You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE
CALOOCAN CITY

Modyul sa
ARALING PANLIPUNAN 5
KASAYSAYAN NG PILIPINAS

Ikatlong Markahan

PAGBABAGONG PANG-EKONOMIYA
SA PANAHONG KOLONYAL

Ang Kalakalang Galyon

May-akda

LEO ROBERTS M. REYES


Teacher II
Morning Breeze Elementary School

Konsultant

MICHAEL M. MERCADO
Education Program Supervisor
Araling Panlipunan

Responsibility and Integrity in Service Excellence


10th Avenue cor. P. Sevilla St., Grace Park, Caloocan City Telephone Nos. 361-1463/442-0029
Email: caloocan.city@deped.gov.ph Fax No. +63(2) 4420029
ARALING PANLIPUNAN 5
KASAYSAYAN NG PILIPINAS

guampediacurrents671.wordpress.com

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap


Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa Nakapagpapakita ng pagpapahalaga at
sa mga pagbabago sa lipunan ng sinaunang pagmamalaki sa pagpupunyagi ng mga
Pilipino kabilang ang pagpupunyagi ng ilang Pilipino sa panahon ng kolonyalismong
pangkat na mapanatili ang kalayaan sa Espanyol
kolonyalismong Espanyol at ang impluwensya nito
sa kasalukuyang panahon

Pamantayan sa Pagkatuto:
Naipaghahambing ang sistema ng kalakalan ng mga sinaunang Pilipino at sa panahon ng
kolonyalismo . (AP5KPK-IIId-e-4)
Mga Layunin:
1. Natatalakay ang kalakalang galyon
2. Natutukoy ang pagkakaiba ng Kalakalang Galyon sa kalakalan ng mga sinaunang
Pilipino at kasalukuyang kalakalan
3. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng patas na kalakalan

Ikatlong Markahan Pangunahing Paksa: Aralin:


Pagbabagong Kultural Pagbabagong Pang-ekonomiya sa Pagkakaiba ng Kalakalang
sa Pamamahalang Panahong Kolonyal Galyon sa Kalakalan ng mga
Kolonyal ng mga Sinaunang Pilipino
Espanyol

Bilang ng Araw: 2

Mga gawaing kaugnay sa Contextualization at Localization:


Gawain 1 Contextualization Gawain 3 Contextualization/Localization
Gawain 2 Contextualization Gawain 4 Localization
Subukin
Natin.

GAWAIN 1A 3 Pics 1 Word. Tukuyin ang inilalarawang salita ng mga 3 Pics 1


Word sa ibaba.
GAWAIN 1B Pagbuo ng Pangungusap. Bumuo ng pangungusap gamit ang mga
natukoy na salita sa unang gawain.

Pamprosesong mga tanong:

1. Ano-ano ang mga salitang natukoy sa gawain? Anong pangungusap ang inyong
nabuo?
2. Ano ang ibig sabihin ng kalakalan?
3. May mga nais ba kayong malaman tungkol sa kalagayan ng pakikipagkalakalan
noong panahon ng Espanyol? Ano ang mga ito?
Paunlarin
Natin.

Malaki ang pagbabagong naganap sa kalagayang pang-ekonomiya ng mga


Pilipino sa panahon ng mga Espanyol. Pagdating sa kalakalan, naging tanyag ang
Kalakalang Galyon.

Ang Kalakalang Galyon (1565-1815)

Tumutukoy ang Kalakalang Galyon sa


isang paraan ng pagpapalitan ng produkto na
naganap sa Pilipinas noong Panahon ng mga
Espanyol. Ipinangalan ang kalakalang ito sa
mga malalaking barkong lulan ang mga
produktong pangkalakal na kung tawagin ay
galyon. Kilala rin ito sa tawag na “Kalakalang
Maynila-Acapulco” dahil ang rutang tinatahak
nito ay lumalandas sa pagitan ng Maynila sa
Pilipinas at Acapulco sa Mexico. Ang mga
produktong mula sa Mexico at Europe ay
ikinakalakal patungong Pilipinas at ilang
bansa sa Asya. Ang mga produkto naman
mula sa Asya at Pilipinas ay dinadala
patungong Mexico at Europe.
pinoyparazzi.com

Ilan sa mga produktong pangkalakal mula Pilipinas at karatig-bansa ay ang


tabako, bulak, abaka, mga pampalasa, seda at porselana. Ang pilak mula sa America
ang pangunahing produktong mula naman sa Mexico.

Official Gazette of the Republic of the Philippines


Nakinabang nang husto ang mga Espanyol sa kalakalang ito. Kumita sila nang
malaki mula sa mga buwis at tubong nakuha mula sa mga ipinagbiling produkto.
Karaniwan, ang mga opisyal ng pamahalaan ang lumahok sa Kalakalang Galyon.
Binigyan ang mga alcalde mayor at Corregidor ng pribilehiyong makalahok sa nasabing
kalakalan sa pamamagitan ng Indulto de Comercio o lisensiya sa kalakalan.

Ang mga katutubong Pilipino naman ay walang tuwirang pangangasiwa sa


Kalakalang Galyon. Sila ay isinama lamang sa mga paglalayag bilang katulong o
mandaragat. May mga Pilipino rin na sapilitang inilayo sa kanilang mga pamilya bilang
bahaging polo o sapilitang paggawa at ginamit upang gumawa ng mga galyon.
Napabayaan din ang ibang produktong agrikultural dahil mas binigyang-pansin ang mga
produktong komersiyal.

