You are on page 1of 56

Self Instructional Packets (SIPacks)

Para sa Filipino 9

Kwarter : Ikalawang Markahan Linggo : 1 Unang Araw

I. LAYUNIN : Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng


napakinggang tanka at haiku. (F9PN-IIa-b-
45)

II. PAKSA : Panitikan ng Silangang Asya

Lunsaran : Tanka at Haiku

Wika at Gramatika : Ponemang Suprasegmental

Sanggunian : Panitikang Asyano 9, TG,


CG,Pinagyamang Pluma 9 , internet at
iba pa.

Kagamitang : Mga larawan, online video at sipi ng mga


Instruksyunal lunsaran

III. PAMAMARAAN:

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Sa pagpapatuloy ng ating talakayan sa mga Panitikang Asyano, makikilala natin sa


ikalawang markahan ang ilang panitikan na nagmula naman sa Silangang Asya.
Pamilyar ka ba sa mga bansang bumubuo sa rehiyong ito? Pansinin ang mga bansang
nakasulat sa ibaba. Ilan lamang ang mga yan sa mga bumubuo sa rehiyong ito. Bilang
panimulang Gawain, magtala ka ng isang detalye na iyong nalalaman sa bawat bansa.

1. KOREA-
2. JAPAN/ HAPON-
3. TSINA-

B. Paghahabi sa layunin ng Aralin

Alin sa mga bansang nasa itaas ang pangarap mong mapuntahan balang araw? Ikaw
ba ay isa sa mga nangangarap na balang araw ay makapunta sa bansang Hapon?
Pamilyar ka ba sa kultura at kaugalian ng mga taong namumuhay roon? Pag-usapan
natin ang bansang Hapon sa pamamagitan ng ilang detalye na mababasa sa susunod
na bahagi.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Ang bansang Hapon na matatagpuan sa Silangang Asya ay nasa Pacific Ring of Fire
kung saan natatala ang pinakamararaming lindol at pagputok ng bulkan.
Nihonggo ang kanilang wika at karaniwang relihiyon ng mga tao roon ay Shintoismo
at Buddhismo.
Marami pa tayong malalaman tungkol sa bansang ito sa pamamagitan ng pag-aaral
ng panitikang dito umusbong at namayagpag.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 1

Makikilala sa araling ito ang Tanka at Haiku na dalawang uri ng tulang namayani
sa bansang Hapon. Aalamin natin ang paksa, tono at pagkakabuo ng mga tulang ito na
bagama’t maikli at simple ay nagpakilala sa kaisipan at pagpapahalagang Hapon.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 2

Magkaroon ng sariling pagtuklas sa dalawang uri ng tulang ito sa pamamagitan ng


paghahanap ng mga halimbawa ng Haiku o Tanka mula sa internet o iba pang aklat.
Basahin at pakinggan ang pagbigkas sa napiling tula at sagutin ang talahanayan sa
ibaba. (Maaaring humingi ng tulong sa mga kasama sa bahay at sila ang bibigkas.)
Napiling Haiku o Tanka Tono sa Damdaming
(Isulat ng buo) Pagkakabigkas ng tula Nangibabaw sa tula
(Ipaliwanag) (Ipaliwanag)

F. Paglinang sa Kabihasnan

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano sa tingin mo ang sinasalamin ng maikling tula na iyong nabasa at napakinggan


mula sa internet o ibang aklat? Ipaliwanag.
2. Napahayag ba ng may akda ang kanyang nararamdaman batay sa
tono ng pagkakabigkas ng tula? Ipaliwanag.

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay

Batay sa pagkakabasa at pagkakabigkas mo o ng kasama sa bahay


sa mga nahanap na Haiku at Tanka sa internet o ibang aklat, ano ang
pagkakaiba ng mga ito kumpara sa mga nakagisnan nating tula? Isulat
ang iyong naging obserbasyon sa sagutang papel.

H. Paglalahat ng aralin

Paano sinasalamin ng isang akdang Pampanitikan gaya ng tanka at haiku ang


kultura ng isang bansa?

I. Pagtataya ng Aralin
Bilang pangwakas na Gawain sa araw na ito, ipabigkas ng malumanay ang mga
sumusunod na Haiku at Tanka sa ibaba sa iyong kasama sa bahay at batay sa tono ng
pagkakabigkas ng mga ito, isulat sa hugis puso ang damdaming nangingibaw sa bawat
tula.
Mga Tula mula sa https://theilocanohaikuproject.wordpress.com/

J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin/ o remediation

Muling magsaliksik sa estilo ng pagsusulat ng Haiku at Tanka para sa susunod na


Sesyon
Self Instructional Packets (SIPacks)

Para sa Filipino 9

Kwarter : Ikalawang Markahan Linggo : 1 Ikalawang Araw

I. LAYUNIN : 1. Nasusuri ang pagkakaiba at


pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng tanka
at haiku. (F9PB- IIa-b-45)

2. Nabibigyang kahulugan ang


matatalinghagang salitang ginamit sa tanka at
haiku. (F9PT-IIa-b-45)

II. PAKSA : Panitikan ng Silangang Asya

Lunsaran : Tanka at Haiku

Wika at Gramatika : Ponemang Suprasegmental

Sanggunian : Panitikang Asyano 9, TG,


CG,Pinagyamang Pluma 9 , internet at
iba pa.

Kagamitang : Mga larawan, online video at sipi ng mga


Instruksyunal lunsaran

III. PAMAMARAAN:

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Natuklasan natin sa nakaraang sesyon ang mga halimbawa ng mga Haiku at


Tanka ng bansang Hapon sa pamamagitan ng pagsuri sa tono at damdamin ng
pagkakabigkas ng mga ito.

Matutunghayan naman natin sa sesyong ito ang pagkakaiba at pagkakatulad ng


estilo ng pagbuo ng Tanka at Haiku maging ang pagbibigay kahulugan sa mga
matatalinghagang salita na makikita sa mga halimbawang tula.

B. Paghahabi sa layunin ng Aralin


Basahin at suriin ang dalawang tula sa ibaba. Bumuo ng iyong sariling hinuha ukol sa
pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang tula.

Haiku ni Basho Tanka ni Ki no


Salin ni Vilma C. Tomonori
Amba Salin ni Vilma C.
Ambat
Ambong kay lamig
Maging matsing ay Payapa at tahimik
nais Ang araw ng

Pagkakatulad:

Pagkakaiba:
C. Pag-uugnay ng mga halimbaw sa bagong aralin

Sa bansang Hapon, tinitipon ang tulang isinulat ng mga kilalang tao mula pa noong
ika-8 siglo hanggang sa kasalukuyan. Isang koleksyon ng mga sinaunang tula ay ang
Manyoshu. Ito ay naglalaman ng 4,500 tula, siyamnapung bahagdan ng mga tulang ito
ay Tanka.
Ang Tanka ay maigsing tula na may 31 pantig, nahahati ito sa limang taludtod na
may sukat na 5-7-5-7-7. Kadalasan ang tema ng tulang ito ay tungkol sa pag-ibig,
pagkakaisa at pagbabago.
Katulad ng Tanka, ang Haiku ay maigsing tula rin na nagmula sa bansang ito. Ito ay
may tatlong taludtod na may sukat na 5-7-5. kadalasang tema ng Haiku ay tungkol sa
kalikasan.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 1

Gamit ang graphic organizer, suriin at isulat ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tanka at
haiku na mababasa sa ibaba.

Hindi ko masabi Haiku ni Basho


Ni Ki Tsurayuk (salin Salin ni Vilma C. Ambat
ni M.O Jocson)
Matandang sapa
Hindi ko masabi Ang palaka’y
Iniisip mo tumalon
O aking kaibigan Lumalagaslas
Sa dating lugar
Bakas pa ang
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 2

Masasalamin sa mga Haiku at Tanka ang pagiging payak at hindi maligoy ng mga
Hapones. Upang higit na maunawaan ang mga tula, kinakailangan ring mabigyan ng
pagpapakahulugan ng mga mambabasa ang mga matatalinghagang pahayag na
ginamit sa mga taludtod ng Haiku at Tanka.
Matatalinghagang Salita/Pahayag
Ito ay mga salita/pahayag na may ikalawang pagpapakahulugan na hindi
makikita sa diksyunaryo. Kadalasang nagiging matalinghaga ang salita o
pahayag kapag binibigyan natin ito ng sariling interpretasyon o kahulugan.

Halimbawa:
Haiku ni Basho
Salin ni Vilma C. Ambat

Ambong kaylamig
Maging matsing ay nais
ng kapang damo

Ang mga nakasalungguhit na salita at pahayag ay nagiging matalinghaga kung


bibigyan natin ang mga ito ng ikalawang pagpapakuhulugan. Maaring ganito ang maging
kahulugan:

Kapag naramdaman ng isang tao (matsing) na binabalewala lamang siya ng


taong mahal niya(Ambong Kaylamig), maaring maghanap siya ng ibang kakalinga sa
kanya (kapang damo).

F. Paglinang sa Kabihasnan

Basahing mabuti ang mga tula at bigyan ng kahulugan ang mga


nakasalugguhit na matatalinghagang pahayag o salita.
Mga tula mula sa Pinagyamang Pluma 9 p. 171-172

1. ‘Di mapigil pagtanda- ____________________________________

2. Ibong lumilipad- _________________________________________


3. Lakbay na hirap - _______________________________________________
4. Pangarap na naglayag- ____________________________________
5. Puso ay titigil na- _________________________________________

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay

Kung ikaw ang lilikha ng isang tanka o haiku sa kasalukuyan, anong


matalinghagang pahayag ang naaayon sa iyong nararamdaman sa
kasalukuyan? Ipaliwanag gamit ang tatlong pangungusap. Isulat ito sa
sagutang papel.

H. Paglalahat ng aralin

Paano sinasalamin ng isang akdang Pampanitikan gaya ng tanka at haiku ang


kultura ng isang bansa?

I. Pagtataya ng Aralin

Bilang pangwakas na gawain, bigyang sariling interpretasyon o kahulugan ang


mga matatalinghagang salita o pahayag na nakasalungguhit sa tula. (Maging gabay ang
halimbawa na nasa bahaging E)

Haiku ni A.L.Bungay

Kahit matinik
Iingat- ingatan ka
Rosas na pula
Pagpapakahulugan:

J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin/ o remediation

Bigyan rin ng kahulugan ang mga matatalinghagang salita/pahayag sa tula na


nasa ibaba bilang karagdagang gawain ninyo.

Tanka ni Ki no Tomonori
Salin ni Vilma C. Ambat

Payapa at Tahimik
Ang araw ng tagsibol
Maaliwalas
Bakit ang Cherry Blossoms
Naging Mabuway

Pagpapakahulugan:

Self Instructional Packets (SIPacks)

Para sa Filipino 9

Kwarter : Ikalawang Markahan Linggo : 1 Ikatlong Araw

I. LAYUNIN : Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto,


diin at tono sa pagbigkas ng tanka at haiku
(F9WG-IIa-b-47)

II. PAKSA : Panitikan ng Silangang Asya

Lunsaran : Tanka at Haiku

Wika at Gramatika : Ponemang Suprasegmental

Sanggunian : Panitikang Asyano 9, TG, CG,Pinagyamang


Pluma 9 , internet at iba pa.

Kagamitang : Mga larawan, online video at sipi ng mga


Instruksyunal lunsaran

III. PAMAMARAAN:

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


Sa nakaraang sesyon. mahusay nating nasuri ang pagkakaiba at pagkakatulad
ng estilo ng pagbuo ng Tanka at Haiku at nabigyan rin natin ng kahulugan ang
matatalinghagang salita/pahayag na makikita sa mga halimbawang tula.

Talakayin naman natin sa sesyong ito ang mga Ponemang Suprasegmental para
sa wastong pagbigkas ng Haiku at Tanka.

B. Paghahabi sa layunin ng Aralin

Basahin ang mga pangungusap sa ibaba at isulat ang inyong mga napansin sa
mga nakasalungguhit na salita.

1. Ang magsasaka ay magsasaka ng kanyang taniman.


2. Ako ay pipito ng pitung pung pitong pito.
3. Buhay nga ako, naghihirap naman sa buhay.
Ang aking napansin ay:

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Ang Ponema
Ponema ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng tunog na nagpapakita ng
kaibahan ng isang salita mula sa isa pang salita ng partikular na wika.
Dalawang Uri ng Ponema:
a. Ponemang Segmental
b. Ponemang Suprasegmental

Bibigyang pansin lamang natin sa sesyong ito ang mga ponemang suprasegmental.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 1

Ponemang Suprasegmental

Ito ang pag-gamit ng diin, tono/intonasyon, at antala/hinto upang malinaw na


maipahayag ang damdamin , saloobin at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita

DIIN

Ito ay lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa


salitang binibigkas.

Maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.

Halimbawa:

BU:hay- Ang diin ay nasa unang pantig ng salita.


Pangungusap: Buhay ng tao ay dapat pahalagahan.

bu:HAY- Ang diin ay nasa ikalawang pantig ng salita.


Pangungusap: Ipakita ang pagmamahal sa ating magulang habang sila ay buhay
pa.

TONO/INTONASYON

Ito ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaaring makapagpasigla,


makapagpahayag ng iba‘t ibang damdamin. Maaring gamitin ang bilang 1 sa
mababang tono, bilang 2 sa katamtaman at bilang 3 sa mataas.
kahapon= 213, pag-aalinlangan

kahapon= 231, pagpapahayag

HINTO/ANTALA

Bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang


mensaheng nais ipahatid sa kausap. Maaring gumamit ng simbolo na kuwit(,) sa
pag-antala at tuldok(.) para sa paghinto. Halimbawa:

Hindi ako si Joshua

A.Hindi, ako si Joshua.

