You are on page 1of 27

2

Filipino
Ikatlong Markahan - Modyul 5
Pagpapahayag ng Sariling Ideya,
Damdamin o Reaksyon
Filipino - Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Pagpapahayag ng Sariling Ideya, Damdamin o Reaksyon
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat/Tagaguhit/Tagalapat/Editor:
Abigail Y. Claudio
Jo-Ai T. Alcos
Noradel O. Pulayan

Tagasuri ng Nilalaman: May Crisette L. Magayon


Tagasuri ng Wika : Emma C. Guitaba
Tagasuri ng Paglapat : Romel C. Roque
Tagapamahala : Gregorio C. Quinto, Jr.
Rainelda M. Blanco
Agnes R. Bernardo
Anastacia N.Victorino
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia
Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________

Department of Education – Schools Division of Bulacan


Office Address: Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
2

Filipino
Ikatlong Markahan - Modyul 5
Pagpapahayag ng Sariling Ideya,
Damdamin o Reaksyon
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para sa ating mag-aaral sa


kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa
kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan naman na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit
nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat


para sa iyong kapakinabangan upang
matulungan kang unawain ang mga araling
tinatalakay sa Filipino 2.
Sa araling ito, pag-aaralan mo ang
tungkol sa pagpapahayag ng sariling ideya,
damdamin o reaksyon.
Sa pamamagitan ng araling nakapaloob
sa modyul na ito, inaasahang:
 naipahahayag ang sariling ideya,
damdamin o reaksyon sa
napakinggang kuwento;
 nakapakikinig sa kuwento nang may
kagiliwan; at
 naisasabuhay ang mga aral na
nakuha mula sa kuwento.

1
Subukin

Panuto: Piliin sa Hanay B ang damdaming ipinakikita ng


mga larawan sa Hanay A. Isulat sa sagutang
papel ang letra ng iyong sagot.

A B

_____1. a. galit

_____2. b. malungkot

_____3. c. masaya

_____4. d. nagulat

_____5. e. takot

2
Balikan

Panuto: Ilarawan ang tauhan batay sa kaniyang kilos,


sinabi o ipinahayag. Isulat ang letra ng iyong
sagot sa sagutang papel.

____1. May dalang mga supot si Mulong na may lamang


de-lata, tinapay, noodles at bigas. Patungo siya sa
tambakan ng basura. Bago magpasko, lagi niyang
ginagawa ang magpamigay ng mga regalo sa
mga nakatira sa tambakan ng basura. Masasabing
si Mulong ay batang __________.
a. malungkutin c. maramot
b. mapagbigay d. masunurin

____2. Maraming laruan si Nono. Araw-araw niya itong


ikinakalat upang paglaruan. Gusto niya na siya
lamang ang maglalaro at hahawak nito. Kapag
lalapit ang kaniyang kapatid, itinatago niya ang
mga ito sa lalagyan. Siya ay batang __________.
a. malungkutin c. maramot
b. mapagbigay d. masayahin

____3. “Aray! Ang sakit ng ulo ko. Ginaw na ginaw ako.


Masakit at mainit ang aking buong katawan.” Ang
nagsasalita ay may __________.
a. kabag c. sipon
b. lagnat d. ubo

3
____4. “Wow! Ang ganda ng ayos ng mesa. Maraming
pagkain at may keyk pa sa ibabaw. Marami ring
lobo sa paligid. Napakasaya ko sa araw na ito.”
Marahil ay __________.
a. kaarawan niya c. napalo siya ni Nanay
b. nanalo siya sa palaro d. siya ay may sakit

____5. Walang tigil sa katatakbo si Ilyong. Paikot-ikot siya.


Ayaw niyang tumigil kahit sinasaway na siya ng
kaniyang nanay. Hanggang sa “Aray ko! Ang
sakit!” Pumalahaw na siya sa kaiiyak. Ano ang
nangyari kay Ilyong?
a. Nadapa siya. c. Naligaw siya.
b. Nagsayaw siya. d. Nanalo siya

4
Tuklasin
Nakapakinig ka na ba ng kuwento? Nasubukan mo
na bang magbigay ng ideya, damdamin o reaksyon
tungkol sa narinig mong kuwento? Subukin mong makinig
nang mabuti sa kuwento. Pagkaraan ay ipahayag mo
ang iyong ideya, damdamin o reaksiyon batay sa iyong
narinig.

