You are on page 1of 32

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

Filipino 5
Ikatlong Markahan – Modyul 2 a:
Pagsusunod-sunod ng mga
Pangyayari sa Tekstong
Napakinggan

MELC: Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa


tekstong napakinggan (kronolohikal na
pagsusunod-sunod. ( F5PN-IIIb-8.4)

Inihanda nina:

CLAUDIA R. RUIZ-Guro III Mailyne T. Agcaoili-Guro III


Darasdas Elementary School Talugtog Elementary School
Filipino– Ikalimang Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa
tekstong napakinggan.
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyulna ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Claudia Ruiz at Mailyne T. Agcaoili


Tagasuri: Caroline P. Calili
Tagapamahala: Joann A. Corpuz
Joye D. Madalipay
Santiago L. Baoec
Jenetrix T. Tumaneng
Editha R. Mabanag
Caroline P. Calili
Division Design &
Layout Artist: Chester Allan M. Eduria

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Schools Division of Ilocos Norte
Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos
Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: ilocosnorte@deped.gov.ph

1
5

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 2 a:
Pagsusunod-sunod ng mga
Pangyayari sa Tekstong
Napakinggan

2
Paunang Salita

Ang Contextualized Learning Module o CLM na ito ay maingat na inihanda


para sa ating mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang
ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan naming magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang CLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
CLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

3
Alamin

Ang kagamitang ito ay sadyang inihanda para sa iyo. Ito ang magsisilbing
gabay mo para sa iyong pag-aaral ng asignaturang Filipino 5. Tinitiyak ko na
kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul na ito dahil ito ay makatutulong sa iyo.
Ang mga babasahin at mga gawain dito ay isinaayos at pinili upang magkaroon ka
ng maunlad na kasanayan sa pagsasalita, pakikinig, pagsulat at pagbasa.

Sa pamamagitan ng modyul na ito ay maaaari mong gamitin ang iyong


kakayahan at kahusayan sa pang-unawa sa pagsagot sa mga pagsasanay na buong
tiyaga naming ginawa para sa iyo. Nawa ay magustuhan mo.

Ang layunin ng modyul na ito ay:

● magsusunod-sunod ng mga sa tekstong napakinggan

Handa ka na bang matuto?


Magpatuloy ka!

4
Subukin

Magandang araw muli sa iyo kaibigan! Sana ay nasa maayos ang


pakiramdam mo ngayon at handa ka na sa una nating gawain. Huwag kang
mag-alala dahil naririto naman ako na nakahandang gumabay sa iyo.
Sundin mo lang ang aking mga panuto at gawaing ipagagawa.

Basahin ang kuwento sa buhay ni Tambelina. Simulan na natin!

Si Tambelina
Halaw mula sa aklat Landas sa Pagbasa 6 p.167-173

May mag-asawang hindi biniyayaan ng anak sa loob ng


mahabang panahon. Minsan sumangguni sila sa matandang bruha.
Kapalit ng ilang butil ng ginto binigyan sila ng buto ng halaman para
itanim. Sinunod ng mag-asawa ang habilin ng bruha tumubo nga ang
nasabing buto. Laking gulat nila nang makita ang batang babae na sinlaki
ng hinlalaki (thumb) kaya, pinangalanan nila itong Tambelina.
Ibinigay ng mag – asawa ang lahat na pangangailangan ng bata,
kamang yari sa talulot ng bandehadong may tubig, mga bulaklak, at
dahon kung saan siya naglalaro.

Ano ang pangalan ng naging anak ng mag-asawa?


Bakit ito ang naging pangalan niya?

Isang gabi habang mahimbing ang tulog ni Tambelina pumasok sa


kanyang tulugan ang isang inahing palaka. Matagal na pala niyang
hinahangaan at binabantayan ang bata kaya tinangay niya ito na hindi
namalayan ng mag-asawa. Hinangad niyang ipakasal si Tambelina sa
anak na lalaki, ngunit nakatakas ito sa pamamagitan ng pagngatngat ng
mga isda sa tangkay ng dahon ng lotus na kanyang kinanalagyan.

Bakit kinuha ng inahing palaka si Tambelina?

