You are on page 1of 21

Paggamit ng Simuno at

Panaguri at Pagsulat ng Talata


Modyul sa Filipino 4
Ikatlong Markahan- Linggo 7

DAWNY KEITH C. SALUCON


IVILYN S. CATRIZ
Tagapagling

Kagawaran ng Edukasyon ∙ Rehiyong Administratibo ng Cordillera


Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyong Administratibo ng Cordillera
Pampaaralang Sangay ng Lungsod Kalingga
Kalinga Sports Complex, Bulanao
Tabuk City, Kalinga

Inilathala ng:
Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Sistema ng Pamamahala at Pagpapaunlad sa Hanguang Pagkatuto

KARAPATANG SIPI
2020

Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansabilang 8293; Hindi maaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akdang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon
pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan
ginawa ang isang akda upang magamit sa pagpapakitaan ang nasabing akda.
Kabilang sa maaaring gampanin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang patawan
ng bsayad na royalty bilang kondisyon.

Ang materyal ay nagawa para sa implementasyon ng K to 12 Kurikulum ng


Kagawaran ng Edukasyon. Alin mang bahagi nito ay pinahihintulutang kopyahin kung
para sa pag-aaral ngunit kailangang kilalanin ang may-ari nito

ii
PAUNANG SALITA

Ang modyul na ito ay naaayon tungo sa implementasyon ng K to 12 Curriculum.


Layunin nitong tulungan ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa paggamit ng
simuno at panaguri at pagsulat ng talata
Ang kagamitang ito ay pagmamay-ari ng Kagawaran ng Edukasyon-CID
Dibisyon ng Kalinga. Layunin nitong malinang ang iba’t ibang kakayahan sa pagkatuto
ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino sa Baitang 4.

Petsa ng Pagkakabuo : Disyembre 2020


Lokasyon ng Materyal : Schools Division of Kalinga
Northern Pinukpuk District
Asignatura : Filipino
Baitang :4
Wika : Filipino
Uri ng Kagamitan : Module
Markahan/ Linggo : Ikatlong Markahan/Ikapitong linggo
Kasanayang Pampagkatuto : Nagagamit nang wasto at angkop ang simuno at
panaguri sa pangungusap.
Nakasusulat ng talata na may sanhi at bunga.
F4PU-llli-2.1

iii
ALAMIN

Ang modyul na ito ay isinulat upang matugunan ang iba’t ibang


paraan ng iyong pagkatuto. Sa pamamagitan ng paksang ito, ay
malilinang ang iyong kasanayan sa pagsulat, pagbasa at pang-unawa.

Ano-ano ang matututuhan mo sa modyul na ito?

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, may kakayahan ka nang


gawin ang mga sumusunod:
1. Nagagamit nang wasto at angkop ang simuno at panaguri sa
pangungusap.
2. Nakasusulat ng talata na may sanhi at bunga.

SUBUKIN
A. Isulat sa tamang hanay ang simuno at salungguhitan ang payak sa
panaguring ginamit sa bawat pangungusap.
halimbawa:
Mabait na bata si Bawig.
Simuno Panaguri

Bawig mabait

1. Nagluto si nanay ng masarap na kalamay.


2. Masunuring bata si Carmela.
3. Ang alaga kung pusa ay mataba.
4. Si Ginang Reyes ay masayahing guro.
5. Mahimbing ang tulog ng bata.

Simuno Panaguri

2
B. Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang magiging bunga ng
sumusunod na sitwasyon sa bilang 1-3 at isulat naman ang sanhi
ng nasa bilang 4-5. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Nagbubuga ng usok ang mga sasakyan.


2. Nagkalat ang basura sa mga kanal, estero at ilog.
3. Pagsunog ng kabundukan.
4. Bumagsak sa klase.
5. Sumakit ang tiyan.

BALIKAN
Basahin ang mga sumusunod na talata. Ibigay ang angkop na pamagat.

1. Si Lapulapu ang unang bayaning Pilipino. Nang matuklasan ni


Magellan ang Pilipinas, husto niyang kilalanin ng mga katutubo ang hari
ng Espanya. Tinutulan ito ni lapulapu at naganap ang Digmaan sa pagitan
ng mga Kastila at katutubo kung saan tinalo ni Lapulapu si Magellan at
nagging sanhi ng pagkasawi nito sa laban.

Angkop na pamagat: ____________________________

2. Hindi mabilang ang mga kababayan nating nanguna sa larangan ng


pag-awit, pagpipinta at pag-ukiot. Hinahangaan ng mga dayuhan ang mga
produkto nating gawang kamay na tulad ng binurdahan at nililok. Tunay
na ang mga Pilipino ay malikhain sa iba’t ibang larangan.

