You are on page 1of 41

Republic of the Philippines

Department of Education
N a t i o n a l C a pi t a l Re g i o n
Sc h o o l s D i v i s i o n O f f i c e o f La s Pi ñ a s C i t y

FILIPINO 5

MODULE
UNANG MARKAHAN
UNA-IKAAPAT NA LINGGO

Pagbasa

Pakikinig

Pagsulat

Panonood
Filipino 5
Unang Markahan – Modyul 1
Pag-uugnay ng Sariling Karanasan sa
Napakinggang Teksto
C
Sa araling ito, matutunghayan mo kung paano maiuugnay ang sariling
karanasan sa napakinggang teksto. Makatutulong ito upang mas lalo pang
mapalawak ang iyong kasanayan sa pag-uugnay ng mga pangyayaring iyong
mapakikinggan mula sa tekstong iyong pag-aaralan.
Halina’t basahin natin at unawain ang mga ito.

Panuto: Bilang isang bata ano ang iyong mga karanasan? Isulat sa patlang

ang masayang mukha kung ito ay naranasan mo at malungkot

naman kung hindi.
______ 1. Umuwi sa probinsiya kasama ang mga magulang at mga kapatid.
______ 2. Kumain ng mga sariwang isda, prutas at gulay.
______ 3. Makapaglaro ng tagu-taguan at luksong tinik kasama ang mga
kaibigan.
______ 4. Hindi pumasok sa klase at pumunta sa computer shop.
______ 5. Umakyat sa puno at namitas ng mga prutas.
Aralin Pag-uugnay ng Sariling Karanasan sa
Napakinggang Teksto.
1

Panuto: Batay sa iyong mga karanasan itala sa concept map ang iyong
sariling karanasan na hindi makakalimutan.

Ang Aking Karanasan

Basahin at Pag-isipan
Mga Karanasan

Maraming karanasan ang mga kabataan halimbawa na lamang nito ay ang

paglalaro. Masarap maging isang bata kaya huwag nating sasayangin ang panahong
ito, dahil sa ating paglaki hindi na natin ito maibabalik at mararanasan pa.
Para sa akin, ang pagiging isang bata ay masaya dahil malayang gawin ng
mga kabataan ang kanilang naisin, tulad na lamang ng pakikipaglaro sa kapwa-bata
upang magkaroon ng iba pang kaibigan. Base sa aking karanasan bilang isang bata,
may mga bagay-bagay din na hindi maaaring gawin dahil mayroong limitasyon.
Nararapat nating sanayin ang ating mga sarili na hindi dapat paglalaro lang ang ating
gawin, dapat ay may oras din tayo upang tulungan ang ating mga magulang.
Ang ating mga karanasan bilang isang bata ay maituturing nating yaman, dahil
ating naranasan ang tunay na saya na walang iniisip na anumang problema at
tinuruan din tayo na bumangon tuwing tayo’y nadadapa. Sa ating paglaki maaalala
natin ang lahat ng ito at mapapasabi na lamang na tunay ngang masaya ang buhay-
bata.

Pansinin ang mga salitang nakasulat ng pahilig. Alam mo ba ang tawag

dito?__________________________.
Kung ang iyong sagot ay mga karanasan ang iyong sagot ay tama.
Ang karanasan ay ang kaalaman ng isang tao na nakukuha sa pamamagitan ng
paggawa ng isang bagay o gawain o pagpapanood ng ibang taong gumagawa.

Simulan mo ang pagbasa ng kwento.