Inanod at tinangay ng agos ang dahon ng lotus hanggang makita


siya ng isang ibon. Isinakay siya nito patungo sa isang hardin. Nakita siya
ng isang malaking salagubang at ginawang panregalo sa maliit na
salagubang para maging laruan. Hindi nagustuhan ng maliit na
salagubang si Tambelina kaya inilipad niya ito mula sa puno at inilagay sa
isang malaking bulaklak. Masayang namuhay roon si Tambelina.

Paano nakaabot si Tambelina sa malaking bulaklak?

5
Nang dumating ang taglamig nakituloy si Tambelina sa tirahan ng
dagang bukid. Naging maganda ang pakikitungo sa kanya ng daga.
Isang araw nakatagpo siya ng isang sugatang ibon at tinulungan niya ito
hanggang gumaling.

Bilang pagtanaw ng utang na loob isinakay ng ibon si Tambelina at


dinala sa kanyang tunay na daigdig kung saan siya napapabilang at
namuhay ng maligaya sa piling ng mga anghel ng bulaklak.

Ano ang naramdaman mo sa naging wakas ng kuwento?


Paano nakaabot si Tambelina sa malaking bulaklak?

Panuto: Lagyan ng bilang 1 hanggang 10 ang linya upang mapagsunod-


sunod ang mga pangyayari sa kwento.
________ A. May mag-asawang hindi magkaanak sa mahabang panahon
kaya humingi sila ng tulong sa matandang bruha kapalit
ng ilang butil ng ginto.
_________ B. Isang araw dinukot ng palaka si Tambelina upang ipakasal
Sa kaniyang anak.
_________ C. Subalit nakatakas si Tambelina sa pamamagitan ng
pagngatngat ng mga isda sa tangkay ng dahon ng lutos na
kanyang kinalalagyan.
_________ D. Nakita siya ng isang malaking salagubang at ginawa itong
panregalo ng sa maliit na salagubang.
_________ E. Mula noon naging maligaya si Tambelina sa piling ng mga
anghel ng mga bulaklak
_________ F. Masayang namuhay roon si Tambelina.
_________ G. Nakatagpo siya ng isang sugatang ibon at tinulungan niya
ito hanggang gumaling
_________ H. Kaya binigyan ng bruha ang mag-asawa ng isang buto para
itanim nang tumubo ay dito lumabas ang maliit at
magandang dalagang pinangalanang Tambelina
_________ I. Ibinigay ng mag-asawa ang lahat ng pangangailangan ng
_________ bata
J. Inanod at tinangay ng agos ang dahon ng lotus hanggang
makita siya ng isang ibon. Isinakay siya nito patungo sa
isang hardin.

Nasagot mo ba nang tama ang mga tanong? Kung oo, puwede


mo nang laktawan ang modyul na ito. Pero kung may mali o di kaya’y
gusto mo pang payabungin ang iyong kaalaman sa pagsagot ng mga
tanong, halika at sasamahan kita sa susunod pang mga gawain.

6
Aralin Pagsusunod-sunod ng mga
1 Pangyayari sa Tekstong
Napakinggan
Mahalagang bahagi sa ating pakikipag-ugnayan sa kapwa ang
pagbibigay ng tamang pagkasunud-sunod ng mga pangyayeri sa tekstong
napakinggan. Maaari na ang pagsusunud-sunod ng mga pangyayari na
ibinigay ay nagpapahayag ng pagsang-ayon o pagtutol sa napanood na
pelikula o nabasang teksto..

Balikan

Panuto: Lagyan ng bilang 1 hanggang 5 ang linya upang mapagsunod-sunod


ang mga pangyayari sa kwento sa tulong ng mga larawan.
A. B. C.

E.

_________________________

7
Tuklasin

Kilala ba ninyo si Maria Sinukuan ?


Paano nililitis sa hukuman ni Sinukuan ang mga kasalanan?

Ang Hukuman Ni Sinukuan


Noong unang panahon, nakatira si Sinikuan ang hukom ng mga
hayop sa isa sa mga kuweba sa Bundok Arayat. Mayroon siyang
hukuman na naging sagisag ng katarungan at pag-ibig.

