You are on page 1of 9

Aralin Bilang ____

Pag-unlad ng Transportasyon at Epekto nito sa

Pamumuhay ng mga Pilipino
Kompetensi:
Natatalakay ang pag-unlad ng transportasyon at komunikasyon at
epekto nito sa pamumuhay ng mga Pilipino. AP6KDP-IIa-1.3
Layunin:
1. Natutukoy ang mga pagbabago sa pag-unlad ng transportasyon at epekto nito sa
pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon ng mga Amerikano
2. Nabibigyang halaga ang mga pagbabago sa pag-unlad ng transportasyon sa
panahon ng mga Amerikano
3. Nailalahad sa pamamagitan ng pagsulat ng sanaysay ang saloobin tungkol sa
kahalagahan ng pag-unlad ng transportasyon
Isang mapagpalang araw! Kumusta ka? Handa ka na
ba sa ating gagawin ngayong araw? Bilang iyong guro sa
Araling Panlipunan, ako ay naghanda ng ilang kasiya-siya at
kapaki-pakinabang na gawain upang lubusan mong
maunawaan ang ating aralin. Halina’t muli natin itong
tunghayan upang magkaroon ka ng karagdagan pang
kaalaman. Huwag kalimutan na ang lahat ng iyong sagot sa
mga gawain ay isususlat sa iyong kuwaderno (notebook).
Tayo nang magsimula!

Balita Mo, Share Mo!

Nakapanood ka ba ng balita sa inyong telebisyon? May napakinggan ka

bang isyu na nangyari sa kasalukuyan? Kung mayroon, share mo naman!
Huwag kang mag-alala, handa akong making sa iyo!

Panuto: Sa loob ng 30-35 mga salita, bumuo ng isang balita tungkol sa mga makabagong
sasakyan o transportasyon na ginagamit sa kasalukuyan.

__________________________________________________

Mag-throwback Tayo!

May natatandaan ka ba sa nagdaang aralin? Subukan nating balikan sa

pamamagitan ng pagsagot sa pagsasanay na ito.

Semantic Web, Punan Mo! Paano napabuti ang

kalagayang
Panuto: Punan ng sagot ang sematic web kung saan nakasulat kung paano napabuti ang
pangkalusugan ng mga
Pilipino sa panahon ng
mga Amerikano?
kalagayang pangkalusugan ng mga Pilipino sa panahon ng mga Amerikano.

Handa ka na ba? Subukan mong gawin ang mga sumusunod na gawain.

Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na nakahanda
para sa iyo.

Ikwento Mo!
Panuto: Makikita sa ibaba ang iba’t ibang uri ng transportasyon na ginagamit sa
kasalukuyan. Mula sa mga larawan, pumili ng isang sasakayan na nasakyan mo na at
isalaysay mo sa pamamagitan ng pagsulat ng isang malikhaing kwento na binubuo ng 45-50 ________
mga salita ang iyong naging karanasan sa pagsakay dito. Maaari mo itong lagyan ng pamagat. ________
________
________
________
________
________
________
________

http://www.1freewallpapers.com/old- https://jazonegnog.tumblr.com/post/ https://yapyap94.wordpress.com/ ________

airplane/tl 7190557904/ibat-ibang-uri-ng-sasakyan-sa- 2012/10/04/nakatagong-lupain/
pilipinas
Basahin at Unawain!

Isang malaking impluwensya sa panahon ng mga Amerikano ang pag-unlad

ng transportasyon sa bansa. Sa bahaging ito ng aralin, matutunghayan mo ang mga
pagbabago sa pag-unlad ng transportasyon at epekto nito sa pamumuhay ng mga
Pilipino. Iyong pag-aralan ang teksto sa ibaba upang magabayan ka sa pagsusuri
ng mga pagbabagong ito. Halinat’t umpisahan mo ang pagbabasa upang iyong
masagot ang mga gawain sa mga susunod na pahina.

Paano nga ba umunlad ang transportasyon sa panahon ng mga Amerikano at anu-ano

ang mga epekto nito sa pamumuhay ng mga Pilipino?

Lubhang nabago ang pamumuhay ng mga Pilipino sa pag-unlad ng sistema ng

transportasyon noong panahon ng mga Amerikano.

Nalutas ang suliraning dulot ng heograpiya ng Pilipinas. Naglapit ang

magkakahiwalay na lalawigan dahil sa sistema ng transportasyon sa panahon ng mga
Amerikano. Nagkaroon ng mga proyekto sa transportasyon ang mga Amerikano. Naiugnay
nito sa isa’t-isa ang mga Pilipino at naisulong ang mga pagbabago.

Isang sektor ang nagpaunlad nang lubusan sa sistema ng tren sa Luzon matapos
bilhin ng mga Amerikano sa mga Ingles ang Manila-Dagupan Railway (Philippine National
Railway o PNR ngayon. Itinayo ang https://www.flickr.com/photos/
25653307@N03/3404572650
Philippine National Railway
MERALCO o Manila Electric Company pinalitan nila ang mga carruajes ng mga sasakyang
de-kuryente o tranvia noong 1905.

Ginamit din sa unang pagkakataon ang mga makabago at de-motor na sasakyang

pandagat at panghimpapawid. Halimbawa nito ay barko, lantsa, tugboat, at eroplano. Noong
1911 pinalipad ni Lucky Baldwin ang unang eroplano sa bansa. Itinatag naman noong 1930
ang PATCO o Philippine Aerial Taxi Company. Noong 1930, nagsimula ang komersyal na
paglalakbay ng eroplano sa Pilipinas. Nakilala ang INAEC o Iloilo-Negros Air Express
noong 1933 bilang komersyal na eroplano.

