You are on page 1of 16

6

FILIPINO
Unang Markahan – Modyul 3
Pagbibigay Kahulugan sa Pamamagitan
ng Gamit sa Pangungusap ng Salitang
Napakinggan: Salitang Hiram /
Pamilyar at ‘Di pamilyar

iii
Filipino – Ika-anim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Pagbibigay Kahulugan sa Pamamagitan ng Gamit sa
Pangungusap ng Salitang Napakinggan:
Salitang Hiram / Pamilyar at ‘Di pamilyar
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Dominic G.Samonte
Editor: Quennie P. Arenaza
Tagasuri: Estrella B. Icalina
Tagaguhit: Leo Bill Y. Paglinawan
Tagalapat: Dominic G. Samonte
Tagapamahala: Arden D. Monisit
Nonle Q. Resoor
Susan T, Balbuena
Romel Victor A. Villahermosa

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Region VII, Central Visayas
Office Address: Guihulngan City Division, Osmeña Avenue, Poblacion,
Guihulngan City, Negros Oriental, Philippines 6214
Telefax: (035) 410 – 4069 / (035) 410 – 4066
E-mail Address: guihulngan.ciy@deped.gov.ph

iii
6
Filipino
Unang Markahan – Modyul 3:
Pagbibigay Kahulugan sa Pamamagitan ng
Gamit sa Pangungusap ng Salitang
Napakinggan: Salitang Hiram /
Pamilyar at ‘Di pamilyar

iii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 6 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul para sa pagbibigay kahulugan sa pamamagitan ng gamit sa
pangungusap ang salitang napakinggan:
1. hiram/pamilyar at ‘di kilalang salita
2. pahayag ng tauhan
3. sawikain
4. tambalang salita
5. matalinghagang salita
6. pananalita ng tauhan sa napakinggang usapan
7. idiyoma
8. Kilos ng mga tauhan sa napakinggang kuwento
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Mahalaga ang leksiyon na ito dahil ito ay maghahatid ng malinaw na
mensahe at mag-lalahad ng impormasyon. Sinasagot nito ang tanong na
paano ginagamit, ano ang ibig ipakahulugan at gamit ng mga salita sa
pangungusap.

ii.
PARA SA MAG-AARAL
Malugod na pagtanggap Filipino 6 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa pagbibigay kahulugan sa pamamagitan ng gamit sa pangungusap
ang salitang napakinggan: hiram/pamilyar at ‘di kilalang salita, pahayag ng tauhan,
sawikain, tambalang salita, matalinghagang salita, pananalita ng tauhan sa
napakinggang usapan, idiyoma, Kilos ng mga tauhan sa napakinggang kuwento.

Magandang araw sa iyo! Sana’y maayos ang pakiramdam nyo ngayon at


handa mong kilalanin ang mga salitang hiram/pamilyar at ‘di kilalang salita, pahayag
ng tauhan, sawikain, tambalang salita, matalinghagang salita, pananalita ng tauhan
sa napakinggang usapan, idiyoma, Kilos ng mga tauhan sa napakinggang kuwento.
Maging masigla at inspirado sa leksyon na ating tatalakayin. Maging alerto sa
pakikinig at lumahok sa mga gawain. Sige, simulan na natin!

PARA SA MAGTUTURO
Mahalaga ang leksiyon na ito dahil ito ay maghahatid ng malinaw na
mensahe at mag-lalahad ng impormasyon. Sinasagot nito ang tanong na Sinasagot
nito ang tanong na paano ginagamit, ano ang ibig ipakahulugan at gamit ng mga
salita sa pangungusap.

iii
ALAMIN NATIN!

Sa modyul na ito ay matutunan mo ang wastong gamit ng hiram/pamilyar at


‘di kilalang salita, pahayag ng tauhan, sawikain, tambalang salita, matalinghagang
salita, pananalita ng tauhan sa napakinggang usapan, idiyoma, Kilos ng mga tauhan
sa napakinggang kuwento sa tulong ng nakalarawang balangkas o sa pamamagitan
ng pamatnubay na tanong gamit ang sariling salita.

