunit habang siya ay tumatanda, ang
kaniyang pananaw ukol sa kaniyang sarili ay nagiging maayos, organisado at detalyado
(Pastorino, et al., 2013). Ang pagbabago ng konsepto sa saril ay bunga ng iba't ibang dahilan,
ngunit ang pinakamalaking bahagi nito ay ang impluwensiya ng mga mahahalagang tao sa
buhay niya tulad ng kaniyang magulang at iba pa. Kaya kung ang kabataang katulad mo ay
madalas makarinig sa kaniyang magulang ng mga positibong komento, nagiging positibo rin
ang konsepto niya sa kaniyang sarili. At kung negatibo naman ang kaniyang natatanggap na
komento mula sa kanila, madalas negatibo rin ang nagiging pananaw sa kaniyang sarili.
Ayon kay Carl Rogers, isang sikolohiko, may tatlong dimensiyon ang konsepto sa sarili:
1. Self-image. Ito ay tumutukoy sa kung paano mo nakikita ang iyong sarili. Ang mga
pananaw natin sa ating sarili ay mula sa iba't ibang aspekto tulad ng:
a. Pisikal na katangian. Halimbawa: kagandahan, kalakihan o kaliitan ng pangangatawan,
tangos ng ilong, kulay ng balat, atbp.
b. Katangian ng personalidad. Halimbawa: masayahin, masipag, maasikaso, mababang-loob
o mayabang, atbp.
c. Mga ugnayang kinabibilangan. Halimbawa: kamag-anak, relihiyon, bansa o lahi, miyembro
ng isang organisasyon, atbp.
2. Self-esteem. Ito ay tumutukoy sa kung paano mo pinapahalagahan ang iyong sarili. May
iba't ibang paraan kung paano nahuhubog ang ating self-esteem. Isa rito ang positibo o
negatibong tugon na natatanggap natin dahil sa ating mga asal. Kapag positibong tugon ang
ating natanggap, posibleng malinang sa ating pagkatao ang positibong pagpapahalaga sa
ating sarili. Maaari ring paraan ay ang pagkukumpara ng ating sarili. Dangan lamang, kapag
natuon ang isip natin sa kung anong wala sa atin, nagiging dahilan iyon upang maging
negatibo ang damdamin at pagpapahalaga sa ating sarili.
3. Ideal self. Ito ay tumutukoy sa kung ano ang nais mong maging sa iyong sarili. Sa
maraming pagkakataon, ang nakikita mo sa iyong sarili (self-image) ay hindi tugma sa nais
mo sanang maging ikaw (ideal self). Halimbawa nito ay ang isang kabataang nakatingin sa
sarili sa salamin. Malinaw sa isip niya na siya ay kayumanggi (self- image), ngunit nais niya
sanang maging maputi (ideal self).
Kailangan nating tanggapin na hindi palaging tugma ang ating pananaw sa ating sarili (self-
concept) sa realidad. May ilang mag-aaral, tingin nila sa kanilang sarili ay magaling sila sa
akademikong pag-aaral. Ngunit kapag titingnan ang kanilang report card ay mabababa ang
kanilang grado. Kung ang ating konsepto sa sarili ay malapit sa realidad, ito ay tinatawag na
akma (congruent). Samantalang kung ang ating konsepto sa sarili ay hindi tugma sa realidad,
ito ay tinatawag na di akma (incongruent).
Mahalagang pagnilayan natin kung ang ating pananaw sa sarili ay akma nga ba sa realidad.
Kung sinasabi ng isang mag-aaral, "Ako ay matalino sa Math!" dapat makikita iyan sa
kaniyang grado sa Math. Kung sinasabi naman ng isang kabataan, "Ako ay palakaibigan,"
dapat makikita rin iyan sa dami at kalidad ng kaniyang mga kaibigan.
Upang maging makatotohanan ang ating konsepto sa sarili na akma sa realidad, dapat ibatay
natin ang ating pananaw sa mga katotohanang hindi nagbabago. Kung magkagayon,
malilinang sa atin ang pagtitiwala sa sarili. Anu- anong mga katotohanang hindi nagbabago
ang dapat na pagbatayan ng ating konsepto sa sarili na magbubunga ng pagtitiwala sa sarili?
Una, ikaw ay nilalang na kawangis ng Diyos. Ito ang hindi nagbabagong katotohanan.
