You are on page 1of 19

9

Filipino 9
Ikatlong Markahan – Modyul 1

PARABULA
SUB-ARALIN: MGA MATATALINGHAGANG PAHAYAG

NegOr_Q3_Filipino9_Module1_v2
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Parabula
Sub-aralin: Mga Matatalinghagang Pahayag
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ronalyn Jane O. Devibar


Editor: Venicar P. Eltanal, Rico C. Tañesa, Crispina P. David
Tagasuri: Roshelle G. Abella, Lucille T. Folio, Janeth A. Celin,
Vincent Gee R. Abrasaldo, Crispina P. David
Tagalapat: Wendell Calingacion
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis JD, EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, EdD
Renante A. Juanillo, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay
sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng
mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung
sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa
kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

i
ALAMIN

Sa maraming pagkakataon, ginamit ni Hesus sa kanyang mga pangaral


ang pagpapakasal ng mga Hudyo upang bigyang-diin ang kanyang relasyon at
pagmamahal sa atin na kanyang mananampalataya. Sa parabulang mababasa
mo sa araling ito ay maraming kultura at tradisyon ng kasalang Hudyo ang iyong
malalaman.
Ang modyul na ito ay naglalaman ng parabula na pinamagatang “Ang
Parabula ng Sampung Dalaga” na hinango mula sa Mateo 25: 1-13 ng Banal na
Kasulatan. Bahagi rin ng aralin ang paggamit ng matatalinghagang pahayag sa
pagbuo ng mga wastong pangungusap.
Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang makasusulat ng isang
anekdota o liham na nangangaral na tungkol sa handa at ‘di handang kamatayan
sa muling pagparito ng Diyos.

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


• Napatutunayan ang mga pangyayari sa binasang parabula ay maaaring
maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan; F9PB-IIIa-50
• Naisusulat ang isang anekdota o liham na nangangaral; F9PU-IIIa
• Nagagamit nang wasto sa pangungusap ang matatalinghagang pahayag.
F9WG-IIIa-53

MGA TIYAK NA LAYUNIN

Sa araling ito, inaasahan na ikaw ay:

1. Nakasasagot sa lahat ng mga gawaing nakalilinang sa pag-unawa sa


akda;
2. Nakalilikha ng isang kritikal na pagsusuri sa mga pangyayari ng binasang
parabula; at
3. Napahahalagahan ang pagiging handa sa lahat ng pagkakataon sa
pamamagitan ng pagbuo ng sariling anekdota.

1 NegOr_Q3_Filipino9_Module1_v2
SUBUKIN

Para sa bilang 1-5: Isulat ang titik na kasingkahulugan ng mga salitang nakadiin sa
pangungusap.

1. Tinanggap ng dalaga ang panunuyo ng binata.


A. binabalewala C. pumupunta
B. panliligaw D. sumasalungat

2. Naghintay ang dalaga sa pagdating ng kanyang mangingibig.


A. kinamumuhian C. manliligaw
B. kinagigiliwan D. manunukso

3. Pinag-usapan na rin ang tungkol sa ipagkakaloob na dote ng pamilya ng binata


sa pamilya ng dalaga.
A. ipagdadamot C. ibibigay
B. ipagbibili D. isusulong

4. Sa tahanan ng binata idaraos ang maringal na kasalan.


A. simple C. katamtaman
B. payak D. engrande

5. Ang limang hangal na dalaga ay hindi nakasama sa kasayahan.


A. tanga C. tinatangi
B. alerto D. hinahangaan

Para sa bilang 6-10: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

6. Ang ibang katawagan ng elehiya.


A. dalitlungkot C. dalityumao
B. dalitlumbay D. dalitmuni

7. Isang tulang may dalawang katangiang pagkakakilanlan.


A. Parabula C. Anekdota
B. Elehiya D. Pabula

8. Personal na pangyayari sa buhay ng manunulat o mananalumpati.


A. Parabula C. Anekdota
B. Elehiya D. Pabula

2 NegOr_Q3_Filipino9_Module1_v2
9. Ang mga pangyayari sa akda ay nagbuhat sa Banal na Aklat ng Diyos.
A. Parabula C. Anekdota
B. Elehiya D. Pabula

10. Sa aklat na ito ng Banal na Aklat mababasa ang parabulang nagsasaad na dapat
maghanda at magbantay sapagkat hindi natin alam ang araw o ang oras ng
Kanyang muling pagparito.
A. Mateo 25: 1-13 C. Philippians 4:13
B. John 15: 13 D. Romans 15:13

Para sa bilang 11-15:


Ang tatlo sa mga salitang nasa bawat bilang ay may halos magkakahawig na
kasingkahulugan maliban sa isa.

Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang salitang may naiibang kahulugan.

11. matatag, matibay, maganda, malakas


12. pinakamasaya, pinanabikan, pinakahihintay, pinakaaasam
13. aandap-andap, mahinang-mahina, aalog-alog, kaunting ningas
14. tumugon, sumagot, lumuha, nagsabi
15. naantala, nainip, nahuli, natagalan

TUKLASIN

Panuto: Sa ibaba ay pamagat ng piling parabula na palasak nating nababasa at


naririnig. Ibigay ang aral o mensahe na makuha mula rito.

Parabula Aral na Nakuha

Ang Alibughang
Anak

Ang Mabuting
Samaritano

3 NegOr_Q3_Filipino9_Module1_v2
SURIIN

Ang layunin mo sa bahaging ito ng aralin ay matutuhan at maunawaan ang


kaibahan ng parabula sa iba pang akdang pampanitikan. Mababasa mo rito ang isang
halimbawa ng parabula ng makatotohanang pangyayaring naganap noong panahon
ni Hesus batay sa nakasaad sa Banal na Aklat. Ang mga aral na mapupulot dito ay
magsisilbing patnubay sa marangal na pamumuhay ng mga tao.

Ang mga mensahe ng parabula ay isinulat sa patalinghagang pahayag. Ito ay


di lamang lumilinang ng mabuting asal na dapat nating taglayin kundi hinuhubog din
nito ang ating moral at espiritwal na pagkatao. Basahin ang isang magandang
halimbawa ng parabulang kasunod.

Ang Parabula ng Sampung Dalaga

Isang malaking kasalan ang inihanda. Tulad ng nakagawian ng mga Hudyo sa


bayan ng Israel, maringal at malaki ang kasalan. Mahaba ang panahon ng
paghahanda. Nagsimula ito sa pag-uusap at pagkakasundo ng mga ama ng binata
at ng dalagang ikakasal na susundan ng pagtanggap ng dalaga sa panunuyo ng
kanyang mangingibig.

Kasunod na pag-uusapan ang mga detalye ng kasalan, kung saan ito


gaganapin, ano-ano ang mga paghahandang gagawin, at kung magkano ang dote
o bigay-kayang ipagkaloob sa dalaga. Nang matapos ang kasunduan ay lalayo
muna ang binata upang maihanda ang kanilang magiging tahanan. Halos isang
taon ang pagkakalayong ito na susubok din sa katatagan ng pag-ibig ng binata at
dalaga sa isa’t isa.

Ang kasalan ng mga Hudyo ay karaniwang ginaganap sa gabi. Sa wakas,


sumapit na ang gabing pinanabikan ng lahat. Pupunta ang lalaking ikakasal sa
tahanan ng kanyang kasintahan upang siya’y sunduin at saka sila tutuloy sa
tahanan ng binata upang doon idaos ang maringal na kasalan.

Sa labas ng tahanan ng binatang ikakasal ay sampung dalagang may


daladalang ilawan ang itinalagang maghintay sa pagdating ng lalaking ikakasal.
Ang lima sa mga dalaga ay matatalino. Inaasahan na nilang maaaring maantala
ang pagdating ng ikakasal kaya’t nagdala sila ng sobrang langis para sa ganitong
pangyayari. Ang lima naman ay hangal sapagkat nagdala nga sila ng ilawan ay
hindi naman sila nagbaon ng karagdagang langis. Naghintay ang mga dalaga
subalit gabi na’y wala pa ang ikakasal kaya’t sila’y nakatulog sa kahihintay.

4 NegOr_Q3_Filipino9_Module1_v2
Nang maghahatinggabi na ay dumating ang isang tagapagbalitang nagsabing
paparating na ang lalaking ikakasal. “Paparating na ang lalaking ikakasal!
Lumabas na kayo at maghanda upang salubungin siya!” Masayang nagsigawan
ang mga tao.

Agad bumangon ang sampung dalaga at inayos ang kani-kanilang ilawan at


humilera sa magkabilang gilid ng daan upang maging handa sa paparating na
ikakasal. Subalit ang ilawan ng limang dalagang hangal ay aandap-andap na.

Dahil sa matagal na paghihintay ay naubos ang langis sa kanilang ilawan.


