You are on page 1of 5

BAITANG 7

Pag-unawa sa Binasa

Nainggit si Kikang Kalabaw

Sa isang malayong nayon sa bayan ng Maribojoc sa lalawigan ng Surigao ay


may isang masipag na magsasakang nagngangalang Mang Donato. Si Mang
Donato ay tahimik na namumuhay kasama ang kanyang pamilya at
dalawang alagang hayop, sina Kikang Kalabaw at Basyong Aso.Si Kikang
Kalabaw ang katuwang ni Mang Donato sa bukid. Masipag ito sa pag-
aararo at wala ring reklamo sa pagbubuhat ng mabibigat na bagay kaya
naman mahal na mahal siya ng kanilang amo. Laging may nakahandang
sariwang damo at malinis na tubig para sa kanya si Mang Donato.
Binibigyan din siya ng pagkakataong magloblob sa putikan lalo na kapag
kainitan ng araw upang maginhawahan ang kanyang katawan. Sa gabi
naman ay pinagpapahinga siya sa isang kubong malapit sa bahay ng mag-
anak. Sa kabila ng maayos niyang kaligayahan ay hindi masaya si Kikang
Kalabaw. Nakikita niya kasi kung paano tratuhin ni Mang Donato si
Basyong Aso. Kasama siya ng kanilang amo sa loob ng bahay. Wala ring
ginagawa ang aso kundi kumahol at kumawag ang buntot kapag
dumarating sila ni Mang Donato mula sa bukid. Tuwang-tuwa namang
hahaplusin ni Mang Donato ang mga tainga ng aso. Magpapakandong ang
aso kay Mang Donato at saka siya hahalik-halikan nito na labis namang
ikinatuwa ng amo.

“Buti pa si Basyong Aso,” ang madalas maibulong ni Kikang Kalabaw sa


sarili.

“Nasa bahay lang siya at hindi nahihirapan sa bukid katulad ko subalit


mas mahal pa siya ni Mang Donato kaysa sa akin,”

Dagdag na himutok pa nito. Habang tumatagal ay lalong lumalaki ang


inggit ni Kikang Kalabaw sa kapwa alagang si Basyong Aso. Paano ba
naman kasi’y madalas niyang makitang binibigyan ni Mang Donato
ng pagkain mula sa kanyang sariling pinggan si Basyong Aso. Tuwang-tuwa
rin ang buong pamilya sa pagsayaw-sayaw ng aso at pagkawag-kawag ng
buntot nito kapag ito’y tinatawag.

FILIPINO 7, Pag-unawa sa Binasa / IKALAWANG MARKAHAN Pahina 1


“Paano kaya ako mapapansin at mamahalin din ni Mang Donato? Kung
gayahin ko kaya ang ginagawa ni Basyong Aso ay mapamamahal na rin ba
ako sa kanila?

Tanong nito sa sarili habang nalulumbay na napapahingang mga lamok na


umuugong sa kanyang tainga ang kasama niya sa mga tahimik na gabing
katulad nito samantalang si Basyong Aso ay natutulog sa isang malambot
na higaan sa ibaba ng kama ni Mang Donato. Nakatulungan na ni Kikang
Kalabaw ang kanyang mga sama ng loob medyo nababawasan lang ito
kapag muli siyang pupuntahan ni Mang Donato sa umaga at saka siya
tatapik-tapikin nito bago bigyan ng almusal niyang damo at tubig. Subalit
hindi nawawala sa kanya ang pag-iisip ang paraan kung paano niya
mahihigitan ang pagtingin ng amo kay Basyong Aso. Isang
araw, nakaligtaang itali ng katiwala ni Mang Donato si Kikang Kalabaw sa
posteng nasabungad ng kanyang kubo. Tuwang-tuwa si Kika.

“Ito na, ito na ang pagkakataon ko!” ang halos pasigaw na wika nito.

“Gagayahin ko ang mga ginawa ni Basyong Aso para kay Mang Donato.
Tingnan ko lang kung hindi matuwa at mas mahalin pa ako ng amo ko,”
ang tila tiyak na tiyak na wika pa nito. Patakbong pumasok si Kikang
kalabaw sa loob ng kusina nina Mang Donato. Nadatnan niya itong mag-
isang kumakain ng tanghalian. Dali-dali siyang sumugod sa kinauupuan
ng magsasaka at kinawag-kawag ang kanyang buntot tulad ni Basyong Aso
habang patalon-talon at patakbo-takbo. Sa katatalon niya ay natabig niya
ang mesa kaya’t naglaglagan ang mga pagkain at nangabasag ang mga
pinggan,baso, at iba pang bagay ni Mang Donato habang walang humpay
niya itong hinalik-halikan.

“Tulong! Tulungan ninyo ako!”


Dahil sa malakas na sigaw ni Mang Donato ay nagtakbuhang pumasok sa
kusina ang kanyang buong pamilya at mga katiwala. Dali-daling hinatak ng
isang katiwala ang tali ng kalabaw at dinala ito sa kalapit na kubo.

