You are on page 1of 22

2

Filipino
Ikatlong Markahan - Modyul 4
Paglalarawan ng mga Tauhan
sa Nabasa o Napakinggang Teksto
Filipino - Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Paglalarawan ng mga Tauhan sa Nabasa o
Napakinggang Teksto
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat/Tagaguhit/Tagalapat/Editor:
Marivin T. Ambrosio
Jo-Ai T. Alcos
Noradel O. Pulayan

Tagasuri ng Nilalaman: May Crisette L. Magayon


Tagasuri ng Wika : Emma C. Guitaba
Tagasuri ng Paglapat : Romel C. Roque
Tagapamahala : Gregorio C. Quinto, Jr.
Rainelda M. Blanco
Agnes R. Bernardo
Anastacia N. Victorino
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia
Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________

Department of Education – Schools Division of Bulacan


Office Address: Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
2

Filipino
Ikatlong Markahan - Modyul 4
Paglalarawan ng mga Tauhan
sa Nabasa o Napakinggang Teksto
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para sa ating mag-aaral sa


kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa
kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan naman na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat


para sa iyong kapakinabangan upang
matulungan kang unawain ang mga araling
tinatalakay sa Filipino sa Baitang 2.
Sa araling ito, pag-aaralan mo ang tungkol
sa paglalarawan ng mga tauhan ayon sa
napakinggang teksto.
Sa pamamagitan ng araling nakapaloob
sa modyul na ito, inaasahang:

 nakikilala ang mga tauhan sa


napakinggang teksto;
 nailalarawan ang mga tauhan batay sa
kilos mula sa napakinggang teksto; at
 natutukoy ang katangian ng mga
tauhan ayon sa sinabi o pahayag.

1
Subukin
Panuto: Tukuyin ang salitang naglalarawan sa bawat
bilang. Isulat ang letra ng iyong sagot sa
sagutang papel.

1. Ang aking damit ay bago.


a. aking
b. ang
c. bago
2. May alaga akong dalawang aso.
a. ako
b. dalawang
c. may
3. Asul ang kulay ng kalangitan.
a. asul
b. kalangitan
c. kulay
4. Masipag ang aking nanay.
a. aking
b. masipag
c. nanay
5. Mahusay ang pamumuno ng ating gobernador.
a. ating
b. mahusay
c. pamumuno

2
Balikan

Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang sanhi at


bunga. Ang sanhi ay tumutukoy sa dahilan kung bakit
naganap ang isang pangyayari. Ito ay nauna sa
dalawang kaganapan. Samantala, ang bunga
naman ay ang resulta, epekto o kinalabasan ng
naunang pangyayari.

Panuto: Tukuyin kung ang mga salitang may


salungguhit ay sanhi o bunga. Isulat ang SANHI
kung ito ay dahilan at BUNGA kung ito ay
kinalabasan o epekto.

1. Dahil sa COVID-19, maraming Pilipino ang nawalan


ng trabaho.

2. Nagkasakit ang nanay ni Arnold kaya hindi ito


nakakuha ng modyul.

3. Nagpakawala ng tubig ang Angat Dam kaya


bumaha sa mga mabababang lugar sa Bulacan.

4. Pinagsabihan si Rodney ng kaniyang ina sapagkat


siya ay lumabas ng bahay nang walang paalam.

5. Marami sa tahanan ng ating mga kababayan ang


nalubog sa baha dahil sa bagyong Ulysses at
bagyong Vicky.

3
Tuklasin

Sa bagong araling ito, pag-aaralan mo naman ang


paglalarawan sa mga tauhan ayon sa napakinggang
teksto batay sa kilos, sinabi o pahayag.
Ano ang ginagawa mo kapag nagbibilin ang iyong
nanay?
Sinusunod mo ba ang kaniyang ipinag-uutos? Bakit?

Panuto: Basahin nang tahimik ang kuwento. Alamin kung


nasunod ba ng bata ang tagubilin ng kaniyang
nanay.