B.Hindi ako, si Joshua.

Hindi ako si Joshua.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 2

Gamitin sa makabuluhang pangungusap ang sumusunod na salita upang mabuo ang


dalawang magkaibang kahulugan nito batay sa wastong bigkas.

1.BA:sa-

2.ba:SA-

3.bu:KAS-

4.BU:kas-

5. ba:BA-

F. Paglinang sa Kabihasnan

Ipaliwanag ang kahulugan ng mga sumusunod na pangungusap.


1. Doc Alejandro Jose ang pangalan ko.
2. Doc, Alejandro Jose ang pangalan ko.
3.Doc Alejandro, Jose ang pangalan ko.
4.Hindi ako ang kriminal.
5. Hindi, ako ang criminal

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay


Ano ang kahalagahan ng wastong pagbigkas ng mga salita at pahayag? Maglahad ng
tatlong kahalagahan. ( Sagutang papel)
1.
2.
3..

H. Paglalahat ng aralin

Paano makakatulong ang ponemang suprasegmental sa pagbigkas ng tula?

I. Pagtataya ng Aralin
Pumili ng isa sa mga halimbawa ng tula sa itaas at suriin ito ayon sa mga sumusunod
na pamantayan.
Pamagat ng Tula:

Paksang ginamit
Sukat / bilang
Halimbawa ng salitang
maaring magkaroon ng ibang
kahulugan batay sa naging
paraan ng pagbigkas
Ano ang naging gamit ng
ponemang suprasegmental sa
tula?

K. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin/ o remediation


Maghanda para sa pagsulat ng Haiku at Tanka sa susunod na sesyo

Self Instructional Packets (SIPacks)

Para sa Filipino 9

Kwarter : Ikalawang Markahan Linggo : 1 Ikaapat na Araw

I. LAYUNIN : Naisusulat ang payak na tanka at haiku sa tamang


anyo at sukat. (F9PU-IIa-b-47)

II. PAKSA : Panitikan ng Silangang Asya

Lunsaran : Tanka at Haiku

Wika at Gramatika : Ponemang Suprasegmental

Sanggunian : Panitikang Asyano 9, TG, CG,Pinagyamang


Pluma 9 , internet at iba pa.

Kagamitang : Mga larawan, online video at sipi ng mga lunsaran


Instruksyunal

III. PAMAMARAAN:

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Mahusay nating nabigkas ang mga Haiku at Tanka gamit ang Ponemang
Suprasegmental sa nakaraan na sesyon.
Pagkakataon naman natin sa talakayang ito na makasulat ng ating sariling likhang
Haiku at Tanka.

B. Paghahabi sa layunin ng Aralin

Basahin muli ang mga halimbawang Haiku at Tanka sa ibaba upang magkaroon
ng ideya sa pagsulat ng mga tula.

Hindi ko Masabi Haiku ni Basho


ni Ki Tsurayuk (salin ni M.O Jocson) Salin ni Vilma C. Ambat

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Mga Dapat Tandaan sa pagsulat ng Haiku at Tanka

Sa pagsulat ng Haiku:

a.Tema- Mga bagay na may kaugnayan sa kalikasan.

b.Bilang ng Taludtod -Tatlo

c.Sukat- 5-7-5

Sa pagsulat ng Tanka:

a.Tema- Kadalasang tema ng tulang ito ay pag-ibig, pag-iisa o pagbabago.

b.Bilang ng Taludtod -Lima

c. Sukat- 5-7-5-7-7, 7-7-7-5-5 o 5-5-7-7-7

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 1

Pagsulat ng Haiku

Sumulat ng isang payak na Haiku na naayon sa tema at estilo.


Mga gabay ang pamantayan sa ibaba.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 2

F. Paglinang sa Kabihasnan
G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay

H. Paglalahat ng aralin

I. Pagtataya ng Aralin
Pagsulat ng Tanka
Sumulat ng isang payak na Tanka na naayon sa tema at estilo. Mga gabay ang
pamantayan sa ibaba.

J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin/ o remediation


Sagutin ang katanungan:
Sa kabila ng pagiging maiksi at payak ng Tanka at Haiku, naipapahayag ba nila ang
kaisipan at nais iparating ng manunulat? Ipaliwanag.

Self Instructional Packets (SIPacks)

Para sa Filipino 9

Kwarter : Ikalawang Markahan Linggo : 2 Unang Araw

I. LAYUNIN : Nahihinuha ang damdamin ng mga tauhan


batay sa diyalogong napakinggan. –(F9PN-

IIc-b-46)

II. PAKSA : Pabula

Lunsaran : Ang Hatol ng Kuneho (Pabula sa Korea) isinalin ni


Vilma C. Ambat

Wika at Gramatika : Iba‘t Ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng


damdamin

Sanggunian : Panitikang Asyano, MELC,CG, TG,


Internet

Kagamitang : Larawan, sipi ng lunsaran at video


Instruksyunal
III. PAMAMARAAN:

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Ang tatalakayin natin ngayon araw na ito ay tungkol sa pabula. Ito‘y isang
maikling kuwentong kathang-isip lamang. Karaniwang isinasalaysay sa mga kabataan
para aliwin gayundin ang magbigay ng pangaral. Para sa ating panimulang gawain,
tutuklasin natin kung may alam ka na o narinig kung bakit hayop na nagsasalita at
kumikilos na parang tao ang karaniwang ginagamit na tauhan sa pabula. Sagutin na
nating ang unang gawain.
Gawain 1:
Suriin ang kasunod na mga larawan. Isulat kung anong pag-uugali ng tao ang
maihahambing sa mga ito.

Mga Larawan kuha mula sa https://en.wiktionary.org/wiki/tigre


https://www.pinterest.ph/pin/414401603182803197/ http://clipart-
library.com/animated-snake.html https://www.pinterest.ph/pin/524669425316295769/

B. Paghahabi sa layunin ng Aralin

Paghambingin ang damdamin ng dalawang larawan sa tulong ng dayagram.

1. Ano ang litaw na damdamin ng nasa


larawan? _____________

2. Sa iyong palagay anong dahilan kung


bakit ito ang kanilang nararamdaman?
____________
__________________________

Mga larawan kuha mula sa https://pets.webmd.com/dogs/features/d


og-cool-summer#1
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Katulad din ng tao ang mga hayop sila rin ay mga damdamin tulad ng takot, galit,
lungkot, nag- aalala at iba pa.

Ang mga pabula ay lumaganap dahil sa magagandang aral sa buhay na ibinibigay nito.

Noong ay hindi naman hayop ang ginagamit na tauhan sa pabula kundi mga tao.
Ang nagsimula sa paggamit ng mga hayop bilang mga tauhan sa pabula ay si Aesop.
Siya ay nabuhay sa pagitan ng 620-564 BC sa Greece. Isa siyang alipin na nagtataglay
ng mga kapansanan subalit dahil sa kanyang kasipagan,kabaitan at galing sa
pagkukuwento ay binigyang laya siya ng kanyang amo na makisalamuha sa mga taong
malaya dahil dito napuna niya ang iba‘t ibang maling katangian at ginagawa ng mga tao.
Nais niyang turuan ang mga ito ngunit siya ay nasa mababang antas lamang sa lipunan
kung kaya sinimulan niyang gamitin ang mga hayop bilang tauhan sa kanyang mga
pabula upang huwag mapulaan ang mga tao.

Karaniwang ginagamit ang pabula upang itago ang katauhan at pag-uugali ng


mga tao sa lipunan na hindi masabi nang hayagan. Laging nagwawakas sa aral ang
pabula.

Ang mga hayop ay hindi lamang mga nilikhang gumagala sa kapatagan at


kabundukan. Ang mga ito ay may simbolong ugnayan sa bansa at sa mga mamamayan
nito. Sa Korea, mahalaga ang ginampanan ng mga hayop sa kanilang mitolohiya at
kuwentong bayan. Halina‘t pakinggan natin ang isang halimbawa ng Pabula na mula sa
Korea na pinamagatang Ang Hatol ng Kuneho na isinalin ni Vilma C. Ambat na
mahahanap sa pamamagitan ng youtube link na ito : https://www.youtube.com/watch?
v=XCf-Odn5nRM

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 1

Diyalog’y Sabihin, Damdamin’y Tukuyin!


Tukuyin ang damdaming namayani sa diyalogong napakinggan

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 2


Sino sa mga nabanggit na hayop sa akda ang may matinding negatibong damdamin
tungo sa mga tao?

F. Paglinang sa Kabihasnan
KATUWIRAN MO… IPAGLABAN MO!
Ipahayag ang iyong sariling saloobin o damdamin kung tama ba o hindi ang ginawa ng
kuneho upang maging makatuwiran para sa tigre at sa lalaki ang kaniyang naging hatol?
Bakit?

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay


Anong pangyayari sa pabula ang maaaring ihalintulad sa aktuwal na mga pangyayari?
Pangyayari:__________________________________
Kung ikaw ang isa sa mga tauhan sa pabulang napakinggan, ganoon din ba ang iyong
mararamdaman? Bakit?
( isulat sa sagutang papel)

H. Paglalahat ng aralin

I. Pagtataya ng Aralin
Gumuhit ng dalawang hayop na wala sa akda na may pagkakatulad sa emosyon o
damdamin ng tao.

J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin/ o remediation


Magsaliksik ng iba pang pabulang mula sa Silangang Asya. Ibigay ang mensahe at
damdaming namayani sa akda.

Self Instructional Packets (SIPacks)

Para sa Filipino 9

Kwarter : Ikalawang Markahan Linggo : 2 Ikalawang Araw

I. LAYUNIN : Naiaantas ang mga salita ( clining) batay sa tindi ng


emosyon o damdamin (F9PT-IIc-46)
II. PAKSA : Pabula

Lunsaran : Ang Hatol ng Kuneho (Pabula sa Korea) isinalin ni


Vilma C. Ambat

Wika at Gramatika : Iba‘t Ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng


damdamin

Sanggunian : Panitikang Asyano, MELC,CG, TG,


Internet

Kagamitang : Larawan, sipi ng lunsaran at video


Instruksyunal

III. PAMAMARAAN:

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Sa naunang sesyon ay nagkaroon ka na ng ideya sa uri ng Panitikan na ating


tinatalakay. Sa sesyong ito, panibagong kompetensi ang ating susuriin at bibigyang diin.
Subalit bago iyon, balikan muna natin ang natalakay sa naunang sesyon.
Gawain 1:
Gamit ang mga emoticons, iguhit mo ang mga damdaming nangibabaw sa mga
tauhan sa natalakay na pabulang ― Hatol ng Kuneho‖ mula sa batayang aklat.
MGA TAUHAN EMOTICONS/ DAMDAMIN

1. KUNEHO

2. TIGRE

3. BAKA

B. Paghahabi sa layunin ng Aralin

Pagkatapos mo mailahad ang mga naging damdamin ng mga tauhan, ano ang iyong
napansin? May pagkakatulad kaya ang damdamin ng mga tauhang hayop sa damdamin
ng tao? Paano kaya mailalarawan ang tindi ng emosyon o damdamin ng bawat isa?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Dito papasok ang ating magiging talakayan sa sesyong ito. Ito ang tinawatag na
klino( clining) o tindi ng emosyon o damdamin.

Kapag sinabing klino, ito ang papataas na antas ng emosyon o damdamin na


maaring maramdaman o maranasan ng mga tauhan sa akda. Nakadepende dito ang
lalim o tindi na maaaring maiparamdam sa mga tauhan.

Balikan natin ang maaring naramdaman ng Baka tungo sa mga tao sa akda.

GALIT
Ano- ano ang mga salitang maaring iugnay dito?
Maaring POOT-SUKLAM-UYAM-INIS

Kung aayusin ang mga salita sa itaas ayon sa tindi ng emosyon paano kaya ang
magiging kalalabasan ng mga ito?

Ang pagsasaayos ay nakadepende sa tindi ng emosyon o damdamin na maaring


maramdaman ng isang tao.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 1


Subukan mo ngayong ayusin ang mga sumusunod na damdamin ayon sa tindi o antas
nito.

Ayusin ang mga sumusunod na salita ayon sa tindi o antas ng emosyon o


damdamin. Mula sa pinakamababa hanggang pinakamataas na antas.

1.(Nagbabanta- nagpapaalala- nagbabadya)_______-______-_______


2.(Ganid-sakim-gahaman)___________-___________-____________
3.(Pagkabalisa-pagkatakot-pag-aalala) _________-________-________
4.(Nalulungkot-naghihinagpis-nalulumbay) _______-_______-________
5. (Ligaya - Tuwa-galak) _________-_________-_________

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 2

F. Paglinang sa Kabihasnan
Para sa mga SSC at Amethyst Block

Bumuo ng isang talata na naglalahad ng mga mahahalagang pangyayari buhat sa


akdang Hatol ng Kuneho. Gumamit ng mga salitang nagpapahayag ng antas o tindi ng
damdamin. Salungguhitan ang mga salitang gagamitin.

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay


Sa kasalukuyan, ano ang iyong nararamdaman? Ilahad ito at ibigay ang iba‘t ibang
antas o tindi ng iyong damdamin. ( sagutang papel)
Damdamin: ____________

H. Paglalahat ng aralin

Paano nakakatulong ang klino sa paglalarawan sa damdamin ng mga tauhan?

