You are on page 1of 21

NegOr_Q4_Filipino2_Modyul8_v2

Filipino 2
Ikaapat na Markahan –
Modyul 8
PAGTUKOY SA DIWA O
KAISIPAN NG TEKSTO

NegOr_Q4_Filipino2_Modyul8_v2
NegOr_Q4_Filipino2_Modyul8_v2

Filipino – Ikalawang Baitang


Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 8: Pagtukoy sa Diwa o Kaisipan ng Teksto!
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Sarah Jean C. Arcala, Jenny Lin O. Espraguera
Editor: Michelle B. Silot, Gene Mary F. Acabo
Tagasuri: Leizel N. Siao, Lourijean M. Misa, Zenaida S. Sienes EdD,
Eden T. Sienes, Aiko N. Quilario
Tagalapat: Edsel Mari A. Uy
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Renante A. Juanillo EdD
Joelyza M. Arcilla EdD Rosela R. Abiera
Marcelo K. Palispis JD, EdD Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay EdD Elmar L. Cabrera

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman
ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon
ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang
bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung
sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

i
ALAMIN

Mahilig ka ba magbasa ng mga kuwento?


Naiintindihan mo ba ang iyong binasang kuwento?
Paano mo ito ginawa?
Sa modyul na ito, matutulungan kang unawain
ang mga teksto at detalye ng kuwentong nabasa at
napakinggan upang madali mong matukoy ang diwa
at kaisipan nito.
Handa ka na ba? Halika! Aral tayo!

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


Naibibigay ang mga sumusuportang kaisipan sa
pangunahing kaisipan ng tekstong binasa (F2PB-IIIi-11,
F2PB-IVi-11)

1 NegOr_Q4_Filipino2_Modyul8_v2
MGA TIYAK NA LAYUNIN

nabasa at napakinggan;

2 NegOr_Q4_Filipino2_Modyul8_v2
SUBUKIN

A. Panuto: Basahin ang kuwento sa ibaba at sagutin ang


mga tanong na kasunod nito. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong kuwaderno.

Ang Nasirang Bulaklak ni Eray

Isang umaga, nagising si Eray na sirang-sira ang


kanyang mga pananim na bulaklak. Natumba ang mga
puno nito at halos wala ng dahon. Nalungkot si Eray sa
kanyang nakita. Inikot niya ang paligid ng bakuran.
Pinuntahan din niya ang likod bahay at kulungan ng mga
hayop. Nakita niya ang mga bakas ng mga paa ng
kambing sa buong paligid. Sa hindi kalayuan ay nakita
niya si Tabor, ang paboritong alagang kambing ni Eray.

1. Sino ang tauhan sa kuwento?


A. si Elisah B. si Eray C. ang bulaklak
2. Bakit nalungkot si Eray pagkagising niya sa umaga?
A. Dahil hindi maganda ang kanyang mga bulaklak
B. Dahil nakawala ang kanyang alagang kambing
C. Dahil natumba ang mga puno ng kanyang
bulaklak at wala ng dahon ang mga ito

3 NegOr_Q4_Filipino2_Modyul8_v2
3. Ano ang nakita ni Eray sa likod bahay?
A. bakas ng mga paa ng kambing
B. bakas ng mga paa ng manok
C. bakas ng mga paa ng aso

4. Sino ang nakasira ng mga pananim ni Eray?


A. Ang kanyang alagang manok
B. si Tabor
C. ang kanyang alagang aso

5. Tungkol saan ang kwento?


A. Ang alagang kambing ni Eray
B. Si Tabor at si Eray
C. Ang nasirang bulaklak ni Eray

4 NegOr_Q4_Filipino2_Modyul8_v2
TUKLASIN

Basahin ang kuwento sa ibaba at sagutin ang mga


sumusunod na tanong.

Si Titser Dara
Tunay na huwarang
kabataan kung maituturing si
Dara Mae Tuazon dahil sa
kanyang pagmamalasakit sa halaw mula sa: https://m.facebook.com/
mga batang lansangan sa BangketaEskwela/photos

Bustillos, Manila.

Nakilala siya bilang si “Titser Dara” sa kanilang lugar.


Kahitsiya ay nag-aaral pa sa Ikatlong taon ng kursong Early
Childhood Education sa Pamantasan ng Silangan (University
of the East) ay naglaan pa rin siya ng panahon para sa
pagtuturo sa mga batang lansangan.