Isang araw narinig ni Mariang Sinukuan ang taghoy ni Ibong


Martines. Ipinatawag niya si Martines sa kanyang hukuman at halos
madurog ang puso niya sa lungkot nang ipakita ni Martines ang sirang
pugad at basag na mga itlog nito.

“Ano ang nangyari sa iyong pugad, mahal kong ibon?’ tanong ni


Maria kay Martinez.

“Kasi po kagabi,” “biglang dumamba nang dumamba si Kabayo at


natapakan ang aking pugad.

Madaling nagsiyasat ang magandang diwata at ipinatawag si


Kabayo. ‘Bakit ka dumamba nang dumamba kagabi na ikinabasag ng
mga
itlog ni Martines?’ tanong ni Maria ng dumating si Kabayo.

“Kasi po,” mahinay na halinghing ni Kabayo, "nagulat ako ng


biglang kumokak ng malakas si Palaka.”

Ipinatawag ni Mariang Sinukuan si Palaka at tinanong, Bakit ka


biglang kumokak nang malakas kagabi na ikinagulat ni Kabayo kaya
nabasag ang mga itlog ni Martines?”

8
“Kasi po,” paos na kokak ni Palaka, “humingi lamang po ako ng
saklolo dahil nakita kong dala ni Pagong ang kanyang bahay.”

Agad naman ipinatawag ni Maria si Pagong. “Bakit dala mo ang


bahay mo kagabi?” tanong niya kay Pagong “Nakita kong may dalang
apoy si Alitaptap kaya nagbuhat ako ng bahay.” Ani ni Pagong.

Ipinatawag ni Mariang Sinukuan si Alitaptap at sabi niyang may


dala siyang apoy para may pananggalang laban kay lamok na palipad-
lipad at may dalang itak.

Tinanong niya si Lamok. “Bakit may dala kang itak kagabi kaya
nagdala ng apoy si Alitaptap, nagbuhat ng bahay si Pagong, natakot si
Palaka, dumamba nang dumamba si Kabayao kaya nabasag ang mga
itlog ni Martines.

“Kasi po, gusto ko pong gumanti sa ginawa ni Alimasag sa akin


na bigla na lamang niya akong sinipit kaya nasugatan ang isa kong paa.
Ngayon magaling na ako gusto kong maghiganti sa ginawa niya sa akin,
hahanapin ko siya.” sabi ni Lamok.

“Masyado kang marahas, Lamok. Nagulo ang aking kaharian


nang dahil lamang sa sama ng iyong loob kay Alimango.”

“Dapat mong malaman na ang karahasan ay nagdudulot ng


kapahamakan. Pinayuhan niya ni Martines na huwag nang gagawa ng
pugad sa lupa.

Mula noon sa ituktok ng punongkahoy na gumagawa ng pugad


si Martines. Matatakutin pa din at malaks kumokak si Palaka. Dumamba
pa rin ng dumamba si Kabayo kapag natatakot at dala-dala pa rin ni
Pagong ang kanyang bahay. Samantala, lagi pa rin may dalang apoy si
Alitaptap kapag gabi. At ang Lamok hinahanap pa rin niya si Alimango.

9
Suriin
Sagutin ang mga tanong.

1. Sino si Maria Sinukuan?


2. Ano ang dahilan ng pagkakagulo nina kabayo, palaka, pagong at
alitaptap?

3. Sino sa palagay mo ang may kasalanan sa pagkakabasag ng mga itlog


ni Martines? Si Lamok ba o si Alimasag? Bakit?

4. Tama bang parusahan ni Maria Sinukuan si Lamok? Bakit?

5. Makatarungan ba ang hukuman ni Maria Sinukuan? Patunayan.

A.Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari.

Panuto: Lagyan ng bilang 1 hanggang 10 ang linya upang maayos nang


sunud-sunod ang mga pangungusap nang ayon sa mga pangyayari sa
kuwento.

tik nito_______________A. Pinatawag ni Maria ang mga hayop na lumikha ng gulo sa


hardin.
________ B. Kumokak si palaka nang Makita si Pagong na buhat ang
kanyang bahay.
_________C. May dalang apoy si Alitaptap sapagkat natatakot siyang
masaksak ni Lamok.
_________D. Kilala ang hukuman ni Maria Sinukuan sa pagiging
makatarungan.
_________E. Dinala ni Pagong ang kanyang bahay dahil natakot siyang
masunog ito.
_________F. Umiiyak na nagsumbong si Martines kay Maria na nabasag
ang
kanyang itlog.
_________G. Sinipit ni Alimasag si Lamok nang mapadaan ito sa kanyang
bahay.
_________H. Dumamba si Kabayo sa pagkagulat sa pagkokak ni Palaka.

