You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN 6

SUMMATIVE TEST NO. 4


Modules 7-8
4 QUARTER
TH

Pangalan: _____________________________________________ Iskor: __________

I. Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot.

_____1. Ito ay ang pag-alis ng control ng pamahalaan sa iba’t-ibang aspekto ng industriya at agrikultura upang
mahikayat ang mga dayuhang negosyante sa bansa.
a. Deregularisasyon c. Liberalisasyon
b. Pribatisasyon d. Kontraktwalisasyon
_____2. Ito ang dahilan at nagkalat ang mga imported na produkto sa bansa.
a. Deregularisasyon c. Open Trade
b. Pribatisasyon d. Kontraktwalisasyon
_____Ahensiya na pinagkakautangan ng malaki ng pamahalaan ng Pilipinas.
a. Development Bank of the Philippines
b. Central Bank
c. World Bank
d. Asia Bank
_____4. Paggamit sa posisyon sa pamahalaan para sa pansariling interes.
a. Terorismo c. Liberalisasyon
b. Korupsiyon d. Kontraktwalisasyon
_____5. Ito ang isa sa pinag-aagawan ng maraming bansa dahil mayaman ito sa deposito ng langis at likas na yaman.
a. Panglao Island c. Siargao Island
b. Boracay Island d. Spratly Island
_____6. Duming nanggagaling sa usok ng pabrika at mga sasakyan, pagtatapon ng basura sa mga ilog at dagat at
pagsusunog ng mga basura tulad ng plastik at papel.
a. Polusyon c. Rebolusyon
b. Populasyon d. Malnutrisyon
_____7. Ito ang suliraning higit na tinutukan ni Pangulong Duterte.
a. Kahirapan c. Droga
b. Terorismo d. COVID 19
_____8. Ang mga sumusunod ay epekto ng climate change maliban sa isa.
a. Patuloy na pagtaas ng temperatura
b. Paghaba ng panahon ng taglamig
c. Pagtaas sa antas ng tubig dagat
d. Pagdagsa ng maraming bagyo
_____9. Alin dito ang sanhi ng polusyon sa hangin?
a. Malawakang paggamit ng petrolyo
b. Pagsusunog ng mga basura
c. Paggamit ng mga pesticide at herbicide sa agrikultura
d. Lahat ng nabanggit
_____10. Bakit itinuring na bagong bayani ang mga Overseas Filipino Workers
(OFWs)?
a. Sila ay nakapagpapadala ng malaking halaga na nakatutulong sa ekonomiya at kaunlaran ng bansa.
b. Sila ay mga matatalino at may kakayahan sa anumang uri ng trabaho.
c. Sila ay napapakinabangan ng ibang bansa.
d. Sila ay tumutulong sa pangangailangan ng kanilang pamilya.

II. Basahin at suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang Tama o Mali.

______1. Ang pagpasok sa tamang oras sa trabaho ay nakatutulong sa pagiging produktibo ng isang tao.

______2. Kusang pagbabayad ng wastong buwis.

File created by DepEd Click.


______3. Ang pagkahilig ng maraming mamamayan sa paggamit ng mga kalakal na yari sa ibang bansa ay
nakatutulong sa bansa.

______4. Pagsunod sa ibinigay na “health protocol” ng pamahalaan.

______5. Hindi kinakailangan ang sapat na edukasyon o kasanayan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay.

______6. Huwag makisali sa mga proyektong kabataan sapagkat pagod lamang ang maibibigay
nito.

______7. Ugaliing patayin ang TV at electric fan matapos gamitin.

______8. Pagpapaayos ng pamahalaan sa mga sirang kalsada at tulay.

______9. Pagbibigay ng modules sa mga mag-aaral sa panahon ng pandemya para kahit wala sila sa paaralan ay
patuloy pa rin nilang makamit ang karunungan.

______10. Ang pagtangkilik sa sariling produkto ay nakabubuti sa ating ekonomiya.

KEY:

1. a
2. c
3. c
4. b
5. d
6. a
7. c
8. b
9. d
10. a
File created by DepEd Click.
1.Tama 6.Mali
2.Tama 7.Tama
3. Mali 8.Tama
4.Tama 9.Tama
5.Mali 10.Tama

File created by DepEd Click.

You might also like