Lagi niya umanong napapansin ang mga batang


lansangan sa likod ng kanilang eskwelahan na hindi
marunongmagbasa o sumulat. Kaya naisipan niyang turuan
ang mga ito.Masaya siya kapag nakita niya ang mga bata
na natututo sa kanyang itinuturo.
Ayon kay Jun-jun, malaking tulong si Titser Dara sa
katulad niyang batang lansangan na hindi marunong
magbasa at sumulat.

5 NegOr_Q4_Filipino2_Modyul8_v2
“Talagang mahusay magturo si Titser Dara sa amin.
Binibigyan din kami ng libreng papel at lapis,” wika ng bata.

Dahil sa kabutihan at pagmamalasakit ni Titser Dara sa


mga batang lansangan ay minahal siya ng mga batang
kanyang tinuturuan. Ginawaran siya ng gantimpala bilang isang
TOP (The One Philippines) Humanitarian Awardee noong taong
2018.

Sagutin ang mga tanong tungkol sa teksto:

1. Ano ang pamagat ng kuwento?


2. Sino-sino ang tinuturuan ni Titser Dara?
3. Ano-ano ang magagandang katangian niya?
4. Sa inyong nabasang kuwento, ano ang diwa o kaisipan
naipinaparating nito?
5. Anu-ano ang mga mahahalagang detalye o kaisipan
angsumusuporta sa pangunahing diwa o kaisipan nito?

6 NegOr_Q4_Filipino2_Modyul8_v2
SURIIN

Mula sa iyong nabasang kuwento, ang diwa o kaisipan


naipinaparating nito ay:
Ang kuwento ay tungkol sa pagiging
huwarangkabataan na si Titser Dara.

Sa pagbibigay ng mga mahahalagang detalye ng


sumusuporta sa pangunahing diwa o kaisipan, gagawa ka
munang balangkas:
Halimbawa:
I. Pagiging Huwarang Kabataan
ni Titser Dara

A.

B.

C.

D.

7 NegOr_Q4_Filipino2_Modyul8_v2
Pag-aralan itong mabuti.

I.
ni Titser Dara Diwa o
Kaisipan

mga batang lansangan

B. Naglaan ng panahon sa pagtuturo

sa mga bata

8 NegOr_Q4_Filipino2_Modyul8_v2
PAGYAMANIN

Panuto: Basahin at unawain. Gamit ang graphic organizer,


ibigay ang mga sumusuporta sa diwa o kaisipan ng
talata. Isulat ito sa mga dahon ng bulaklak. Gawin ito
sa iyong kuwaderno.

“Wastong Paggamit ng Likas na Katangian”

Magalang ang mga Pilipino. Ito’y likas na katangian


ng lahi. Ipinagmamalaki at hinahangaan ang pagiging
magalang ng mga Pilipino sa iba’t ibang paraan.
Sa ating pagsasalita, gumagamit tayo ng magagalang
na salita tulad ng po, opo, ho at oho.
Isa ring kaugalian at tanda ng paggalang ang pagbati
ng “Magandang umaga po” o “Magandang gabi po” sa
tuwing makakasalubong ang isang nakatatandangkakilala
o taong nakatataas.
Ang mga nakababatang kasapi ng mag-anak ay
nagmamano sa matatanda.
Ang likas na katangiang ito ay makabubuti kung
nagagamit natin sa wastong paraan. Nakatutulong ito sa
pagkakaroon ng pagkakaisa at kaunlaran sa bansa.

9 NegOr_Q4_Filipino2_Modyul8_v2
Magalang ang mga
Pilipino

10 NegOr_Q4_Filipino2_Modyul8_v2
ISAISIP
✓ Ang talata ay binubuo ng
pangunahing diwa o kaisipan at
sumusuportang detalye.
✓ Ang pangunahing diwa o kaisipan
ay ang sentro o pangunahing
tema sa talata. Ito ay kadalasan
na makikita sa unang
pangungusap o huling
pangungusap.
✓ Ang mga sumusuportang detalye
ay mga mahahalagang kaisipan
o mga susing pangungusap na
may kaugnayan sa pangunahing
diwa o kaisipan.
✓ Unawaing mabuti ang isang
teksto upang maibigay ang
kaisipan o diwa nito.

11 NegOr_Q4_Filipino2_Modyul8_v2
ISAGAWA

Panuto: Basahin ang maikling talata. Gamit ang graphic


organizer, tukuyin ang pangunahing diwa at ibigay
ang sumusuportang diwa o kaisipan nito.