Luisiana: Little Bagiuo ng Laguna

Miyerkoles noon, malamig na simoy ng hangin ang bumati sa akin.
Nakasakay kami ng aking mga magulang sa pampasaherong dyip patungo sa isang
baryo na kung tawagin ay “ Little Baguio”. Ito ang lugar na kung saan nakita ko ang
simpleng pamumuhay ng mga taong may sipag at may mumunting pangarap. Dito,
sila ay nagtatanim ng mga halamang gulay at mga hayop gaya ng kalabaw at baka ay
malayang nakagagala sa paligid. Sariwang isda naman ang nananahan sa malilinis
na ilog.
Dito ko nakilala si Carl, isang batang kasing edad ko rin. Magkaibigan ang
aming mga magulang. Pareho kaming nasa ikalimang baitang. Pangarap ni Carl na
makatapos ng elementarya at makapag -aral sa isang paaralang pansekondarya sa
bayan, bagamat mayroon ding mataas na paaralan sa Liitle Baguio.
Ito ang baryo na ang hanging umiihip sa bawat minuto ng bawat oras ay tila
ba hangin ng Pasko.
Naaalaala ko pa nang magkakilala kami ni Carl….
JJ : Kumusta ka? JJ ang pangalan ko. Ikaw?
CARL: Mabuti naman. Ako naman si Carl.
JJ : Ang sarap ng hangin dito sa lugar na ito, sariwa at malamig.
CARL: Little Baguio ang tawag naming sa lugar na ito.
JJ : Lilipat na lamang ako rito sa Paaralang Elementarya sa San
Buenaventura.
CARL: Aba, mabuti kung ganoon. Sana maging kamag-aral kita.
JJ : Sana nga, maraming salamat, Carl.

Ngayon ay unawain mo at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano-ano ang makikita sa Little Baguio?
2. Sino-sino ang mga taong nabanggit?
3. Anong pangyayari ang nabanggit sa kuwento?
4. Saang paaralan lilipat si JJ sa susunod na pasukan?
5.Ano-ano ang mga karanasan ng mga pangunahing tauhan?

Graphic Organizer

Iugnay ang sariling karanasan tungkol sa Kahalagahan ng Edukasyon.

Ano ang kahalagahan nito sayo? Itala ang iyong sagot sa kahon.

Kahalagahan
ng Edukasyon.

Ang karanasan ay ang kaalaman ng isang tao na nakukuha sa pamamagitan ng

paggawa ng isang bagay o gawain o pagpapanood ng ibang taong gumagawa. Ang
mga karanasang ay nagdulot sa atin ng kasiyahan, kalungkutan, pighati at kabiguan.
Habang tumatakbo ang panahon, lahat ng mga karanasan natin ay nag-iiwan ng
alaala.
Ang pag-uugnay ng sariling karanasan ay isang mabuting kasanayan dahil
naipapahayag natin ang sariling saloobin, opinyon, o pananaw hinggil sa mga
kaisipang inilahad. Ang pag-uugnay ng sariling karanasan ay maaaring sa
pamamagitan ng paghahambing sa buhay ng ibang tao o mga karanasan nito.

Basahin mo ang mga sumusunod na sitwasyon. Ipaliwanag ang gagawin mo base sa

iyong sariling karanasan.
1. Nakapulot si Allan ng wallet habang naglilinis ng silid-aralan. Binuksan niya at
nakita ang perang nakasilid dito pati na ang pangalan ng may-ari. Plano niyang
isauli ito.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
____________
2. Sumama si Arturo sa kanyang mga kamag-aral sa pamimitas ng mangga
pagkagaling sa paaralan. Ginabi sila ng uwi sa bahay at nadatnan niya ang
kanyang ama. Tinanong siya kung saan galing. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni
Arturo ano ang sasabihin mo?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
____________
3. Inabutan ng halagang Php. 50.00 si Lucia ng babae sa pagsasauli niya sa
nahulog nitong pitaka.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
____________
4. Sina Ana at Clara ay nabully ng kapwa nila bata dahil sa kanilang itsura at
panlabas na anyo. Naranasan mo na rin bang mabully. Ano ang naramdaman at
ginawa mo.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
____________

5. Maraming may paborito kay Jewel bata man o matanda kaya’t sa

mga espesyal na okasyon ay palagi siyang naroon. Ano-anong okasyon
na nadaluhan mo na? Gaya ni Jewel, anong naramdaman mo kapag
naiimbitahan kang dumalo sa mga espesyal na okasyon?