Ang Sanggol
Ni: Abigail Y. Claudio

Maagang nagising si Nanay upang gawin ang mga


gawaing-bahay. Malapit ng matapos si Nanay nang
biglang umiyak ang sanggol. Itinigil ni Nanay ang
kaniyang ginagawa at dali-daling pinuntahan sa silid-
tulugan ang sanggol.

5
Kinarga niya ito, ngunit patuloy pa rin sa pag-iyak.
Ipinaghele na rin ni Nanay ngunit ayaw pa rin niyang
tumigil sa pag-iyak.

Hindi na malaman ni Nanay ang gagawin. Naalala


ni Nanay na may isang oras na ang nakararaan noong
huli niyang bigyan ng gatas ang sanggol. Inihilig ni Nanay
ang sanggol sa kaniyang dibdib at tumigil ito sa kaiiyak.

Panuto: Basahin ang mga tanong. Isulat ang letra ng


tamang sagot sa sagutang papel.
1. Sino ang maagang nagising?
a. ang buong pamilya
b. ang sanggol
c. si nanay
d. si tatay

2. Ano ang ginawa ng Nanay nang marinig niyang


umiiyak ang sanggol?
a. ipinagpatuloy ang ginagawa
b. itinigil ang mga ginagawa
c. uminom ng tubig
d. umupo sa silya

3. Ano-ano ang mga ginawa ni Nanay upang tumigil sa


pag-iyak ang sanggol?
a. iniwan at lumabas ng silid-tulugan
b. kinarga at ipinaghele
c. kinurot at pinalo
d. sinigawan at iniwan

6
4. Alin sa mga sumusunod ang huling ginawa ni Nanay
upang tumahimik ang sanggol?
a. inihilig sa dibdib
b. inilapag sa kama
c. pinainom ng gamot
d. pinainom ng tubig

5. Ano ang naramdaman ng bata nang humilig ito sa


dibdib ng Nanay?
a. nagalit
b. nagulat
c. nalungkot
d. napayapa

7
Suriin
Pagpapahayag ng Sariling Ideya,
Damdamin o Reaksyon

Ang kuwento ay binubuo ng mga pinagsama-


samang impormasyon o detalye. Ito ay isinusulat ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Ito ay
kinapalolooban ng mga ideya, damdamin o reaksyon at
kapupulutan ng magagandang aral.

Ang ideya ay tumutukoy sa kaisipan o kuro-kuro na


naging resulta ng iyong pag-unawa sa narinig o
nabasang kuwento.

Ang damdamin ay ang emosyon na nararamdaman


ng tagapakinig o mambabasa mula sa mga tauhan o
pangyayari sa kuwento. Maaaring masaya, malungkot,
nakatatakot o nagpapakita ng galit ang damdaming
nakapaloob sa kuwento.

Ang reaksyon ay tumutukoy sa ipinahahayag na


saloobin ng tagapakinig o mambabasa, batay sa
kuwento.

Higit na nagiging mabunga ang pakikinig o


pagbabasa ng isang kuwento kung nakabubuo ang
tagapakinig o mambabasa ng sariling ideya, at
nakapagpapahayag ng damdamin at reaksyon.

8
Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Pakinggan o basahin ang maikling kuwento.

Ang Mabuting Pulis


Ni: Abigail Y. Claudio

Prrrt! Prrrt! Tunog ng silbato ng pulis. Ayaw pa ring


tumigil sa pagtakbo ng kaniyang hinahabol. Hanggang
sa masukol niya ito sa isang eskinita. Takot na takot si
Kaloy nang mahuli siya. Umiiyak siya at nanginginig.
“Patawad po, Sir. Hindi ko naman po gustong itakbo
ang aking binili. Wala lang po talaga akong pera,
nagugutom lamang po ang aking lola na may sakit at
ang aking kapatid,” wika ni Kaloy.
Lumuwag ang hawak ng pulis sa braso ni Kaloy.
Pinagsabihan niya si Kaloy na huwag ng uulitin ang
kaniyang ginawa. Dumukot ng pera ang pulis at iniabot
kay Kaloy.

9
“Heto, tanggapin mo ang munting halagang ito. Ibili
mo ng gamot ang lola mo at ang iba ay ibili mo ng
pagkain. Ipangako mo lamang na hindi mo na uulitin
ang ginawa mo,” wika ng pulis.

“Salamat po,” tugon ni Kaloy. Biglang tumulo ang


luha niya dahil sa sobrang tuwa.

Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap.


Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang
isinasaad na damdamin at MALI kung hindi
wasto.
______1. Masaya si Kaloy nang habulin siya ng pulis.
______2. Natakot si Kaloy nang mahuli siya ng pulis.
______3. Nagpakumbabang nagkuwento si Kaloy sa pulis.
______4. Matinding galit ang naramdaman ng pulis sa
kuwento ni Kaloy.
______5. Natuwa si Kaloy nang abutan siya ng pera ng
pulis.

Gawain 2
Panuto: Tukuyin ang ideya na ipinahihiwatig sa bawat
sitwasyon. Isulat ang letra ng sagot sa sagutang
papel.
1. Si Liling ay likas na magiliw. Hindi siya nahihiyang
makipag-usap kahit kanino. Marami siyang kaibigan.
Kung may bisitang dumarating sa kanila,
inaanyayahan niya itong pumasok, pinauupo at
binibigyan ng maiinom.
a. Ang bisitang dumating
b. Ang magiliw na si Liling
c. Ang mahiyaing bata
10
2. Makikita ang pagmamalasakit sa bawat Pilipino kahit
anong pagsubok ang dumating. Bawat isa ay
nagbibigay ng tulong na materyal o pinansiyal sa
tuwing may kalamidad.
a. Ang pagsubok
b. Ang tulong na materyal
c. Pagmamalasakitan ng bawat Pilipino

3. Bahagi na ng buhay ni Miling ang pagsayaw. Tuwing


umaga, ito ang kaniyang ehersisyo para pagpawisan
siya. Nagtuturo rin siya sa mga batang may talento sa
pagsasayaw. Bawat marinig na masiglang tugtog,
agad siyang tatayo at sasayaw.
a. Ang ehersisyo
b. Ang masiglang tugtog
c. Buhay na ni Miling ang pagsasayaw

4. Naglalaan si Nanay ng isang lalagyan para sa


mahahalagang dokumento. Sinasamahan niya ito ng
ilang pirasong de-lata, biskwit at gamot. Inilalagay niya
ito sa isang lugar na madali niyang makikita. Ito ay
ginagawa ni Nanay bilang paghahanda sa panahon
ng hindi inaasahang sakuna.
a. Ang mga dokumento
b. Ang paghahanda ni Nanay sa sakuna
c. Ang sakuna na hindi inaasahan

11
5. Laging malata at matamlay si Didi. Mas nais pa niya
ang humiga sa kama maghapon. Lagi siyang walang
ganang kumain at maputla ang kaniyang kulay. Hindi
siya mahilig kumain ng masustansiyang pagkain.
a. Ang batang hindi mahilig kumain ng masustansiyang
pagkain
b. Ang batang laging malata
c. Ang batang walang ganang kumain

Gawain 3
Panuto: Pakinggan o basahin ang maikling kuwento.

Ang Robot
Ni: Abigail Y. Claudio

Maraming laruan si Imong. Pakalat-kalat ito sa loob


ng kaniyang silid. Minsan, ibinabalibag niya ang mga ito
at pinaghihiwa-hiwalay. Hinahayaan lamang niya na
nakakalat ang mga ito. Walang awa niyang sinisira ang
mga ito. “Kailangang masira silang lahat para
makapagpabili ako ng bagong laruan,” wika niya.

Isang araw, nagulat si Imong. Sigaw siya nang sigaw


at palag nang palag. Nais niyang tumakbo ngunit hindi
siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Hanggang
12
mapansin niya ang isang napakalaking robot papalapit
sa kaniya na nanlilisik ang mga mata.

“Salbahe ka Imong, wala kang awa sa mga laruan


mo. Ang dapat sa iyo ay kalasin din ang bawat bahagi
ng iyong katawan.” Itinaas ng higanteng robot ang
kaniyang mga paa at akmang tatapakan si Imong.

“Huwag po,” malakas na sigaw ni Imong. Natigil siya


sa pagsigaw dahil sa isang malakas na yugyog sa balikat.
“Naku, Imong. Bumangon ka na nga riyan sa higaan mo,
tanghali na,” wika ni Nanay.

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng


tamang sagot sa iyong sagutang papel.

_____1. Sino ang bata sa kuwento?


a. Si Ima
b. Si Imo
c. Si Imong
_____2. Ano ang ginagawa niya sa mga laruan?
a. Iniingatan niya.
b. Ipinagyayabang niya.
c. Sinisira niya.
_____ 3. Bakit nagalit sa kaniya ang robot?
a. Itinatabi niya nang maayos ang mga laruan.
b. Pinaghihiwalay niya ang mga bahagi ng
laruan.
c. Pinagsasama-sama niya ang mga laruan sa
isang lalagyan.

