You are on page 1of 23

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

Filipino 9
Ikatlong Markahan – Modyul 6:
Panitikan: Ang Pinagmulan ng
Tatlumpu’t Dalawang Kuwento
ng Trono (Alamat mula sa India)

MELC: Nabibigyang-kahulugan ang kilos, gawi at karakter ng


mga tauhan batay sa usapang napakinggan. (F9PN-IIIf-
53)
 Napatutunayan ang pagiging makatotohanan/di
makatotohanan ng akda. (F9PB-IIIf-53)
 Nagagamit ang mga pang-abay na pamanahon,
panlunan at pamaraan sa pagbuo ng alamat. (F9WG-
IIIf-55)

Inihanda nina:

GENEVIEVE G. MALAPIT CLARISSA MAE A. LOPEZ


Guro II Guro I
Ilocos Norte Agricultural College Dumalneg National High School
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Share-A-Resource-Program
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Alamat: Ang Pinagmulan ng Tatlumpu’t
Dalawang Kuwento ng Trono
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Genevieve G. Malapit
Clarissa Mae A. Lopez
Editor: Oscar R. Gamiao, Jr.
Tagasuri: Jon Jon D. Garcia
Editha R. Mabanag
Tagasuri sa Wika: Oscar R. Gamiao, Jr.
Tagapamahala: Joann A. Corpuz
Joye D. Madalipay
Santiago L. Baoec
Jenetrix T. Tumaneng
Editha R. Mabanag
Division Design & Layout Artist: Marvin M. Marugay

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Schools Division of Ilocos Norte


Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: ilocos.norte@deped.gov.ph
9

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 6:
Panitikan: Ang Pinagmulan ng
Tatlumpu’t Dalawang Kuwento
ng Trono (alamat mula sa India)
Paunang Salita
Ang Contextualized Learning Module o CLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo
ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat
aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa
guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang CLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang


guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng CLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila
sa paaralan.
Alamin

Mapagpalang araw mahal kong mag-aaral! Malayo- layo na ang ating


nalakbay sa Panitikang Asyano, kaya naman huwag mapapagod dahil magpapatuloy
ang ating paglalakbay sa bansang India. Inaasahan ko na muling mapupuno ang
iyong isipan at tinitiyak ko na magiging kasiya- siya ito para sa sa iyo. Kaya huwag
mababagot at maging matiyaga sa aralin na ito.
Ang Modyul 3.4 ay tatalakay sa alamat ng India na kabilang sa Timog Asya.
Sa alamat na ito matutunghayan ang makikipagsapalaran ng isang asawa para
mabuhay ang pamilya. Matutuklasan din dito ang pagiging mabuting pinuno.
Sa wika at gramatika naman, matututunan mo ang tungkol sa mga pang-
abay na ginagamit sa pagbuo ng alamat. Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang
matatamo mo ang mga sumusunod:

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)


1. Nabibigyang-kahulugan ang kilos, gawi at karakter ng mga tauhan batay sa
usapang napakinggan. (F9PN-IIIf-53)
2. Napatutunayan ang pagiging makatotohanan/ di makatotohanan ng akda.
(F9PB-IIIf-53)
3. Nagagamit ang mga pang-abay na pamanahon , panlunan at pamaraan sa pagbuo
ng alamat. (F9WG-IIIf-55)

1
Subukin

Bago tunghayan ang alamat mula sa India, magkakaroon muna tayo ng


paunang pagtataya. Sikapin mong sagutin ang mga kasunod na mga aralin para
mataya kung ano ang mga dapat mo pang malaman sa mga susunod na pag-aaral.

Gawain 1: PAUNANG PAGTATAYA


Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa iyong sagutang papel.
1. Saang bansa nagmula ang kuwentong “Ang Pinagmulan ng Tatlumpu’y Dalawang
Kuwento ng Trono?
A. Israel B. Korea C. Pilipinas D. India
2. Sino ang nakatulong sa Brahman upang malantad ang katotohanan sa
panlilinlang ng espiritu?
A. katiwala ng hari C. Rama Vikramaditya
B. Raha D. batang lalaki
3. Ito ang lugar kung saan naganap ang kuwento, na ngayo’y kilala na bilang
bansang India?
A. Vedic B. Sudra C. Bharat D. Varnas
4. Ano ang mas mahalaga para kay Mela?
A. pera B.asawa niya C. kapatid D. alahas
5. Ano naman ang mas mahalaga para kay binatang Brahman?
A. pera C. kapatid
B. pamilya D. lahat ng nabanggit
6. Ito ang pang-abay na nagsasaad ng panahon kung kailan ginawa ang kilos ng
pandiwa.
A. panlunan B.pamanahon C. pamaraan D. pang-agam
7. Ang tawag sa pang-abay na nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao.
A. panlunan B.benepaktibo C. pamaraan D. pang-agam