“Anong pumasok sa utak mong kalabaw ka? Muntik mo nang pinatay si


Mang Donato sa ginawa mo!
Magtanda ka ngayon at hindi mo malilimutan ang araw na ito!
Ang galit na galit na sigaw ng katiwala habang pinapalo ang kalabaw dahil
sa ginawa nito. Tunay ngang ang pagiging mainggitin ay hindi nagbubunga
ng mabuti.

FILIPINO 7, Pag-unawa sa Binasa / IKALAWANG MARKAHAN Pahina 2


(3)Kaagapan _______
AL DURA INTERNATIONAL SCHOOL
Jeddah, Kingdom of Saudi Arabia (2)Kalinisan ________

S.Y. 2020 - 2021 (10)Kawastuhan ______

FILIPINO 7 (5)Mekaniks ________


IKALAWANG MARKAHAN
ISKOR:

Paglinang ng Talasalitaan

Suriin kung TAMA o MALI ang ipinahihiwatig ng mga salitang nakasulat


nang madiin.

TAMA 1. Kapag naglulublob ba ang isang tao o hayop ay nakalubog ito


o nagtatampisaw?

TAMA 2. Kumakawag ba ang buntot ng aso kapag iwinawasiwas niya


ito?

MALI 3. Nakakandong ba ang isang tao kapag nakabuntot ito sa iyo?

MALI 4. Walang humpay bang ginagawa ang isang bagay kapag wala
nang interes gawin ito?

TAMA 5. Kapag hinahatak ba ang isang bagay ay ginagamitan ito ng


puwersa o lakas?

Hanapin at bilugan mula sa iba pang salita sa pangungusap ang kasing-


kahulugan ng salitang nakasulat nang madiin.

6. Magkakakilala ang lahat ng tao sa nayon ni Mang Donato sapagkat


kakaunti lamang ang tao sa naturang baryo.

7. Itinali ang kalabaw sa bungad ng kubo sapagkat mas madali siyang


makita kung nasa unahan siya kaysa kung sa likuran siya itatali.

8. Mahal na mahal ni Mang Donato ang kanyang kalabaw sapagkat ito


ang kanyang katuwang sa mga gawaing-bukid subalit mahal din niya
ang aso sapagkat ito naman ang katulong niya sa pangangalaga sa
kanilang tahanan

FILIPINO 7, Pag-unawa sa Binasa / IKALAWANG MARKAHAN Pahina 3


9. Madalas na nalulumbay ang kalabaw sapagkat nakikita niyang tila mas
mahal ng amo nila ang aso. Nalulungkot siya dahil sa palagay niyang
ito.

10. Tuwing makikita niyang masaya ang amo at ang aso ay hindi niya
mapigilang maghimutok. Ang eksenang ito ay madalas magpasama sa
loob niya.

C. Paghihinuha sa Katangian ng mga Tauhan


Maghinuha tungkol sa katangian ng mga tauhan batay sa pag-uugaling
ipinakita ng mga ito. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_______ 11. Walang reklamo ang kalabaw sa pag-aararo gayundin sa pag-


bubuhat ng mabibigat na bagay. Ang kalabaw ay
a. masipag
b. malikhain
c. masasakitin
_______ 12. Laging may nakahandang sariwang damo at malinis na tubig
para sa kalabaw si Mang Donato. Binibigyan din niya ito ng
pagkakataong maglublob sa putikan lalo na kapag kainitan ng
araw upang ito’y maginhawahan. Si Mang Donato ay
a. maramdamin
b. maalaga
c. mahiyain

_______ 13. Hindi nagugustuhan ng kalabaw na nasa bahay lang ang aso at
hindi nahihirapan sa bukid na tulad niya subalit tila mas ma-
hal pa ito ni Mang Donato. Ang kalabaw ay
a. maramdamin
b. mahusay
c. mainggitin

_______ 14. Tuwang-tuwa rin ang buong pamilya sa pagsasayaw ng aso at


pagkawag-kawag ng buntot nito kapag ito’y tinatawag. Ang aso
ay
a. maramdamin
b. masipag
c. matalino

FILIPINO 7, Pag-unawa sa Binasa / IKALAWANG MARKAHAN Pahina 4


_______ 15. Galit na galit na hinatak ng katiwala ang tali ng kalabaw at
dinala sa kanyang kubo at saka pinagpapalo. Ang katiwala ay
a. mapaghiganti
b. malupit
c. mabuti

Inihanda nina: Iwinasto ni:

Gng. DIGNA I. GOYAGOY


G. MARLON B. GOZON Gng. SUZETTE Y. ONA
Sabdyek Titser Pangalawang Akademik Principal

Inaprobahan ni:

Gng. VIOLETA C. CASTILLO


Akademik Prinsipal

FILIPINO 7, Pag-unawa sa Binasa / IKALAWANG MARKAHAN Pahina 5

You might also like