SUBUKIN NATIN!
Basahin mabuti ang bawat aytem at isulat sa inyong kwaderno ang inyong
sagot: Itambal ang mga salita na may salunguhit sa hanay A sa hanay B ayon sa
pagkakagamit sa pangungusap.

A B
1. Naghimutok ang mga bata nang hindi mapagbigyan a. pagtatalo
ang kanilang kagustuhan
2, Ang kanyang kaayang-ayang mukha ay nagbibigay-saya
sa mga taong kanyang nakasasalubong b. proporsiyon
3. Kailangang matutuhan ng bawat isa ang balanseng pagkain
upang mapanatiling malusog ang katawan. c. nagtampo
4. Ang mga mag-aaral ay masayang nagbunyi dahil sa
tagumpay na nakamit. d. maganda
5. Ang pagdedebate ng magkakaibigan ay nagbunga ng
kaguluhan sa kanilang grupo. e. Nagdiwang

1
BALIKAN NATIN!

Pakinggan mo nang maayos ang seleksiyong babasahin sa inyo ng tagapagdaloy at


sagutin ang sumusunod na mga tanong:

Alam Mo Ba?
Nang mamatay si Moses, ang bayan ng Israel ay pinamumunuan ng mga
hukom. Ang mga hukom ay iba sa mga hari sapagkat ang kanilang posisyon ay hindi
namamana, bagkus ay pinipili ng Panginoon sa pamamagitan ng mga propeta. Ang
mga hukom ay may kapangyarihang magpasiya tungkol sa mga alitan, mamuno sa
digmaan at maging propeta o tagapagsalita ng Panginoon. Ilan sa mga naging
hukom noon ay sina
 Joshua – ang humalili kay Moses nang siya ay mamatay. Siya ang namuno
sa pananakop ng lungsod ng Jericho sa pamamagitan lamang ng panalangin,
pagpupuri, at pagtatambuli.
 Deborah – tinaguriang “Ina ng Israel” Naghukom siya sa ilalim ng puno ng
palma. Sa kanyang pamumuno napuksa nila ang pananakop ni Haring Jabin
ng Canaan sa Israel.
 Samson – tinaguriang pinakamalakas na taong nabuhay. Nadaig niya ang
leon gamit lamang ang kanyang mga kamay. Marami rin siyang napatay na
Filisteo na nanggugulo sa bayan ng Israel. Ang kanyang lakas ay nananatili
hangga’t hindi ginugupit ang kanyang buhok na tanda ng kanyang tipan sa
Panginoon. Naakit siya at nalinlang ni Delilah kaya siya nahuli ng mga
Filisteo, ngunit pinuksa niya sila sa pamamagitan ng pagtulak ng dalawang
haligi na nagpaguho sa gusali.
 Samuel – ang huling hukom ng Israel. Siya rin ay propeta ng Panginoon at
humirang kay Saul bilang unang hari ng Israel. Nang maging suwail sa
kalooban ng Panginoon si Saul, hinirang niya si David bilang bagong hari
---------Mga Hukom (Judges)

2
1. Anu-anong mga hiram na salita sa inyong napakinggang seleksiyon sa itaas?
2. Isulat sa iyong kwaderno ang mga hiram na salita sa seleksiyon.
3. Paano pinipili ang susunod na hukom?
4. Sino ang pinakamalakas na tao na nabuhay?
5. Sino ang tinaguriang “Ina ng Israel”?

TUKLASIN NATIN!

Ang hiram na salita ay kinuha mula sa katutubong salita ng ibang bansa.


