You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 6

I. Layunin: A. Natutukoy ang mga kasarian ng pangngalan.(F5WG-Ia-e-2)(F6WG-Ia-e-2)


B. Nabibigyang halaga ang pagpapanatili ng kulturang pamana
C. Naisasagawa ang mga nakatakdang pangkatang gawain

Lokalisasyon: Paggamit ng mga kagamitang lokal para sa pangkatang gawain


Pagprepresenta ng tula tungkol sa sariling pamilya, maikling kwento
tungkol sa kilalang pamayanan

Indigenisasyon: Paggamit sa tawag na Tiyo,Tiya,ate, at kuya sa mga nakatatanda bilang


kultura ng paggalang ng mga Pilipino

II. Paksang Aralin: Pagtukoy ng mga kasarian ng pangngalan


Sanggunian: CG sa Filipino VI
Kagamitan: tsart, mga larawan, metacards
Pagpapahalaga: Pagiging mapagmahal,magalang
Integrasyon: ESP, AP at Music na asignatura

III. Pamamaraan:
1. Introduksyon/Presentasyon:
A. Paglalahad ng guro sa bagong aralin sa pamamagitan ng pagpapakita ng video.
B. Paglalahad ng guro ng isang tula na may pamagat na “Ang Aking Pamilya”
(Contextualized). Ipapabatid ng guro ang mga salitang may salungguhit sa loob ng tula
na tumutukoy sa kasarian ng pangngalan. Idadagdag pa ng guro sa pagbabatid ng mga
bata ang kasarian ng pangngalan ay pambabae, panlalaki, di-tiyak at walang kasarian.

Ang Aking Pamilya

Sa aming tahanan

Bawat kasapi ay nagkakatuwaan

Kahit abala ang bawat isa

May panahon pa rin para magsama-sama!

Sa loob ng aming bahay inyong matatanaw

Si Nanay, si Tatay, may kanya-kanyang galaw

Si Ate, si Kuya, ay abala

Pati na rin si bunso hindi nag-iisa!


Hawak lage ang bolpen ng kasapi naming guro

Ang isang miyembro namay’ nakikitang sabit-sabit sa leeg ay istitoskop

Nakatuntong sa mesa ang paa ni kuya na nanonood ng telebisyon

At ang ate kong laging hawak – hawak ay celpon!

Hay naku! ang aking pamilya

Kahit laging abala

Hinding-hindi ko ipagpapalit

Sapagkat mahal na mahal ko sila!

2. Pagmomodelo:
Babasahin ng guro ang tula. Susundan naman ito ng lahat ng bata sa paraan ng bawat hanay,
pangkatan at kung maaari isahan ang pagsasagawa nito.

3. Ginabayang Pagsasanay

GAWAIN 1 ( “Hinto-Sagot” na Gawain)

Para sa guro: Babalikan ng guro ang pagbasa sa tula. Hihinto ito bawat pagkatapos ng
saknong at magbibigay ito ng halimbawa ng mga pangngalan. Gagawin
ito ng guro hanggang matapos sa lahat ng saknong sa tula.

Para sa mga bata: Magtataas ang bawat pangkat na may papel na bilog at may kulay habang
itatanong ng guro ang salita kung ano ang kasarian nito.

Pananda: Pambabae Panlalaki Di-Tiyak Walang Kasarian

GAWAIN 2 (Differentiated Instruction - DI)

Pangkat Dilaw (Tagisan ng Talino)

Magpapakita ang guro ng metakard kung saan nakasulat ang mga salitang pangngalan at
magpaunahan ang bawat bata sa pagtaas ng ibat ibang hugis na may kulay na nagbabatay sa
kasarian ng pngangalan:
Pananda: Panlalaki Pambabae

Di-tiyak Walang kasarian

( Mga salita sa metakard: Charissa, Lui, pisara, punong guro,kagawad, kapitan, celpon,
bag, pasahero, mag-aaral)

Pangkat Pula ( “Bintana ng Pag-unawa”)

Panlalaki Pambabae

Kasarian ng
Pangngalan

Di-tiyak Walang kasarian

Ilapat ang mga salita ayon sa kasarian nito sa loob ng “Bintana ng Pag-unawa”

Nanay ate bunso bolpen

Tatay kuya guro celpon

Pangkat Puti ( Salungguhitan mo Ako!)