“Bigyan naman ninyo kami kahit kaunting langis. Aandap-andap na ang aming mga
ilawan,” ang pakiusap nila sa matatalinong dalaga. “Pasensya na, subalit ang dala
naming langis ay sapat lamang sa aming ilawan. Hindi ito magkakasya sa ating
lahat. Mabuti pa’y pumunta muna kayo sa tindahan at bumili ng para sa inyo,”
tugon naman ng matatalino. Kaya’t dali-daling lumakad ang limang hangal na
dalaga upang bumili ng langis.

Habang bumili sila ay siya namang pagdating ng lalaking ikakasal. Ang limang
nakahanda ay kasama agad niyang pumasok sa kasalan at saka isinara ang pinto.
Kaugalian kasi noon na ang tanging taong nasa labas sa pagdating ng ikakasal
ang papapasukin sa piging upang maiwasang makapasok ang mga taong hindi
naman imbitado at hindi kilala ng ikakasal.

Nang nasa loob na ang lahat ay humahangos na dumating ang limang hangal
na dalaga. “Panginoon, panginoon, papasukin po ninyo kami!” sigaw nila. Hindi na
sila pinapasok at sa halip ay tumugon ang binatang ikakasal na siya rin nilang
panginoon nang ganito: “Hindi ko kayo nakikilala.” Walang nagawa ang mga
hangal na dalaga kundi buong panlulumong pinagsisihan ang hindi nila
paghahanda para sa pangyayaring ito.

Ang kaharian ng langit ay maihahalintulad sa parabulang ito. Kinakailangan


nating maghanda at magbantay sapagkat hindi natin alam ang araw maging ang
oras ng Kanyang muling pagparito.
- Hango sa Mateo 25: 1-13

Magaling! Natapos mo nang basahin ang isang magandang halimbawa ng


parabula. Maghanda ka na! Pahapyaw nating alamin ang kahulugan ng anekdota at
elehiya pati na ang gamit ng matatalinghagang pahayag na tutulong sa iyo na gawin pa
ang mga susunod na gawain.

5 NegOr_Q3_Filipino9_Module1_v2
Anekdota

Ang anekdota ay isang maikling pagsasalaysay na hango sa tunay na buhay


ng isang tao at nagbibigay ng pagkakataon upang lalo pang makilala ng mga
mambabasa o tagapakinig ang totoong pagkatao o ang personal na buhay ng
taong pinatutungkulan nito. Maaari ring personal na pangyayari sa buhay ng
manunulat o mananalumpati. Sa pamamagitan nito, maipasisilip nila ang isang
bahagi ng kanilang buhay na maaaring kapulutan ng aral o pagnilayan ng
mambabasa o tagapakinig at maiugnay rin sa paksang tinatalakay. Ginagamit ito
upang makapagbigay-aliw, makapagturo, makapagbigay-aral patungkol sa isang
paksa.

Matatalinghagang Pahayag

Sa ibang banda, ang matatalinghagang pahayag ay malayo sa literal o


denotatibong kahulugan ng salita. Ito ay may malalim o di tiyak na kahulugan. Ang
paggamit ng mga ito ay lalong nagpapaganda sa pagpapahayag ng mensahe ng
nagsasalita. Ipinapakita nito ang kagandahan at kamalikhain sa pagpapahayag.
Halimbawa nito ay nagsusunog ng kilay para sa nagsisipag sa pag-aaral,
mababa ang luha para sa iyakin, kabiyak ng dibdib para sa asawa, at marami
pang iba.

Pamprosesong Tanong:

1. Makatwiran bang tawaging mga hangal ang lima (5) sa sampung dalaga?
Ipaliwanag.

2. Bakit mahalaga ang paghahanda sa lahat ng pagkakataon ng iyong buhay?

3. Anong aral ang napulot mo sa parabula?

6 NegOr_Q3_Filipino9_Module1_v2
PAGYAMANIN

Ngayong alam mo na ang katuturan ng parabula, ipagpatuloy mo ang iyong


pagkatuto. Alam kong handa ka na upang isagawa ang gawaing ito.

A. Tuklasin mo ang Iyong Kaalaman!

Panuto: Suriin ang mga bahagi ng akdang nakalahad sa ibaba. Isulat sa patlang
bago ang bilang kung ang bahaging ito ay nagsasaad ng katotohanan sa
buhay (KB), o kagandahang-asal (KA). Ipaliwanag sa mga linya sa ibaba
naman kung bakit ito ang napili mong kasagutan.