Si Tan-Tan, Batang Maaasahan


Ni: Marivin T. Ambrosio

Araw ng Lunes noon. Papasok na ang Nanay ni


Tan-Tan sa Mababang Paaralan ng Pulong Buhangin.
Ang kaniyang ina ay isang guro roon. Dahil sa pandemya
ay hindi na siya kasama ng kaniyang ina sa pagpasok.
Bago umalis ay nagbilin ito kay Tan-Tan ng mga dapat
niyang gawin sa buong araw.
“Anak, papasok muna ako sa paaralan. Ihahabilin
kita sa iyong Lola at siya muna ang magbabantay sa iyo.
Maging masunurin, magalang at maaasahan ka palagi
rito sa bahay. Maging masikap at masigasig ka sa iyong
pag-aaral. Maging matulungin ka rin sa iyong Lola.”
“Opo, Nanay,” sagot ni Tan-Tan.
“O siya, aalis na ako,” sabi ng nanay.

4
Maya-maya pa ay narinig na niya ang tinig ng
kaniyang Lola Bining. “Tan-Tan, halika at tulungan mo
akong maghanda ng ating hapag-kainan,” saad ng
kaniyang lola.

“Opo, Lola,” sagot niya.

“Maaasahan talaga kita, apo,” wika ni Lola Bining.

“Maraming salamat po!” tugon niya.

“Pagkatapos nating kumain ay tutulungan kita sa


pagsasagot ng iyong modyul sa Filipino,” sabi nito sa
kaniya.

Nang matapos kumain ang maglola, sinimulan na


nila ang pagsasagot ng modyul. Pinagsumikapang
tapusin ni Tan-Tan ang kaniyang modyul sa araw na iyon.

5
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong
sagutang papel.
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?

_____________________________________________________
2. Ano ang ibinilin ng kaniyang ina kay Tan-Tan?

________________________________________________
3. Ganito rin ba ang ginagawa ng iyong ina kapag siya
ay umaalis?

_____________________________________________________
4. Ano-anong katangian ang ipinakita o sinabi sa
kuwento tungkol sa mga tauhan?

_____________________________________________________
5. Ano ang aral na makukuha mula sa kuwento?

______________________________________________________

6
Suriin

Paglalarawan ng mga Tauhan


sa Nabasa o Napakinggang Teksto

Ang pagbabasa o pakikinig sa teksto o kuwento ay


mahalaga sa pagkilala sa mga tauhan nito. Matutukoy
ang katangian ng mga tauhan ayon sa kanilang kilos o
pahayag.

Halimbawa ng Katangian ng mga Tauhan


magalang masikap masigasig
masunurin matulungin maaasahan

Halimbawa ng Pahayag ng mga Tauhan


1. “Anak, papasok muna ako sa paaralan. Ihahabilin
kita sa iyong Lola at siya muna ang magbabantay
sa iyo.”
- Ang pahayag na ito ay nagpapakita ng
pagiging mapagmahal ng nanay ni Tan-Tan.
2. “Maaasahan talaga kita, apo”.
- Ito naman ay nagpapahiwatig ng pagkagalak ni
Lola Bining sa pagiging responsable ni Tan-Tan.
3. “Pagkatapos nating kumain ay tutulungan kita sa
pagsasagot ng iyong modyul sa Filipino.”
- Ang pahayag na ito ay nagpapahayag ng
pagiging matulungin at pagsuporta ni Lola Bining
sa pag-aaral ni Tan-Tan.

7
Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Ilarawan ang bawat tauhan ayon sa kanilang
sinabi o pahayag. Piliin ang sagot mula sa kahon.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

mapagbigay masipag matapat


matiyaga matulungin

1.
Maglalampaso ako ng
sahig araw-araw.

2. Ibibigay ko ang aking


naipon sa mga
nasalanta ng bagyong
Ulysses.

3.
Naku! Heto pala ang
nawawalang pitaka ni
Ate Risa. Kailangan ko
itong ibalik sa kaniya.

8
4. Nahihirapan man ako sa
pagsasagot ng modyul
ay tatapusin ko ito.

5. Inay, ako na po ang


magsasampay ng mga
nilabhan ninyo.

Gawain 2
Panuto: Kulayan ng dilaw ang kahon na naglalarawan sa
tauhan batay sa kaniyang pahayag.

1. “Magsasanay pa po ako sa aking pagguhit, Lola,” sabi


ni Mhel.
masunurin matiyaga matulungin

2. “Nakikinig ako sa aking Kuya kapag pinagsasabihan


niya ako”, wika ni Jenny.
magalang mapagmahal masunurin

3. “Pagkatapos kong maglaro ay ibinabalik ko sa


lalagyan ang aking mga laruan”, tugon ni Rannie.
maagap masinop matiyaga

9
4. “Kung ako ay nakagagawa ng mali, humihingi ako ng
paumanhin”, sabi ni Jeriah.
maalalahanin mapagpakumb masikap
aba

5. “Pinag-aaralan ko nang mabuti ang aking aralin sa


modyul”, tugon ni Anne sa kaniyang kamag-aral.

magalang masikap masunurin

Gawain 3
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang
nawawalang letra upang mabuo ang salitang
maglalarawan sa tauhan. Gawin ito sa sagutang
papel.