_________________________________________________________________
______
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot
1. May nakita kang matandang tumatawid sa kalsada. Ano ang dapat mong
gawin?
A. itutulak B. hindi papansinin
C. pagtatawanan D. tutulungan itong tumawid

2. Gustong maglaro ng iyong kapatid sa labas ng bahay ngunit ang bilin ng

iyong ina ay huwag itong lumabas at sa loob nalang ng bahay maglaro.
Nagpaalam sa iyo na gusto niyang lumabas ano ang gagawin mo?
A. palalabasin nalang
B. itatali para hindi lumabas
C. sasamahan na lumabas ng bahay
D. kakausapin nalang na sa loob na lamang ng bahay maglaro.
3. Nakakuha ka ng bagsak na grado sa pagsusulit. Inaasahan ng iyong
magulang na matataas ang gradong nakuha mo. Ipagtatapat mo ba ito
sa kanya?
A. Hindi ko ito sasabihin
B. Sasabihin ko na matataas ang nahuha kong grado.
C. Babaguhin ko ang grado sa pagsususulit, tataasas ko ito.
D. Ipagtatapat ko na mababa ang nakuha kong grado. Sasabihin ko
nalang na pagbubutihin ko sa susunod.
4. Nakita mong kinuha ng iyong kaklase ang pera ng iyong guro, at sinabihan
ka niya na hahatian ka nalang. Kukunin mo ba ito?
A. Paghahatian nalang namin ito.
B. Isusumbong ko siya sa kanyang nanay.
C. Pagsasabihan ko siya na mali ang ginawa niya.
D. Sisigaw ako sa klase na may magnanakaw ng pera.
5. Humihingi ng pagkain ang iyong kaklase at sinabi niya sa’yo na gutom na
gutom na siya at hindi pa kumakain ng agahan, ngunit ang dala mong
pagkain ay sapat lang sa’yo at gutom kana rin. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko ito papansinin.
B. Sasabihin kong kaunti lang ang baon ko.
C. Sasabihin ko sa kanya na hati na lamang kami.
D. Ibibigay ko nalang sa kanya lahat ng pagkain.
Panuto: Bilang isang bata ano pa ang iyong mga hindi malilimutang
karanasan? Itala ito sa ibaba.

1.

2.

3.

4.

5.

1. Alab sa Filipino 5
2. Pinagyamang Pluma 6-Wika at Pagbasa Para sa Elementarya
3. Komunikasyon 5
Filipino
Unang Markahan – Modyul 2
5
Paggamit nang Wasto ng mga Pangngalan at
Panghalip sa Pagtatalakay Tungkol sa Sarili, sa
mga Tao, Hayop, Lugar, Bagay at Pangyayari sa
Paligid
C
Sa araling ito, matutuhan mo kung paano gamitin nang wasto ang mga
pangngalan at panghalip sa pagtatalakay tungkol sa sarili, sa mga tao, hayop, lugar,
bagay at pangyayari. Labis itong makatutulong sa iyo upang mas lalo pang
mapalawak ang iyong kaalaman sa pakikipagtalastasan.
Halina’t simulan ang mga gawaing kapaki-pakinabang sa iyong pag-aaral.

Tumingin ka sa paligid. Magbigay ng limang bagay o lugar na makikita rito.

1.
2.
3.
4.
5.
Aralin Paggamit nang Wasto ng mga Pangngalan at
Panghalip sa Pagtatalakay tungkol sa Sarili,
2 sa mga Tao,Hayop,Lugar,Bagay at
Pangyayarai sa Paligid

Panuto: Tukuyin mo kung ano ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang
tamang sagot sa patlang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

hangin pasko siyudad

baryo dyip trak Semana Santa

__________1. Ang ihip nito ay nagbibigay ng ginhawa sa ating pakiramdam.

__________2. Isang uri ng sasakyan na maaaring gamitin bilang sasakyang
pangangalakal o pampasahero.
__________ 3. Ito ang araw na ipinagdiriwang ng buong mundo.
__________ 4. Lugar na sibilisado , maraming malalaking gusali at mga
sasakyan.
__________ 5. Isang lugar namalayo pa sa kabihasnan at simple ang
Pamumuhay