_________I. Nagdala si Lamok ng itak upang labanan si Alimasag.

_________J. Ikinulong si Lamok sa nagawa nitong kasalanan.

10
Pagyamanin

Ang Madaldal na Pagong

Ano ang napala ng madaldal na pagong? Basahin ang kuwento


nang malaman ang nagyari.

Masayang lumalangoy si Inang Pagong at kanyang anak.


“Hayan, magaling ka nang lumangoy,” anang Inang Pagong.
“Maaari ka nang mamasyal sa ating ilog.”
Sa lilipad ang ilang lawin sa itaas nilang mag-ina. Tinanaw ni
Munting Pagong ang mga ibon.
“Lalong mainam sana kung ako’y marunong lumipad. Kung saan-
saang dako ako makararating,” sabi niya sa kanyang ina.
“Para sa atin,” wika ng malaking pagong, “tama na ang marunong
lumangoy. Maganda naman ang paligid-ligid ng ating ilog. Marami ka
ring napapanood dito.”
Ngunit si Munting Pagong ay hindi nasisiyahan. Sumigaw siya sa
mga lawing palipad-lipad sa himpapawid.
Narinig siya ng isang mag-asawang lawin. Mababait ang mga
lawing ito. Bumaba sila sa pampang ng ilog at kinausap si Munting
Pagong.
“Talaga bang ibig mong sumama sa amin?” tanong ng isang lawin.
“Opo, opo,” masayang wika ni Munting Pagong.
“Isasama ka namin sa itaas ngunit susundin moa ng utos namin,”
ani ng babaing lawin.
“Opo, opo,” sagot naman ng pagong.
Kumuha ng kapirasong patpat ang lawin.
“Kumagat ka sa patpat na ito. At kakagatin namin ang
magkabilang dulo upang madala ka sa itaas. Ngunit tandaan mo: Huwag
kang magsasalita. Mahuhulog ka sa lupa oras na ibuka mo ang iyong
bibig.”
“Opo, opo,” ani Munting Pagong.
Nang kagat niya ang patpat, dahan-dahan silang pumaitaas. Kagat
ng dalawang ibong lumilipad ang magkabilang dulo ng patpat.
Nasa himpapawid na sila. Kitang-kita ni Munting Pagong ang
magagandang tanawin sa ibaba. Natanaw niya ang mga kaibigan niyang
pagong sa tabi ng ilog. Ibig niyang ipaghambog ang kanyang paglipad sa
itaas. Kaya’t siya’y tumawag sa kanila.
Nang ibuka ni Munting Pagong ang kanyang bibig ay tuluy-tuloy
siyang nahulog. Basag ang katawan ng hambog na pagong nang
lumagpak siya sa harapan ng kanyang mga kaibigan.

11
Panuto: Lagyan ng bilang 1 hanggang 8 ang linya upang maayos nang
sunud-sunod ang mga pangungusap nang ayon sa mga pangyayari sa
kuwento.

_______A. Tinawag ni Munting Pagong ang mag-asawang lawin.


_______B. Kinagat ng dalawang lawin ang magkabilang dulo ng patpat na
kagat ng pagong.
_______C. Tinuruang lumangoy ni Inang Pagong ang kanyang anak.
_______D. Lumagpak si Munting Pagong.
_______E. Kumuha ng isang patpat ang isang lawin.
_______F. Natanaw ni Munting Pagong sa ibaba ang kanyang mga
kaibigan
sa tabi ng ilog.
_______G. Bumaba ang mababait na lawin at lumapit kay Munting
Pagong.
_______H. Tinawag na hambog na pagong ang mga kaibigan sa ibaba.