Angkop na pamagat: ____________________________

3. Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang bawat
lugar sa ating bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang
pasasalamat sa kanilang patron. Isa pang kilalalang tradisyon natin ay
ang bayanihan. Ang bayanihan ay pagtutulungan ng mga tao para sa
isang gawain. May mga kababayan pa rin tayong sumusunod sa ganitong
tradisyon lalo na sa mga lalawigan.

Angkop na pamagat: ____________________________

3
Nabalik-aralan mo na ang nakaraang talakayang ukol sa simuno at panaguri. Ito ay walang
kaugnayan sa paksang nakapaloob sa modyul na ito, tungkol sa pagsulat ng maikling
talatang na may sanhi at bunga. Sigurado akong kayang-kaya mong sagutin ang mga
naihandang gawain sa modyul na ito dahil may dati ka ng kaalaman sa paksa.

Kaya, umpisahan mo na!

Aralin 1 Paggamit ng Simuno at


Panaguri at Pagsulat ng
Talata

TUKLASIN
Basahin ang mga pangungusap. Buo ba ang diwa ng ipinapahayag ng
bawat bilang? Ano ang napupuna mo sa mga salitang nasa loob ng
bilog at kahon?

Masarap magluto si ate Melay.

Si Karda ay mahusay sumayaw.

Mahinhing kumilos si Ingban.

Ang tawag natin sa mga salitang nasa loob ng bilog ay simuno at sa


mga salitang nasa loob ng kahon ay panaguri.

4
Basahin ang talata

Ang Batang Masunurin

Isang gabi, tinawag ng kanyang inang, si Donya Teodora si Jose


Rizal na noo’y batang bata pa.
“Jose, kunin mo ang aklat sa ibabaw ng mesa, “ utos ng ina.
“Opo, Inay,” magalang niyang sagot.
“Halika,” ang sabi ng ina nang Makita si Jose na dala-dala ang aklat.
“Iyan ay para sa iyo. Gusto kong pag-aralan mo ang wikang Espanyol.”
Binuklat ni Jose ang aklat sa unang pahina. Hindi niya mabasang
mabuti ang wikang Espanyol. Kumunot ang kanyang noo. Nakita siya ng
kanyang ina.
“Babasahin ko muna para sa iyo. Maupo ka rito,”yaya ng ina kay
Jose.
Marahang binasa ng ina ang aklat ngunit hindi nakikinig si Jose.
Pinagmamasdan niya ang dalawang gamugamo na lumilipad sa paligid
ng ilawan.
Napansin ng ina na hindi nakikinig si Jose. Kaya sinabi nito sa anak,
“May ikukwento ako sa iyo. Gusto kong making kang mabuti.”
Matagal nang panahon ang nakalipas. May mag-inang gamugamo.
Ang batang gamugamo ay naglalaro sa paligid ng isang dingas. “Huwag
kang lilipad nang malapit sa dingas,” ang paalala ng ina sa anak.
Masusunog ang iyong mga pakpak at ikaw ay mamamatay.”
Subalit hindi nakinig ang maliit na gamugamo sa paalala ng ina.
Lumipad siya nang malapit sa dingas kaya’t nasunog ang kanyang mga
pakpak. Lumagpak ito at namatay.
Hindi pa halos natatapos si Donya Teodora nang biglang…. paligid-
ligid sa ilawan, nasunog!” sigaw ni Jose.
“Nakita mo na, “sabi ng ina. “Ang nangyari sa maliit na gamugamo
sa aking kwento at sa gamugamong iyong pinagmasdan ay iisa. Namatay
sila sapagkat hindi nila sinunod ang bilin ng nanay nila. Kailangang sundin
ng mga bata ang kanilang mga magulang. Kung hindi, may masamang
mangyayari sa kanila.”

5
Mga katanungan:
1.Tungkol kanino ang kuwento?
2. Bakit hindi nakikinig si Rizal sa binabasa ng kanyang ina?
3. Ano ang nangyari sa maliit na gamugamo?
4. Anong aral ang itinuturo ng kuwento?

Natapos mo ng nabasa ang kwento, ano ang sanhi ng di pakikinig


ni Rizal sa kanyang ina? Ano naman ang naging bunga ng di pagsunod
ng dalawang maliit na gamugamo sa paalaala ng ina?

Basahin ang mga pangungusap

1. Marahang binasa ng ina ang aklat ngunit hindi nakikinig si Jose.


Pinagmamasdan niya ang dalawang gamugamo na lumilipad sa paligid
ng ilawan.