Karamihan ng hiram na salita ay may katumbas na salita sa Ingles o Kastila.
 cake – keyk
 computer – kompyuter
 jeep – dyip
Ang mga salitang banyaga o salitang hiram ay mga salitang walang katumbas
na salita sa Filipino kaya hiniram na lang ang pagbigkas at pagbaybay. Salitang
hiram ang tawag sa mga salitang galing sa ibang wika. Maaring ang mga ito ay may
taglay na mga hiram na titik gaya ng C, F, J, Q, V, X, Z.
Ang pamilyar at di pamilyar na salita ay mabibigyang kahulugan sa
pamamagitan ng paglalarawan nito sa pangungusap.
Halimbawa: Mukhang masama ang loob ni sitaw dahil sa panlalait sa kanyang
itsura. Ang may salunguhit na salita ay panlalait at ang naglalarawan sa panlalait ay
itsura.

3
Makinig nang mabuti habang babasahin ng tagapagdaloy ang seleksiyon sa
ibaba.
Ang Dyipning Pinoy

Bunga ng malikhaing-isip ng Pilipino ang dyipning Pinoy. Sa Pilipinas lamang


matatagpuan ang isang uri ng sasakyang pambansa tulad ng dyipning pinoy. Bahagi
na ito ng pang araw-araw na buhay ng bawat Pilipino. Sa buong kaanyuan ng
dyipning Pinoy ay mababakas ang Kalinangang Pilipino. Halos mapuno ang harapan
nito ng ibat ibang uri ng dekorasyon gaya ng salamin, makikintab na laruang kabayo,
at mga banderitas. Kung minsan ay may mga kurtina pa ito.
Mababasa rin sa loob ng dyip ang ibat ibang kasabihang Pilipino o dili kaya’y
mga pamagat ng awitin, kung minsan naman ay larawan ng magagandang tanawin
ng ating bayan.
Nang matapos ang ikalawang Digmaang Pandaigdig , maraming iniwang
mga dyip ang mga sundalong Amerikano. Mula sa mga ito at iba pang mga
patapong bagay, ang mga Pilipino ay nakalikha ng kung ano anong bagay. Sa
gayong paraan nalikha ang dyipning Pinoy.
Sa kasaysayan ng dyipning Pinoy, tiyak na kasama ang ngalan ni Leonardo
Sarao. Siya ay kinikilalang hari ng mga Dyipning pampasahero sa Pilipinas.
Nagsimula siya bilang kutsero, naging mekaniko hanggang sa matayo niya ang
Sarao Motors noong 1953.

SURIIN NATIN!

Batay sa napakinggan mong seleksiyon, sikapin mong masagot


ang mga sumusunod na mga katanungan:
1. Anong sasakyan ang nilikha ng mga Pilipino?
2. Sino ang kinikilalang hari ng mga dyipning pampasahero sa Pilipinas?
3. Ano-anong mga bagay ang makikita sa loob ng dyip?
4. Paano nakalikha ng dyip ang mga Pinoy?
5. Ano-anong mga salita sa kwento na gingamit ng mga Pilipino na hindi nababago
ang bigkas?
4
Basahin ang mga halimbawa ng salitang hiram at pagkatapos ay gamitin
ang bawat isa sa pangungusap.
Ospital dyip wheelchair
seleksyon awditoryum plasa
kotse tsuper token keyk

PAGYAMANIN NATIN!

Ilabas ang iyong kwaderno at gawin mo ang sumusunod. Pillin sa kahon ang
kahulugan ng mga salitang may salungguhit ayon sa gamit sa pangungusap.
1.Si Gng. Monica ay may mataas na posisyon sa paaralan.
2.Mababa ang ekonomiya ng ating bansa.
3.Ang shampoo sa buhok ni Belen ay mabango.
4.Sinundo ni Susan ang kanyang ama sa terminal.
5.Kami ay nagkaroon ng kompetisyon sa awiting Pilipino.

katungkulan paligsahan kemikal para sa buhok


paradahan ng mga sasakyang pampasahero kabuhayan

Tingnan mo sa “Gabay sa Pagwawasto” ang tamang mga sagot. Iwasto ang


iyong mga hindi tamang sagot at ilagay sa bandang itaas ng iyong papel ang iyong
iskor.