Isaisip

Wow! Ang galing mo. Alam mo ba na naisaayos mo ang mga


pangyayari ayon sa wastong pagkasusunod-sunod ng mga ito sa kuwento.

Napakahusay mo!

Tara! Ipagpatuloy na natin ang ating paglalakbay. Sa puntong ito,


tatalakayin natin ang mga dapat isaalang-alang upang mapagsunod-
sunod ang mga pangayayari sa kuwento.

Halika, alamin natin!

Ating Alamin:
Ano ang dapat isaalang-alang upang mapagsunod-sunod ang mga
pangayayari sa kuwento?
1. Dapat isaalang-alang upang mapagsunod-sunod ang mga pangyayari
sa kuwento ang:

• pamatnubay na mga tanong


. unawain ng mabuti ang binabasa
. maayos ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari ayon sa
pagkakaganap ng mga ito.

12
Isagawa

Basahin at unawain nang mabuti ang kuwento sa ibaba


pagkatapos sagutin ang mga tanong at ang pagsasanay. Isulat sa iyong
sagutang papel ang titik nang tamang sagot.

Ang Agila at ang Kalapati


Mayabang na inilatag ng Agila ang malapad niyang pakpak sa
kaitaasan. Nang mapansin ng aroganteng Hari ng mga Ibon na
ikinakampay din ng mabagal na Kalapati ang mga puting pakpak nito ay
naghamon ang Agila.
“Hoy, Kalapati. Lalaban ka ba sa akin sa pabilisan ng paglipad?”
Sa sobrang yabang ng Agila ay naisip ng Kalapati na bigyan ng aral
ang humahamon.
“O sige,” sagot ng Kalapati, “Kailan mo gustong magtunggali tayo?”
Hindi ipinahalata ni Agila na nagulat siya sa matapang na
kasagutan ng hinamon.
“I…..kaw ang bahala kung kailan mo gusto.”
Napansin ni Kalapati na nakaamba ang maitim na ulap sa
kalawakan. Alam niyang ilang sandali lamang ay uulan na.
“Kung payag ka ay ngayon din. Upang maging masaya ang laban,
kailangang may kagat-kagat tayong anumang bagay sa paglipad natin.
Dadalhin ko paitaas ang isang tipak ng asin. Ikaw naman ay magdadala
ng isang bungkos ng bulak. Payag ka ba?
Napangiti ang Agila sa pag-aakalang higit na magaan ang bulak sa
asin. Napagkayariang sa tuktok ng Asul na Bundok magsisimula ang
paglipad at magtatapos sa tuktok ng Berdeng Bundok.
Habang naglalaban sila sa paglipad ay bumuhos na ang malakas na
ulan. Ang bulak na dala-dala ng Agila ay nabasa ng ulan at bumigat ng
bumigat. Nagpabagal ito sa paglipad ng Hari ng Ibon. Ang asin ay nalusaw
naman na nagpabilis sa paglipad ng Kalapati.
Sa pagwawagi ng Kalapati, hindi na nagyabang mula noon ang
palalong Agila.

13
Mga Tanong
1. Anong hamon ang iminungkahi ni Agila kay Kalapati?
A. Pahabaan ng pakpak C. Paunahan nang pagbulusok sa
hangin
B. Palakihan ng katawan D.Pabilisan ng paglipad sa himpapawid
2. Ano ang naging tugon ng Kalapati sa sinasabi sa kanya ni Agila?
A. Umayaw dahil malaki si Agila
B. Lumipad na lang at hindi ito pinansin
C. Pinagbigyan nito ang hamon ni Agila
D. Umuwi na dahil uulan nang malakas
3. Anong pag-uugali mayroon si Agila?
A. Mayabang C. Mabait
B. Mapagmalasakit D. Palakaibigan
4. Anong uri ng panahon ng maglaban sa paglipad ang dalawang ibon?
A. mainit C. makulimlim
B. mahangin D. maulan
5. Paano nagtagumpay si Kalapati laban kay Agila?
A. Binato ang Agila ng asin
B. Lumipad nang ubod ng bilis
C. Nagpatulong si Kalapati sa ulan
D. Nilinlang si Agila gamit ang asin at bulak
B. Lagyan ng bilang 1 hanggang 5 ang linya sa unahan ng mga
pangungusap ayon sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Gawin sa kuwadernong sagutan.
________A. Pumayag si Kalapati sa hamon ni Agila na pabilisan ng paglipad
________B. Sa kanilang paligsahan ay dapat na mayroon silang
kagat-kagat, asin kay kalapati at bulak naman kay Agila.
________C. Nanalo si Kalapati dahil natunaw ang kagat-kagat na asin,
si Agila ay bumagal ang lipad dahil bumigat ang bulak
na naulanan.
________D. Mayabang na inilatag ni Agila ang kanyang mahabang
pakpak habang si Kalapati ay mabagal na ikinampay
ang pakpak.
________E. Habang naglalaban ay bumuhos ng malakas na ulan.