2. Hindi nakinig ang maliit na gamugamo sa paalaala ng ina. Lumipad


siya nang malapit sa dingas kaya’t nasunog ang kanyang mga pakpak.
Lumagpak ito at namatay.

Sanhi Bunga
Pinagmamasdan niya ang Hindi nakikinig si Jose
dalawang gamugamo na lumilipad
ng ilawan
Lumipad siya nang malapit sa Nasunog ang kanyang pakpak,
dingas. lumagpak siya at namatay.

SURIIN
Simuno at Panaguri
Ang pangungusap ay salita o grupo ng salita na may buong diwa. Ito ay
may dalawang bahagi: ang simuno at panaguri.
1. Simuno- ay bahagi ng pangungusap na nagsasabi kung ano o sino
ang pinag-uusapan.
Halimbawa: Masipag mag-aral si Perla.

6
Ang aklat ay makapal.
 Ang simuno ay maaaring makikita sa unahan o hulihan ng
pangungusap.
 Ang pinakamahalaga o pangunahing salita sa buong simuno o
paksa ay payak na simuno. Ito ay maaaring pangalan o panghalip.
2. Panaguri- Ito ay nagsasabi o naglalarawan tungkol sa simuno.
Halimbawa- Magaling sumayaw ang bata.
Ang tatay ko ay nagtatrabaho sa bukid.
 Ang panaguri ay maaaring makikita sa unahan o hulihan ng
pangungusap.
 Ang pinakamahalaga o pangunahing salita sa buong panaguri ay
ang payak na panaguri. Ito ay maaaring pandiwa, pang-uri o pang-
abay.
May tiyak na posisyon ang simuno at panaguri sa karaniwan at di-
karaniwang ayos ng pangungusap.

Talata

Ang talata ay binubuo ng isang pangungusap o lipon ng mga


pangungusap na naglalahad ng isang bahagi ng buong pagkukuro,
palagay o paksang diwa.

Ito rin ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasan upang


makapagbigay ng damdamin sa mambabasa at may layuning
magkuwento.
Halimbawa:

Sagana sa likas na yaman ang ating bansa. Mabibilang mo rito ang


mayayamang kagubatang katatagpuan ng iba’t ibang uri ng
punongkahoy, ibon, at hayop. Subalit ang ipinagmamalaki nating mga
likas na yamang ito’y unti-unti nang naglalaho. Sa kasalukuyan, patuloy
paring pinuputol ang mga puno sa ating mga kabundukan. Bunga ng
pagkawala ng mga puno, nawawala na rin ang mga ibon at mga hayop
na naninirahan dito. Wala na ang mga ugat ng mga punongkahoy na

7
sumisipsip ng tubig kaya’t madalas ang pagbaha. Sino kaya ang maaring
sisihin sa mga pangyayaring ito? Bilang mamamayang Pilipino, paano
natin maililigtas ang ating kagubatan at kapaligiranng patuloy na sinisira
ng ibang kababayan natin?

Mga Katangian ng Mabuting Talata

1. May kaisahan. Ang mga pangungusap ay umiikot lamang sa iisang


diwa. Kailangang lahat ng pangungusap ay magkatulung-tulong na
mapalitaw ang kaisipang nais palabasin.
2. May kaugnayan. Kailangang magkakaugnay ang mga
pangungusap upang magpatuloy ang daloy ng diwa mula sa simula
hanggang sa katapusan ng pahayag. Balikan mo ang halimbawang
talata. Magkakaugnay ba ang mga pangungusap? Tama,
magkakaugnay ang mga pangungusap dahil ang mga ito ay
sumusuporta sa pahayag ng pagkakaiba-iba ng pamilya sa mundo.
3. Tama lang ang haba. Ang mahusay na talata ay tama lang ang
haba. Iwasan ang maikli at paudlot-udlot na talata, gayundin ang
sobrang haba para maging kawili-wili sa mambabasa.
4. May wastong mekanismo. Ang mahusay na talata ay may
wastong mekanismo sa pagsulat. Binibigyang pansin nito ang
palugit, panipi sa diyalogo, wastong baybay, paggamit ng malaki at
maliit na titik, gitling at iba pa.

Mga panuntunan sa Pagsulat ng mga Talata

1. Isulat ang pamagat sa gitna sa gawing itaas ng sulatang papel.


2. Lagyan ng espasyo sa pagitran ng pamagat at mga talata.
3. Gamitin ang malaking titik sa simula ng mahahalagang salita sa
pamagat/simula ng bawat pangungusap, simula ng mga pangngalang
pantangi, at sa pagsulat ng pamagat.
3. Gamitin ang wastong bantas sa hulihan ng bawat pangungusap.
4. Ipasok ang unang pangungusap ng talata.
5. Magkaroon ng palugit sa magkabilang panig ng papel.