Basahin at Pag-isipan

Ang Karanasang Hindi ko Malilimutan

Ang karanasan ay isang alaala ng kahapon, masaya man o mapait ngunit

kailangan magpatuloy ang buhay alang-alang sa ngayon at sa darating na bukas.
Ang karanasang hindi ko malilimutan ay ang kinagisnan kong kahirapan mula
ng magkaisip ako ay mahirap na kami. Hindi kami halos makakain ng tatlong beses
sa isang araw sa buhay naming isang magsasaka mahirap kapag kaunti lang ang ani,
kaya kadalasang salat kami sa pagkain at hindi makapag-aral dahil sa laging kulang
ang aming kita.
Dahil dito, natuto akong mangarap na makatapos ng pag-aaral. Gusto kong
iahon ang aking pamilya mula sa kahirapan. Kung mangmang ang isang tao mahirap
itong umasenso.
Sa ngayon, pagsisikapan kong makapasa upang makapagpatuloy sa kolehiyo
kahit anong paraan ay gagawin ko magkaroon lamang ng pagbabago ang buhay ko.
Sana, hindi na maulit ang karanasang iyon sa aking magiging pamilya.

Pansinin ang mga salitang may mga salungguhit sa binasa. Alam mo ba ang tawag
sa mga ito?__________________________.
Kung ang iyong sagot ay mga pangngalan at panghalip, ang iyong sagot ay tama.

Ang pangngalan ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao,

bagay, pook, hayop, at pangyayari na ginagamit sa pagpapahayag o pakikipag-usap.
Ang panghalip ay ang salitang humahalili o pamalit sa pangngalan.

Simulan mo sa pagbasa ng kuwento.

Luisiana: Little Bagiuo ng Laguna

Miyerkoles noon, malamig na simoy ng hangin ang bumati sa akin. Nakasakay kami
ng aking mga magulang sa pampasaherong dyip patungo sa isang baryo na kung
tawagin ay “ Little Baguio”. Ito ang lugar na kung saan nakita ko ang simpleng
pamumuhay ng mga taong may sipag at may mumunting pangarap. Dito, sila ay
nagtatanim ng mga halamang gulay at mga hayop gaya ng kalabaw at baka ay
malayang nakagagala sa paligid. Sariwang isda naman ang nananahan sa malilinis
na ilog.
Dito ko nakilala si Carl, isang batang kasing edad ko rin. Magkaibigan ang aming mga
magulang. Pareho kaming nasa ikalimang baitang. Pangarap ni Carl na makatapos
ng elementarya at makapag -aral sa isang paaralang pansekondarya sa bayan,
bagamat mayroon ding mataas na paaralan sa Liitle Baguio.
Ito ang baryo na ang hanging umiihip sa bawat minuto ng bawat oras ay tila
ba hangin ng Pasko.
Naaalaala ko pa nang magkakilala kami ni Carl….
JJ : Kumusta ka? JJ ang pangalan ko. Ikaw?
CARL: Mabuti naman. Ako naman si Carl.
JJ : Ang sarap ng hangin dito sa lugar na ito, sariwa at malamig.
CARL: Little Baguio ang tawag naming sa lugar na ito.
JJ : Lilipat na lamang ako rito sa Paaralang Elementarya sa San Buenaventura.
CARL: Aba, mabuti kung ganoon. Sana maging kamag-aral kita.
JJ : Sana nga, maraming salamat, Carl.

Ngayon ay unawain mo at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Panuto : Balikan ang kuwentong binasa. Itala sa angkop na hanay sa ibaba

ang ginamit na mga pangngalan at panghalip.