2
ALAMAT
Aralin
Panitikan: Ang Pinagmulan
3.4 ng Tatlumpu’t Dalawang
Kuwento

Balikan

Sa nakaraang modyul, nabatid mo ang katuturan ng maikling kuwento. Ang


akdang iyong nabasa ay kakikitaan ng mga tunggaliang lalo ang tunggaliang tao vs
tao at tao vs sarili na siyang nagpaganda sa kuwento. Nabatid mo din dito ang
wastong paggamit ng panandang diskurso. Ngayon, bilang pagbabalik-tanaw sa
kasanayan sa nakaraang modyul, inaasahang isasagawa mo ang gawain na may
kinalaman sa panandang pandiskurso. Handa ka na ba? Kung handa na, halika na’t
magsimula na.

Gawain 2
Panuto: Gamitin sa wastong pangungusap ang mga sumusunod na panandang
pandiskurso o hudyat ng pakasunod-sunod ng mga pangyayari.

1. kagaya ng
2. sa pamamagitan
3. pagkatapos
4. bilang paglalahat
5. tungkol sa

3
Tuklasin

Narito ang isang alamat mula sa India. Basahin at unawain mo ito nang mabuti
upang matuklasan ang mensaheng nais ipaunawa sa ating buhay.
Upang lubos mo pang maintindihan ang aralin, makatutulong sa iyo ang
pagsagot sa mga susunod na gawain. Alam kong kayang- kaya mo ito!

Ang Pinagmulan ng Tatlumpu’t Dalawang Kuwento ng Trono


(Simhasana Battisi)
(Isang Alamat mula sa India)

Noong unang panalhon, sa isang lugar na tinatawag na tinatawag na Bharat


na ngayo'y kilala bilang bansa ng India, may isang binata ang naninirahan kasama
ang kanyang matandang ina. Sila'y kabilang sa mataas na uring panlipunang
tinatawag na Brahman subalit silá nama'y napakadukha. Tanging maliit na dampa
lamang at kapirasong lupang tinatamnan nila ng gulay ang kanilang pag-aari. Dahil
sa kanilang kalagayan ay wala nang pag-asa ang binatang Brahman na makapag-
asawa dahil wala siláng salapi o ari-ariang maiaalay sa pamilya ng mapapangasawa.
"Dapat siguro'y manghiram o mangutang ka muna sa ating mga kamag-anak at
kaibigan," ang payo ng ina sa kanyang anak. "Noong kumikita ka pa'y napakarami
mo rin namang taong natulungan,'ang dugtong pa niya. Nahihiya man ay
nakumbinsi naman ng ina ang binatang Brahman na humingi ng tulong sa kanilang
mga kaibigan at kamag-anak. Gustong-gusto niya talagang makapag-asawa upang
may makasama silá ng kanyang matandang ina sa kanilang munting dampa.
Pagkalipas nga lang ng ilang linggo ay halos mapuno ang dalawang banga ng
ginto at salaping iniambag ng kanilang mga kaibigan at kamag-anak. At dahil dito,
sa wakas, nakapagpakasal ang binatang Brahman. Siya ngayo'y maymaganda at
mapagmahal na asawang nangngangalang Mela. Ang kanyang ina man ay
masayáng-masayá dahil may malakas at masipag na manugang na siyang
makatutulong sa mga gawaing mahirap na para sa isang matandang tulad niya
tulad ng pagkuha ng panggatong sa gubat at pagluluto ng pagkain ng pamilya.
Sa tuwing umaalis ang kanyang manugang para mangahoy ay laging
nagpapaalala sa kanya ang matandang babae. "Mag-iingat ka sa mga espiritu, anak.
Itali mong mabuti ang iyong buhok dahil iyan ang hahatakin ng espiritu upang
makuha ka,” ang lagi niyang paalala.
"Huwag po kayong mag-alala, Inang. Lagi ko pong itinatali ang aking buhok”,
ang sagot naman ni Mela sa kanyang biyenan. Maingat nga niyang itinatali ang
kanyang buhok sapagkat alam niyang sa dinadaanan niyang mga puno ay may
nakatirang shakchunni, isang espiritu ng maybahay na walang ibang hangad kundi
magpanggap bilang asawa. Ito ang nais ng mga espiritu, ang muling maging bahagi
ng isang pamilya at magpanggap bílang tao. Subalit hindi nila maiisahan si Mela