_________1. Bilang pagpapakita ng paggalang, ang kasalan ng mga sinaunang


Hudyo ay nagsisimula sa pag-uusap at pagkakasundo
ng ama ng binata at ama ng dalagang ikakasal.
Paliwanag ng sagot:
________________________________________________________
__________________________________________________

_________2. Pagkatapos ng kasunduan ay pansamantalang lumalayo ang binata


upang ihanda o buuin ang kanilang magiging tahanan at upang
mapatunayan ang katatagan ng kanilang pag-iibigan sa isa’t isa.
Paliwanag ng sagot:
________________________________________________________
__________________________________________________

_________3. Ang limang matatalinong dalaga ay naging handa kaya’t nagbaon sila
ng sobrang langis para sa mga hindi inaasahang pagkakataon.
Paliwanag ng sagot:
________________________________________________________
__________________________________________________

_________4. Ang hindi paghahanda lalo na sa panahon ng mahahalagang


pangyayari ay makapagdudulot ng suliranin at kabiguan.
Paliwanag ng sagot:
________________________________________________________
____________________________________________________

7 NegOr_Q3_Filipino9_Module1_v2
_________5. Dahil sa kanilang kapabayaan ay hindi na nakapasok pa sa tahanan
ng binatang ikakasal ang limang hangal na dalaga.
Paliwanag ng sagot:
_______________________________________________________
__________________________________________________

B. Payabungin mo pa ang Iyong Kaalaman!

Mapanoon man o mapangayon, ang hindi paghahanda ay nagbubunga ng hindi


mabuti.

Panuto: Mag-isip ng isang tao/tauhan, totoo man o likhang-isip lamang, na naging


handa (tulad ng matatalinong dalaga) at ng isang taong hindi naghanda
(tulad ng mga dalagang hangal). Pagkomparahin ang maaaring naging
pangyayari sa buhay ng mga taong ito gamit ang compare and contrast
organizer sa ibaba.

Tao sa Kasalukuyang Panahon


Tao sa Kasalukuyang Panahon
na Hindi Naging Handa
na Naging Handa
(tulad ng mga hangal na
(tulad ng matatalinong dalaga)
dalaga)

Isang pangyayaring
kapwa nila naranasan

Ang kinahinatnan niya dahil sa Ang kinahinatnan niya dahil sa


pagiging handa . . . hindi pagiging handa . . .

8 NegOr_Q3_Filipino9_Module1_v2
ISAISIP

Maliban sa paghahanda sa mahahalagang


pangyayari sa pinakamensahe ng ating buhay, ang
binasa nating parabula ay ang paghahanda ng ating
sarili, puso, at kaluluwa. Dapat nating tandaan na hindi
natin alam kung hanggang kailan lang ang ating buhay
dito sa mundo kaya gawin ang paghahanda habang may
panahon pa nang di tayo mags isisi sa huli tulad ng mga
hangal na dalaga.

ISAGAWA

Pagsulat ng Anekdota ng Buhay Mo

Ang pagpanaw o kamatayan ng tao ay tulad ng muling pagparito ng Diyos


sa daigdig na hindi natin alam kung kailan darating. Hindi natin alam kung
hanggang kailan lang ang ating buhay. Nakahanda ka na bang makapiling
Siyang muli?

Panuto: Gumawa ng sariling anekdota na ibibigay mo sa Diyos kapag


nakaharap mo siya. Isalaysay ang mga bagay na nagawa mo na
makapagpapatunay na nakapaghanda ka para makasama ka sa
Kanyang piling. Gumamit ng mga matatalinghagang salita sa pagbuo
nito at may tonong nangangaral. Gawing gabay ang rubric na inihanda
sa ibaba. Ang gawaing ito ay tutulong na maunawaan ang susunod na
aralin.

9 NegOr_Q3_Filipino9_Module1_v2
Katam-
Napakahusay Mahusay Di-Mahusay Kulang Puntos
taman
Krayterya
5 4 3 2 1
Nilalaman Nakapanghihika Nakalahad Nakalahad Hindi Walang
yat ang sa sa malinaw ang kaugnayan
introduksyon. introduksyon introduksyon introduksyon ang mga
Malinaw na ang pangu- ang at ang pantulong
nakalahad panguna- pangunahing na ideya sa
paksa. Hindi

ang pangunahing nahing paksa hing paksa rin nakalahad pangunahing


paksa gayundin gayundin ang subalit hindi ang panlahat ideya.
ang panlahat na panlahat na sapat ang na
pagtanaw ukol pagtanaw pagpapali- pagpapaliwan
dito. ukol dito. wanag ukol ag ukol dito.
dito.

