You are on page 1of 15

5

Filipino
Kwarter 1 – Modyul 1:
Sariling Karanasan, Iugnay Mo!
Filipino – Baitang 5
Kwarter 1 – Modyul 1: Sariling Karanasan, Iugnay Mo!

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Josan N. Sonza
Editor: Roger Zamora / Editha Almilla
Tagasuri: Miguel B. Lovino
Tagaguhit: Emma N. Malapo;
Tagalapat: Rey Antoni S. Malate; Brian Navarro
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong
kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na
ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa
pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-pakinabang ang
modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag-aaral,
magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano gagamitin at iingatan
ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang bawat
mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat bahagi at panapos
na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na ito, ipaalala sa mag-aaral
na kaagad itong ibalik sa guro para sa kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo. Kailangan mong
sundin at saguting mag-isa ang mga gawaing nasa
loob nito. Huwag kang mag-alala, kayang-kaya mo
ito. Tiniyak kong matutuwa ka habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong susulatan
at iwasang mapunit ang mga pahina. Gumamit ka ng sagutang
papel o ang iyong kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
Sariling Karanasan, Iugnay
Mo!

Panimula:

Magandang araw! Kumusta ka na?


Malugod na pagbati sa iyo at nasa Baitang 5 ka na at salamat tinanggap mo
ang una mong modyul.
Sa modyul na ito, matutuwa ka dahil maiuugnay mo ang iyong sariling
karanasan sa nabasang teksto.
Halika! Umpisahan na natin.

Layunin:

Sa modyul na ito, inaasahan na naiuugnay mo ang


sariling karanasan sa napakinggang teksto

1
Narito muna ang mga salitang dapat mong kilalanin sa
araling ito.

Tukuyin kung ano ang inilalarawan sa bawat bilang.


Piliin ang iyong sagot sa loob ng kahon. Isulat ang
sagot sa papel.
Talasalitaan:

hangin Pasko siyudad baryo


trak dyip Semana Santa

SUBUKIN MO!
1. Ang pag-ihip nito ay nagbibigay ng ginhawa sa ating pakiramdam.

2. Isang uri ito ng sasakyan na maaaring gamitin bilang pangangalakal o


pampasahero.

3. Araw na ipinagdiriwang ng buong mundo, ay sadyang malamig ang simoy ng


hangin sa panahong ito.

4. Lugar kung saan maraming malalaking gusali, malls at mga sasakyan.

5. Isang lugar na malayo pa sa kabihasnan at simple ang pamumuhay.

Madali mo bang nahanap ang iyong sagot sa bawat


bilang? Alamin natin sa pahina 11 ang wastong
sagot sa talasalitaan na ito.
Ipagpatuloy ang mga susunod pang gawain sa modyul.

2
Ano ba ang alam mo na sa
ating aralin, subukan mo nga?

Panimulang Pagsubok
Pumili ka sa iyong kasama sa bahay na maaring magbasa sa iyo ng tekstong ito.
:
Makinig nang mabuti sa kanyang binabasa.
.

“Luisiana: Little Baguio ng Laguna”


( Alab Filipino: Batayang Aklat )

Miyerkoles noon, malamig na simoy ng hangin ang bumati sa akin. Nakasakay


kami ng aking mga magulang sa pampasaherong dyip patungo sa isang baryo na
kung tawagin ay “Little Baguio”. Ito ang lugar kung saan nakita ko ang simpleng
pamumuhay ng mga taong may sipag at may mumunting pangarap. Dito, sila ay
nagtatanim ng mga halamang gulay at ang mga hayop gaya ng kalabaw at baka ay
malayang nakagagala sa paligid. Sariwang isda naman ang nananahan sa malinis
na ilog.
Dito ko nakilala si Carl, isang batang kasing edad ko rin. Magkaibigan ang aming
mga magulang. Pareho kaming nasa ikalimang baitang. Pangarap ni Carl na
makatapos ng elementarya at makapag-aral sa isang paaralang pansekondarya sa
bayan, bagama’t mayroon ding mataas na paaralan sa Little Baguio.
Ito ang baryo na ang hanging umiihip sa bawat minuto ng bawat oras ay tila ba
hangin ng Pasko.
Naalala ko pa nang magkakilala kami ni Carl……

JJ: Kumusata ka? JJ ang pangalan ko. Ikaw?


Carl: Mabuti naman. Ako naman si Carl.
JJ: Ang sarap ng hangin dito sa lugar na ito, sariwa at malamig.
Carl: Little Baguio ang tawag naming sa lugar na ito.
JJ: Sabi ko nga sa Tatay at nanay ko, gusto kong manatili na lamang kami rito.
Carl: Paano ang pag-aaral mo sa bayan?
JJ: Lilipat na lamang ako rito sa Paaralang Elementarya ng San Buenaventura.
Carl: Aba, mabuti kung ganon. Sana maging kamag-aral kita.
JJ: Sana nga, maraming salamat, Carl.

3
Pag-usapan natin ang iyong napakinggang teksto.
Sagutin ang bawat tanong.

Madali mo bang nahanap ang iyong sagot sa bawat


bilang?
1.Ano Alamin
ano ang mga natin sa sa
makikita pahina 11ngang
paligid Littlewastong
Baguio?
sagot sa talasalitaan na ito.
Ipagpatuloy ang mga susunod pang gawain sa modyul.
Tama! May mga iba’t ibang gulay, bundok, parang at ilog ang makikita sa Little
Baguio.