4
dahil hindi lang siya maganda, maayos din siya sa katawan at higit sa lahat ay
matalino.
Ang akala niya'y masisiyahan na ang kanyang asawa sa kung anong mayroon
silá subalit nagkamali siya. Ngayong ubos na ang salapi at ginto sa kanilang banga
ay gusto uli ng laláking umalis at makipagsapalaran upang magkaroon pa ng mas
maraming kayamanan. "Asawa ko, bakit kailangan mo pang umalis. Masaya ako
kahit mahirap ang ating búhay basta't magkakasama tayo," ang lumuluhang
pakiusap ni Mela sa asawa.
“Kailangan kong umalis, Mela. Tingnan mo nga ang búhay natin,
napakahirap. Gusto kong magkaroon ng malaking bahay at maraming salapi," ang
sabi ng lalaki. Hindi na nga napigil ni Mela ang kanyang asawang dali-daling umalis
para magtrabaho sa lungsod. Ang hindi alam ng mag-asawa ay isang espiritu pala
ang nakikinig sa punong pipal na nása tabi ng kanilang bahay. Naulinigan niya ang
usapan ng dalawa. Napangiti ang espiritu. "Sa wakas, magkakaroon na rin ako ng
pamilya," ang nakangising sabi nito sa sarili. “Sige, iwan mo ang asawa at ina mo,
para sa akin na sila."
Malungkot na malungkot si Mela at ang kanyang biyenan sa pag-alis ng
Brahman. Magkatabi silang lumuluha nang biglang may kumatok. Halos
mapalundag sa tuwa ang dalawang babae nang makita nilang bumalik agad ang
Brahman. “Hindi na ako tumuloy. Hindi ko pala kayo kayang iwan," ang masayang
sabi nito sabay yakap sa dalawang babaeng naiiyak sa tuwa dahil sa pagbabalik ng
inaakala nilang Brahman na walang iba kundi ang espiritu palá sa punong pipal.
Wala naman silang napansin kakatwa sa lalaking bumalik sa kanilang buhay kaya't
ang buong akala nila'y ang Brahman nga ito. Kasama nilang namuhay ang impostor
na Brahman sa loob ng isang taon.
Samantala, ang tunay na Brahman ay nagtrabaho sa lungsod. Naging labis
siyang abala sa kanyang mga gawain at sa layuning makapag-ipon ng pera tulad ng
pangako niya sa kanyang ina at asawa kaya't ni hindi siya nakadalaw o nakasulat
man lang. Subalit pagkaraan ng isang taon ay hindi na niya natiis ang pananabik
na makita ang ina at asawa kaya't nagpasya siyang bumalik na sa kanilang nayon.
Nagmamadali siyang umuwi sa dampa, puno ng pananabik. "Tiyak na magiging
napakasaya ni Inang at ni Mela kapag nakita nila akong muli at ipapakita sa kanila
ang aking mga pasalubong.”
Masayang masaya ang Brahman nang pumasok sa pinto ng dampa. Nabigla
siya nang datnang kumakain ng tanghalian ang kanyang ina at asawa kasama ang
lalaking kamukhang-kamukha niya. Biglang tumayo ang lalaki at itinulak ang
totoong Brahman palabas ng pinto. “Umalis ka rito! Ina, Mela, huwag ninyong
papasukin ang lalaking iyan. Siya’y isang espiritung nagpapanggap na ako,” ang sabi
nito habang itinutulak palayo ang bagong dating.
“Litong-Lito ang ina at si Mela sapagkat magkamukhang-magkamukha ang
dalawang Brahman. “Ina, Mela, ako to. Ako ang iyong anak, Ina! Mela, ako ang iyong
asawa. Huwag kayong maniwala sa espiritung iyan!” ang sigaw ng tunay na
Brahman subalit nakasara na ang kanilang pinto. Anumang pakiusap niya ay hindi
siya pinagbuksan ng ina at asawa.