Nangangahulugan ito na ang tao ay may dignidad at kabuluhan. Ang tao ay bukod-tangi sa
ibang nilalang dahil siya ay may isip, kilos-loob, konsensiya, talento at kakayahan. Siya ay
mahalaga sa Dakilang Lumikha. Kapag ito ay magiging laman ng pagninilay-nilay mo,
maitatama nito ang konsepto mo sa sarili at malilinang din ang pagtitiwala sa iyong sarili.
Pangalawa, ikaw ay minamahal. Ito ay isa ring katotohanan sa ating buhay. Sa
pangkalahatan, ang ating mga magulang ang unang-unang nagpapakita nito tulad ng
nilalaman sa awiting "Sa Ugoy ng Duyan ni Levi Celerio na nangungulila sa pag-ibig ng
kaniyang ina. Ang tao ay umiiral na nagmamahal (ens amans) kaya nararanasan din natin
ang mahalin at pahalagahan ng ibang tao. Kaya hindi lamang ang magulang ang
nagmamahal din sa atin, kundi kasama rin ang ating kapatid, kamag-anak, mga kaibigan. Sila
ay nagmamahal at nagpapahalaga sa atin. Ang damdamin at reyalisasyon na minamahal ka
ay nakatutulong upang magkaroon ng makatotohanang pagpapahalaga sa sarili.
Pangatlo, ikaw ay may kalakasan. Ito rin ay isang katotohanan na totoo sa ating lahat. Dapat
na pagtuunan mo ng pansin ang iyong mga kakayahan at talentong ipinagkaloob ng Diyos.
Ang mga kahinaan ay dapat ding nilalampasan upang maging kalakasan ang mga ito. Kapag
ang mga kalakasang ito ay pinagsikapang paunlarin, makatatanggap ka ng mga positibong
tugon mula sa ibang tao. Magbubunga ito ng positibong pananaw sa iyong sarili.

MODYUL 12 KABABAANG-LOOB, PAGTITIMPI AT PAYAK NA PAMUMUHAY


May iba't ibang antas ng kababaang-loob. Binanggit ni Santo Bernardo ang tatlong yugto ng
kababaang-loob:
1. Sapat na Kababaang-loob (Sufficient Humility). Sa yugtong ito, ang tao ay nagpapamalas
ng kababang-loob sa higit na mataas sa kaniya. (man shows humility to those superior to
him) Nagpapasakop siya sa Diyos at sa Kaniyang kapangyarihan. Siya rin ay nagpapasakop sa
iba't ibang awtoridad tulad ng mga namamahala sa bansa, guro sa paaralan at sa kaniyang
magulang. Dahil alam niya na may awtoridad na nangangasiwa, matapat niyang
ginagampanan ang kaniyang tungkulin at umiiwas na ipagmayabang ang mga magagaling
niyang ginagawa. Halimbawa nito ang isang anak na gumagalang sa kaniyang magulang,
guro at nakatatanda sa kaniya.
2. Masaganang Kababaang-loob (Abundant Humility). Ito naman ang yugto na ang tao ay
nagpapamalas ng kababaang-loob sa kapantay niya (man shows humility to his equal).
Nauunawaan ng taong mapagpakumbaba na ang presensya ng Diyos ay nasa bawat tao.
Dahil malinaw sa kaniya na ang Diyos ay nasa mga tao, hindi niya tinitingnan ang kaniyang
sarili na mas mataas sa iba. Alam rin niya na ang bawat isa ay may angking galing at talinong
kaloob ng Diyos. At dapat ginagamit ng bawat isa ang mga kaloob niya para sa iba at pabalik
sa Diyos. Ang ganitong pananaw ay hindi nagtataas ng kaniyang sarili sa iba sapagkat hindi
mababa ang tingin niya sa ibang tao -halimbawa, isang mag-aaral na ginagalang ang
kaniyang kapuwa kamag-aral anuman ang kaniyang hitsura, lahi, o kakayahan nito.
3. Napakasaganang Kababaang-loob (Super abundant Humility). Ito ang pinakasukdulang
yugto ng kababaang-loob dahil ang may mataas na kalagayan ay nagpamalas ng kababaang-
loob sa mas mababa sa kaniya sa pamamagitan ng paglilingkod (those of high status showed
humility to those below him by serving). Ang ganitong mataas na uri ng kababaang- loob ay
nakita kay Hesu-Kristo. Siya ay buong kababaang-loob na nakipamuhay at naglingkod sa mga
tao. Ang tugatog ng kaniyang kababaang-loob ay nakita sa kaniyang kamatayan sa krus. Sa
pananampalatayang Kristiyanismo, ang kaniyang kamatayan sa krus ay pagbabayad niya ng
kasalanan ng sangkatauhan upang sila ay maligtas. Isa pang halimbawa nito ang ginawa ng
mga misyonerong Moravian noong ika- 17 siglo. Iniwan nila ang kagandahan ng Hernhutt,
Germany nang may isang itim na alipin na nagpatotoo ng kanilang kaapihan sa lugar nila.