I. Pagtataya ng Aralin
Gawain 4:
Magbigay ng isang damdamin na maaaring magkaroon ng iba‘t ibang antas. Magbigay
ng tatlong antas ng emosyon o damdamin ng salita sa pamamagitan ng mga larawan.

J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin/ o remediation


Basahin sa batayang aklat na Panitikang Asyano 9 ang akdang Nagkamali ng Utos.
Self Instructional Packets (SIPacks)

Para sa Filipino 9

Kwarter : Ikalawang Markahan Linggo : 2 Ikatlong Araw

I. LAYUNIN : Nabibigyang-puna ang kabisaan ng


paggamit ng mga hayop bilang mga
tauhan na parang taong nagsasalita
at kumikilos (F9PB-IIc-46) Pabula

II. PAKSA : Pabula

Lunsaran : Ang Hatol ng Kuneho (Pabula sa Korea) isinalin ni


Vilma C. Ambat

Wika at Gramatika : Iba‘t Ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng


damdamin

Sanggunian : Panitikang Asyano, MELC,CG, TG,


Internet

Kagamitang : Larawan, sipi ng lunsaran at video


Instruksyunal

III. PAMAMARAAN:

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Sa mga naunang sesyon ay iyong natunghayan at napag-aralan ang mga


mahahalagang katangian ng isang pabula. Balikan mo ngayon ang iba't ibang katangian
nito at isulat sa paligid ng bilog ang mga salitang may kaugnayan dito. Magbigay ka ng
tatlong katangian.

PABULA

B. Paghahabi sa layunin ng Aralin

. Sa iyong ginawang paglalarawan, ano ang iyong napansin? May pagkakaiba ba ang
katangian ng pabula na isinulat sa Korea gaya ng natalakay sa unang sesyon sa
pabulang isinulat sa Pilipinas?
Maaaring sa iyong babasahin ngayon ay magkakaroon ka ng tiyak na kasagutan sa
tanong na iyan sa tulong ng ikalawang pabula na iyong babasahin.
Ito ay may pamagat na Nagkamali ng Utos. Isang Pabula na isinulat mismo dito sa
ating bansa

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Iyo ngayong basahin ang akda:

NAGKAMALI NG UTOS
Sa malayong kaharian ng mga tutubi ay may naninirahang isang prinsesang tutubi. Siya’y
bugtong na anak nina Haring Tubino at Reyna Tubina ng kahariang Matutubina. Mahal na
mahal ng hari at reyna ang anak nila. Sinasabing ipaglalaban ng buong kaharian ang anumang
kaapihan ni Prinsesa Tutubi.

Si Prinsesa Tutubi ay mahilig mamasyal at magpalipad-lipad sa papawirin. Lagi niyang kasa-


kasama ang kaniyang mga piling dama at mga tagasubaybay na mangyari pa ay pawang tutubi
rin.

Isang araw, naisipan niyang lumipad patungo sa labas ng kaharian. Ibig niyang alamin kung
ano ang daigdig sa labas ng kanilang kaharian. Tumakas siya sa kaniyang mga dama at
tagasubaybay. Mag-isa niyang nilakbay ang malawak na papawirin.

Maligayang-maligaya si Prinsesa Tutubi. Umaawit-awit pa siya sa kaniyang paglipad. Wiling-wili


siya sa lahat ng kaniyang nakikita. Totoong naibang si Prinsesa Tutubi at hindi niya napansin
ang pamumuo ng maitim na ulap sa papawirin.

Huli na nang ito ay mapuna ni Prinsesa Tutubi. Mabilis man siyang lumipad pabalik sa kaharian
ay inabutan din siya ng malakas na ulan.

“Titigil muna ako sa punongkahoy na ito,” ang sabi sa sarili ng prinsesa.

Ngunit sa punongkahoy pala naman iyon ay maraming mga matsing. Pinaalis nilang pilit ang
nakikisilong na tutubi. Bawat dapuang sanga ni Prinsesa Tutubi ay niyuyugyog ng mga matsing.
Hindi lamang iyon. Pinagtawanan pa nila ang prinsesa.

“Kra-kra-kra! Nakakatawa. Malaki pa sa kaniyang tuhod ang kaniyang mga mata.” Malakas na
na sabi ng isa. Sinundan ito ng malakas na hagikgikan ng mga matsing.

Sa laki ng galit ng Prinsesa Tutubi umuulan pa ay umalis na siya sa punongkahoy na iyon at


lumipad pauwi sa palasyo. Tuloy-tuloy siya sa silid ng kaniyang amang hari. Kaniyang
isinumbong kay Haring Tubino ang mga matsing. Laking galit ng hari. Nagpatawag agad ang
hari ng kawal.

“Pumunta ka ngayon din sa kaharian ng mga matsing,” ang utos niya sa kawal. “Sabihin mong
dahil sa ginawa nila sa aking anak na Prinsesa, gusto kong hamunin ang kaharian ng mga
matsing sa isang labanan.”

Mabilis na lumipad ang inatasang kawal. Pagdapo niya sa kaharian ng mga mating ay walang
paligoy-ligoy niyang sinabi ang kaniyang pakay. Malakas na tawanan ng mga matsing ang
naging sagot sa pahayag ng kawal na tutubi.

“Mga tutubi laban sa mga matsing! Ha-ha-ha-ha!” Muling nagtawanan ang mga matsing.
“Nakakatawa , ngunit pagbibigyan naming ang iyong hari,” ang sabi ng pinuno. “Ang mga
mating laban sa mga tutubi!” Nagtawang muli ang mga matsing.

“Kailan at saan gaganapin ang labanan?” ang tanong ng pinuno.

“Bukas ng umaga sa gitna ng parang!” ang tugon ng kawal.

“Magaling! Bukas ng umaga sa gitna ng parang kung gayon,” masiglang pag-ulit ng matsing sa
sinabi ng tutubi.

Bumalik sa kanilang kaharian ang kawal na tutubi at ibinalita sa Haring Tubino ang nagging
katugunan ng mga matsing.

Kinabukasan naroroon na sa isang panig ng parang ang hukbo ng mga matsing. Anong daming
matsing. Waring ang buong kamatsingan ay naroroon at pawing sandatahan. Bawat isa ay may
dalang putol na kahoy na pamukpok.
Nasa kabilang panig naman ng parang ang makapal na hukbo ng mga manlilipad na tutubi.

“Kailangang pukpukin ninyo ang bawat makitang tutubi,” ang malakas na utos ng haring
matsing.

Sa kabilang dako naman ay ibinigay na rin ng pinuno ng mga tutubi ang kaniyang utos. “Dapat
nating ipaghiganti ang kaapihan ni Prinsesa Tutubi.

Kailangang magbayad ang mga matsing. “Dumapo sa ulo ng mga matsing. Kapag may
panganib ay dagling luang malinaw at marahan niyang utos.

Nagsalubong sa gitna ng parang ang mga manlilipad na tutubat ang hukbo ng sandatahang
matsing. Buong-buo ang pagtitiwala ng mga sandatahang matsing sa kanilang sandatang
pamukpok. Matapang din naming sumunod ang mga kawal na tutubi palibhasa ay nais nilang
ipaghiganti ang kaapihan ng prinsesa at ng buong kahariang Matutubina.

Nagsimula ang labanan. Dapo at lipad, dapo at lipad ang mga tutubi. Pukpok dito, pukpok doon
naman ang mga matsing. Kung tatanawin buhat sa malayo ang labanan, ay wari bang matsing
laban sa matsing. Nakita ng pinuno ng mga matsing ang pangyayari. Nagkamali siya ng utos.
Hindi nalaman agad na sa ulo pala ng kaniyang mga kawal darapo ang maliliksing tutubi.
Babaguhin sana niya ang kanyang utos, subalit huli na ang lahat. Isang kawal na matsing ang
pilit na pinukpok pa ang tutubi sa ulo ng pinunong matsing. Kayat nang matapos ang labanan
nakabulagtang lahat ang mga matsing. Samantala, walang sinumang tinamaan sa mga mabilis
umiwas at lumipad na mga tutubi. Naipaghiganti nila ang pagkaapi ng kanilang prinsesa at ng
buong kahariang Matutubina.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 1

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 2

Ila a m nag p s ipinakit katang n m tau s a


nha par n mg taing nagsasa
u a aangkumikil ian g g han a k
ad ang g ga on litan t os. a d
Ma TAUH
g a M KATANGI a
G AN G AN
A 1 A
.
2
.
3
.

1
.
2
.
3
.

F. Paglinang sa Kabihasnan
Naging mabisa kaya ang paggamit ng mga hayop bilang tauhan sa
pagkatuto ng mga mag-aaral o ng mga bumabasa nito.
G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay
Kung kayo ang hari ng mga matsing, anong istratehiya kaya ang inyong gagawin
at ipag-uutos sa inyong mga tauhan? ( sagutang papel)
Mga Istratehiya at dahilan
1.
2.

H. Paglalahat ng aralin

Paano nakatutulong ang paggamit ng mga hayop bilang mga tauhan sa pabula sa
kabisaan ng pagkakaroon ng aral sa buhay ng mga tao?

I. Pagtataya ng Aralin

Mga Matsing at Tutubi sa panahon ng COVID


Gumupit ng mga larawan ng mga tao sa kasalukuyan ang maaaring may pagkakatulad
sa katangian ng mga tauhan sa akda? Magbigay ng Tatlong pagtutulad sa kasalukuyan
base sa mga katangian ng bawat isa.
1.
2.

J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin/ o remediation


Magsaliksik ukol sa iba‘t ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin.

Self Instructional Packets (SIPacks)

Para sa Filipino 9

Kwarter : Ikalawang Markahan Linggo : 2 Ikaapat na Araw


I. LAYUNIN : Nagagamit ang iba‘t ibang
ekspresyon sa pagpapahayag ng
damdamin

Muling naisusulat ang isang


pabula sa paraang babaguhin ang
karakter ng isa sa mga tauhan nito.

II. PAKSA : Pabula

Lunsaran : Ang Hatol ng Kuneho (Pabula sa Korea) isinalin ni


Vilma C. Ambat

Wika at Gramatika : Iba‘t Ibang ekspresyon sa pagpapahayag ng


damdamin

Sanggunian : Panitikang Asyano, MELC,CG, TG,


Internet

Kagamitang : Larawan, sipi ng lunsaran at video


Instruksyunal

III. PAMAMARAAN:

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Para sa ating unang Gawain sa araw na ito. Suriin mo ang larawan at sagutin ang gabay
na tanong sa ibaba.

Gabay na tanong:

Anong damdamin ang nangibabaw sa larawan? Kanino mo siya maihahambing sa mga


tauhan sa pabulang natalakay?
B. Paghahabi sa layunin ng Aralin

Ibigay ang kanilang damdamin/ekspresyon sa mga sitwasyon sa pamamagitan ng


pagbibigay ng diyalogo.

Anong damdamin ang nangibabaw sa larawan?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 1

Maraming emosyon o damdamin tayong naramdaman habang binabasa ang


pabula. Maaaring hindi pare-pareho sapagkat iba-iba naman ang pananaw ng
bawat tao. Mayroon ding iba‘t ibang paraan ng pagpapahayag ng emosyon upang
maging epektibo nating maiparating an gating nararamdaman. Ating alamin ang iba‘t
ibang paraan ng pagpapahayag ng damdamin at emosyon: at ito ang mga sumusunod:

Alam mo ba na…

1. Mga Pangungusap na Padamdam

Mga pangungusap na nagpapahayag ng matinding


damdamin. Ginagamitan ito ng bantas na tandang
padamdam (!).

Galing! Nakakainis! Ang sakit!

Sobra na! Sunog! Aray!

2. Maikling Sambitla

Mga salitang iisahin o dadalawahing pantig na


nagpapahayag ng matinding damdamin.

Halimbawa

Uy! Ngek! Yeheyy!

Wow! Ayy!

1. Mga Pangungusap na nagsasaad ng tiyak na damdamin


ng isang tao- mga pangungusap na may anyong
pasalaysay kaya’t nahihinuhang hindi gaanong matindi ang
damdamin.

Halimbawa:

Pagkatuwa Pagtataka Pagkagalit Pagsang-ayon

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 2

Muling balikan ang dalawang pabulang nabasa. Pumili ng isa sa mga ito at baguhin ang isa sa
mga karakter ng akda ayon sa iyong sariling kagustuhan. Gamitin ang pamantayan sa ibaba sa
iyong gagawing pagsulat.

RUBRI Mark Aytem


CS a

Nakagagamit ng Iba‘t Ibang   5


ekspresyon sa pagpapahayag ng puntos
damdamin _

Mulling naisusulat ang isang pabula   5


sa paraang babaguhin ang karakter puntos
_
ng isa sa mga tauhan nito.

Orihinalidad at pagiging malikhain   5


puntos
_

Pagkakabuo ng wakas ng kuwento   5


puntos
_

Kabuua 20
n
puntos

F. Paglinang sa Kabihasnan

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay

Maraming tao ang nagkakaiba ang kanilang paniniwala, saloobin at damdamin sa paggamit ng
mga tao sa mga hayop bilang tauhan sa pabula tulad ng paniniwala ng mga rebeldeng muslim
at pamahalaan na kadalasan ay humantong sa hindi pagkakaunawaan.

Kung sakaling bigyan ka ng pagkakataon na marinig ang iyong tinig, ano ang mensahe mo para
sa kanila? ( sagutang papel)
H. Paglalahat ng aralin

Anong mahalagang mensahe ang nais ipaabot sa atin ng araling ito?