5
Sa wakas, naipasya niyang humingi ng tulong sa rahang namumuno sa
bansa. Matiyagang nakinig ang raha sa kanyang istorya at pagkaraan ay nag- utos
iyon na paharapin sa kanya ang dalawang binata. Tinitigan niya ang una at
pagkatapos ay ang ikalawa. Magkamukhang-magkamukha sila. Tinanong niya sila
ng mga tanong na maaaring makapagpatunay kung sino ang tunay at kung sino ang
impostor ngunit pareho silang alam na alam ang mga tamang sagot kaya hindi rin
mapagpasyahan ng raha kung sino sa dalawa ang tunay na brahman.Araw-araw ay
pumupunta ang tunay na Brahman sa korte ng raha. Ngunit hindi niya makumbinsi
ang raha na isang nagpapanggap na espiritu ang dahilan ng pagkawala ng kanyang
mga mahal sa buhay.
Isang araw, habang malungkot siyang naglalakad pabalik mula sa korte ng
raha, nadaanan niya ang isang grupo ng mga batang lalaking naglalaro sa bukid
Isa sa mga batà ang patakbong lumapit sa binatang Brahman. “Bakit ka
malungkot?" tanong niya.
"Wala na ang aking ina at asawa. Naagaw sila ng isang impostor na espiritu,"
iyak ng Brahman."Hay napakalungkot ng búhay ko."
"Lumapit ka sa aming raha," sabi ng batà. "Lumapit ka at sabihin mo sa kanya
ang iyong mga problema at baka matulungan ka niya.”
“Pero kagagaling ko lang sa raha. Maging siya ay hindi naniniwalang ako ang
tunay na Brahman.”
“Hinding, hindi ang rahang iyon Lumapit ka sa aming raha,” himok ng bata.
“Sino ang iyong raha? Tiyak na walang ibang raha sa bayang ito.”
"Basta sumama ka at tingnan mo."Ang bata ay hindi na naghintay ng sagot.
Hinila niya ang kamay ng Brahman at dinala sa lugar na may iba pang mga batang
naglalaro. Isang batang mukhang matalino ang nakaupo sa kanilang gitna at
nakaharap sa isang bunton ng lupa.
Ang batang nagdala sa Brahman ay yumukod nang mababa at nagsalita:
"Inyong Kamahalan, ang laláking ito'y may mahiwagang pangyayaring sasabihin at
hihingi siya ng inyong payo."
"Sabihin mo ang iyong kuwento, lalaki, at makikinig kami," sabi ng batang
lalaking tinatawag na "Inyong Kamahalan" ng iba pang mga batà.
"Nagbibiro ba kayo? Ina at asawa ko ang nawala sa akin. Wala akong
panahong makipagbiruan," ang nayayamot na sabi ng Brahman.
"Hindi kami nagbibiro. Gusto ka talaga naming tulungan," sabi ng batang
nása tabi ng bunton ng lupa.
Ang boses niya'y tunay na nakikiramay. Ang mga bata ay hindi man lamang
tumatawa sa kanya. Kaya nakumbinsi ang kawawang Brahman na sabihin ang lahat
ng nangyari.
"Malulutas ko ang iyong problema," sabi ng batà pagkatapos marinig ang
kuwento ng Brahman, “pero may isang kondisyon."
"Ano iyon?"

6
"Ibibigay ko ang hatol bukas ng umaga, pero papuntahin mo rito ang raha at
ang kanyang mga ministro at lahat ng tao sa bayan."
"Pero... paano ko silá mapapapunta rito? Papupugutan ako ng ulo ng raha
kapag sinabi ko iyan sa kanya."
"Buweno, nása iyo na iyan," matatag na sabi ng batà.
Lalong nag-alala ang Brahman. Ngunit tila wala nang iba pang paraan. Kaya
tinapangan niya ang sarili at pumunta siyang muli sa raha para sabihin ang kanyang
kakatwang pakiusap. Sa halip na magalit, naging interesado ang raha at pumayag
na pumunta sa bukid at dalhin ang lahat ng kanyang mga ministro.
Kinaumagahan, ang raha, ang binatang Brahman, at ang lahat ng tao sa
nayon ay pumunta sa bukid. Mangyari pa, ang ina, asawa at maging ang espiritu ay
naroon din. Nakangisi ang espiritu dahil hindi siya naniniwalang magtatagumpay
ang batang lalaki kung saan maging ang makapangyarihang raha ay nabigo.
Yumukod ang batang lalaki sa raha at pumunta sa kanyang puwesto sa
bunton ng lupa.
"Pumarito ako ngayong umaga sapagkat ipinangako mong lulutasin ang
misteryong lumilito sa akin," matigas na sabi ng raha sa batà. "Pero tandaan mo-
kapag nabigo ka, parurusahan ka nang mabigat."
"Opo, Inyong Kamahalan," pormal na sagot ng batà. Pigil ng mga tao ang
kanilang paghinga. Isang batang laláki ang magbibigay ngkatarungan habang ang
pinakamakapangyarihang pinuno ng bansa ay nakatayo lámang at nanonood!
Ang batang laláki ay humingi muna ng isang boteng may mahaba at
makitid na leeg. Nang iyon ay mailagay na sa kanyang harapan ay nagsalita
siya: "Ito ang pagsubok na lulutas sa suliranin ng mga taong ito. Kung sino
sa inyong dalawa ang makapapasok sa loob ng boteng ito ay siyang tunay na
Brahman"
"At kung sinuman ang hindi makapapasok diyan ay mamamatay! ang
makapangyarihang sabi ng batà.
Teka, teka, ang naiiyak na tutol ng tunay na Brahman sa pagsubok na
sa tingin niya'y hindi makatarungan. Paano akó makapapasok diyan ay ang laki-laki
ko!" ang kanyang malakas na tutol.
"Kung gayon ay hindi ikaw ang tunay na Brahman. Ikaw, káya mo?" ang
tanong ng batà sa isa pang Brahman. "Oo naman, manood kayo" ang
masayáng-masayáng sabi ng espiritu. Agad siyang nag-anyong hangin at
isinilid ang sarili sa loob ng bote. Ito lang ang hinihintay ng batà. Nang
makapasok ang espiritu ay agad niyang tinakpan ang bote.
"Heto ang impostor na espiritu," ang sabi niya habang iniaabot sa tunay
na brahman ang bote. Nagawa niyang magpanggap dahil sinamantala
niya ang iyong paghahangad ng mas maraming yaman.
"Nagsisisi po akó," ang mahinang sabi ng tunay na Brahman. "Ang tunay ko
po paláng kayamanan ay ang aking minamahal na ina at asawa,"
ang dugtong pa habang mahigpit na niyayakap ang kanyang pamilya. Hindi