8
SANHI

Ang sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang


pangyayari. Ito ay nagsasabi ng mga kadahilanan ng mga pangyayari.

Narito ang mga pang-ugnay na nagpapakita ng sanhi o dahilan.


 Sapagkat/pagkat
 Dahil/ dahilan sa
 palibhasa
 kasi
 naging
 sanhi nito

BUNGA
Ang bunga ay resulta ng pangyayari, kinalabasan o dulot ng
pangyayari. Ito ang epekto ng kadahilanan ng pangyayari.

Narito ang mga pang-ugnay na nagpapakita ng bunga o resulta.

 kaya/ kaya naman


 dahil dito
 bunga nito
 tuloy

Tandaan: Hindi lahat ng sanhi at bunga ay pinagmulan ng pang-ugnay.


Halimbawa:

SANHI BUNGA

Patuloy na pagputol ng mga punong Nawawala ang mga ibon at ibang hayop
kahoy sa kabundukan. na naninirahan dito.

Kawalan ng ugat ng mga puno na Madalas ang pagbaha.


sumisipsip sa tubig.

9
PAGYAMANIN

Gawain 1

A. Isulat sa tamang hanay ang simuno at panaguri sa bawat


pangungusap.

1. Ang kapaligiran ay malinis.


2. Malinaw pa ang mga mata ni lola.
3. Ang mga mangga ay matatamis.
4. Laging malinis ang kanyang damit.
5. Si Ignas ay malinaw magsalita.

Simuno Panaguri

B. Buuin ang diwa ng bawat pangungusap sa pamamagitan ng paglalagay


ng angkop na simuno o panaguri sa patlang. Piliin ang wastong sagot sa
loob ng kahon sa ibaba.

nanghihina Cruz matitigas tao pagod

1. Maraming _________ na ang nahawaan ng sakit na COVID.


2. Ang mga doktor ay _____________ na sa panggagamot sa
napakaraming nahawaan ng sakit na COVID.
3. Ang batang dinala sa pagamutan ay _______________.
4. Si Dr. ______________ ay isang magaling at mabait na doktor.
5. Ang mga taong _______________ ang ulo ay maaaring mahawa ng
nakamamatay na sakit.

10
Gawain 2
Basahin ang talata sa ibaba at tukuyin kung ano ang sanhi/bunga ng
mga pangungusap sa ibaba.

Noon malinis, mabango at malinaw na tubig kaya marami ang


namamasyal at naliligo sa Ilog-Pasig kaya nasira ang kagandahan
ng makasaysayang ilog, pinabayaan ito ng mga tao. Marami ang
nagtatapon ng basura sa ilog kaya kaunting pag-ulan ay umaapaw.
Namatay ang mga isda dahil marumi na ang tubig sa ilog.
Nangamba ang mga tao na tuluyan nang masira ang Ilog Pasig,
kaya kailangang kumilos sila bago mahuli ang lahat.

1. Marami ang namamasyal at naliligo sa Ilog-Pasig.

Sanhi: ______________________________________________

2. Nasira ang kagandahan ng makasaysayang ilog.

Sanhi: _______________________________________________

3. Namatay ang mga isda.

Sanhi: _______________________________________________

4. Kahit kaunting pag-ulan ay umaapaw ang tubig sa Ilog-Pasig.

Bunga: _______________________________________________

5. Noon, malinis, mabango at malinaw ang tubig sa Ilog-Pasig.

Bunga: _______________________________________________

11
Gawain 3
A. Sumulat ng isang talata tungkol sa larawan sa ibaba. Isalaysay ang
dahilan ng pagkakaroon ng maruming tubig at ang kahihinatnan nito sa
kapaligiran. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Sumangguni sa rubrik.

https://gurlispinays.wordpress.com/2011/04/18/bugso-ng-ilog/amp/

_______________________________________

________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________.

12
ISAISIP
Ngayon, alalahanin natin ang inyong mga napag-aralan sa modyul
na ito. Dito makikita kung may natutunan ka sa paksa.

Punan ng wastong impormasyon ang patlang upang mabuo ang kaisipan.

Ang (1.) _______________ ay salita o grupo


ng salita na may buong diwa. Ito ay may
dalawang bahagi, ang (2.)___________ at
(3.) ___________.
Ang (4.) _________________ ay ang paksa
o pinag-uusapan sa pangungusap, at ang
(5.) ___________________ naman ay
nagsasabi o naglalarawan sa pangungusap.