1. Iniisip ni Aling Maria ang makabubuti para kay Janna.


m __ p __ g m __ h __ l
2. Bumibili ang lola ni Gercris ng mga damit na yari sa
Bulacan.
m __ k __ __ a n __ a
3. Iniiwasan ni Jessica ang bumili ng mga gamit na hindi
niya kailangan.
m a __ i p __ d
4. Pinakakain at pinaiinom ni Erico ang mga alagang aso
ng kaniyang tiyuhin.
m a __ l a __ a
5. Mahilig magpinta si Kyann ng iba’t ibang uri ng
sasakyang kotse sa kaniyang bakanteng oras.
m __ l i __ h a __ n

10
Isaisip

Panuto: Isulat ang nawawalang salita upang mabuo ang


kaisipan ng talata. Hanapin ito sa loob ng kahon.

ikinikilos paglalarawan pagsasalita


reaksyon teksto

Ang _______________ sa katangian ng mga tauhan ay

batay sa kanilang sinasabi o _______________. Natutukoy

ang katangian ng tauhan sa kanilang ginagawa o

_______________.

Ang _______________ sa mukha ng mga tauhan ay

nagpapakita rin ng kanilang katangian. Mahalaga ang

mga ito upang makilala ang mga tauhan sa nabasa o

napakinggang _______________.

11
Isagawa

Panuto: Basahin at unawain ang kuwento.

Ang Bagong Tahanan ni Summer


Ni: Marivin T. Ambrosio

Si Summer ay kinupkop ng kaniyang Tiya Gloria


simula nang siya ay abandonahin ng kaniyang mga
magulang. Dahil sa likas na mabuti ang puso ng bata ay
sinusuklian niya ng kabutihang-loob ang ginawa ng
kaniyang tiyahin.
Maaga pa lamang ay gumigising na siya upang
tumulong sa mga gawaing-bahay. Naisip niya na sa
ganitong paraan lamang niya maibabalik ang
pagmamahal ng kaniyang Tiya Gloria.
“Tulungan ko na po kayo sa mga gawaing-bahay,
Tiya,” sabi niya.
“Maraming salamat, anak!” tugon naman nito.
“Tiyak na gagaan ang trabaho ko dahil may katuwang
na ako.”
“Wala pong anuman. Sa abot po ng aking
makakaya ay tutulungan ko kayo. Lubos din po ang
aking pasasalamat sa ginawa ninyong pagkupkop sa
akin. Mahal ko po kayo.”
Niyakap ni Summer nang mahigpit ang kaniyang
tiyahin, tanda ng kaniyang pasasalamat. Natagpuan na

12
nga niya ang kaniyang bagong tahanan sa piling ng
kaniyang Tiya Gloria.
Panuto: Ilarawan ang mga tauhan batay sa kanilang
kilos, sinabi o pahayag. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
1. Maaga pa lamang ay gumigising na si Summer upang
tumulong sa mga gawaing-bahay.
___________________________________________________

2. “Tulungan ko na po kayo sa mga gawaing-bahay,


Tiya,” wika ni Summer.
___________________________________________________

3. Si Summer ay kinupkop ng kaniyang Tiya Gloria simula


nang siya ay abandonahin ng kaniyang mga
magulang.
___________________________________________________

4. “Maraming salamat, anak. Tiyak na gagaan ang


trabaho ko dahil may katuwang na ako,” wika ni Tiya
Gloria.
___________________________________________________

5. Niyakap ni Summer nang mahigpit ang kaniyang


tiyahin.
___________________________________________________

13
Tayahin
Panuto: Tukuyin ang katangian ng tauhan sa bawat
sitwasyon. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Isinasauli ni Norie ang sukli sa kaniyang ina.


a. maingat
b. masikap
c. matapat
2. Nagpapaalam si Jepoy sa kaniyang ama tuwing siya
ay aalis ng bahay.
a. magalang
b. masinop
c. matiyaga
3. Si Mark ang nag-aalaga sa kaniyang nakababatang
kapatid kapag umaalis ang kaniyang ina.
a. mapagmahal
b. masikap
c. masunurin
4. Kinukumusta ni Lara ang kamag-aral niyang maysakit.
a. maalalahanin
b. masunurin
c. matulungin
5. Tuwang-tuwa si Joshua habang nagkukuwento sa
kaniyang kapatid.
a. maaasahan
b. masayahin
c. masikap
14
Karagdagang Gawain

Panuto: Magbasa ng isang maikling kuwentong iyong


naibigan. Isulat ang pamagat nito. Ilarawan ang
mga tauhan nito batay sa kilos, sinabi o
pahayag.