7
makapaniwala ang raha. "Saan galing ang iyong katalinuhan? Ni ang rahang tulad
ko'y hindi naisip ang ginawa mong paraan, ang sabi niya.
"Mga ordinaryong batà po kaming nagpapastol ng báka. Isang araw
habang nanginginain ang aming mga báka ay natagpuan namin ang bunton
ng lupang ito. Nagpapalitan kami sa pag-upo sa harap nito, Napansin po naming
ang sinumang maupo sa harap ng bunton na ito ay nagkakaroon ng
pambihirang katalinuhan. Sa araw na ito'y nagkataong ako ang nakaupo subalit
wala po akóng kapangyarihan. Ang lahat ay nagmumula sa bunton ng lupang ito,
ang paliwanag ng batà sa raha.
Ipinag-utos ng raha na hukayin ang bunton ng lupa. At sa ilalim ng lupa,
natagpuan nilang nakabaon ang isang magandang tronong tila plataporma.
Nababalutan iyon ng mga alahas at sinusuportahan ng magagandang inukit na mga
pigura ng tatlumpu't dalawang anghel.
Agad umakyat sa kinaroroonan ng trono ang raha upang maupo lnaakala niya
kasing sa pag-upo rito ay magiging matalino rin siya sa pagpapasiya at makilala ng
buong mundo ang kanyang katalinuhan ngunit bago pa siya makaupo ay may
narinig siyang tinig. Isa sa mga nililok na Pigura ang nagsalita: Hinto, sabi niyon.
"Ang tronong ito'y pag-aari ng dakilang Raha Vikramaditya. Bago ka maupo rito,
ipakita mo munang kapantay mo siya sa tapang at karunungan. Makinig ka at
sasabihin naming sa iyo kung gaano siya kadakila."
Pagkatapos, isa-isang nagkuwento ang tatlumpu't dalawang anghel
tungkol sa katalinuhan at kagitingan ni Raha Vikramaditya. At nang ang
hulíng istorya ay maikuwento, binuhat ng mga anghel ang trono, pataas
nang pataas sa kalawakan at lumipad silâng kasáma niyon sa malayo,
malayong-malayo. Naiwan ang raha na nag-iisip na hindi niya pa taglay
ang mga katangiang magbibigay sa kanya ng karangalang umupo sa trono.
Ang ilan sa mga katangiang ito ay kabutihan, lubos na katapatan, pagiging patas at
walang kinikilingan, at pagiging makatarungan.
Subalit bago tayo magwakas, makabubuting sabihin na ito ang pinagmulan
ng tatlumpu't dalawang kuwentong naging popular sa buong India. Kilalá ang mga
ito ngayon bilang Sinmhasana Battisi o "Ang Tatlumpu't Dalawang Kuwento ng
Trono."

-Muling Isinalaysay mula sa The Ghost-Brahman.www.gutenberg.org

8
Suriin

GAWAIN 3: MAKIKILALA MO KAYA?


PANUTO: Makikila mo kaya ang kahulugan ng mga kilos, gawi, at karakter ng mga
tauhan batay sa kanilang mga ginawa o sinabi? Isulat sa sagutang papel ang titik
ng tamang sagot.
1. “Asawa ko, bakit kailangan mo pang umalis, Masaya ako kahit mahirap ang ating
buhay basta’t magkakasama tayo.” Ipinapakilala nitong ang asawa ng Brahman
ay _______________________________.
A. matatakutin at nerbiyosa C. mapagmahal na asawa
B. selosa at walang tiwala D. selosa at nerbiyosa