I. Pagtataya ng Aralin

J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin/ o remediation


Maging handa para sa panibagong gawain sa susunod.

Self Instructional Packets (SIPacks)

Para sa Filipino 9

Kwarter : Ikalawang Markahan Linggo : 3 Unang Araw

I. LAYUNIN : 1. Nabibigyang-puna ang paraan ng


pagsasalita ng taong naninindigan
sa kanyang saloobin o opinyon

sa isang talumpati (P9PD-lld-47)

2. Naipaliliwanag ang pananaw ng


may-akda tungkol sa paksa
batay sa napakinggan (F9PN-ll-47)

II. PAKSA : Sanaysay

Lunsaran : Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong


Nakalipas na 50 Taon

isinalin sa Filipino ni Shiela C. Molina

Wika at Gramatika : Mga angkop na pahayag sa pagbibigay ng


ordinaryong opinyon

Sanggunian : Panitikang Asyano 9, MELC, CG, Internet at


iba pa
Kagamitang : Online videos at sipi ng mga lunsaran
Instruksyunal

III. PAMAMARAAN:

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


Nagiging mabisa ang mga akdang pampanitikan ng Silangang Asya sa pamamagitan
ng pagpapakilala ng ating kultura at mga kaugalian ng mga bansa nito sa mga
mambabasa.

Sa araw namang ito ay makapagbibigay-puna ka sa paraan ng pagsasalita ng mga


taong iyong pinakikinggan lalo na ang tinig ng mga kababaihan at suriin mo rin ang
pananaw ng may-akda sa paksa.

Madalas ka bang manood sa mga taong nagsasalita na maraming tagapakinig? Ano


ang kadalasang iyong nagiging puna? Sa iyong gagawing pagpapatuloy sa paksa, higi’t
mong mauunawaan ang dahilan ng iyong mga nagiging puna.
Gawain 1: “Sagutin Mo, Katanungan Ko”
1.Paano mapaniniwala ng isang taong nagsasalita sa entablado, ang kanyang mga
tagapakinig?
______________________________________________________________________
________________________________________________

2.Sa iyong palagay may kaibahan ba ang mga kababaihan noon at ngayon sa batay sa
kanilang paninindigan sa pagsasalita?

B. Paghahabi sa layunin ng Aralin


Gawain 2 :
Pumili ka ng isang babaeng kumandidato na at iyong napanood na at isulat mo ang
kanyang pangalan, magbigay-puna ka sa paraan ng kanyang pananalita
Pangalan:________________________________________________

“Ibigay Mo, Kahulugan Ko”


Sa iyong palagay, ano ang tawag sa pagsasalita ng isang taong nasa entablado at
naninindigan sa kanyang mga saloobin o opinion habang mayroong tagapakinig? Ibigay
ang kahulugan ng iyong kasagutan

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Mahusay ang iyong mga kasagutan. Maraming mga kababaihan ngayon ang
kumakandidato na, malakas na ang kanilang-loob na manindigan sa kanilang mga
saloobin o opinyon at tinatawag itong talumpati. Ano nga ba ang talumpati?

Ang Talumpati ay isang binuod na kaisipan o opinyon ng isang tao sa


pamamagitan ng pagsasalita sa entablado sa harap ng mga tagapakinig.

Kung sa galing ng pagtatalumpati, siguradong hindi mahuhuli si dating Sen.


Mirriam Defensor- Santiago. Kung hindi nyo man siya nakilala, pihong kilala siya ng
inyong mga magulang. Kaya’t maari kayong magtanong sa kanila kung ano ang
kanilang pagkakakilala sa kanya.
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 1
Gawain 3: Itala Mo, Kwento ng magulang mo”
.Batay sa naging kwento ng inyong mga magulang, maglahad ka sa dalawa sa mga
naging paglalarawan nila ka Mirriam Defensor - Santiago? Ilahad mo ang naging puna
dito ng iyong mga magulang.

1. Paraan : ____________________________________
Pagbibigay-puna ____________________________________

2. Paraan : ____________________________________
Pagbibigay-puna ____________________________________

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 2

F. Paglinang sa Kabihasnan
Sa pakikinig sa isang talumpati, maaring magkaroon ang mga tao ng iba't ibang
interpretasyon o pananaw sa nais ipabatid ng nagsasalita. Kadalasan, nakadepende
ang pananaw sa kung anong klase ng tao ang nagsasalita. Kaya’t mahalaga ang
pagkilala sa nagsasalita upang magkaroon ng makatarungang pakahulugan ang
kanyang talumpati.
Sa kasalukuyang panahon, sino sa mga kilalang tao ang sa tingin mo ay may
matibay na paninindigan sa kanyang pagsasalita kapag siya ay nagtatalumpati?

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay


Kung ikaw ang bibigkas ng isang talumpati, sa paanong paraan mo ilalahad ang
iyong saloobin sa madla?

H. Paglalahat ng aralin
Nagiging batayan ba ng pagkilala sa taong nagsasalita ang paraan ng kanyang
paglalahad ng saloobin?

I. Pagtataya ng Aralin
Gawain 4
Batay sa mga naging kwento ng mga magulang mo, o taong nakakakilala kay
Sen. Santiago, paano nila ipinaliwanag ang kanilang naging pananaw sa naging
pagsasalita ng dating Senador?

J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin/ o remediation


Muli mong basahin ang akdang : Ang Kababaihan ng Taiwan Noon, at Ngayong
Nakalipas na 50 Taon na isinalin ni Shiela C. Molina pahina 119-120 sa Batayang Aklat
(Panitikang Asyano)
Self Instructional Packets (SIPacks)

Para sa Filipino 9

Kwarter : Ikalawang Markahan Linggo : 3 Ikalawang Araw

I. LAYUNIN : Naipapahayag ang sariling pananaw


tungkol sa isang napapanahong isyu
sa talumpating nagpapahayag ng
matibay na paninindigan (F9PS-lld-
47)

Naipaliliwanag ang mga salitang di-


lantad ang kahulugan batay sa
konteksto ng pangungusap (F9PN-
lld-47)

II. PAKSA : Sanaysay

Lunsaran : Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong


Nakalipas na 50 Taon
isinalin sa Filipino ni Shiela C. Molina

Wika at Gramatika : Mga angkop na pahayag sa pagbibigay ng


ordinaryong opinyon

Sanggunian : Panitikang Asyano 9, MELC, CG, Internet at


iba pa

Kagamitang : Online videos at sipi ng mga lunsaran


Instruksyunal

III. PAMAMARAAN:

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Nagpapahayag tayo ng mga kaisipan, mga damdamin, hangarin at diwa na maaring


pasalita, kung nais mong iparinig ang iyong tinig sa madla. Alamin mo sa araw na ito
ang mga napapanahong isyu o mga paksa sa isang talumpati.
Kung paano pagtuunan ng pansin para maresolba o masulosyunan ito sa mga
pangyayaring na halos ay pinag-uusapan ng lahat o napapansin ng nakararami.

B. Paghahabi sa layunin ng Aralin

Gawain 1: Sagutin mo ang mga sumusunod na katanungan:

1.Magbasa ka ng isang talumpati na naglalaman ng isang napapanahong isyu sa


kasalukuyan na may matibay na paninindigan, at magpahayag ka ng sarili mong
pananaw sa napapanahong isyu na iyong napili.

2.Sa iyong palagay, ano ang tawag sa mga salita o pahayag na hindi mo maunawaan at
kinakailangang gamitin ito sa pangungusap?Ipaliwanag ang iyong kasagutan

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Ang iyo bang kasagutan ay may kaugnayan sa ating tatalakayin? Kung oo ang
iyong sagot tama ka.

Ano nga ba ang tawag sa mga salita o pahayag na ginagamit sa pangungusap


upang iyong maunawaan ang kahulugan?

Tinatawag itong mga salitang Di-Lantad ang kahulugan , mauunawaan at


malalaman mo ang kahulugan nila sa pamamagitan ng pagsusuri sa paggamit nito sa
pangungusap .

Sa paglipas ng panahon masasabi natin na magpahanggang ngayon


napapanahong isyu pa rin ang kalagayan ng mga kababaihan noon at ngayon. Suriin
mo ang bahagi ng akda tungkol sa kababaihan sa Taiwan, Ngayon at Noong Nakaraang
50 Taon na isinalin sa Filipino ni Shiela C. Molina na makikita sa Youtube:
KABABAIHAN NG TAIWAN: Yu An Ang Kababaihan ng Taiwan, Ngayon at Noong
Nakaraang 50 Taon na isinalin sa Filipino ni Shiela C. Molina

Ang unang kalagayan noong nakalipas na 5O taon, ang babae sa Taiwan ay


katulad sa kasambahay o housekeeper. Ang tanging tungkulin nila ay tapusin ang hindi
mahahalagang gawaing-bahay na hindi natapos ng kanilang asawa. Ang mga babae ay
walang karapatang magdesisyon dahil sa kanilang mababang kalagayan sa tahanan.

Ngayon, nabago na ang tungkulin ng mga babae at lalong naging komplikado.


Sa bahay ng mga Taiwanese, sila rin ang may pananagutan sa mga gawaing-bahay.
Ngunit sa larangan ng trabaho, inaasahang magagawa nila kung ano ang nagagawa ng
mga kalalakihan. Sa madaling salita, dalawang mabibigat na tungkulin ang nakaatang
sa kanilang balikat.

Ang ikalawang kalagayan, ay pinatutunayan ang pagtaas ng kanilang sahod,


pagkakataong makapag-aral, at mga batas na nangangalaga sa kanila. Karamihan sa
mga kompanya ay nagbibigay ng halaga sa kaakayahan ng babae at ang mga
kinauukulan ay handang kumuha ng mga babaeng may kakayahan at masuwelduhan ng
mataas. Tumataas ang pagkakataon na umangat ang babae sa isang kompanya
mayroon na ring mga babaeng namamahala. Isa pa tumaas ang pagkakataon para sa
mga babae pagdating sa edukasyon. Ayon sa isang estadistika mula sa gobyerno, higit
na mataas ang bilang ng mga babaeng nakapag-aral sa kolehiyo kung ihahambing sa
kalalakihan makalipas ang 50 taon.

Mababasa ito sa pahina 119-120 sa Batayang Aklat (Panitikang Asyano)

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 1

Batay sa iyong nabasang bahagi ng sanaysay, sagutin mo ang iyong susunod na


Gawain
Gawain 2:” Bilugan Mo, Di-lantad Na Kahulugan Ko”

Bilugan mo ang mga salita o pahayag na nagpapakita ng di-lantad na kahulugan


sa pangungusap at ipaliwanag ang iyong kasagutan batay sa pagkakagamit nito sa
pangungusap

1.Ngayon, nabago na ang tungkulin ng mga babae at lalong naging komplikado.


________________________________________________________________
______________________________________________________________

2.Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa kanilang


mababang kalagayan sa tahanan.
________________________________________________________________
____________________________________________________________________
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 2

F. Paglinang sa Kabihasnan

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay

Kung ikaw ang papipiliin, sa iyong palagay ano ang isang napapanahong isyu sa
lipunan na maaaring mabigyan ng matibay na paninindigan? Ipaliwanag ang iyong napili

H. Paglalahat ng aralin

Sa iyong palagay, paano nakatutulong na maunawaan natin ang kahulugan ng


mga salitsa paggamit ng mga di-lantad na mga salita sa pangungusap?

I. Pagtataya ng Aralin
Gawain 3 :

Piliin sa pangungusap ang mga pahayag/o salita na nagpapakita ng di-lantad na


kahulugan at Ipaliwanag ang kahulugan ng di-lantad na kahulugan mula sa
pagkakagamit sa pangungusap

1. Ang unang kalagayan ng mga kababaihan noong nakalipas na 50 taon,

ang babae sa Taiwan ay katulad sa kasambahay o housekeeper.

Di-lantad na salita o pahayag ___________________________________

Pagpapaliwanag______________________________________________

2.Ngayon, nabago na ang tungkulin ng mga babae at ito ay lalong naging komplikado.

Di- Lantad na salita o pahayag:___________________________________

Pagpapaliwanag______________________________________________

J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin/ o remediation


Napakahusay mo sa lahat ng iyong mga gawain, muli mong basahin ang
akdang: ―Ang Kababaihan ng Taiwan Noon, at Ngayong Nakalipas na 50 Taon‖ na
isinalin ni Shiela C. Molina pahina 19-20 sa Batayang Aklat (Panitikang Asyano

Self Instructional Packets (SIPacks)

Para sa Filipino 9

Kwarter : Ikalawang Markahan Linggo : 3 Ikatlong Araw

I. LAYUNIN : Naipaliliwanag ang


mga:Kaisipan,Layunin,Paksa,

paraan ng pagkakabuo ng sanaysay


(F9PB-lld-47)

II. PAKSA : Sanaysay


Lunsaran : Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong
Nakalipas na 50 Taon

isinalin sa Filipino ni Shiela C. Molina

Wika at Gramatika : Mga angkop na pahayag sa pagbibigay ng


ordinaryong opinyon

Sanggunian : Panitikang Asyano 9, MELC, CG, Internet at


iba pa

Kagamitang : Online videos at sipi ng mga lunsaran


Instruksyunal

III. PAMAMARAAN:

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Gawain 1:
Sa iyong sagutang papel,ilahad mo ang iyong ideya sa kaisipang

“Kapag ang lalaki ay naapi, ito’y trahedya ngunit kapag babae naman ang
naapi ito’y tradisyon”

B. Paghahabi sa layunin ng Aralin

Dahil nasubukan mo ng nakapaglahad ng iyong ideya sa nabasang kaisipan.