Wika/ Walang Halos walang Maraming Napakarami Halos lahat


Gramatika pagkakamali sa pagkakamali pagkakamali at nakagugulo ng mga
mga bantas, sa mga sa mga ang mga ideyang
kapitalisasyon at bantas, bantas, pagkakamali inilahad ay
pagbabaybay. kapitalisasyon kapitalisasyon sa mga mali. Walang
Walang at at bantas, mauunawaan
pagkakamali pagbabaybay. pagbabaybay. kapitalisasyon sa ginawang
sanaysay.
sa estruktura ng Halos walang Maraming at
Hindi
mga pagkakamali pagkakamali pagbabaybay. kaugnay sa
pangungusap at sa sa estruktura Napakarami tanguhin nito.
gamit ng mga estruktura ng ng mga at nakagugulo
salita. mga pangungusap ang
pangungusap at gamit ng pagkakamali
at gamit ng mga salita. sa estruktura
mga salita. ng mga
pangungusap
at gamit ng
mga salita.

Organisasyon Lohikal at Naipakita ang Lohikal ang Hindi maayos Walang


ng mga mahusay ang debelopment pagkakaayos ang patunay na
Ideya pagkakasunud- ng mga talata ng mga talata organisasyon organisado
sunod ng mga ang
subalit subalit ang ng mga ideya.
ideya; gumamit pagkakalaha
hindi mga ideya Napakagulo d ng
din ng mga
maayos ang ay hindi ng mga sanaysay.
transisyunal na
pagkakalahad ganap na ideya/kaisipan
pantulong tungo
nalilinang. .
sa kalinawan ng
mga ideya.

Kabuuan

10 NegOr_Q3_Filipino9_Module1_v2
Ang anekdota ay isang maikling pagsasalaysay na
hango sa tunay na buhay
ng isang tao at nagbibigay ng pagkakataon upang
lalo pang makilala ng mga
TAYAHIN mambabasa o tagapakinig ang totoong pagkatao o
ang personal na buhay ng
taong pinatutungkulan nito
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng
tamang sagot.

1. Binatay dito ang gintong aral na mapupulot sa akdang “Sampung Dalaga”


na binasa.
A. Koran C. Encyclopedia
B. Banal na Aklat D. Diksyonaryo

2. Ano ang gustong maikintal sa isipan ng mga mambabasa ng parabula kung


kaya ang mga tauhan ay walang tiyak na mga pangngalan?
A. pangyayari C. tagpuan
B. gintong aral D. diyalogo

3. Isang maikling pagsasalaysay na hango sa tunay na buhay ng isang tao


upang mas makilala ang ang taong pinagtutungkulan. Ang parabula ay kwentong
A. Elehiya C. Pabula hango sa Bibliya. Naglalaman
B. Parabula D. Anekdota ito ng mga talinghaga at
nagtuturo ng aral.
4. Ang paksa ng ganitong akda ay higit na personal sa pagpapahayag ng
damdamin kaysa sa ibang estilo ng panulaan.
Ang pabula ay isang uri ng
A. Elehiya C. Pabula kathang-isip na panitikan
B. Parabula D. Anekdota kung saan ang mga hayop o
kaya mga bagay na
5. Alin sa sumusunod ang tagpuan ng binasang parabula? walang-buhay ang
gumaganap na mga tauhan,
A. Israel sa unang siglo
katulad ng kuneho at leon.
B. Israel sa kasalukuyang panahon
C. Pilipinas bago dumating ang mga Espanyol Ang elehiya o dalitlumbay
D. D. Rehiyon ng Mediterranean, kalagitnaang siglo ay may dalawang katangian.
1. isang tula ng pananagis,
lalo na sa pag-aalala sa
6. Kailan ginaganap ang kasalan ng mga Hudyo? isang yumao
A. umaga C. tanghali 2.hmig nito ay matimpi at
B. hapon D. gabi mapagmuni-muni
-uri ng paksa ready no.4
7. Sino-sino ang nag-uusap at nagkakasundo bago ang pagtanggap ng dalaga
ang panunuyo ng mangingibig?
A. ama ng binata at ama ng dalaga
B. ina ng binata at ina ng dalaga
C. kapatid ng binata at kapatid ng dalaga
D. lolo ng binata at lolo ng dalaga