Salungguhitan ang pangngalan at isulat sa patlang ang kasarian.

1. Si Aling Rosa ay nagtitinda sa palengke.__________

2. Ang bata ay naglalaro sa bakuran.______________

3. Si kuya ay tumutulong sa pagtatanim sa bukid.__________

4.Ang mga mag-aaral sa aming paaralan ay matatalino._____________

5. Sa makabagong panahon,mga gadgyet ang kadalasang ginagamit.________


4. Malayang Pagsasanay

Basahin ang maikling kwento. Hanapin sa loob nito ang mga pangngalan at tukuyin ang
uri nito.

Ang Baranggay ng Santa Ana

Isa sa mga malaki at napakagandang baranggay sa lungsod ng Tubay ay ang


Santa Ana. Ito ay pinamumunuan ngayon ng isang malugod na kapitan na si Lucy L.
Ciudad kasama ng kaniyang mga kagawad na mainit na sumusuporta sa mga plano at
hakbang para sa mga mamamayang nakatira rito.
Sa tuwing idinadaos ang pagdiriwang sa pista ng patron, walang humpay ang
kasiyahan ng bawat tao. Makikita ang parada ng mga bata na pinangungunahan ng banda
bitbit ang kaniya-kaniyang dram, baton at bolang may tali na pinaikot-ikot sa
ibabaw.Sumasabay din sa pagpapakita ng suporta ang mga lolo ay lola ng Seniors Cetizen
kahit sa paglakad ay uugod-ugod na. Ang iba naman ay makikitang abala sa paghahanda
sa loob ng kapilya. Mayroon ding mga barangay tanod na abala sa paglilinis ng gilid ng
mga kalsada. Ang nanay na abala sa kusina katulong ang tatay sa pagluluto ng iba’t ibang
putahe para sa darating na bisita. Naglilinis naman sa loob at labas ng bahay ang ate
kasama ang mga pinsan na masisipag. Bawat ay may hawak na walis at pandakot para
madaling matapos ang gawain.
Lahat ay masaya at tulong-tulong sa mga gawain sa baranggay ng Santa Ana.
Makikita na bawat mamamayang nakatira rito ay may pagkakaisa.

Pangngalan Kasarian ng Pangngalan


1.
2.
3.
4.
5.
6..
7.
8.
9.
10.

5. Pagtataya

Salungguhitan ang pangngalan at isulat sa patlang ang kasarian nito.


___________1. Masaya ang mga mag-aaral sa kanilang sayaw na ipinakita sa
palatuntunan.
___________2. Sinamahan ko so lola sa pagkuha ng kanyang benipisyo sa munisipyo.
___________3. Magdadala kami ng bayong sa aming pamimili.
___________4. Si Lucy L. Ciudad ang tagapamahala ng aming lugar.
___________5. Sa kultura ng pamilyang Pilipino, si tatay ang nagsisilbing haligi ng
pamamahay.
6. Takdang Aralin

Humanap ng isang lathalain o kwento sa ibang magasin o aklat. Gupitin ito at idikit
sa malinis na papel. Mula sa babasahin, tukuyin ang mga pangngalan at ang kasarian nito.
Isulat ito sa ibaba ng papel.

Inihanda ni: CHRISTINE RICHE M. FELISILDA


EST-II

Ipinasa kay:

DINAH A. ANINO,Ph. D.
ESP-II

Process Observers:

______________________ _______________________ _________________________


Observer 1 Observer 2 Observer 3

__________________________
SH/PSDS/EPS

You might also like