2. Sino ang nagkukwento sa akda?

Tama! Si Jj ang nagkukwento.

3. Sino ang bagong kaibigan ni JJ?

Si Carl ang bagong kaibigan ni JJ.

4. Saan patungo si JJ?


1. Ano-ano ang makikita sa Little Baguio?

Si JJ ay patungong paaralan.

4
Balikan muli natin ang kuwentong “Luisiana: Little
Baguio ng Laguna”

Panimulang Pagsubok:

Kung ikaw si Carl, paano mo sisimulan ang pakikipagkaibigan ki JJ?


Magbigay lamang ng 5 sagot.
1. _________________ 2. _________________
3. _________________ 4. _________________
5. _________________

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.

Magaling! Talagang kayang-kaya mong maibahagi


ang iyong karanasan sa pakikipagkaibigan.
Naiuugnay mo ang iyong sariling karanasan sa
napakinggang teksto.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Kasama ang iyong nanay o ate bilang iyong kapareha. Bumuo ng isang usapan o
dayalogo batay sa sumusunod na sitwasyon.

Sitwasyon 1. Nasaksihan mo ang pag-aaway ng iyong kamag-aral


hanggang sa may nasaktan na sa kanila. Ano ang iyong gagawin
para maitaman ang mali?

5
Sitwasyon 2. Nakita ninyo ng kaklase mong nandaraya habang
may pagsusulit. Ano ang iyong gagawin para maitama ang mali?

Talagang marami tayong karanasan na maiuugnay sa mga teksto o sitwasyong


narinig natin.

Ngayon balikan mo ang mga ginawa nating gawain.

Paano ang tamang pag-uugnay ng sariling


karanasan sa tekstong narinig?

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

O, di ba kayang-kaya mo maiugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto.


Ngayon pagyamanin mo pa ang iyong kaalaman at karanasan sa pakikibahagi..

Simulan mo na ang iba’t ibang gawain. Malilibang ka


na, matututo ka pa!

6
PANUTO:
Ipabasa ang sumusunod na pahayag sa iyong nanay
o isa sa iyong kasama sa bahay.
Pakinggan ito at umisip sa mga karanasang
Pagsasanay
maaaring maiugnay o maaaring katulad ng
pangyayaring ito.

Sina Rolan at Dan ay na-bully ng kanilang kalaro dahil sa kanilang


itsura o panlabas na anyo.

Naranasan mo na rin bang ma-bully? Gaya nina Rolan at Dan, ano


ang naramdaman at ginawa mo nang maranasan mo ito?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________.

Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?


Kung MADALI! Ang iyong sagot,maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung MAHIRAP, balikan mong muli ang teksto, at pag-aralang muli at
pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay, heto pa ang isa pang
gawain.

7
Pagsasanay

Panuto: Gamit ang tsart, ibahagi ang iyong sariling karanasan sa iyong pag-aaral.

Nakakainis Masaya Malungkot

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.


Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2
Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

Balikan ang mga natutuhan sa naunang


mga gawain upang masagutan ang sumusunod
na pagsasanay.

Panuto: Ibahagi mo ang iyong karanasan na


Pagsasanay
nagpapakita ng:
a. Matapat na anak
b. Matapat na kaibigan

8
Matapat na Anak Matapat na Kaibigan

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na pagsasanay.

Anong naramdaman mo matapos malaman ang


resulta ng iyong pagsisikap?

 ☺ 
Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga natutuhan mo sa loob ng
aralin. Huwag kang matakot dahil alam kong kayang-kaya mo ito. Huling
pagsubok na lamang ito na kailangan mong sagutin.

Panapos na Pagsubok

Panuto: Ipabasa ang teksto sa isa sa iyong kamag- anak at pakinggan ito.
Pag-ugnayain ang karanasan mo at ng tauhan. Isulat sa tsart.

Nakikipaglaro ang koponan ng basketbol nina Toto sa koponan nina


Danilo. Noong nakalalamang sa puntos ang koponan nina Toto, siya ay
masayang-masaya at pumalakpak pa. Noon ang kabilang koponan ang
nakalalamang, siya ay nagalit. Tuwing magpapasok sa buslo ang
kabilang koponan, siya ay humihiyaw upang lituhin ang manlalaro.
Nainis ang isang manlalaro na si Ben, sinugod si Toto at sinuntok ito.

9
Tauhan Ikaw

Yehey!
Malapit mo nang matapos ang araling ito.
Naiuugnay mo ang iyong karanasan sa mga tekstong iyong
napakinggan.

Ang ganda ng aralin natin.

Ang dami kong natutuhan.

Na-enjoy ko rin ang mga gawain


at pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto
ko pa ng karagdagang Gawain.

Tara magtulungan tayo!


Karagdagang Gawain

Panuto:
Sumulat ng 3 hanggang 5 pangungusap tungkol sa iyong karanasan sa
pakikipagkaibigan sa ibang lugar. Isulat sa iyong kwaderno.

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng


aralin. Ang saya-saya ko at
napagtagumpayan mo ang mga
pagsasanay at gawain.

Ang husay mo kid!

10
Susi sa Pagwawasto

Talasalitaan:
1. hangin
2. dyip
3. Pasko
4. siyudad
5. baryo

11
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 1781288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like