14
Tayahin

Basahin at unawain ang sanaysay pagkatapos ay sagutin ang mga tanong


at pagsasanay.

Ang Pinakbet
Magluluto ng pinakbet ang Nanay. Pinitpit niya ang bawang at
hiniwa ang sibuyas at kamatis. Binalatan niya ang mga hipon at dinikdik
ang mga balat nito. Inihanda rin ang panghalong bagoong isda na hinaluan
ng kaunting tubig at sinala. Hiniwa ri niya nang maliit ang baboy na
pansahog.
Inihanda ng Nanay ang mga gulay na iluluto. Hiniwa niya
nang pahaba ang ampalaya at parisukat naman ang kalabasa. Pinagputul-
putol niya sa katamtamang haba ang talong at sitaw.
Isinalang ang Nanay ang kawali. Pinagmantika niya ang taba
ng baboy at dito niya iginisa ang bawang at sibuyas, kamatis, karne ng
baboy at hipon. Nilagyan niya ito ng kaunting sabaw ng dinikdik na balat ng
hipon at bagoong isda, tinimplahan at pinakuluan. Isa-isa niyang inihulog
ang gulay, ampalaya, talong at kalabasa.
Mabangung-mabango ang luto ng Nanay. Tunay na
napakasarap!
Mga Tanong;
1. Ano ang niluluto ang Nanay?
A. adobo B. Mitsado C. Pinakbet D. Fried Chicken
2. Paano niya hiniwa ang karne ng baboy?
A. pahaba C. maliit
B. katamtamang laki D. pabilog
3. Aling gulay ang pinagputol-putol niya?
A. sitaw C. talbos ng kamote
B. kalabasa D. malunggay

B. Panuto: Lagyan ng bilang 1 hanggang 5 ang wastong pagkasunud-sonud


ng mga paraan sa pagluluto ng pinakbet. Gawin ito sa sagutang papel.

15
________A. Hiniwa ng maliliit ang baboy na pansahog.
________B. Nilagyan ng kaunting sabaw ng dinikdik na balat ng hipon at
Bagoong isda, tiniplahan at pinakuluan.
________C. Isinalang ang kawali, pinagmantika ang taba ng baboy at iginisa
Ang bawang, sibuyas, kamatis, karne ng baboy at hipon.
________D. Inihanda ang mga gulay na iluluto ampalaya, kalabasa, talong
At sitaw.
________E. Mabango at napakasarap ang inilutong pinakbet.

Karagdagang Gawain

Sa panahon ng pandemya, ang isa sa mga paraan upang makaiwas sa sakit


na Covid 19 ay ang wastong paraan ng paghuhugas ng kamay. Lagyan ng
bilang 1 hanggang 8 ang wastong pagkasunud-sunod ng tamang
paghuhugas ng kamay.
_________A. Basain ng tubig ang mga kamay at sabunin
_________B. Banlawang mabuti sa malinis na tubig at patuyuhin ang mga
kamay gamit ang malinis na twalya.
_________C. Sabunin ang likod ng mga kamay.
_________D. Sabunin ang palad.
_________E. Kuskusin ang mga pagitan ng daliri.
_________F. Kuskusin ang mga kuko.
_________G. Kuskusin ang mga dulo ng daliri.
_________H. Kuskusin ng paikot ang mga dulo ng mga daliri sa magkabilang
palad.

Tama ba ang iyong mga sagot?


Kung ganoon, binabati kita!
Ngayong natapos mo na ang modyul na ito, maaari ka nang
magpatuloy sa susunod mong modyul.