Pangngalan Panghalip

Pumili ng tig- isang pangngalan sa bawat hanay sa halahanayan sa Suriin. Gamitin

ang bawat isa sa pangungusap. Pagkatapos bumuo ulit ng pangungusap kaugnay ng
unang binuong pangungusap. Palitan ang pangngalang ginamit sa bawat
pangungusap ng angkop na panghalip.
Halimbawa:
Si Jawe ang nakatatandang kapatid ni Carl.
Siya ang panganay sa apat na magkakapatid.

Ang pangngalan ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan ng tao,

bagay, pook, hayop, at pangyayari na ginagamit sa pagpapahayag o pakikipag-usap.
Ginagamit din ang mga ito bilang paksa o pinag-uusapan sa loob ng pangungusap.
Halimbawa:
Tao- Ana, Jose, tatay, nanay
Bagay- papel, aklat
Lugar- Las Pinas, Paaralang Elementarya ng MES- Golden Acres Annex
Hayop- manok, aso
Pangyayari- Bagong Taon, pista

Ang panghalip ay ang salitang humahalili o pamalit sa pangngalan. Ito ay ginagamit

kung ang pangngalan ay magkasunod na ginamit sa isang pangungusap.
Halimbawa:

Ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, iyo, inyo, kita, kata, mo, siya,
kanila, kaniya, ito , nire, ire,nito, ganito, ganyan, ganoon, iyan, diyan,
dito, doon

Punan ng angkop na pangngalan at panghalip upang mabuo ang talata. (REBUS)

Ang Pilipinas ay isa sa pinakamaganda at pinakamayamang bansa sa

Silangan. Sa 1._____________, ang Pilipinas ay matatagpuan malapit sa

ekwador.

Nasa Timog ito ng Taiwan at Hilaga ng Borneo. May lawak itong 115, 707 milya
kuwadrado at binubuo ng 7,107 pulo. Pinakamalaki sa mga pulo ng bansa ang

2.________________. Sa buong daigdig, pangalawa ang bansa sa pag-

aani ng 3.________________ na ginagawang asukal.

Marami itong kahanga-hangang bulaklak tulad ng

4.___________________ na maputi at mabango. Gayundin naman,

sagana ito sa mga bungangkahoy at mga prutas gaya ng 5._______ .

Panuto: Gamitin sa pangungusap ang angkop na pangngalan at panghalip.

Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.
mamamayan bansa pangulo

dito kami Pilipinas

1. Bawat_________________________ay dapat magkaroon ng pansariling

disiplina.
2. Ang ikauunlad ng ating_____________________ay nakasalalay din sa uri ng
taong nakatira dito.
3. Pangungunahan ng_____________________ ng Pilipinas ang pagiging
modelo ng kabutihang asal.
4. Makakamit din natin ang kapayapaan kung magkakaroon ng kaayusan,
pagmamahalan ang bawat mamayang nakatira ___________________.
5. Ang pagsunod sa batas ay nararapat upang magkaroon ng kaayusan ang ating
bansang _______________________.

Mula sa malaking bilog na may halo-halong letra subukang bumuo ng mga

pangngalan at panghalip at gamitin sa pangungusap tungkol sa sarili, mga tao,
hayop, lugar, bagay at pangyayari o tungkol sa sariling karan
M Y K
A L
B G
S I
P E
B B

A T U O

Halimbawa:
Sila ang aking mga magulang.

1. Alab sa Filipino 5
2. Pinagyamang Pluma 6-Wika at Pagbasa Para sa Elementarya
3. Komunikasyon 5
Filipino
5
Unang Markahan – Modyul 3
Pagsagot sa mga Tanong sa
Binasa/Napakinggang Kuwento at Tekstong
C
Pang-impormasyon

Sa araling ito, matutuhan mo kung gaano kahalaga ang pagbabasa

at pakikinig sa teksto. Upang masagutan nang tama ang mga katanungan sa binasa
o napakinggang teksto .

Halina’t simulan ang mga gawaing kapaki-pakinabang sa iyong pag-

aaral.