Taliwas ang uri ng kalakalang ito noong panahon ng sinaunang Pilipino kung
saan sila mismo ang pangunahing nakikinabang at nakikipagkalakalan sa pamamagitan
ng pagpapalitan ng produkto. Ang pamamaraang ito ay tinawag na kalakalang barter.

GAWAIN 2
Ang Mga Mandaragat. (A Learning Station)

Hatiin ang klase sa 4 na pangkat. Ang bawat pangkat ay tatawaging “galyon”.


Ang bawat galyon ay magtatalaga ng pinuno na tatawaging kapitan. Bibigyan ng
paksang tatalakayin ang bawat galyon ayon sa tekstong binasa na isusulat sa activity
board o manila paper. Gumawa ng tatlong kopya ng pagtalakay na ikakalakal ng
kapitan sa iba pang mga galyon.

Matapos ang pakikipagkalakalan ay magtatalaga ang kapitan ng isang


mandaragat na magbabasa ng mga nakuhang impormasyon mula sa ibang pangkat.
Maaring magkomento o magdagdag ang pangkat sakaling kulang ang impormasyon.

Ipaliwanag ang kahulugan ng


kalakalang galyon at ang mga rutang
kabilang sa kalakalang ito

Itala ang mga produktong mula sa mga


lugar na kabilang sa Kalakalang Galyon.
Ilahad ang naging epekto ng Kalakalang
Galyon sa mga Pilipino at Espanyol.

Ibahagi ang pagkakaiba ng Kalakalang


Galyon sa kalakalan ng mga sinaunang
Pilipino.

Pagpapalalim ng
Kaalaman
Ang Kalakalan sa Kasalukuyan

Sa kasalukuyan ay hindi na limitado ang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa iisa o


iilang bansa lamang. Nakikipag-ugnayan ang ating bansa sa mga mauunlad na bansa
tulad ng United States, Japan at China para sa teknolohikal at industriyal na pag-unlad.
Ang langis at ilan pang yamang mineral ay inaangkat naman natin sa mga bansa sa
Kanlurang Asya. Mahalaga rin ang pakikipagkalakalan sa mga bansang papaunlad at
agrikultural gaya ng Vietnam kung saan tayo nag-aangkat ng bigas at iba pang hilaw na
materyal.

Ang APEC o Asia-Pacific Economic Cooperation ay isang panrehiyong samahan na may layuning
paunlarin ang kalakalan at kabuhayan ng mga bansang kasapi nito tulad ng Pilipinas.
Patuloy pa nating pinalalawak ang ating pakikipag-ugnayan sa larangan ng
kalakalan. Sa mga darating na panahon ay higit pang madaragdagan ang mga bansang
magiging katuwang natin sa kalakalan. Kailangan ito hindi lamang para sa kaunlaran
kundi maging sa dumaraming pangangailangan ng lumalaking populasyon ng bansa.

GAWAIN 3 Maniquin Challenge

Pangkatin ang klase sa tatlo. Bawat pangkat ay pipili ng dalawang magsisilbing


taga-pagpaliwanag sa magiging porma ng mga magiging maniquin (mga miyembro).

Dapat na pumorma ang mga maniquin ayon sa sitwasyon o pangyayari sa


panahon ng kalakalan na kanilang kinabibilangan. Gagamit ang guro ng musika o oras
sa pagbibigay sa bawat grupo ng panahon upang isakatuparan ang gawain. Ang
pagwawakas ng musika o oras ay hudyat ng huling kilos at pagsisimula ng
pagpapaliwanag.
GAWAIN 4 Kalakalang Barangay.

Gumawa ng tala ng mga produktong kilala sa inyong lugar na maaari mong


maipagmalaki at ikalakal sa ibang lugar. Umisip rin ng mga produkto sa ibang lugar na
nais mong maipamahagi sa sariling komunidad. Maaring makipagpalit ng tala sa ibang
kamag-aral kung nasa kanyang lugar ang isa sa mga produktong nais.

Pagtataya

Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa inilalahad na pangungusap sa ibaba.

A. Kalakalang Barter
B. Kalakalan sa Kasalukuyan
C. Kalakalang Galyon

____ 1. Kalakalang naganap sa pagitan ng Maynila at Acapulco mula 1565


hanggang 1815
____ 2. Ang tawag sa pakikipagkalakalan ng mga sinaunang Pilipino
____ 3. Ang patuloy na paglawak ng pakikipagkalakalan ng Pilipinas
sa iba’t ibang bansa sa daigdig
____ 4. Labis na kumita ang mga Espanyol mula sa mga tubo at buwis na ipinapataw
sa mga produktong ikinakalakal
____ 5. Walang direktang pangangasiwa sa kalakalan ang mga Pilipino, sila ay ginamit
lamang bilang mandaragat o taga-gawa ng barko
Mga Sanggunian:

Agoncillo, Teodoro A. (1990). History of the Filipino People: Eighth Edition (p.85-87).
Quezon City: Garotech Publishing.

Cruz, Marites B. (2007). Yaman ng Pilipinas 6 (p.154-157). Makati City: EdCrisch


International Inc.

Leong, C. F. and Conti, B. J. (2004). Kasaysayan ng Pilipinas: Isang Iskolarling Pag-


aaral. (p. 109-111). Manila: Innovative Materials, Inc.

Palu-ay, Alvenia P. (2006). MAKABAYAN: Kasaysayang Pilipino (p. 96-97). Quezon


City: LG & M Publishing.

You might also like