Ang pag-unlad ng transportasyon ay nagpabago rin sa katayuan ng maraming lugar

sa Pilipinas. Maraming lalawigan na nakahiwalay sa sentro ng kaunlaran ang naiugnay.
Mabilis ang daloy ng kalakalan at pagluwas ng mga produkto sa maraming lugar. Ang
kaunlaran ay nagbunga ng pagtatatag ng iba pang mga lungsod tulad ng Iloilo, Davao,
Zamboanga, Bacolod, at Quezon. Nagbunga ito ng maraming trabaho at pagbabago ng
kabuhayan. Ang mabilis na pagtaas ng kabuhayan ang naging salik upang mabago ang antas
ng pamumuhay sa maraming lugar.

Sa pagkakataong ito, subukan nating i-organisa ang iyong natutunan upang

maipamalas mo ng mas malalim ang pagkakaunawa mo sa araling ito.
Ilabas na ang natatago mong galling at subukang gawin ang gawain sa
ibaba. Alam kong kayang kaya mo ‘yan. Ikaw pa!

Paabanikong Pagsusuri ng Pangyayari, Punan Mo!

Panuto: Gamit ang Paabanikong Pagsusuri ng Pangyayari, itala ang mga pagbabago sa pag-unlad ng
transportasyon at ang mga epekto nito sa pamumuhay ng mga Pilipino.

Pagbabago sa
Pag-unlad ng
Transportasyon at
Epekto nito
Talagang napakahalagang malaman ang mga pagbabago sa pag-unlad ng
transportasyon at epekto nito sa pamumuhay ng mga Pilipino. Sagutin ang mga
katanungan sa ibaba para mas mapalalim pa natin at maunawaan ang ating aralin.

1. Bakit sinasabing lubhang nabago ang pamumuhay ng mga Pilipino sa pag-unlad ng sistema
ng transportasyon noong panhon ng mga Amerikano?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Sa paanong paraan nakatutulong sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino ang
mga pagbabago sa sistema ng transportasyon sa panahon ng Amerikano?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Paano nabago ng pag-unlad ng transportasyon ang katayuan ng maraming lugar Pilipinas?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Higit bang napaunlad at napabuti ang sistema ng transportasyon ng mga Pilipino sa
panahon ng mga Amerikano? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Wow! Ang husay mo naman! Malapit na tayong matapos sa ating gawain.

Nagkaroon ka na ng malalim ng kaalaman tungkol sa pag-unlad ng transportasyon
at epekto nito sa pamumuhay ng mga Pilipino.
Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang mag-
aaral ang mga nabuo mong kaalaman. Handa ka na ba?
Isabuhay Mo!
Panuto: Sa loob ng 55-60 mga salita, bumuo ng isang sanaysay na nagpapahayag ng iyong
saloobin hinggil sa sitwasyon na nasa ibaba. Gawing gabay sa paggawa ang rubric na nasa
susunod na pahina.

Mabuti ang naging epekto sa pamumuhay ng mga Pilipino ng

pag-unlad ng transportasyon sa panahon ng mga Amerikano.
Kung ikaw ay nabubuhay sa panahong ito, paano mo
pahahalagahan ang naibahagi nilang tulong sa pagpapaunlad
ng sistema ng transportasyon sa ating bansa?

__________________________________________________________________

_________________________________

Rubric sa Pagtataya ng Sanaysay

Mahusay Sapat Kaunti Kulang
Pamantayan 10 8 5 3
puntos puntos puntos puntos
 Tiyak ana mensahe at sapat ang bilang
ng mga salita
 Wasto at magkaugnay ang mga
pangungusap
 Malinaw na naiparating ang ideya
 Nakahikayat sa mga mambabasa

Complete Me!

Mula sa mga paksang tinalakay na may kinalaman sa pag-unlad ng

transportasyon sa panahon ng mga Amerikano, natutunan ko na
____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Subukin Mo!
Panuto: Isulat ang salitang K kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng
katotohanan at HK kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang.

_____1. Lubhang nabago ang pamumuhay ng mga Pilipino sa pag-unlad ng sistema ng

transportasyon noong panahon ng mga Amerikano.
_____ 2. Lubhang bumagal ang daloy ng kalakalan at pagluwas ng mga produkto sa
maraming lugar.
_____ 3. Isang sektor ang nagpaunlad ng lubusan sa sistema ng tren sa Luzon.
_____ 4. Sa pag-unlad ng transportasyon, maraming lalawigan na nakahiwalay sa sentro ng
kaunlaran ang naiugnay.
_____ 5. Maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho at lalong naghirap ang pamumuhay
dahil sa sistema ng transportasyon.

Takdang-Aralin

Magtala ng mga modernong kagamitan sa komunikasyon na ginagamit sa kasaluyang

panahon. Ilahad kung paano ito nakatutulong sa mga tao. Isulat ang iyong sagot sa iyong
kwaderno.
Sa pagtatapos ng gawaing ito, binabati kita sa ipinamalas mong husay sa
pagsagot sa mga nakaatas na gawain gayundin sa iyong ipinakitang dedkasyon at
kasipagan. Hinahangad ko ang iyong aktibong partisipasyon sa mga susunod pang
mga aralin.

You might also like