16
Susi sa Pagwawasto

Subukin: Isagawa :
I. 1. D Pagyamanin:
A. 1
2. C A. 2
B. 4 B. 5
C. 5 3. A
4. D C. 1
D. 7 D. 7
5. D
E. 9 E. 4
A. 2
F. 10 B. 3 F. 6
G. 8 C. 5 G. 3
H. 2 D. 1 H. 8
I. 3 E. 4
J. 6

Karagdagan
Gawain :
Tayahin:
A. 1
1. C
2. C B. 8
3. A C. 3 Balikan :
A. 1 D. 2 A. 5
B. 4 E. 4 B. 4
C. 3 F. 5 C. 3
D. 2 G. 6 D. 2
E. 5 H. 7 E. 1

Suriin:
A. 1. Ang hukom ng mga hayop.
2. Ang dahilan ang pagkakagulo ng mga hayop sa kaharian ay
ang pagkabasag ng mga itlog ni Martines.
3. Si Lamok dahil sa kanyang karahasan wala siyang
pagtitimpi.
4. Oo, para magtanda an ibang hayop.
II. A.3 F. 2
B. 5 G. 9
C. 7 H. 4
D. 1 I. 8
E. 6 J. 1O

J. 6
Sanggunian

K to 12 – – ( F5PN-IIIb-8.4)

MELC FILIPINO 5
WBLS FILIPINO
Wikang Filipino 6/ Wika
Bumasa at Umunlad
Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa 5 pp. 24-25
Alab ng Wikang Filipino pp. 269-271
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

Ikatlong Markahan – Modyul 2 b:


Nakabubuo ng mga tanong
matapos mapakinggan ang isang
salaysay

Inihanda ni:

MHIA JOY I. RAFANAN


Guro sa Filipino
Filipino– Ikalimang Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 2 b: Nakabubuo ng mga tanong matapos
mapakinggan ang isang salaysay
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyulna ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Mhia Joy I. Rafanan


Tagasuri: Caroline P. Calili
Tagapamahala: Joann A. Corpuz
Joye D. Madalipay
Santiago L. Baoec
Jenetrix T. Tumaneng
Editha R. Mabanag
Caroline P. Calili
Division Design &
Layout Artist: Chester Allan M. Eduria

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Schools Division of Ilocos Norte
Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos
Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: ilocosnorte@deped.gov.ph
2
Filipino 2
Ikatlong Markahan – Modyul 2 b:
Nakabubuo ng mga tanong
matapos mapakinggan ang isang
salaysay
Paunang Salita

Ang Contextualized Learning Module o CLM na ito ay maingat na inihanda


para sa ating mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang
ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan naming magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang CLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
CLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

1
Alamin

Sa modyul na ito, inaasahang matututuhan mo ang mga sumusunod


na kasanayan:
1. nakabubuo ng mga tanong matapos mapakinggan ang isang
salaysay
2. nakapagtatanong gamit ang sino, saan, kailan at ano tungkol sa
napakinggang salaysay.

Subukin

Gawain ng magulang/guro
*Sabihin Gawin natin ang bahaging ito. Babasahin ko sa iyo ang mga
tanong sa bawat bilang. Alamin kung aling larawan ang angkop dito.

Gawain ng mag-aaral
* Sagutin ang gawain Isulat ang letra ng sagot bago ang bilang.

_____1. Sino ang nagdidilig ng halaman?

_____ 2. Kailan ang kaarawan ni Josefa?


B

_____ 3. Saan papunta ang pamilya ni Sara? C

2
Aralin Nakabubuo ng mga tanong
matapos mapakinggan ang isang
2 salaysay

Mahalagang bahagi sa pakikinig ng isang salaysay ang pagbubuo


ng mga tanong batay dito.

Balikan

Tignan ang larawan. Ano ang nararamdaman ng bata ng


makatanggap siya ng maraming regalo? Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

3
Tuklasin

1. Ito ang larawan ni Ana. Siya ay namasyal sa zoo kasama ang kaniyang
tatay, nanay at kuya noong Linggo.

Narito ang aking mga tanong tungkol sa larawan.