Alamin naman natin ang kahulugan ng sanaysay. Ang sanaysay ay isang uri ng sulatin
na nagpapahayag ng pananaw o opinyon ng nagsulat nito. Ang isang sanaysay ay may
pokus sa isang diwa at paksa. Anyong magbahagi ng impormasyon, magpahayag ng
nararamdaman magbahagi ng opinyon, manghikayat ng ibang tao.

Ngayon naman basahin na natin ang isang halimbawa ng sanaysay na may


kaugnayan sa mga kababaihan lalo na sa bansang Taiwan.

Gamit ang iyong modyul hanapin at basahin ang sanaysay na pinamagatang


“Ang Kababaihan ng Taiwan,Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon” isinalin sa Filipino
ni Shiela C. Molina.pahina 119-120

Maging handa sa mga susunod na gawain pagkatapos ng iyong pagbabasa.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Ang Kababaihan ng Taiwan, Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon na


isinalin sa Filipino ni Shiela C. Molina

Ang bilang ng populasyon ng kababaihan sa mundo ay 51% o 2% na mataas kaysa sa


kalalakihan. Maaaring isipin ng ilan na ang kababaihan ay nakakukuha ng parehong
pagkakataon at karapatan gaya ng mga kalalakihan. Ilang kababaihan lamang sa buong mundo
ang nakakakuha ng pantay na karapatan at paggalang tulad ng kalalakihan. Ang tungkulin at
kalagayan ng kababaihan ay unti-unting nagbago sa nakalipas na 50 taon. Ito ay makikita sa
dalawang kalagayan: una ang pagpapalit ng gampanin ng kababaihan at ang ikalawa ay ang
pag-unlad ng kanilang karapatan at kalagayan. Nakikita ito sa Taiwan.

Ang unang kalagayan noong nakalipas na 5O taon, ang babae sa Taiwan ay katulad sa
kasambahay o housekeeper. Ang tanging tungkulin nila ay tapusin ang hindi mahahalagang
gawaing-bahay na hindi natapos ng kanilang asawa. Ang mga babae ay walang karapatang
magdesisyon dahil sa kanilang mababang kalagayan sa tahanan.

Ngayon, nabago na ang tungkulin ng mga babae at lalong naging komplikado. Sa bahay ng
mga Taiwanese, sila rin ang may panangutan sa mga gawaing-bahay. Ngunit sa larangan ng
trabaho, inaasahang magagawa nila kung ano ang nagagawa ng mga kalalakihan. Sa madaling
salita, dalawang mabibigat na tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat.

Ang ikalawang kalagayan, ay pinatutunayan ang pagtaas ng kanilang sahod, pagkakataong


makapag-aral, at mga batas na nangangalaga sa kanila. Karamihan sa mga kompanya ay
nagbibigay ng halaga sa kakayahan ng babae at ang mga kinauukulan ay handang kumuha ng
mga babaeng may kakayahan at masuwelduhan ng mataas. Tumataas ang pagkakataon na
umangat ang babae sa isang kompanya mayroon na ring mga babaeng namamahala. Isa pa
tumaas ang pagkakataon para sa mga babae pagdating sa edukasyon. Ayon sa isang
estadistika mula sa gobyerno, higit na mataas ang bilang ng mga babaeng nakapag-aral sa
kolehiyo kung ihahambing sa kalalakihan makalipas ang 50 taon.

Ang ang huling kalagayan ay ang pagbabago ng mga batas para sa pangangalaga sa
kababaihan ay nakikita na rin. Halimbawa sa Accton Inc., isa sa mga nangungunang networking
hardware manufacturer sa Taiwan, ginawa nang isang taon ang maternity leave sa halip na 3
buwan lamang. Ang gobyerno ng Taiwan ay gumagawa nang batas sa pagkakaroon ng pantay
na karapatan upang higit nilang mapangalagaan ang kababaihan.

Bilang pagwawakas, naiiba ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung
ihahambing noon. Ang kanilang karapatan at kahalagahan ay binibigyan na ng pansin. Ngunit
hindi ito nangangahulugan na ang mga babae ay tumatanggap na ng pantay na posisyon at
pangangalaga sa lipunan. Mayroon pa ring mga kompanya na hindi makatarungan ang pagtrato
sa mga babaeng lider nito. Marami pa ring kalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin
sa kanilang asawa sa tahanan. Ito ay matuwid pa rin sa kanila. Marami pa ring dapat magbago
sa kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa na makita ang ganap at
pantay na karapatan nila sa lipunan.

Mababasa ito sa pahina 119-120 sa Batayang Aklat (Panitikang Asyano)

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 1

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 2


Gawain 3

Ipaliwanag ang mga sumusunod na kaisipan sa inyong sagutang papel.

a. Karamihan sa mga kumpanya ay nagbibigay-halaga sa kakayahan kaysa kasarian.


Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa mababang kalagayan sa
lipunan.

F. Paglinang sa Kabihasaan
Tanong :
Sa iyong palagay, bakit isinulat ng may-akda ang sanaysay? Ipaliwanag.

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay


Kung ikaw ang nasa katayuan ng mga babae sa binasang sanaysay,
paano mo magagampanan ang mga tungkuling naiatang sa iyong mga balikat?

H. Paglalahat ng aralin

Sa kabuuan, masasabi mo ba na detalyado ang pagkakasulat ng sanaysay na iyong


binasa?

I. Pagtataya ng Aralin
Gawain 4 :

Mahusay! Dahil matagumpay mong nabigyang kasagutan ang bawat Gawain, maari mo
ng sagutin ang ating maikling pagsusulit sa iyong sagutang papel

Magbigay ng 2 pagbabagong nangyari sa kalagayan ng mga kababaihan sa Taiwan sa


nakalipas na 50 taon na layuning ipaabot ng sanaysay.

Unang Pagbabago : __________________________________________

Ikalawang Pagbabago : ________________________________________

J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin/ o remediation


Pag-aralan ang mga ginagamit na pahayag sa pagbibigay ng ordinaryong
opinyon, matibay na paninindigan at mungkahi. Magsaliksik sa internet upang maging
handa sa susunod na araw para sa mga gawain.

Self Instructional Packets (SIPacks)

Para sa Filipino 9

Kwarter : Ikalawang Markahan Linggo : 3 Ikaapat na Araw

I. LAYUNIN : Nagagamit ang angkop na mga pahayag


sa pagbibigay ng ordinaryong opinyon,
matibay na paninindigan at mungkahi
(F9WG-IId-49)
Nakasusulat ng isang argumento hinggil
sa isang napapanahong isyu sa lipunang
Asya (F9PU-IId- 49)

II. PAKSA : Sanaysay

Lunsaran : Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong


Nakalipas na 50 Taon

isinalin sa Filipino ni Shiela C. Molina

Wika at Gramatika : Mga angkop na pahayag sa pagbibigay ng ordinaryong


opinyon

Sanggunian : Panitikang Asyano 9, MELC, CG, Internet at iba pa

Kagamitang : Online videos at sipi ng mga lunsaran


Instruksyunal

III. PAMAMARAAN:

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Kahapon binasa at sinuri mo ang ating sanaysay mula sa bansang Taiwan na


nagpapakita ng naging kalagayan ng mga kababaihan sa naturang bansa. Napatunayan
natin na makalipas ang 50 taon ay may nagaganap ng pagbabago sa pakikitungo at
trato sa kanilang mga kababaihan.Unti-unti na rin silang nagkakaroon ng karapatan at
patas na pagtrato gaya ng mga kalalakihan.

B. Paghahabi sa layunin ng Aralin


Gawain 1: Opinyon ko, Pakinggan mo!

Bumuo ng isang Poster o Pagguhit na kung saan sumasalamin ito sa iyong sariling
opinyon ukol sa nabasang sanaysay sa nakaraang sesyon

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Alam mo ba na sa paglalahad ng opinyon o mungkahi ay may mga pahayag tayo


na maaaring gamitin upang lubos natin mailahad ang ating saloobin,opinyon at pananaw
patungkol sa isang bagay o paksa. Ilan sa mga pahayag na ito ay ang sumusunod:

Kapag tayo ay nagpapahayag ng pagsang-ayon maaaring gamitin ang


ekspresyong “sumasang-ayon ako” at “naniniwala ako”.

Sa pagpapahayag naman natin ng opinyon maaaring gamitin ang “sa aking


palagay”,”sa aking pananaw”,”sa aking opinyon”,at “kung ako po ang tatanungin”.

Maaari namang gamitin ang “hindi po ako sumasang-ayon”at “ikinalulungkot ko


pong sabihin”bilang ekspresyon sa pagsalungat.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 1


E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 2
F. Paglinang sa Kabihasnan
Gawain 2: ( SSC AT AMETHYST BLOCK)

Gamit ang mga pahayag sa pagbibigay opinyon, bumuo ka ng iyong saril pananaw
hinggil sa mga sumusunod. ( hindi kukulangin sa dalawa pangungusap ang bawat
sagoT)
1.Pagtugon ng pamahalaan sa Pandemyang Covid 19
2.Paghihirap ng mga Pilipino

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay

Maayos mo bang nailahad ang iyong saloobin o opinyon sa isinulat mong


argumento/sanaysay? Patunayan ang iyong sagot.

H. Paglalahat ng aralin
Bakit mahalagang mailahad nang maayos ang atin opinion o saloobin ukol sa
isang paksa?

I. Pagtataya ng Aralin
Gawain 3 :
Ngayon may ideya kana kung ano ang mga pahayag na maaaring gamitin sa
paglalahad ng opinyon o mungkahi natitiyak kong kayang kaya mong gawin ang
susunod mong gawain.
Sa iyong sagutang papel, ikaw ay susulat ng isang maikling argumento
patungkol sa isang napapanahong isyu sa ating bansa (maaari mong gamitin ang isyu
sa Pandemic/Covid 19 na kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Hal. Sang-ayon
ka ba sa pagbubukas ng klase sa panahon ng pandemya)

Ilahad ang iyong sariling opinyon o mungkahi tungkol sa napapanahong isyu sa


ating bansa gamit ang mga sumusunod na pamantayan

Mga Pamantayan

a.2 talata lamang na binubuo ng 5 pangungusap - 5 puntos

sa bawat talata

b.Gumamit ng mga pahayag/ekspresyon na -5 puntos

Naglalahad ng opinyon/mungkahi

c.Malinaw na nailahad ang paksa -10 puntos

Kabuuan 20 puntos

J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin/ o remediation


Natapos mo na ang iyong mga gawain. Maging handa ka
para sa susunod na aralin.

Self-Instructional Packets (SIPacks)

Para sa Filipino 9

Kwarter : Ikalawang Markahan Linggo: 4 Unang Araw

I. LAYUNIN : 1.Napaghahambing ang kultura ng ilang bansa sa


Silangang Asya batay sa napanood na bahagi ng teleserye
o pelikula (P9PD-IIe-f-48).

2. Nasusuri ang maikling kwento batay sa estilo ng


pagsisimula, pagpapadaloy at pagwawakas ng
napakinggang salaysay (P9PN-IIe-f-48).

II. PAKSA : Panitikan ng Silangang Asya- Maikling


Kwento buhat sa Tsina

Lunsaran : Niyebeng Itim - Isinalin sa Filipino ni Galileo

S. Safra

Mga Bayani sa Gitna ng Covid 19- Isinulat ni

G. Jonald Samuel Da Jose

Wika at Gramatika : Mga pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy at pagtatapos


ng isang kwento

Sanggunian : Panitikang Asyano 9, MELC, CG, Internet at iba pa

Kagamitang : Online videos at sipi ng mga lunsaran


Instruksyunal

III.PAMAMARAAN

A.Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Ang lugar naman na ating lalakbayin ay hindi na bago sa inyo. Malaki ang naging
impluwensya ng bansang ito sa ating kultura at tradisyon. Marami sa nagugustuhang pagkain
ng mga Pilipino ay nagmula sa kanila tulad ng pancit, mami, siomai, siopao, lumpia at iba pa.
Mula sa pagkain, damit at mga kagamitan sa bahay, naging bahagi sila sa ating pang-araw-
araw na buhay. May ideya ka na ba sa bansang aking tinutukoy. Tama! Ang bansang Tsina.
Nais mo bang malaman ang iba pa nilang kultura? Kilala ang mga Tsino sa pagpapahalaga sa
kanilang mga pamilya. Makikita na nakakaangat na pamilya ang pagsasama-sama sa iisang
bubong hanggang sa ikalimang henerasyon. Higit din nilang pinahahalagahan ang anak na
lalaki kaysa sa babae dahil ang lalaki ang nagdadala ng apelyido ng pamilya. Lalaki ang
inaasahang magtrabaho para sa pamilya at ang babae naman ang nangangalaga sa tahanan.

Sa araling ito ay inaasahang maipapamalas mo ang pag-unawa sa kwento na may


katutubong-kulay mula sa Tsina na pinamagatang “Niyebeng Itim” sa tulong ng mga mga
pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy at pagtatapos ng kwento.
Pagkatapos ng aralin na ito ay inaasahan makapaglalarawan ka nang isang masining ng mga
kaugalian at uri ng pamumuhay ng tao sa alinmang bansa sa Silangang Asya. Makapaghahatid
ng tagapakinig ng tyak na larawan ng kaugalian at uri ng pamumuhay ng bansang napili.
Masasagot mo rin ang mahalagang tanong na: Paano naiiba ang ang maikling kwentong
pangkatutubong kulay sa iba pang uri ng maikling kwento? At paano nakatutulong ang
kaalaman sa pagpapalawak ng pangungusap sa paglalarawan ng kulturang ng Asyano?