Naantig ang kanilang puso kaya pumunta sila sa kinaroroonan ng mga itim at pinaglingkuran
ang mga ito.
Ayon kay San Agustin, "Kung nasaan ang kababaang-loob ay naroon ang pagmamahal." Ang
lahat ng tunay na pagmamahal ay pinapangunahan ng kababaang-loob. Kung walang
kababaang-loob, ang tao ay magiging mapagmataas at makasarili. Ang tunay na mababang
loob ay nakikitaan ng paglilingkod sa kapuwa. Ayon kay Max Scheler, "Ang kababaang-loob
ay palaging handang maglingkod mula sa kaibuturan ng pagkatao; ito ay ugali ng
paglilingkod sa lahat, mabuti at masama, maganda at pangit, buhay at patay." Hindi niya
tinitingnan ang paglilingkod bilang isang nakapangliliit na gawain. Sa halip, ginagawa niya
ang paglilingkod nang may kasiyahan dahil ito ay mula sa pusong nagmamahal.
Sa panahon din natin ngayon, mayroong mga taong maaari nating ituring na mabuting
halimbawa sa birtud ng kababaang-loob. Isa rito ang kabataang si Cris "Kesz" Valdez. Hindi
niya ikinahiya ang kaniyang pinagmulan bilang batang lansangan. Matapos na siya ay
kalingain ni Harnin Manalaysay mula sa pagka- batang lansangan ay nagpasiya na
maglingkod sa kapuwa batang lansangan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tsinelas,
laruan, sipilyo, kendi at iba. Siya rin ay nagtuturo sa kanila ng kahalagahan ng paglilinis ng
katawan, na ipaglaban ang kanilang karapatan, at iba pang kaalaman at kasanayan. Hindi
niya ginagawa ito upang makuha ang atensyon at papuri ng ibang tao. Gayunpaman,
nakamit niya ito nang tumanggap siya ng parangal mula sa International Children's Peace
Prize noong 2012.

ENUMERATION
5 Disiplina ng mga Intelektwal na Birtud
1. Pag-unawa (understanding)
2. Agham (Science)
3. Karunungan (wisdom)
4. Maingat na Paghuhusga (Prudence)
5. Sining (Art)
4 Pangunahing Moral na Birtud ayon kay Santo Tomas de Aquino
1. Katarungan
2. Pagtitimpi
3. Katatagan
4. Maingat na Paghuhusga
Katangian ng Pagpapahalaga
1. Immutable at Objective
2. Sumasaibayo (transcends) sa isa or maraming indibiduwal
3. Nagbibigay ng direksiyon sa buhay ng tao
4. Lumilikha ng kung anong nararapat (ought-to-be) at kung ano ang dapat gawin
(ought-to-do)
Uri ng Pagpapahalaga
1. Absolute Moral Value
2. Cultural Behavioral Value
4 Hirarkiya ng Pagpapahalaga Ayon kay Max Scheler
1. Mga Pandamdam na Pagpapahalaga (Sensory Values
2. Mga Pambuhay na Pagpapahalaga (Vital Values).
3. Mga Espiritwal na Pagpapahalaga (Spiritual Values).
4. Mga Banal na Pagpapahalaga (Holy Values)
3 Dimensiyon ng Konsepto sa Sarili
1. Self-image
2. Self-esteem
3. Ideal Self
3 Mga katotohanang hindi nagbabago na dapat na pagbatayan ng ating konsepto sa sarili
na magbubunga ng pagtitiwala sa sarili
1. Ikaw ay nilalang na kawangis ng Diyos. (You are created in the likeness of God.)
2. Ikaw ay minamahal. (You are loved.)
3. ikaw ay may kalakasan. (You have strength.)
3 Antas/Yugto ng kababaang-loob ni Santo Bernardo
1. Sapat na Kababaang-loob (Sufficient Humility)
2. Masaganang Kababaang-loob (Abundant Humility)
3. Napakasaganang Kababaang-loob (Super abundant Humility).

You might also like