5
ISAISIP NATIN!

Ano ang mga salitang hiram?


Ano ang mga letra na kadalasang makikita sa mga hiram na salita?
Paano mabibigyang kahulugan ang di pamilyar at pamilyar na salita?

ISAGAWA NATIN!
1. Gamitin sa pangungusap ang mga salitang hiram.

aktibo dyip
doctor terminal
chess losyon
2. Gumuhit ng tatlong mga larawan ng mga salitang hiram.

TAYAHIN NATIN!
1. Sumulat ng maikling talata gamit ang mga salitang hiram na iyong natutuhan.

2. Gumawa ng banderitas na may nakasulat na salitang hiram.

6
KARAGDAGANG GAWAIN!

I. Natutukoy ang magkasingkahulugan


Pagtapatin ang salitang nakasulat nang madiin sa Hanay A sa
kasingkahulugan nito sa Hanay B. Isulat sa inyong kwaderno ang titik.

A B

1. madilim na yungib a. nagtatago


2. nagkukubli sa yungib b. kuweba
3. kalunos-lunos na kalagayan c. testigo
4. saksi sa pagkakaibigan d. pagkawala ng sigla
5. ginagambala sa panaginip e. lubhang kaawa-awa
6. araw-araw na pananamlay f. iniistorbo
7. pagkabalisa pagkagising g. bigyang – babala
8. tinudla ng pana h. pamilya
9. malaking angkan i. pag-aalala
10. balaan agad j. hinagisan

7
SUSI SA PAGWASTO

Subukin Natin:
1. C
2. D
3. B
4. E
5. A

Balikan Natin:
1. posisyon, propeta, Joshua, Jericho, Jabin, Canaan, leon, Filisteo
2. posisyon, propeta, Joshua, Jericho, Jabin, Canaan, leon, Filisteo
3. Ito ay pinipili ng Panginoon sa pamamagitan ng mga propeta.
4. Samson
5. Deborah

Suriin Natin:

1. dyip
2. Leonardo Sarao
3. ibat ibang uri ng dekorasyon gaya ng salamin, makikintab na laruang kabayo, at mga
banderitas.
4. Bunga ng malikhaing-isip ng Pilipino ang dyipning Pinoy.
5. dyip, Sarao Motors
6-15 Ang mga sagot ay magkakaiba-iba, ang guro angmagwawasto.

8
Pagyamanin Natin:
1. katungkulan
2. kabuhayan
3. kemikal para sa buhok
4. paradahan ng mga sasakyang pampasahero
5. paligsahan

Isaisip Natin:
1-3. Ang mga sagot ay magkakaiba-iba, ang guro ang magwawasto.

Isagawa Natin:
1. Ang mga sagot ay magkakaiba-iba, ang guro ang magwawasto.
2. Ang mga sagot ay magkakaiba-iba, ang guro ang magwawasto.

Tayahin Natin:
1. Ang mga sagot ay magkakaiba-iba, ang guro ang magwawasto.
2. Ang mga sagot ay magkakaiba-iba, ang guro ang magwawasto.

Karagdagang Gawain:

1. B
2. A
3. E
4. C
5. F
6. D
7. I
8. J
9. H
10. G

9
SANGGUNIAN:
https://www.wikepedia.com/salitang hiram
Pluma 6 pahina 4-5
Hiyas sa Pagbasa pahina 53-56

10
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education – Region VII, Central Visayas
Office Address: Guihulngan City Division, Osmeña Avenue, Poblacion,
Guihulngan City, Negros Oriental, Philippines
6214
Telefax: (035) 410 – 4069 / (035) 410 – 4066
E-mail Address: guihulngan.ciy@deped.gov.ph

You might also like