ISAGAWA

Sumulat ng maikling talata na nagsasalaysay sa dahilan ng pagkakaroon


ng covid-19 at ang epekto nito sa iyo bilang isang mag-aaral. Sumangguni
sa rubriks para sa paggawa ng talata. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

______________ _____________

pamagat
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________

13
Rubriks sa Pagsulat ng talata.
5 4 3 2 1
NILALAMAN
 Lawak at lalim ng pagtatalakay sa paksa

HIKAYAT
 Paraan ng pagtatalakay sa paksa
 Lohikal na pagkakaayos/daloy ng mga
ideya
Pagkakaugnay ng mga ideya
BALARILA
 Wastong gamit ng wika/salita  
 Baybay, bantas, estruktura ng mga
pangungusap

5 – Pinakamahusay 2 – Mapaghuhusay pa
4 – Mahusay 1 – Nangangailangan pa ng mga
pantulong na pagsasanay
3 – Katanggap-tanggap

TAYAHIN

A. Isulat sa sagutang papel ang simuno sa mga pangungusap sa ibaba.

1. Sariwa ang pagkain sa bukid ni Lolo Tasyo.


2. Ang pulubi ay nanghihingi ng pera sa mga dumaraan.
3. Maliksing gumalaw ang bata.
4. Ang kabayo ay mabilis tumakbo.
5. Masayang tumutulong si Arnel sa bukid.

14
B. Punan ng posibleng sanhi at bunga ang talahanayan.

Sanhi Bunga
Huminto sa pag-aaral ang isang
kamag-aral
Dahil sa kanyang katamaran sa
paggawa ng takda
Nagpamalas ng galing sa pag-
aaral si Martha
Maraming langaw ang makikita sa
paligid
Mahilig magsugal ang ama

Mahusay anak at naabot mo ang bahaging ito. Binabati kita sa


pagtatapos nito. Nagustuhan mo ba? May natutuhan ka bang kapaki-
pakinabang mula sa modyul na ito?

KARAGDAGANG GAWAIN

Tingnan mo ang larawan sa ibaba at sumulat ng isang maikling talata


na nagpapakita ng sanhi o dahilan ng pagkalbo sa kabundukan at ang
kahihinatnan nito sa mga tao o sa pamayanan. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

15
https://earthjournalism.net/stories/ Philippine-forest-are-rapidly-disappearing

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
___________________________________

16
17
GAWAIN 1
A.
SIMUNO PANAGURI
1.kapaligiran malinis
2. mata malinaw
3.mangga matatamis
4. damit malinis
5. Ignas malinaw
B. 1. tao
2. pagod
3. nanghihina
4. Cruz
5. matitigas
SUBUKIN
A.
GAWAIN 3 GAWAIN 2 SIMUNO PANAGURI
Depende sa sagot Depende sa sagot 1. nanay masarap
2. Carmela masunurin
3. pusa mataba
4. Gng. Reyes masayahin
BALIKAN 5. bata mahimbing
1. Unang Pilipinong Bayani: Lapulapu
2. Malikhaing Pilipino
B. Depende sa sagot ng mga bata
3. Tradisyong Pilipino
SUSI NG PAGWAWASTO
MGA SANGGUNIAN

Agarrado, Patricia Jo C., et al. "Alab Filipino Batayang aklat." Quezon City: FEP
Printing Corporation, 2016.
De Leon, Ramon J., et al.” Self- Instructional Materials”.2nd Floor Bonifacio Building
DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City, 2006
Liwanag, Lydia. Landas sa Wika. Quezon City: EduResources Publishing, Inc.,2016.

Lalunio, Lydia P. Ph.D. at Francisa A. Gil. Hiyas sa Wika.Quezon City: SD


Publications, Inc., 2010.
Gurlispinays.wordpress.com. “Bugso ng Ilog”. Accessed January 14, 2021.
https://gurlispinays.wordpress.com/2011/04/18/bugso-ng-ilog/amp/
Earthjournalism.net. “Philippine Forest are Rapidly Disappearing”. Accessed
January 14, 2021. https://earthjournalism.net/stories/Philippine-forest-are-
rapidly-disappearing
Kidsfront.com. “Words Action”. Accessed January 10,
2021.http://www.kidsfront.com/words/action.1.html

19
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education - Schools Division of Kalinga
Bulanao, Tabuk City, Kalinga
Telefax/Website: www.depedkalinga.ph
Email Address: kalinga@deped.gov.ph

19

You might also like