2. “Kailangan kong umalis, Mela. Tingnan mo nga ang buhay natin napakahirap.
Gusto kong magkaroon ng malaking bahay at maraming salapi.” Ipinapakilala
nitong ang Brahman ay______________________________.
A. may mataas na ambisyon at labis na mapaghangad.
B. gustong makaranas ng naiibang buhay sa lungsod.
C. nagnanais makipagsapalaran at tuloy makaiwas sa mga gawain sa bukid.
D. sawa na sa kahirapan at gustong guminhawa nang lubusan.
3. “Hindi na ako tumuloy. Hindi ko pala kayo kayang iwan,” ang masayang sabi nito
sabay yakap sa dalawang babaeng naiiyak sa tuwa dahil sa pagbabalik ng
inaakala nilang Brahman. Ipinakikilala nitong ang espiritu
ay_______________________________.
A. mapanlinlang at mapagsamantala.
B. mapagpanggap pero mabait.
C. nananabik talaga sa pagmamahal ng isang pamilya.
D. mapagsamantala at walang takbo ng buhay.
4. “Hindi na po uli ito mangyayari. Ang tunay ko po pa lang kayamanan ay ang
aking minamahal na ina at asawa,” ang sabi ng Brahman habang mahigpit na
niyayakap ang kanyang asawa at ina. Ipinapakilala nitong ang Brahman
_______________________________.
A. natatakot sa naging pasya ng raha para sa kanya.
B. nagsisisi at natuto mula sa kanyang naging karanasan.
C. naghihirap ang kalooban dahil sa pangyayari.
D. ayaw niyang maranasan ang hirap ng buhay.
5. “Ang tronong ito’y pag-aari ng dakilang Raha Vikramaditya. Bago ka maupo rito,
ipakita mo munang kapantay mo siya sa tapang at dunong. Making ka at
sasabihin naming sa iyo kung gaano siya kadakila.” Ipinapakilala ng pahayag na
ito ang kanilang Raha Vikramaditya ay _______________________________.
A. isang tanyag at kilalang pinuno.
B. isang mahusay at iginagalang na pinuno.
C. isang mayaman at hindi malilimutang pinuno.
D. isang mayaman ngunit mapagsamantalang pinuno.

9
Pagyamanin

GAWAIN 4: SAGOT MO! PATUNAYAN MO!


Panuto: Tukuyin kung ang mga bahaging ito ay makatotohanan o di
makatotohanan kung ang pagbabatayan ay ang tunay na buhay at saka ipaliwanag
o patunayan kung bakit ito ang pinili mong sagot.
1. Gustong-gusto nang kanyang ina na magkaasawa na ang kanyang anak.
Tumatanda na kasi ang ina kaya’t ninanais niyang makapag-asawa ang anak
upang magkaroon siya ng katuwang sa buhay. Ang pangyayaring ito ay
makatotohanan o hindi makatotohanan dahil _________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Maingat ngang itinatali ng asawa ng Brahman ang kanyang buhok sapagkat alam
niyang sa dinadaanan niyang mga puno ay may nakatirang shakbunni, isang
espiritu ng maybahay na walang ibang hangad kundi magpanggap bilang asawa.
Ang pangyayaring ito ay makatotohanan o hindi makatotohanan dahil
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Isang espiritu ang nagbalatkayo para makatira sa maginhawang dampa, at
makaranas magkaroon ng ina at asawa dahil ayaw na niyang tumira sa itaas ng
punong kahoy at sawa na pagiging espiritu. Ang pangyayaring ito ay
makatotohanan o hindi makatotohanan dahil
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
4. Isang raha ang pinuntahan ng Brahman upang magpatulong sa kanyang mabigat
na suliranin. Ang pangyayaring ito ay makatotohanan o hindi makatotohanan
dahil _________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
5. Isang espiritung tuwang-tuwa sa nakikitang tagumpay ang agad na nag-anyong
hangin at isinilid ang sarili sa loob ng bote. Ang pangyayaring ito ay
makatotohanan o hindi makatotohanan dahil
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

10
Isaisip

URI NG PANG-ABAY

Ang pang-abay ay mga salitang nagbibigay-turing sa pandiwa.