Si Maya ay may bisikleta. Ang


bisikleta ay kulay dilaw. Dalawa
ang gulong nito. Mahilig
magbisikleta si Maya tuwing hapon.
Ito ang gamit niya papunta sa
palaruan. May mga kalaro siya sa halaw mula sa:
https://m.facebook.com/
palaruan. May mga bisikleta rin sila. BangketaEskwela/photos

halaw mula sa:


https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector

12 NegOr_Q4_Filipino2_Modyul8_v2
TAYAHIN

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na talata. Ibigay ang


diwa o kaisipan na nararapat sa bawat bilang. Piliin
at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Si Jade Planas ay anak ng mag-asawang Ilokano na sina


Darlin at Aldrin na nakatira ngayon sa Plaridel, Bulacan.
Palagi siyang naglalakad sa pagpasok sa paaralan.
Nagtitipid ng baon para makabili ng mahalagang gamit
pampaaralan. Dumaan siya sa plasa at laging
tinitingnan ang kanyang pinag-iipunan.

A. Si Jade Planas ay anak ng isang Ilokano.


B. Ang nakaugaliang gawin ni Jade Planas.
C. Matipid na bata si Jade Planas.

2. Laging malinis at plantsado ang unipormeng suot niya.


Inihatid siya ng kaniyang tatay sa eskuwelahan. Lagi
rin siyang may baon na masustansyang pagkain. Dahil
sa nakikita niyang malasakit ng magulang niya, lalo
siyang nagsikap sa pag-aaral at nanguna sa klase.

A. Mahal ng magulang ang anak nila.


B. Nag-aaral nang mabuti ang batang minamahal.
C.Nag-aaral nang mabuti kahit walang nag-aalaga.

13 NegOr_Q4_Filipino2_Modyul8_v2
3. Ang tao ay natatanging nilalang ng Diyos. Kung ihahambing
nga naman sa iba pang nilikha sa daigdig, walang pag-
aalinlangang masasabi na ang tao ang nakahihigit sa
lahat.Ang paniniwalang ito ay maibabatay sa mataas na
antas ng pag-iisip ng tao.

A. Nilikha ng Diyos ang daigdig.


B. Ang tao ay natatanging nilalang ng Diyos.
C. Ang tao ay nakahihigit sa lahat ng hayop na likha ng Diyos.

4. Matalino si Jenny. Lagi siyang nangunguna sa klase


simula noong siya’y nasa elementarya hanggang
kolehiyo. Nabigyan siya ng iskolarsyip sa kolehiyo.
Nagtapos siya ng may karangalan. Ngayon naman ay
nangunguna siya sa bar exam sa abogasya.

A. Matalino si Jenny.
B. Nabigyan ng iskolarsyip si Jenny.
C. Ang pagtatapos ni Jenny sa kolehiyo.

5. Malapit sa puso ni BB. Martinez ang mga Kabataan. Tinuruan


niya ang mga ito ng Matematika. Sa kanya rin natuto ang
mga kabataan na magsalita ng Ingles.

A. Ang katalinuhan ni Bb. Martinez.


B. Ang pagiging guro ni Bb. Martinez sa Ingles.
C. Malapit sa puso ni Bb. Martinez ang mga kabataan.

14 NegOr_Q4_Filipino2_Modyul8_v2
KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Humanap ng isang kuwento o talata na gusto mong


basahin at unawaing mabuti. Pagkatapos, punan ang mga
kahon na nasa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Detalye Detalye

Detalye Detalye

halaw mula sa: https://gograph.com/clipart

15 NegOr_Q4_Filipino2_Modyul8_v2
SUSI SA PAGWAWASTO

A 5.
A 4.
B 3.
A 2.
C 1.

Tayahin

C 5.
B 4.
A 3.
C 2.
B 1.

Subukin

16 NegOr_Q4_Filipino2_Modyul8_v2
MGA SANGGUNIAN

Almeda, Luz S., PhD. and et. al. Ang Bagong Batang
Pinoy:
Lexicon Press Incorporated, Department of
Education-Bureau of Learning Resources (DepEd-
BLR), 2014, 2016.

M, Mckoi, Pangunahing Paksa at mga Pantulong na


Detalye, binago noong 2016.
https://www.slideshare.net/mobile/cli4d/ang-
pangunahing-paksa-at-mga-pantulong-na-detalye

Santos, Ben, UE Student Tumanggap ng Humanitarian


Award dahil sa Pagtuturo sa mga Batang
Lansangan, sinulat noong ika-4 na Mayo, 2018.
https://www/google.com/amp/s/philippinesnow.rg/
posts/2018

Sienes, Zenaida S. EdD., and et. al. (Unpublished)


Sanayang Aklat, Pinadaling Paraan sa Pagtuturo
ng Filipino 2, Pagmamay-ari ng Department of
Education, Dibisyon ng Negros Oriental, 2017.

17 NegOr_Q4_Filipino2_Modyul8_v2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like