B.Paghahabi sa layunin ng Aralin


Ang bansang Pilipinas ay mayaman sa panitikan, isa na dito ang maikling kwento. Saan
ka man bahagi ng Pilipinas na pumunta ay may iba’t-ibang mga natatanging mga maikling
kwento ang iyong maririnig at matutuklasan.

Ang Maikling Kwento ay isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga
pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iwan ito ng kakintalan sa isip ng mga
mambabasa.

Maikling kwentong may katutubong-kulay ay isa sa mga uri ng maikling kwento. Ang
binibigyang-diin sa kwentong ito ay ang kapaligiran ng pinangyarihan, ang mga kaugalian at
ang mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay at hanapbuhay ng mga tao sa
nasabing pook. Sa madaling sabi tungkol ito sa kultura ng isang lugar.

C.Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Gawain 1:
Balikan mo ang isang Koreanovela o Teleseryeng iyong nagustuhan buhat sa ibang bansa.
Piliin mo mula dito ang mga kulturang nakapaloob sa bansang pinanggalingan nito. Ihambing
mo ito sa isang teleseryeng iyong napanood na buhat sa ating bansa. Gayahin ang kahon sa
ibaba sa iyong gagawing pagsusuri.

TELESERYE BUHAT SA MGA KULTURANG TELESERYE BUHAT SA


IBANG BANSA IPINAKITA PILIPINAS

KAUGALIAN

PANINIWALA

PAMUMUHAY

Batay sa iyong mga kasagutan ay masasalamin natin sa teleserye ang kultura ng kanilang
mga bansang pinagmulan. Sa pagtalakay sa aralin na ito makikita natin ang iba’t ibang kultura
sa Silangang Asya at ang kanilang naging impluwensya sa ating bansa.

D.Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 1

Kung mayroon internet maaaring panoorin ito sa youtube (https://www.youtube.com/watch?


v=0h3AAxrWwk&fbclid=IwAR3BYwfv8ZVP2NgMh-
eyFMem3n4HCttEeQTS2yDOc70qAmuo5lYc3iSVUbc)

Mga Bayani sa Gitna ng Covid-19

Maikling-kwento Isinulat ni: G. Jonald Samuel S. Da Jose

Sapat at komportableng pamumuhay ang kinalakihan ni Samuela, ang nag-iisang anghel ng


mag-asawang Dr. Nathan Sangil at Ms. Alexa Sangil. Isang larawan ng masayang pamilya, na
may anak na busog sa payo ng mga magulang. Nabuhay siya sa liwanag at mulat ang mata sa
tunay na kahulugan ng buhay. Mahilig din siyang tumulong sa mga nagdarahop sa buhay tulad
ng kanyang mga magulang.

Nakatira ang mag-anak na Sangil sa Pampanga, Isang lugar na tinatawag na Christmas Capital
ng Pilipinas dahil sa makukulay na parol na makikita sa bawat kalye ng lalawigan tuwing araw
ng Pasko. Restaurant naman ang pinaka-sikat na negosyo sa lalawigan sapagkat likas na
mahilig at masarap magluto ang mga Kapampangan.

Isang mabuting doktor ang kanyang ama, siya rin ay naging bayani noon sa pagsugpo ng
Malaria sa bansa at madalas ipatawag upang manguna upang gamutin ang mga may sakit na
naging biktima ng bagyong Yolanda, giyera sa Marawi at iba pa. Marami siyang nagawang
kabayanihan ngunit hindi niya ugaling ipagkalat ang kanyang mga nagawa. Katulong niya ang
kaniyang kabiyak na isang nurse. Sinusuyod nila ang mga lugar na malayo sa kabihasnan at
nagsagawa rin ng mga feeding program na mismong sila ang nagluto at galing sa sariling bulsa.

Labis ang paghanga ni Samuela sa haligi ng tahanan kaya nais niya itong tularan. Kumuha
siya ng kursong medisina sa malaking Unibersidad sa Metro Manila.

Nakita ng mga tagapanday ng karunungan ang kanyang pagsisikap, kagalingan at kakayahan


kaya nagbunga ito ng sabihin sa kanya na siya ay kwalipikado sa pagiging Valedictorian.
Tuwang-tuwa ang mga kaklase ni Samuela na napamahal na sa kanya, nabalitaan din ito ng
kanyang mga magulang nang tumawag ang dean ng paaralan sa kanila. Walang kapantay na
kaligayahan ang naramdaman ng mag-asawa sa makukuhang karangalan ng kanilang anak.

Ngunit ang kaligayahang naranasan ay naging panandalian lamang ng biglang pumasok ang
masamang balita. Pagbukas ng telebisyon bumungad ang mensahe ni Pangulong Duterte na
isasailalim sa “community quarantine” ang Metro Manila dahil sa patuloy na paglobo ng mga
kaso ng nakakahawang virus o Covid-19 sa bansa, na itinuturing nang pandemic sa buong
mundo.

Nakatanggap agad ng tawag ang mag-asawa na kailangan sila ng ating pamahalaan dahil may
mga pinagsususpetsiyahan ng mga kaso ng virus sa kanilang bayan. Nalungkot ang mag-
asawa dahil hindi nila nasundo ang kanilang anak sa Maynila. Dali-dali nilang inayos ang
kanilang kagamitan para dumalo sa pagtitipon na inorganisa ng Mayor.

Samantala dahil sa balita, dali-daling umuwi si Samuela sa kanilang probinsya para hindi
maabutan ng pagsasara ng Metro-Manila. Isa siya sa mga taong na istranded sa daan dahil
walang masakyan. Hindi mahulugang karayom ang mga taong nakita niya sa terminal ng bus,
walang suot na facemask at walang social distancing, hindi alintana kung magkahawaan kung
meron man isa sa kanila ang may dala na ng virus na kumakalat sa pamamagitan ng droplets.

Pilit niyang pinahuhupa ang tensyon ng mga tao, pero wala siyang magawa dahil ayaw makinig
ng mga ito. Napansin siya ng isang kababayan habang kinakausap ang mga mamamayan.
Nilapitan niya ito at kinausap. “Di ba ikaw si Samuela? Ang anak ni Dr. Nathan Sangil?” Wika ng
kababayan. “Opo, ako nga po.” nakangiting wika ng dalaga. Hindi mo ba ako natatandaan?”
tanong ng kababayan habang inaalala ni Samuela kung saan niya nakilala ang taong iyon. Ako
yung tinulungan ng iyong ama sa hospital dahil wala akong pambayad sa pagpapagamot sa
aking anak. Buti na lamang napakabait ng iyong ama at siya na ang gumastos ng mga
pangangailangan namin sa hospital. “Kumusta na po ang iyong anak?” tanong ng dalaga
“Mabuti naman nasa mabuti ng kalagayan kaya nakapagtrabaho na muli ako.” Dagdag pa nito.
“God is Good po!” tugon ng dalaga. “Bago ako lumuwas ng Maynila dinalaw ko ang iyong ama
at ikaw pa nga ang nag-alok sa akin ng maiinom at makakain eh.” masayang sabi ng
kababayan. “AY! Oo nga po, Naalala ko na po kayo, mang Bert! Ang laki na po ng pagbabago
ninyo. Naging maayos na po ang iyong pangangatawan kumpara sa dati na sobrang payat
ninyo.” Nakangiting wika ni Samuela. “Dahil ‘yan sa iyong ama. O siya sumabay ka na sa akin
at pauwi rin ako sa ating probinsya para mag-angkat ng bigas mula sa pampanga. Naroon ang
aking truck.

Nagpasalamat si Samuela at inihatid siya ni Mang Bert mismo sa kanyang tirahan. “Mang Bert,
salamat po muli! Pasasalamat ng dalaga “Wala yun iha! Kahit sa ganitong paraan man lang
makabawi ako sa iyong ama, oh siya sige na paalam!” nakangiting sabi ni Mang Bert.
Pagdating sa kanilang bahay napansin niyang walang katao-tao. Mabuti na lamang ay may
sarili itong susi. Nais man niyang magpahinga dahil sa kapaguran pero hindi niya magawa dahil
nag-aalala siya sa kanyang magulang.

Madaling araw na nang may tumawag sa cellphone ng dalaga at boses ng ama ang narinig
niya. “Anak, kumusta kana? Naka-uwi ka na ba ng bahay? Pasensiya ka na kung hindi na kita
nasundo sa Maynila. May hindi lang inaasahang pangyayari. Hindi ko pa alam kung hanggang
kailan kami mananatili rito. Hindi pa ako pwedeng umuwi katulad ng iyong ina. May mga
pasyente kaming naging positibo na sa Covid-19. Pero huwag kang mag-alala sa awa ng Diyos
nasa mabuti kaming kalagayan. Tumuloy ka na lang muna sa iyong tita Linda para may
makasama ka.” mahina at pagod na tinig ng ama. Opo, daddy. Lagi po kayong mag-iingat!
Mahal na mahal ko po kayo ni Mommy, lagi ko po kayong ipagdarasal na lagi kayong
protektahan. Wika ng dalaga. “Salamat anak, Alam mo na ba ang kailangan gawin upang
makaiwas sa COvid-19? Tanong ng ama. Opo, daddy. O siya paalam na muna anak, dumarami
na ang aming pasyente.

Ramdam ni Samuela ang kapaguran sa tinig ng kanyang ama. Kaya inunawa na lamang niya
ang sitwasyon. Ilang araw lang ang nakakalipas, dineklara na rin ng Pangulo ang paglagay sa
“enhanced community quarantine” ang buong Luzon kasunod ng pagdami ng kaso ng
namamatay na tao at mga health workers dahil sa Covid-19. Isa na ang Pampanga ang
nagpatupad ng total lockdown. Ipinasara ang mga ibang negosyo at pinahinto ang pagbiyahe
ng mga pampublikong transportasyon. Walang nang makakalabas at makakapasok ng
Pampanga, partikular ang mga non-essential workers. Bukas pa rin ang mga essential
establishments tulad ng mga supermarket, groceries, palengke, botika at iba pa sa mga
itinakdang market hours pero tanging ang may mga identified quarantine pass lang ang
papayagang lumabas ng bahay.

Hindi pa rin umuuwi ang kanyang mga magulang. Labis ng nag-aalala si Samuela at hindi
mapakali sa mga nakukuhang negatibong balita sa telebisyon. Pagkatapos niyang magdasal ay
narinig niya ang tinig ng kanyang tiya Linda. Binuksan niya ang pinto ng bahay at kinausap ang
kanyang tiya. “Samuela, bilin ng iyong mga magulang sa amin ka muna tumira.” sabi ng
kanyang tiya. “Nais ko sanang hintayin ang pagbabalik ni Daddy at Mommy nag-aalala na kasi
ako.” malungkot na pahayag ni Samuela. “Huwag kang mag-alala nakausap ko ang iyong mga
magulang nasa maayos silang kalagayan. Malapit na rin at makakauwi na rin sila at susunduin
ka nila sa amin.” Nauutal na wika ni tiya Linda. Napapayag na rin si Samuela na sumama sa
bahay ng kamag-anak.

Ilang linggo ang nakalipas nakatanggap ng mensahe ang dalaga sa kanyang ama’t ina.
“Samuela, anak, huwag kang mag-alala sa amin ng iyong ina. Malapit na rin at makakasama
mo na kami. Lagi mong tatandaan mahal na mahal ka namin ng iyong ina. Miss na miss ka na
namin. Huwag mong pababayaan ang iyong sarili dahil kami ng nanay mo lagi namin
inaalagaan ang isa’t isa. Huwag mo na kaming puntahan hayaan mo kapag ok na ang lahat
magkikita-kita rin tayo. “Congratulation pala anak. Mommy and daddy are so proud of you!”
Nabalitaan namin na ikaw ang hihiranging Valedictorian sa Unibersidad ninyo.” ang mensahe
ng ama sa kanyang anak sa facebook chat. Pagkabasa ng mensahe, pinilit ni Samuela na
tawagan ang kanyang ama upang makita ito ngunit walang sumasagot. Tila may tinik na
nakaturok sa dibdib ni Samuela. Kinutuban siyang baka may masamang nangyayari na sa
kanyang pinakamamahal na magulang.

Kinabukasan nakibalita ito sa telebisyon, laking gulat niya ng narinig niyang binangit ng reporter
sa isang malaking istasyon na isa na namang doktor ang namatay sa sakit na covid-19 at ito si
Dr. Nathan Sangil. Tila binagsakan ng malaking bato si Samuela, natulala at hindi
makapaniwala sa narinig. Napahagulgol ang kawawang anak.

Ayon sa kanyang napanood, Namatay ang kanyang ama kagabi dahil sa pagliligtas sa kanyang
ina. Nauna nang nabalitaan na naging positibo si Ms. Alexa Sangil sa Covid-19, dali-dali itong
inasolate sa mga tao para hindi makahawa ng sakit. Hirap na hirap ang kalagayan ng ina
walang makausap, nakahiga lamang sa kanyang munting higaan at kung ano-ano ang
pumapasok sa kanyang isipan. Nanghina ito dahil sa labis na depresyon dahil hindi man lang
niya pwede mahawakan ang kanyang pamilya kaya unti-unting ng bumagsak ang
pangangatawan nito.