13
_____ 4. Paano natigil si Imong sa pagsigaw?
a. Niyugyog siya ni Nanay sa balikat.
b. Tinapakan siya ng higanteng robot.
c. Tinapik siya sa ulo.
_____ 5. Ano sa palagay mo ang naging damdamin ni
Imong nang managinip siya?
a. Nasiyahan siya.
b. Natakot siya.
b. Natuwa siya.

Isaisip

Panuto: Punan ang patlang upang mabuo ang kaisipan


ng talata. Piliin ang sagot mula sa kahon. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

damdamin pang-unawa
kuwento pangyayari
makikinig

Naipahahayag ang __________, ideya at reaksyon

kung __________ nang mabuti sa isang __________. Ito ay

maaaring batay sa tunay na __________ o kathang isip.

Mahalagang magkaroon ng __________ sa binasang

kuwento upang maipahayag ang tamang nilalaman nito.

14
Isagawa

Panuto: Basahin nang pasalita at may wastong


damdamin ang akda.

Ang Banta ng COVID-19


Ni: Abigail Y. Claudio

Mahigpit na bilin ng Nanay kay Mary Ann na huwag


maglalaro sa labas dahil sa banta ng COVID-19.
Madaling mahawa ang mga bata sa sakit na ito. Bilin din
ni Nanay na palaging maghuhugas ng kamay, sabunin
ito at banlawang mabuti.

Lahat ng ito ay hindi binigyang-pansin ni Mary Ann.


Kapag wala si Nanay, lumalabas siya ng bahay at lubos
ang kasiyahan niya sa pakikipaglaro. Kapag alam niya

15
na paparating na si Nanay, dali-dali na siyang
pumapasok sa loob ng bahay at magkukunwaring
naglalarong mag-isa sa loob ng bahay.
Isang araw, ginigising ni Nanay si Mary Ann, ngunit
hindi agad siya tumayo. Binalikan siya ni Nanay at hinila
ang kaniyang braso. Nagulat si Nanay dahil napakainit
ng braso ni Mary Ann. Hinipo ni Nanay ang buong
katawan niya at naramdaman ni Nanay na mainit siya.
Dinala si Mary Ann sa doktor. Natakot siya nang
kuhanan siya ng dugo upang masuri kung kinapitan siya
ng COVID-19 virus.
Mabuti na lamang at hindi nagkaroon ng COVID-19
si Mary Ann. Bago sila umalis, binigyan sila ng doktor ng
reseta ng mga gamot upang mapabilis ang kaniyang
paggaling.

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung


nagpapahayag ng tamang damdamin ang
pangungusap at ekis (X) kung hindi. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

_____1. Maluwag sa dibdib na tinanggap ni Mary Ann


ang bilin ni Nanay.
_____2. Masaya sa pakikipaglaro si Mary Ann sa labas ng
bahay.
_____3. Nag-alala si Nanay nang mahipo niya ang mainit
na katawan ni Mary Ann.
_____4. Natuwa si Mary Ann nang kuhanan siya ng dugo.
_____5. Natuwa si Nanay sa naging resulta ng pagsusuri
kay Mary Ann.

16
Tayahin
Panuto: Pakinggan o basahin ang maikling kuwento.

Ang Pasko
Ni: Abigail Y. Claudio

Pagod na pagod si Tatay galing sa maghapong


paghahanap-buhay. Pagtapat niya sa bahay, nagulat
siya at inisip na nagkamali siya ng bahay na papasukin.
Lumiliwanag ang buong bahay dahil sa iba’t ibang
makulay na ilaw, pati na rin ang buong paligid. Natuwa
siya nang makita ang mga nakahilerang hugis-tala sa
mga bintana. Tumuloy na siya sa loob ng bahay at
napangiti siya. Napansin niya ang mataas na puno na
maraming palamuti sa palibot nito. Kumukutitap ang
bituin sa tuktok nito.

Umupo si Tatay sa paborito niyang silya.


Pinagmasdan niya ang mga makukulay na ilaw na
nakapaligid sa puno. Nakadama siya ng kapayapaan sa
17
kaniyang puso. Unti-unti niyang nararamdaman ang
malamig na simoy ng hangin at gininaw siya.
Nakaramdam ng galak si Tatay dahil nagpapahiwatig na
paparating na ang Pasko.