___________________________________
(Pamagat)
Tauhan 1

Kilos - ______________________________________________

Sinabi o Pahayag - _________________________________

Tauhan 2

Kilos - ______________________________________________

Sinabi o Pahayag - _________________________________

15
16
ISAISIP ISAGAWA TAYAHIN KARAGDAGANG
1. paglalarawan Mga posibleng sagot: 1. c GAWAIN
2. pagsasalita 2. a
3. ikinikilos 1. mabuti, masipag, 3. a Maaring
4. reaksyon mapagmahal, 4. a tanggapin ang
5. teksto matulungin 5. b mga sagot batay
2. magalang, sa tinalakay at
mapagmahal inilahad sa
3. mabuti, mapagmahal modyul na ito.
4. mapagmahal
5. mapagmahal,
mapagpasalamat
(Maari pang
tumanggap ng ibang
katulad na sagot mula
sa mga mag-aaral.)
PAGYAMANIN PAGYAMANIN PAGYAMANIN
Gawain 1 Gawain 3
1. masipag
Gawain 2
1. m a p a g m a h a l
2. mapagbigay
2. m a k a b a n s a matiyaga
3. matapat 1.
4. matiyaga 3. m a t i p i d
5. matulungin 4. m a a l a g a
5. m a l i k h a i n 2. magalang
3. masinop
4. mapagpakumbaba
5. masikap
TUKLASIN BALIKAN SUBUKIN
1. Nanay, Tan-Tan, Lola Bining 1. SANHI 1. c
2. Ang ibinilin sa kaniya ng kaniyang ina 2. BUNGA 2. b
ay maging masunurin, magalang, 3. SANHI 3. a
maaasahan, masikap, masigasig at 4. SANHI 4. b
matulungin. 5. BUNGA 5. b
3. Opo
4. Magalang, masikap. masigasig,
masunurin, matulungin, maaasahan
5. Sumunod sa tagubilin ng magulang.
(Maaring tanggapin ang iba pang sagot ng
bata.)
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Almeda, Luz S., Rosales, Rizalino Jose T., Mayo, Victoria R. Ang Bagong Batang
Pinoy – Ikalawang Baitang, Filipino - Kagamitan ng Mag-aaral, Unang Edisyon.
Pasig City, Philippines: Rex Book Store, Inc. 2013.

Baisa, Ailene G. & Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma 2, Ikalawang Edisyon.


Quezon City, Philippines: Phoenix Publishing House, Inc. 2018.

Battad, Teresita T., Belen, Lydia S. Filipino 2: Ngayon at Bukas. Marikina City,
Philippines: Instructional Coverage System Publishing Inc. 2015.

Catud, Herminio Jose C., Ferera, Shierley F., Padilla, Danilo & Candido, Danilo.
Filipino 2: Unang Edisyon. Pasig City, Philippines: Deparment of Education-
Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS), 2013.

Department of Education. Most Essential Learning Competencies, Filipino 2, 149.


2020.

Department of Education. MISOSA Katangian ng Mga Tauhan sa Kuwento. Learning


Resource Portal, PDF File, 2014.

Jose, Lizabeth C., Luces, Celia C. & Lalunio, Lydia P. Aklat sa Wika at Pagbasa
Bagong Filipino Tungo sa Globalisasyon. Quezon City, Philippines: VIBAL
Group, Inc. 2013.

17
For inquiries or feedback, please write or call:
Para sa mga katanungan o puna, sumulat sa:
Department of Education, Schools Division of Bulacan
Department
Curriculum of Education,
Implementation Schools Division of Bulacan
Division
Curriculum
Learning Resource Implementation
Management Division System (LRMDS)
and Development
Learning Resource Management
Capitol Compound, and
Guinhawa St., Development
City of Malolos, System
Bulacan(LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
Email Address:lrmdsbulacan@deped.gov.ph

18

You might also like