Nabatid ng asawa ang kalagayan ng kabiyak kaya ito ang nagpresinta na mangalaga sa
kanyang asawa. Hindi mapigilan mapayakap ni Dr. Sangil kahit na pinipigilan na siya ng mga
kasamahan. Ayaw pa rin niyang mamatay ang kanyang asawa kung kaya pinili na lamang
niyang samahan ito. Walang pinalagpas na sandali ang Doktor at ginawa ang lahat ng kanyang
makakaya hanggang sa tuluyan ng maalis sa bingit ng kamatayan si Ms. Sangil.

Ngunit pagkalipas ng ilang araw habang naggagamot ng iba pang pasyente si Dr. Sangil
nakaramdam ito ng sintomas ng covid-19 at unti-unting bumagsak ang kanyang
pangangatawan dahil sa lagnat, ubo, sipon, fatigue at hirap sa paghinga hanggang nagkaroon
na ng mga komplikasyon. Kaya ang doktor ay tuluyan ng namatay malayo sa kanyang pamilya.

Napakahirap kay Samuela ang nangyari sa kanyang ama. ‘Di niya nagawang yakapin at sabihin
kung gaano niya kamahal ito. Di nagkaroon ng maayos na libing dahil kailangan ng sunugin
agad ang bangkay para hindi ito makahawa. Sobrang sakit na tila unti-unting dinudurog ang
kanyang puso, ngunit kailangan niyang magpakatatag, kailangan niyang lumaban para sa
kanyang ina na hindi pa malaman kung ano ang tunay na kalagayan.

Kumalat ang balita sa lalawigan at iba’t ibang panig ng bansa. Nagsilitawan ang taong
natulungan ng doktor, pinabatid nila sa mga mamamayan ang kabayanihan at kabutihan nito sa
social Media.

Sinimulan na rin ni Samuela na kumilos upang ipagpatuloy ang naiwang laban ng kanyang
ama. Namahagi siya ng grocery sa mga walang makain dahil sa lockdown, Nag-volunteer na
maging katuwang ng DOH dahil sa kakulangan na ng mga health workers dahil sa mga ilan dito
ay nahawa na ng Covid-19. Binigyan niya ng pag-asa at inspirasyon ang mga tao na patuloy na
lumaban sa sakit at manatiling kumapit sa Diyos.

Humanga ang mayor sa kanyang dedikasyon na makatulong sa kapwa at tapang na suungin


ang panganib. “Katulad siya ng kanyang ama.” “Masasabing nasundan na niya na ang yapak ng
ama.” sabi ng mayor sa kanyang sarili. Dahil sa ipinakitang kabayanihan ng pamilya San Gil,
naging inspirasyon ito ng milyon-milyong pilipino at muling nabuhay ang diwa ng bayanihan sa
bayan ni Juan. Nagsimula ng magkapit-bisig ano man ang estado sa buhay. Marami ang
nanghikayat at nahikayat na mamahagi ng makakain sa mga anak-dalita, Gumawa ng
improvised face mask at PPE suit para ipamigay nila ito sa iba’t ibang hospital, nag-donate ng
face shield, naghandog ng munting regalo bilang pagpapakita ng pasasalamat at pagsaludo sa
mga frontliners na patuloy na lumalaban sa covid-19, at iba pang kaparaanan upang
makatulong.

Pagkalipas ng ilang linggo inimbitahan si Samuela ng mga sundalo na lumabas ng Hospital.


Hindi niya malaman kung ano ang kanyang nagawa para dalhin. Laking gulat niya ng biglang
nakita niyang maraming pulis at sundalo sa daan at naroon din ang maraming doktor at nurse.
Nang nagsalita na ang Mayor, nalaman na lamang niya na ang lahat ng ito ay dahil sa
binibigyan ng pagpupugay ang kabayanihan ng kanyang ama.

Naiyak si Samuela sa kanyang nakita, lalong lalo na ng pinatugtog na ang awitin na sinabayan
ng pagsayaw ng mga sundalo, pulis at mga health workers. Labis siyang nagalak dahil sa
wakas magkakaroon na nagpupugay sa kanyang ama na hindi man lamang nakatikim ng burol
o paglalamay.

Sinaluduhan siya ng kanyang mga kasamahan, ang mayor naman ay pumunta sa van upang
ipakita ang sopresa kay Samuela. Pagbukas nito laking gulat ni Samuela ng nasilayan niya ang
kanyang ina na buhay na nakalitas sa Covid-19. Napahagulgol ito at dali-daling tumakbo
patungo sa ina at niyakap ito ng buong higpit habang nagpalakpakan ang mga nakasaksi.
Naikintal sa puso’t isipan ng mga mamamayan na kahit anong mangyari, ilang linggo, buwan o
taon man bago mabuo ang vaccine. Naniniwala pa rin na sa kabila ng kadilimang bumalot sa
mundo ay unti-unting pa ring masisilayan ang pagsikat ng araw.

E.Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 2

Gawain 2: Sa sagutang papel.

Gamit ang graph sa ibaba ibuod ang akdang binasa ( Mga Bayani sa Gitna ng Covid 19)

F.Paglinang sa Kabihasnan

Gawain 3:

1.Paano mailalarawan ang naging estilo ng may akda sa pagsisimula ng kwento? Ipaliwanag.

Sagot:_______________________________________________________________________
_______________________________________________

2.Ilarawan ang naging daloy ng kwento. Suriin kung naaayon ang daloy nito sa wastong ayos
ng pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari

Sagot:_______________________________________________________________________
_______________________________________________

3.Naging makatotohanan ba ang naging wakas ng kwento? Pangatwiranan.

____________________________________________________________________________
________________________________________________

4.Maglahad ng kultura ng mga Pilipinong nakapaloob sa akda.

a.___________________________________________

a._________________________________________

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay

Kung ikaw ang papipiliin, alin sa mga kulturang nakapaloob sa akda ang malapit sa iyong buhay
o karanasan?Ipaliwanag

H. Paglalahat ng aralin

Aling bahagi ng akda ang nakapagpatingkad sa mga kulturang nakapaloob dito? Ipaliwanag

I. Pagtataya ng Aralin

Maghanap ng mga larawan ng kulturang ipinakita o nabanggit sa akda. Idikit ang mga larawan
sa sagutang papel. ( tatlong larawan ng kultura)
J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin/ o remediation

Bilang takdang aralin basahin ang akdang Niyebeng Itim ni Liu Heng sa inyong Batayang aklat

Self-Instructional Packets (SIPacks)

Para sa Filipino 9

Kwarter : Ikalawang Markahan Linggo: 4 Ikalawang Araw

I. LAYUNIN : 1.Nabibigyan ng kahulugan ang mga imahe at simbolo sa


binasang kwento (P9PT-IIe-f-48).

2. Nahihinuha ang kulturang nakapaloob sa binasang


kwento na may katutubong kulay (P9PB-IIe-f-48).

II. PAKSA : Panitikan ng Silangang Asya-Maikling Kwento buhat sa


Tsina

Lunsaran : Niyebeng Itim - Isinalin sa Filipino ni Galileo S. Safra

Mga Bayani sa Gitna ng Covid 19- Isinulat ni G. Jonald


Samuel Da Jose

Wika at Gramatika : Mga pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy at pagtatapos


ng isang kwento

Sanggunian : Panitikang Asyano 9, MELC, CG, Internet at iba pa

Kagamitang : Online videos at sipi ng mga lunsaran


Instruksyunal

III.PAMAMARAAN

A.Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Bilang pagbabalik aral sa nakaraan sesyon kahapon ano ba ang isang maikling kwentong
may katutubong kulay? ito ay isa sa mga uri ng maikling kwento. Ang binibigyang-diin sa
kwentong ito ay ang kapaligiran ng pinangyarihan, ang mga kaugalian at ang mga pananamit
ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook. Sa
madaling sabi tungkol ito sa kultura ng isang lugar. Tinalakay rin natin ang isang maikling
kwento na pinamagatang Mga Bayani sa Gitna ng Covid 19 na isinulat ni G. Jonald Samuel S.
Da Jose na patungkol sa pakikipagsapalaran ni Samuela gitna ng isang pandemya.

B.Paghahabi sa layunin ng Aralin

Gawain 1: Sa sagutang papel

Suriin ang dalawang larawan na iyong nakikita ano ang masasabi mo patungkol sa kultura na
maaring nilalaman ng mga larawan.
C.Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Batay sa iyong mga kasagutan sa gawain 1 ay maaari mo ng mahihinuha na may


kinalaman ito sa tatalakayin natin ngayong araw na may kinalaman sa kultura. Ano nga ba ang
kultura?

Ayon kay Andersen at Taylor ang kultura ay isang komplikadong sistema ng ugnayan na
nagbibigay kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan
sa kabuuan. Ito ang kabuuang konseptong sangkap sa pamumuhay ng mga tao, batayan kilos
at gawi, at ang kabuuang gawain ng tao (Panopio). Ayon naman kay Mooney ang kultura ay
tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan.

Sa araw na ito ay tatalakayin natin ng isang maikling kwentong may katutubong-kulay na


may pamagat na Niyebeng Itim na isinulat ni Liu Heng. Sa pamamagitan nito ay lubos natin
mauunawaan kung ano nga ba ang isang maikling kwentong may katutubong-kulay

D.Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 1

Basahin ang akdang Niyebeng Itim ni Liu Heng isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra, pahina
133-141 sa Panitikang Asyano

Matapos basahin ang akda ay maging handa sa susunod na mga gawain.

E.Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 2

Gawain 2: Sa sagutang papel

Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na simbolo o imahe sa naging buhay ng


pangunahing tauhan sa akda.

SIMBOLO IMAHE KAHULUGAN SA BUHAY NG


TAUHAN

1. Bilangguan

2. Palengke

3. Bagong Taon

4. Niyebeng itim

F.Paglinang sa Kabihasnan

Gawain 3

Humanap o gumupit ng mga larawan ng mga kulturang nakapaloob sa akdang Niyebeng


Itim. Magbigay ng dalawang kultura/ larawan ng kultura at ipaliwanag ang naging epekto ng
bawat isa sa buhay ng tauhan.

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay

Kung ikaw ay pipili ng isang imahe o simbolo na wala sa akda, ano ang maibibigay mong imahe
o simbolo sa naging pagpupursige sa pagbabagong buhay ni Li Huquian kakayanin mo ba ang
mga pagsubok na pinagdaanan niya? ipaliwanag

H. Paglalahat ng aralin
Sa kabuuan ng akda, paano nakatulong ang mga imahe at simbolo sa pagpapalutang ng
kulturang pinagmulan ng akda?

I. Pagtataya ng Aralin

Gawain 4:

Gumuhit ng isang imahe o simbolo na naglalarawan sa kulturang isinasabuhay ng iyong


pamilya.

J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin/ o remediation

Bilang takdang aralin magbigay ng mga halimbawa ng mga pahayag sa pagsisimula,


pagpapadaloy at pagtatapos ng kwento.
Self-Instructional Packets (SIPacks)

Para sa Filipino 9

Kwarter : Ikalawang Markahan Linggo: 4 Ikatlong Araw

I. LAYUNIN : 1.Naisasalaysay ang sariling karanasan na may


kaugnayang sa kulturang nabanggit sa nabasang kwento
(P9PS-IIe-f-50).

2.Nagagamit ang mga pahayag sa pagsisimula,


pagpapadaloy at pagtatapos ng isang kwento (P9WG-IIe-f-
50).

II. PAKSA : Panitikan ng Silangang Asya-Maikling Kwento buhat sa


Tsina

Lunsaran : Niyebeng Itim - Isinalin sa Filipino ni Galileo S. Safra

Mga Bayani sa Gitna ng Covid 19- Isinulat ni G. Jonald


Samuel Da Jose

Wika at Gramatika : Mga pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy at pagtatapos


ng isang kwento

Sanggunian : Panitikang Asyano 9, MELC, CG, Internet at iba pa

Kagamitang : Online videos at sipi ng mga lunsaran


Instruksyunal

III.PAMAMARAAN

A.Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Sa nakaraang sesyon, tinalakay natin ang isang maikling kwentong may katutubong-
kulay na nanggaling sa bansang Tsina na may pamagat na Niyebeng Itim. Sinuri natin ang
kultura ng mga Tsino at mahusay nating nabigyan ng kahulugan ang mga simbolo at imahe na
nakapaloob sa akda.

Sa sesyong ito ay tatalakayin naman natin ang mga pahayag sa pagsisimula,


pagpapadaloy at pagtatapos ng isang kwento bilang bahagi ng wika at gramatika sa araling ito.

B.Paghahabi sa layunin ng Aralin

Gawain 1:

Balikan ang isa sa naging gawain na unang sesyon bilang pagsisimula ng iyong
mga gawain sa araw na ito.
1.Bakit ang imaheng iyon ang iyong napiling maglarawan sa iyong kultura sa
inyong tahanan/pamilya?
2. Ano ang epekto ng kulturang ito sa iyong buhay sa kasalukuyan?

C.Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Sa bahaging ito ay basahin mo ngayon ang iyong akda sa Panitikang asyano na may
pamagat na Nagmamadali ang Maynila sa pah.144. Pagkatapos ay iyo itong suriin batay sa
kasanayan para sa araw na ito sa tungkol ng mga sumusunod na gawain.

