Professional Documents
Culture Documents
1. Pag-unawa (Understanding). Ang pag-unawa ang pinakapangunahin sa lahat ng birtud na nakapagpapaunlad ng isip.
Ito ay nasa buod (essence) ng lahat ng ating pag-iisip. Ang pagunawa ay kasing kahulugan ng isip. Tinatawag ito ni
Santo Tomas de Aquino na Gawi ng Unang Prinsipyo (Habit of First Principles).
2. Agham (Science). Ito ay sistematikong kalipunan ng mga tiyak at tunay na kaalaman na bunga ng pagsasaliksik at
pagpapatunay. Matatamo natin ito sa pamamagitan ng dalawang pamamaraan:
a. Pilosopikong pananaw – Kaalaman sa mga bagay sa kaniyang huling layunin (last cause) o sa kaniyang kabuuan.
b. Siyentipikong pananaw – Kaalaman sa mga bagay sa kaniyang malapit na layunin(proximate cause) o sa isang bahagi
nito.
3. Karunungan (Wisdom). Masasabi lamang na naaabot na ng kaisipan ng tao ang kaniyang kaganapan kung ito ay
nagamit sa paggabay ng birtud ng karunungan. Ito ang pinakawagas na uri ng kaalaman. Ito ang pinakahuling layunin
ng lahat ng kaalaman ng tao. Ito rin ang itinuturing na agham ng mga agham. Sinabi ni Santo Tomas de Aquino:
4. Maingat na Paghuhusga (Prudence). Ang mga birtud na natalakay ay may natatanging layunin na pagyamanin ang
isip sa pamamagitan ng impormasyon na kinalap upang makaalam.
5. Sining (Art). Kung ang maingat na paghusga ay wastong paghusga tungkol sa mga bagay na dapat isagawa, ang
sining ay tamang kaalaman tungkol sa mga bagay na dapat gawin. Kung ang maingat na paghuhusga ay nagtuturo sa
atin ng tamang asal, ang sining ang nagtuturo sa atin upang lumikha sa tamang pamamaraan. Ang sining ay paglikha,
ito ay bunga ng katuwiran. Anuman ang nabuo sa isip ay inilalapat sa paglikha ng bagay. Ang sining ay maaaring
gamitin sa paglikha ng anumang may ganda, katulad ng obra ng isang pintor, awit ng isang kompositor at tula ng isang
makata
2. Moral na Birtud
Ang mga moral na birtud ay may kinalaman sa pag-uugali ng tao. Ito ay ang mga gawi na nagpapabuti sa tao. Ito rin ay
ang mga gawi na nagtuturo sa atin na iayon ang ating ugali sa tamang katuwiran.
Ayon kay Max Scheler (Dy M., 1994), ang pagpapahalaga ay obheto ng ating intensyonal na damdamin.
Sinasabi ni Scheler na ang pagpapahalaga ang nagbibigay ng kabuluhan o kalidad sa buhay ng tao. Narito ang mga
katangian ng pagpapahalaga:
a. Immutable at objective. Ibig sabihin, hindi nagbabago ang mga pagpapahalaga dahil ang mga ito, lalo na ang nasa
higit na mataas na antas, ay mga kalidad kung saan nakasalalay ang pagkatao.
b. Sumasaibayo (transcends) sa isa o maraming indibiduwal. Ang pagpapahalaga ay maaaring para sa lahat o para sa
sarili lamang.
c. Nagbibigay ng direksyon sa buhay ng tao. Ang pagpapahalaga ang nilalayong makamit ng isang tao. Sa pagsisikap na
makamit ito, ang kilos ng tao ay nahuhubog at nagkakaroon ng direksiyon tungo sa pag-abot ng kanyang
pagpapahalaga.
d. Lumilikha ng kung anong nararapat (ought-to-be) at kung ano ang dapat gawin (ought-todo
Mga Katangian ng Ganap na Pagpapahalagang Moral
e. Obhetibo. Ito ay naaayon kung ano ito (what is), ano ito noon, (has been) at kung ano ito dapat (must be).
f. Pangkalahatan. Ito ay sumasaklaw sa lahat ng tao, kilos at kondisyon o kalagayan.
g. Eternal. Ito ay umiiral at mananatiling umiiral. Hindi ito magbabago kahit lumipas man ang mahabang panahon.
Ang Hirarkiya ng Pagpapahalaga ayon kay Max Scheler (Dy, M. Jr., 1994)
Ayon kay Scheler, ang moral na kilos ay nagaganap kung ang isang tao ay pumipili ng isang pagpapahalaga
kapalit ng iba pang mga pagpapahalaga. Ang paghuhusga sa pagiging mabuti o masama ng kilos ng tao ay
nakasalalay sa pagpili ng pahahalagahan.