Panuto: Tukuyin ang naging reaksyon ni Tatay sa bawat


pangyayari. Kulayan ng dilaw ang tamang sagot
sa loob ng panaklong.

1. Pagtapat niya sa bahay


(nagalit, nagulat, naiyak)

2. Nang makita ang mga nakahilerang hugis-tala


(nagalit, nalungkot, natuwa)

3. Nang maupo siya sa paborito niyang silya


(kalungkutan, kapayapaan, kasiyahan)

4. Naramdaman niya ang malamig na simoy ng hangin


(gininaw, nainitan, nasaktan)

5. Nagpapahiwatig na paparating na ang Pasko


(galak, galit, lungkot)

18
Karagdagang Gawain
Panuto: Makinig nang mabuti sa kuwento. Isulat ang
iyong damdamin sa bawat talata sa sagutang
papel.

Ang Madaldal na Bubuyog


Ni: Abegail Y. Claudio

Halos araw-araw ay nakaistambay si Bebuyog sa


tindahan ni Aling Bebee upang laitin ang mga dumaraan
sa harapan ng tindahan. Tuwang-tuwa si Bebuyog kapag
nakakikita siya ng mga kapuwa bubuyog na umiiyak
dahil sa panlalait niya. Wala siyang pinatatawad.
Matanda o bata man ay hindi nakaliligtas sa panlalait
niya.
Isang araw, dumating ang malakas na bagyo at
nasira ang bahay ni Bebuyog. Nakiusap siya sa mga
kapit-bubuyog na papasukin siya sa loob ng kanilang
bahay, ngunit kahit isa ay walang tumanggap sa kaniya.

19
Lahat sila ay galit kay Bebuyog. Dito napagtanto ni
Bebuyog ang mga kamaliang nagawa niya.

Unang Talata

___________________________________________________

___________________________________________________

Ikalawang Talata

___________________________________________________

____________________________________________________

20
21
KARAGDAGANG TAYAHIN ISAGAWA ISAISIP
GAWAIN 1. nagulat 1. X 1. damdamin
Ang sagot ng mag- 2. natuwa 2. / 2. makikinig
aaral ay batay sa 3. kapayapaan 3. / 3. kuwento
kaniyang 4. gininaw 4. X 4. pangyayari
damdamin sa bawat 5. galak 5. / 5. pang-unawa
bahagi ng kuwento.
PAGYAMANIN PAGYAMANIN BALIKAN
Gawain 3 Gawain 1 1. b
1. c 1. MALI 2. c
2. c 2. TAMA 3. b
3. b 3. TAMA 4. b
4. a 4. MALI 5. a
5. b 5. TAMA
PAGYAMANIN TUKLASIN SUBUKIN
Gawain 2 1. b
1. c
1. b 2. a
2. b
2. c 3. e
3. b
3. c 4. c
4. a
4. b 5. d
5. d
5. a
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Almeda, Luz S., Rosales, Rizalino Jose T., Mayo, Victoria R. Ang Bagong Batang
Pinoy – Ikalawang Baitang, Filipino - Kagamitan ng Mag-aaral, Unang Edisyon.
Pasig City, Philippines: Rex Book Store, Inc. 2013.

Baisa, Ailene G. & Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma 2, Ikalawang Edisyon.


Quezon City, Philippines: Phoenix Publishing House, Inc. 2018.

Belen, Lydia S., Hapin, Mary Ann E., Borbon, Amado E., Narag, Agnes T. & Tomines,
Cleofe L. Filipino sa Makabagong Siglo: Wika at Pagbasa 2. Quezon City,
Philippines: The Bookmark, Inc. 2003.

Department of Education. Most Essential Learning Competencies (MELCs) PDF File.


Filipino 2, 150. 2020.

Jose, Lizabeth C., Luces, Celia C. & Lalunio, Lydia P. Aklat sa Wika at Pagbasa
Bagong Filipino Tungo sa Globalisasyon. Quezon City, Philippines: VIBAL
Group, Inc. 2013.

22
For inquiries or feedback, please write or call:
Para sa mga katanungan o puna, sumulat sa:
Department of Education, Schools Division of Bulacan
Department
Curriculum of Education,
Implementation Schools Division of Bulacan
Division
Curriculum
Learning Resource Implementation
Management Division System (LRMDS)
and Development
Learning Resource Management
Capitol Compound, and
Guinhawa St., Development
City of Malolos, System
Bulacan(LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
Email Address:lrmdsbulacan@deped.gov.ph

23

You might also like