11 NegOr_Q3_Filipino9_Module1_v2
8. Ano ang inihanda ng binatang ikakasal na naging dahilan ng kanyang
paglayo?
A. ang magiging bahay
B. ang gusali para sa kanilang negosyo
C. ang simbahan na pagdaraosan ng kasal
D. Ang magiging bahay ng kanilang magulang

9. Sino ang susundo sa dalagang ikakasal upang ihatid sa lugar ng


pagdarausan ng kasal?
A. ang ama ng dalaga
B. ang ama ng binata
C. ang lalaking ikakasal
D. Ang lalaking abay

10. Ano ang dinala ng matatalinong dalaga na nagpapakita ng kahandaan sa


kasal?
A. Tubig B. pera C. langis D. ilawan

11. Ano ang kasukdulan o pinakamataas na pangayayari sa akda?


A. Nang sunduin ng binatang ikakasal ang kanyang nobya.
B. Nang magising ang sampung dalaga mula sa pagkakatulog habang
naghihintay.
C. Nang biglang dumating ang binatang ikakasal nang hindi handa ang
limang dalaga.
D. Nang magkasundo ang dalawang ama na ipakasal ang kani-kanilang
mga anak.

12. Sino sa mga tauhan ang kumakatawan sa ating Panginoon?


A. ang dalagang ikakasal
B. ang binatang ikakasal
C. ang ama ng binata o ama ng dalagang ikakasal
D. ang matatalinong dalaga

13. Batay sa nilalaman ng akda, ano ang nangyari sa mga tauhang hindi
nakapaghanda?
A. Sila ay pinarusahan at ikinulong.
B. Sila ay hindi nakapasok sa piging.
C. Sila ay binigyan ng isa pang pagkakataon.
D. Sila ay umuwi na lang sa kani-kanilang tahanan.

12 NegOr_Q3_Filipino9_Module1_v2
14. Anong kakanyahan o katangian ang lutang na lutang sa akda?
A. Ito’y isang akdang nagbabalita.
B. Ito’y isang akdang nangungumbinsi.
C. Ito’y isang akdang naglalarawan.
D. Ito’y isang akdang nagsasalaysay.

15. Paano isinulat ang mensahe ng parabula?


A. Patula B. Patalinghaga C. Pakanta D. Padula

KARAGDAGANG GAWAIN

Alamin natin ang naging kabisaan sa iyo ng mensahe ng parabula sa


pamamagitan ng pagdurugtog mo sa panimula ng mga pangungusap.

Matapos kong mabasa “Ang Parabula ng Sampung Dalaga” nalaman ko at tumimo


sa aking isipan na ____________________________________________________.

Naramdaman ko rin at nanahan sa aking puso ang


___________________________________________________________________.

Dahil dito, may mga nais akong baguhin sa aking ugali, mula ngayon gaya ng
___________________________________________________________________ .

13 NegOr_Q3_Filipino9_Module1_v2
NegOr_Q3_Filipino9_Module1_v2 14
Subukin
1. B 6. B 11. maganda
2. C 7. B 12. pinakamasarap
3. C 8. C 13. aalog-alog
4. D 9. B 14. lumuha
5. A 10. B 16. narinig
SUSI SA PAGWAWASTO
SUSI SA PAGWAWASTO
MGA SANGGUNIAN

Mga Aklat

• Marasigan, Emily V. et al. 2015. Pinagyamang Pluma 10. Quezon City: Phoenex
Publishing House, Inc.

• Dayag, Alma M. et al. 2015. Pinagyamang Pluma 9. Quezon City: Phoenex


Publishing House, Inc.

• Abad, Marieta A. et al. 2006. Filipino: Bilang Tanging Gamit sa Pagtuturo


(Binagong Edisyon). Mandaluyong City: National Bookstore Inc., Publisher

• Mayos, Norma S. et al., Ang Guro sa Bagong Milenyo: Mga Kagamitang Panturo
sa Filipino. Cabanatuan City: Jimcy Publishing House.

• Bacha, Romualdo Jr. J. et al. 2004. Panitikan para sa Pamantasan. Dumaguete


City: Silliman University Press.

Karagdagang Kagamitan

• DepEd, 2013. K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino (Baitang 1-10).


• DepEd, 2008. Panitikang Pilipino. Bureo of Alternative Learning System
• RBEC, 2007. Enhanced Instructional Management by Parents, Community
and Teachers. Seameo Innotech, Inc.
• Deped Memorandum Blg. 490 s. 2018.
• DepEd, 2007. Sanayang Aklat sa Filipino 9.

15 NegOr_Q3_Filipino9_Module1_v2

You might also like