NAGMAMADALI ANG MAYNILA

ni Serafin C. Guinigundo

“GINTO...GINTO...baka po kayo may ginto riyan? Mga mama...mga ale...ginto...” ang alok-
anyaya ng isang babaeng nakakimona at ang saya ay humihilahod sa sakong at siyang lumilinis
sa makapal na alikabok sa bangketa.

“Baka po kayo may ginto?” Ang muling sigaw ng babae.

“Kung may ginto ako ay bakit ipagbibili ko? Hindi baga mahal ang ginto kaysa sa kwalta?”
sambot ng isang lalaki na ang kausap ay ang kaakbay.

Ang kalipunan ng mga taong naglipana sa Azcarraga, Avenida Rizal at Escolta ay mga
mamimiling walang puhunan (karamihan) at mga tagapagbili ng mga bagay na wala sa kanila at
lalong hindi kanilang pag-aari. Ang hanap-buhay ng mga ito ay magtala sa papel ng mga bagay
na nabalitaang ipinagbibili. Madalian ang kanilang usapan. Mabilis magkasundo. Tiyak ang
pook na tipanan—sa harap ng isang mesa: sa ibabaw ng umaasong kapeng-mais na
pinapuputla ang kulay gatas na may bantong gata ng niyog. Kung sila’y palarin, kakamal ng
libo, kung mabigo naman ay gutom maghapon.

Sa tawaran ay hindi magkamayaw. Tingin. Tawad. Tingin. Silip. Tawad. Tingin sa singsing, sa
kuwintas, hikaw at pulseras.

“Ilang ply, ano ang sukat ng goma? Usisa ng isa.

“Ano? In running condition ba? Baka hindi. Mapapahiya tayo.” Ang paniniyak ng isa naman.

“Aba! Sinasabi ko sa iyo...garantisado. hindi ka mapapahiya ,” tugon ng tinanong.

“Hoy, tsiko, ang iyong lote, may tawad na. Ano, magkano ang talagang atin doon? Mayroon na
ba tayo? Baka wala? Ihanda mo ang papel. Bukas ang bayaran. Tiyakin mo lang ang ating
salitaan, ha? Kahit hindi nakasulat...ikaw ang bahala?”

“Ako ang bahala, boy. Alam mo na ang bilis natin. Hindi ka maaano. Hawak natin ang ibon.”

Gawain 1:

I.Pumili ng apat na kulturang Pilipino na nakapaloob sa nabasang akda.

1.___________________________________________

2.___________________________________________

3.___________________________________________

4.___________________________________________

D.Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 1

Gawain 2
Gamit ang isang talata na binubuo ng limang pangungusap, lahad mo ang iyong sariling
karanasan sa Maynila na maaring sumasalamin sa katangian ng lugar na ito.

E.Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 2

Mga pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy at pagtatapos ng kwento

Ito ang pag-gamit ng mga pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy, at pagtatapos ng


kwento upang sa pagsasalaysay o pagkukwento, mahikayat ng nagsasalita ang kanyang
tagapakinig sa isang mahusay na simula.

Kapag nailahad ang layunin nang epektibo ay napupukaw ang kaisipan ng mambabasa o
tagapakinig na patuloy na alamin ang mga kawing-kawing na pangyayari sa papataas at
kasukdulan sa gitna ng kwento. Hihintayin rin nila ang wakas ng kwento.

1.Simula/ Pagsisimula – ang mahusay na simula ay mabuti para makuha ang interes ng
tagapakinig o mambabasa. Dito nabubuo ang mga larawan at nakikita ang aksyon ng
magaganap sa isinasalaysay.

Hal: Noon, Noong unang panahon, Sa simula pa lamang, Una, Sa umpisa, Noong una, atbp.

2..Gitna/ Pagpapadaloy – Sa bahagi na ito ay mabuting mapanatiling kawili-wili ang mga


pangyayari at paglalarawang nasimulan. Aabangan kung paano magtatagumpay o magwawagi
ang pangunahing tauhan, maiwawasto ang mali o matuto ang katunggaliang tauhan habang
tumataas ang pangyayari. Maaaring gamitin: Ikalawa, Ikatlo, Saka, Sumunod, Kasunod,
Pagkatapos, Walang ano-ano’y at iba pa.

3.Wakas/ Pagtatapos – Napakahalaga rin ng huling pangyayaring magiiwan sa isipan ng


tagapakinig o mambabasa. Dito nakapaloob ang mensaheng magpapabuti o magpapabago sa
kalooban o isipan ng lahat. Maaring gumamit ng: Sa huli, Sa wakas, at ibpa na maghuhudyat sa
pagwawakas ng kwento.

F.Paglinang sa Kabihasaan

Gawain 3:

Isulat ang bilang 1 kapag ang pahayag ay tumutukoy sa simula, 2 kapag ang pahahayag ay
tumutukoy sa pagpapadaloy at 3 kung ang pahayag ay tumutukoy sa pagtatapos.Ilagay ang
sagot sa patlang bago ang bilang.

___1. Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supot na may mas
maliliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa.

___2. Unang sabado ng paglabas niya nang hilingin na niyang magdiwang ng kaarawan kahit
hindi pa araw.

___3. “Ngayon ay hindi kana makagagambala pa sa kahit na sino!” ang sabi ng lolo.

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay

H. Paglalahat ng aralin

Ano ang kahalagahan ng paggamit ng mga pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy at


pagtatapos sa kwento?
I. Pagtataya ng Aralin

Gawain 4:

Bumuo ng isang maikling pagsasalaysay na batay sa sariling mong karanasan na may


pagkakatulad sa akdang nabasa. Gamitin ang mga pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy at
pagtatapos ng kwento

J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin/ o remediation

Maghanda para sa pagsulat ng isang maikling kwentong may katutubong-kulay


Self-Instructional Packets (SIPacks)

Para sa Filipino 9

Kwarter : Ikalawang Markahan Linggo: 4 Ikaapat na Araw

I. LAYUNIN : 1.Naisusulat ang isang paglalarawan ng sariling kultura na


maaring gamitin sa isang pagsasalaysay (F9PU-Ile-f-50)

2.Nagagamit ang mga pahayag sa pagsisimula,


pagpapadaloy at pagtatapos ng isang kwento (P9WG-IIe-f-
50).

II. PAKSA : Panitikan ng Silangang Asya-Maikling Kwento buhat sa


Tsina

Lunsaran : Niyebeng Itim - Isinalin sa Filipino ni Galileo S. Safra

Mga Bayani sa Gitna ng Covid 19- Isinulat ni G. Jonald


Samuel Da Jose

Wika at Gramatika : Mga pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy at pagtatapos


ng isang kwento

Sanggunian : Panitikang Asyano 9, MELC, CG, Internet at iba pa

Kagamitang : Online videos at sipi ng mga lunsaran


Instruksyunal

III.PAMAMARAAN

A.Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Sa mga nakaraan sesyon ay paulit- ulit na nabanggit ang tungkol sa kultura ng mga
bansang iyong kinilala at sinuri. Nagkaroon ka rin ng pagkakataong kilalanin ang kultura ng
ating sariling bansa at ipinakilala mo rin ang iyong sariling kulturang kinagisnan buhat sa iyong
pamilya.

May pagkakatulad ba ang bawat kultura? May pagkakaiba kaya? Ang lahat ng iyong naging
obserbasyon ay maaari mong ilahad sa iyong magiging gawain sa sesyong ito.

B.Paghahabi sa layunin ng Aralin

Basahin muli ang Niyebeng Itim sa Batayang aklat upang magkaroon ka ng ideya sa
pagsulat ng isang sariling maikling kwentong may katutubong-kulay. Balikan mo rin ang mga
kulturang nakapagpabago sa buhay ng pangunahing tauhan

C.Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Pansinin mo ang mga tao sa inyong tahanan. Isa-isahin mo ang mga nakikita mong kulturang
kanilang isinasabuhay. Anong klaseng kaugalian ang mga ito, positibo o negatibo?
D.Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 1

Sumulat ng kwentong inilalarawan ang sariling kultura sa inyong lugar. Gamitin ang mga
pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy, at pagtatapos ng isang kwento.

 Rubrics sa pagsulat ng Paglalarawan sa Sariling Kultura


(Simula, Gitna, at Wakas) 5 puntos

Tema 5 puntos

Nilalaman 10 puntos

Pahayag sa pagsisimula, 5 puntos


pagpapadaloy, at pagtatapos ng
isang kwento

Kabuuang puntos 25 puntos


Pagsulat ng Paglalarawan sa Sariling Kultura

E.Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 2

Sa Pagkakataong ito ay pumili ka ng isa sa mga kulturang ipinakilala ng iyong pamilya na nais
mong isabuhay hanggang sa iyong pagtanda

F.Paglinang sa Kabihasnan

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay

Naging madali ba ang naging paglalarawan sa iyong sariling kultura? Pangatwiran ang iyong
sagot. Isulat sa sagutang papel gamit ang tatlong pangungusap.

H. Paglalahat ng aralin

Ano ang kahalagahan ng mga kultura sa pagkilala sa bansang pinanggalingan ng isang akda?

I. Pagtataya ng Aralin

Punan ng angkop napahayag ang mga patlang upang mabuo ang kaisipan ng kwento. Pumili sa
loob ng kahon ng mga angkop na pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy at pagtatapos ng
kwento. Muli itong isulat sa sagutang papel.

Sa Bukid
1.___________ pa lamang ay papunta na sa tubigan sina Ka Lani, kasama ang anak na
dalagang si Lita at ang pamangking si Rosa. Sunong-sunong nila ang mga kasangkapan at
pagkain. Habang sa daan, nakasabay nila sina Ka Jo, Marco at Romeo na nakasakay sa
kalabaw dala ang kani-kaniyang araro. Habang naglalakad, nagkakatuwaan sila at
nagkakatuksuhan. Si Jose na kasama rin nila ay nagpatihuli na parang may malalim na iniisip.

Nang marating nila ang bukid na aararuhin, may nadatnan na silang nagtatrabaho. Ang iba
naman ay 2.___________ lamang sa pagbubukal at habang nagpapahinga ay nagkakasarapan
sa pagkukuwentuhan. Habang abala sa pag-aayos ng mga kasangkapang gagamitin sina Lita
at Rosa, nandoon din si Romeo at nagpipilit na tumulong kay Rosa. Si Jose naman ay
mapapansing namumula ang pisngi. Inabutan ni Rosa si Romeo ng kape 3.________
sinamantala ito ng binatang sapupuhin ang kamay ng dalaga. Walang kibong lumapit si Jose
kay Nati at humingi ng kape at kamote. Walang patlang ang sulyapan nina Nati at Jose habang
nagkakainan. Si Romeo naman ay laging nahuhuling nakatingin kay Rosa. 4.___________
kumain, inumpisahan nila ang Pag-aararo. 5.____________ silang parang may parada.
Masasaya silang nag-aararo at hindi makakaila ang kanilang pagkakaisa sa tulung-tulong na
paggawa. Para silang nagpapaligsahan sa ingay at hiyawan. Ganoon na nga ang nangyari.
Lihim na nagkasubukan sa pag-aararo sina Romeo at Jose. Pagpapakitang bilis sa pagbungkal
ng lupa at gilas ng kalabaw. Ipinanahimik lamang ito ng dalawang dalaga na alam na alam ang
dahilan. Nauna si Romeo, 6._____________ lamang si Jose. Malaki na ang kanilang naaararo
ngunit patuloy pa rin sila. Mahina ang kalabaw ni Jose kaya nahuhuli, 7.____________
magaling ang kalabaw ni Romeo kaya nangunguna. Hindi na makahabol si Jose sa layo ni
Pastor nang huminto na ang kalabaw niya sa sobrang pagod.

Tinawag sila ni Ka Rito para kumain. Tumigil si Romeo. Kinalagan ang kalabaw niya at
sinabuyan ng tubig. Nakatawa itong lumapit sa mga kasama. Samantalang si Jose ay hinimas-
himas pa muna ang batok ng kanyang kalabaw na bumubula ang bibig at abut-abot sa
paghinga. Nilapitan siya ng isa sa mga kasamahan at ipinagpatuloy ang ginagawa niya.
Lumapit si Jose sa mga kasamahang mapulang-mapula ang mukha at paulit-ulit na ikinukuskos
ang mga palad sa kanyang pantalon at walang masabi kundi ang pag-aming talagang makisig
ang kalabaw ni Romeo. Naupo si Jose ilang hakbang ang layo kina Lita at Rosa. Si Romeo ay
kumakain sa tabi ni Rosa. Nilapitan ni Rosa si Jose at inabutan ng pagkain. 8.__________Sa
wakas ay naibsan ang pagod at hirap ni Jose.

J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin/ o remediation

Isang aralin na naman ang ating mahusay na natalakay. Ipagpatuloy natin ang pagkatuto ng
mga panitikan ng Silangang Asya sa mga susunod pang aralin.
Self-Instructional Packets (SIPacks)

Para sa Filipino 9

Kwarter : Ikalawang Markahan Linggo: 5 Unang Araw

I. LAYUNIN :

II. PAKSA :

Lunsaran :

Wika at Gramatika : Mga pahayag sa pagsisimula, pagpapadaloy at


pagtatapos ng isang kwento

Sanggunian : Panitikang Asyano 9, MELC, CG, Internet at iba pa

Kagamitang : Online videos at sipi ng mga lunsaran


Instruksyunal

III.PAMAMARAAN

A.Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

B.Paghahabi sa layunin ng Aralin

C.Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

D.Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 1

E.Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 2

F.Paglinang sa Kabihasnan

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay

H. Paglalahat ng aralin

I. Pagtataya ng Aralin

J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin/ o remediation

You might also like