1. Pang-abay na Pamanahon
Ang pang-abay na pamanahon ay nagbibigay turing sa kilos ng pandiwa. Ito ay
nagsasaad kung kailan ginawa, ginagawa, o gagawin ang kilos.
Mga Halimbawa: Bukas, Kanina, Gabi-gabi
2. Pang-abay na Pamaraan
Ang pang-abay na pamaraan ay nagsasaad kung paano isinagawa ang kilos ng
pandiwa sa pangungusap.
Mga Halimbawa: Hinay-hinay, Malakas, Mabilisan
3. Pang-abay na Panlunan
Ang Pang-abay na Panlunan ay nagsasaad ay tumutukoy sa pook kung saan
naganap ang kilos o pangyayari.
Halimbawa: Umalis papuntang parke ang mga bata.
4. Pang-abay na Pang-agam
Ang pang-abay na pang-agam ay nagsasaad ng hindi lubusang katiyakan tungkol
sa isang bagay o kilos.
Mga Halimbawa: Marahil, Tila, Baka
5. Pang-abay na Panang-ayon
Ang pang-abay na panang-ayon ay nagpapakita ng pagsang-ayon sa isang bagay
o pangyayari.
Mga Halimbawa: Totoo, Syempre, Tunay
6. Pang-abay na Pananggi
Ang pang-abay na pananggi ay nagsasaad ng pag tutol sa kilos na ginawa,
ginagawa, o gagawin pa lamang.
Halimbawa: Hindi ako sang-ayon na lumabas kayo mamayang gabi.
7. Pang-abay na Pamitagan
Isa sa mga uri ng pang-abay na kadalasan makikita sa mga pangungusap ay ang
pang-abay na pamitagan. Ito ay nagpapakita ng paggalang.
Halimbawa: Saan po ba ang punta ninyo mamayang gabi?
8. Pang-abay na Pampanukat
Ang pang-abay na pampanukat ay nagbibigay turing sa sukat, bigat, o timbang
ng isang tao o bagay.
Halimbawa: Limampu’t pitong kilometro ang layo ng bahay nina Geoffrey at
ng pamilya niya sa bahay ni Tiya Mirasol.

11
9. Pang-abay na Panulad
Isa pang uri ng pang-abay ay ang pang-abay na panulad. Ito ay nagsasaad ng
pagkakatulad o paghahambing ng dalawang tao, bagay, pook, o pangyayari.
Mga Halimbawa: Higit, Mas, Magkasing
10. Pang-abay na Ingklitik
Kataga sa Filipino na karaniwang nakikita pagkatapos ng unang salita sa
pangungusap. Ito ay ang man, kasi, sana, nang, kaya, yata, tuloy, lamang/lang,
din/rin, ba, pa, muna, pala, na, naman,at daw/raw.
Halimbawa: Ito na raw ang pinakamalaking pagdiriwang sa buong mundo.
11. BENEPEKTIBO
Ang tawag sa pang-abay na nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao. Ito ay
karaniwang binubuo ng pariralang pinangungunahan ng para sa.
Halimbawa: Ang anim na milyong dolyar na nakolekta araw-araw ay
ginagamit para sa mga pangangailangan ng templo.
12. KAWSATIBO
Ito naman ang tawag sa pang-abay na nagsasaad ng dahilan ng pagganap sa
kilos ng pandiwa. Ito ay makikilala sa parirala o sugnay na pinangungunahan
ng dahil sa.
Halimbawa: Dahil sa Indian Railways ay nabigyang-hanapbuhay ang
maraming tao sa India.
13. KONDISYONAL
Pang-abay na nagsasaad ng kondisyonal para maganap ang kilos na isinasaad
ng pandiwa. Ito ay may mga sugnay o pariralang pinangungunahan ng kung,
kapag o pag, at pagka.
Halimbawa: Magiging maunlad ang isang bayan kung susuporta ang mga
taumbayan.
14. PANGGAANO
Ang pang-abay na ito ay nagsasaad ng sukat o timbang.
Halimbawa: Nanatili nang limanlibong taon ang yoga sa India.

12
Isagawa

Gawain 1- Madali lang Yan!


Panuto: Basahin at suriin ang mga pangungusap. Tukuyin at bilugan ang mga
pang-abay na ginamit sa bawat bilang.
1. Sa India nagsimula ang larong chess.
2. Naimbento ito noong bago pa mag-iikaanim na siglo.
3. Masayang nilalaro ang mga tao ang larong ito.
4. Hindi ako marunong maglaro nito.
5. Madali raw matutunan ang laro.
6. Matututo ka kung maglalaan ka ng oras.
7. Tumagal nang dalawang oras ang pagtuturo niya sa akin.
8. Totoong maganda ang larong ito.
9. Marahil matatalo mo na ako ngayon.
10. Kapag masigasig matuto ay magaling ka talaga.

Gawain 2: Subukin Pa!


Panuto: Muling isulat ang mga pang-abay na binilugan sa unang hanay. Sa kabilang
hanay naman ay isulat ang uri nito.

PANG-ABAY Uri ng Pang-abay

1.
2.
3.
4.
5.
6.

7
8.
9.
10.

13
Gawain 3: SIGE, PA-CHECK NGA!
Panuto: Gamitin ang mga suusunod na pang-abay sa pagsulat ng pangungusap na
tungkol sa pagiging mabuting pinuno o pagpili ng mabuting pinuno. Tukuyin at
isulat sa unang patlang ang uri ng pang-abay na ginamit.