-Sino ang nasa larawan?


-Kailan namasyal si Ana?
-Saan namasyal sina Ana?

4
2. Ito naman ang larawan ng Luneta Park. Ito ay matatagpuan sa Lungsod ng
Maynila. Dito nakatayo ang bantayog ni Jose Rizal. Sa Luneta pinatay si
Rizal sa pamamagitan ng pagbaril.

Narito ang aking mga tanong tungkol sa larawang ito.

-Saan matatagpuan ang Luneta?

-Sino ang pinatay sa Luneta?

-Paano pinatay si Jose Rizal

Suriin

Basahin ang salaysay at pagkatapos ay bumuo ng ng mga tanong gamit


ang talaan sa baba. Kumpletuhin ang mga ito.

Sabado ng umaga pumunta si nanay sa palengke. Bumili siya ng isang


maliit na kaldero. Araw-araw ginagamit ito sa pagluluto ng ulam at iba pang
pagkain. Habang nagluluto parang ngumingiti at sumasayaw ito lalo pag
kumukulo na ang niluluto nitong pagkain.Masarap din ang lasa ng pagkain
kapag ginamit ito ni nanay sa pagluluto.

5
Mga Tanong

1. Sino _______________________________________________

2. Kailan ______________________________________

3. Ilan ________________________________________

4. Paano __________________________________________

5. Ano ________________________________________________

Pagyamanin

Narito ang isang salaysay. Basahin ito nang mabuti at bumuo ng mga
tanong.

Hindi maingat sa paglalakad si Roy. Kaninang umaga, tumawid siya


ng hindi tumitingin sa magkabilang panig ng lansangan. May dumarating
na bus.Nagtilian ang mga tao.

6
1. Sino ang _______________________________________?
2. Paano _______________________________________?
3. Kailan __________________________________________?
4. Ano __________________________________________?
5. Saan ________________________________________?

Isaisip

Mahalagang alamin ang mga panandang sino, saan, kailan, paano at


ilan upang makabuo ng mga tanong batay sa napakinggang salaysay.

Isagawa

Makinig sa salaysay na babasahin ng guro/magulang. Pagkatapos ay


bumuo ng mga tanong ayon sa napakinggang salaysay.

1.
2.
3.
Sabado ng umaga nagpunta sina Nita at Nilo sa bukid 4.
upang tulungan ang kanilang ina sa pamimitas ng mga gulay. 5.
Masayang-masaya sila dahil malalaki na ang tanim nilang
sitaw, kamatis at talong. Maingat nilang pinipitas ang mga
gulay upang hindi ito masira at manatiling sariwa.

Tayahin

Makinig sa salaysay na babasahin ng guro/ magulang. Bumuo ng


mga tanong batay sa salaysay.
Kaarawan ni Anton bukas.Gusto niyang magpabili ng cellphone sa
kangyang ina. Ngunit, sinabi ng kanyang ina na wala silang pambili nito.
Umiyak ng umiyak sa Anton dahil hindi siya mabibilhan ng cellphone.

7
1. ___________________________________________

2. ___________________________________________

3. ___________________________________________

4. ____________________________________________

5. ____________________________________________

Karagdagang Gawain

Makinig sa salaysay na babasahin ng guro/ magulang. Bumuo ng


mga tanong batay sa salaysay.

Nanood si Susan ng paborito niyang palabas kagabi. Nalimutan


niyang mag-aral para sa pagsusulit. Kinabukasan, pumasok siya sa
paaralan na hindi handa. Wala siyang alam na isasagot sa mga
pagsususlit. Mababa ang markang nakuha niya kaya siya umiyak.

1. ___________________________________________

2. ___________________________________________

3. ___________________________________________

4. ____________________________________________

5. ____________________________________________

8
Sanggunian
Garcia, Nilda S.D. et al, Ang Bagong Batang Pinoy Filipino 2, Unang
Edisyon. Quezon City: Lexicon Press Incorporated, 2013.

Pasamonte, Jesus T. Gabay sa Pag-unlad Wika at Pagbasa 2.


Mandaluyong City: Lorielle Educational Supplies and Materials, 2010.

K-12 CG p. 27
K to 12 KM pp. 37-38

You might also like