Pang-abay Uri ng Pang-abay

1. pumili nang mahusay


Pangungusap:

2. huwag ipagbili

Pangungusap:

3. sa balota

Pangungusap:

4. kung makikiisa

Pangungusap:

5. sa susunod na eleksiyon

Pangungusap:

14
Tayahin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa hiwalay
na papel.
1. Bakit kinakailangang umalis ng binatang Brahman sa kanilang bayan?
Makatwiran ba ang kaniyang pag-alis?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Kung ikaw ang binata, mangingibang-bayan ka rin ba para sa kaparehong
dahilan? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Ano ang nagging pagkukulang ng tunay na Brahman kaya’t hindi man lang
nagduda ang kanyang ina at kaniyang asawa na hindi ang tunay Brahman ang
kasa-kasama nila sa bahay?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
4. Bakit maging ang raha ay hindi rin makapagdesisyon kung sino ang kikilalaning
tunay na binatang Brahman?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
5. Ano ang napatunayan ng Brahman nang dahil sa muntik nang pagkawala ng
kanyang mga mahal sa buhay?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

15
Karagdagang Gawain

Maraming kabataan ang hindi na gaanong nagbabasa ng katutubong panitikan


tulad ng mga alamat. Ikaw ngayon ay isang manunulat na maglalapit at
magpapakita sa kabataan ang kagandahan n gating mga alamat upang makumbinsi
silang tangkilikin at basahin ang mga ito. Bubuo ka ng orihinal mong alamat
tungkol sa isang karaniwang bagay na mkikita sa iyong kapaligiran. Gumamit ka
nang hindi bababa sa limang iba’t ibang uri ng pang-abaylalo na ang pamaraan,
pamanahon, at panlunan sa susulatin mong alamat. Bumuo ka muna ng balangkas
o banghay ng alamat para mapag-isipan mong mabuti kung paano ito sisimulan,
pasisidhin, at wawakasan bago mo ito sulatin. Ito ay dapat makasunod sa
pamantayang nasa ibaba.

Binigyang- Napakahusay 4 3 2 1 Nangangailangan pa


pansin ng Pagsasanay
Pamagat Nakakapukaw ng Pangkaraniwan
interes, may lamang at hindi
orihinalidad, at nakakapukaw ng
kakintalan interes
Paksa at Tema Makabuluhan at Ordinaryo lamang
maiuugnay sa ang paksa
maraming
pagpapahalaga
Banghay o Maayos at Magulo at nakakalito
Balangkas sistematiko ang ang mga pangyayari
pagkakabalangkas
ng mga pangyayari
Simula at Ang simula ay Hindi nakakapukaw
Wakas kawili-wili at ng interes ang simula
kaakit-akit basahin at hindi malinaw ang
at ang wakas ay wakas
naikikintal o nag-
iiwan ng marka sa
isipan ng
mambabasa
Tunggalian Nakapupukaw ng Walang dating sa
kamalayan at mambabasa
damdamin ng
mambabasa
Paggamit ng Nakagamit ng Kulang ang nagamit
Pang-abay limam o higit pang na pang-abay
uri ng pang-abay
lalo na ang
pamaraan,
pamanahon, at
panlunan
KABUOANG PUNTOS KABUOANG PUNTOS

16
17
Panimulang SURIIN ISAISIP
Pagtataya GAWAIN 3
GAWAIN 1 1. C Gawain 1
1. D 2. A 1. panlunan
2. D 3. A 2.pamanahon
3. C 4. B 3.pamaraan
4. B 5. B 4. pananggi
5. A 5. ingklitik
6. B PAGYAMANIN 6.kondisyonal
7. B GAWAIN 4 7. panggaano
1. Makatotohanan 8. panang-ayon
BALIKAN 2. Hindi 9. pang-agam
Gawain 2 Makatotohanan 10. kondisyonal
(magkakaiba ang sagot) 3. Hindi Gawain 2
Makatotohanan Iba-iba ang sagot
4. Makatotohanan Gawain 3
5. Hindi Iba-iba ang sagot
Makatotohanan
(Ang paliwanag
ng mag-aaral ay
magkakaiba)
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Baisa-Julian A., Del Rosario M.G, Dayag, Alma M Pinagyamang Pluma Aklat 1.
Phoenix Publishing House, Inc.

Department of Education, 2016 K to 12 Filipino 2016 Curriculum Guide

https://noypi.com.ph/pang-abay/

18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Ilocos Norte – Curriculum Implementation Division


Learning Resource Management Section (SDOIN-CID LRMS)

Office Address : Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax : (077) 771-0960
Telephone No. : (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address : sdoin.lrmds@deped.gov.ph
Feedback link : https://bit.ly/sdoin-clm-feedbacksystem

You might also like