Tingnan mo ang larawan. Ano ang masasabi mo rito?

Matapos mong sagutin ang aking tanong ay basahin mo ang nilalaman nito.
Ang Batang Maikli ang Isang Paa

Mula sa kanyang pagsilang ay maliit na ang isang paa ni

Mutya. Malambot iyon at nakabaluktot. Nang siya ay lumaki-laki, pinasuri siya ng
kanyang mga magulang sa mahuhusay na mga doktor. Ang sabi ng mga doktor ay
wala na iyong remedyo. Habambuhay na raw magiging lumpo si Mutya. Labis na
nalungkot at naawa sa kanya ang mga magulang.
Lumaki si Mutya na laging tinutukso ng mga kalaro. Lalo
siyang naging tampulan ng panunukso nang magsimula na siyang mag-aral. O,
hayan na si Pilantod! Padaanin ninyo!” tukso ng mga pilyong bata kay Mutya.
Sa kabila ng lahat, hindi napipikon si Mutya. Hindi siya umiiyak
sa panunukso sa kanya. Lumaki siyang matapang at matatag. Pinalaki kasi siya ng
kanyang ina na madasalin. Mayroon siyang malaking pananalig sa Diyos kaya naman
nagawa niyang tanggapin ang kalagayan nang maluwag sa loob niya.
Habang nagdadalaga ay nahihilig si Mutya sa musika.
Nakatutugtog siya ng iba’t ibang instrumento. Marami ang humahanga sa taglay
niyang galing sa pagtugtog. Upang lalo pa siyang maging mahusay, pinag-aral siya
ng kanyang ina ng pagtugtog ng piyano. At natuklasan ni Mutya na kulang man siya
ng paa, sobra naman siya sa talino sa musika. Maraming mga guro sa musika ang
humanga sa kanya. Lahat ay gusto siyang maging estudyante.
Pagkaraan pa ng ilang taon, ibang-iba na si Mutya. Isa na
siyang kilalang piyanista. Nakarating na siya sa ibang bansa tulad ng Amerika at
Espanya. Tumugtog siya doon. Naanyayahan pa nga siya sa palasyo ng hari ng
Espanya para tumugtog sa hari. Hindi na siya tinutukso ngayon. Hindi na
pinagtatawanan. Sa halip, siya ay hinahangaan na dahil lahat ay nagkakagusto sa
kanyang pambihirang kakayahan.

Balikan ang binasang kuwento at sagutan ang mga sumusunod na tanong:

1. Tungkol saan ang kuwento?

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
2. Sino ang pangunahing tauhan?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
3. Ano ano ang katangian ni Mutya?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
4. Kung kayo si Mutya, ano ang gagawin mo kung lagi kang tinutukso?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
5. Ano ang aral ng kuwento?

________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Aralin Pagsagot ng mga tanong sa

Binasa/Napakinggang Kuwento at Tekstong
3 Pang-impormasyon.

Panuto: Piiliin ang tamang sagot na nasa kahon.

kami siya sila iyan

atin ako iyo kayo

1. Ikaw at si Ana ang maiiwan sa bahay. Huwag _________ magkakalat

sapagkat magagalit si ate.
2. Si Pedro ay magaling sa pag-awit._________ ay laging nananalo sa
paligsahan.
3. Sina Juan at Tomas ay matalik na magkaibigan. _________ ay
nagtutulungan sa isa’t isa.
4. May nakita akong payong sa upuan kanina. Sa _____ ba itong payong?
5. Mahilig _______ magtanim ng mga halamang namumulaklak at ito ang
aking libangan.

Basahin ang kuwento at sagutan ang kasunod na tanong.

Ang Talambuhay ni Efren G. Peñaflorida, Jr.

Si Efren Peñaflorida, Jr. ay nakilala ng mga Pilipino noong siya ay nagwagi bilang
bayani ng Taon ng CNN noong 2009. Ito ay para sa kaniyang Kariton Klasrum sa
tulong ng samahang Dynamic Teen Company.
Isinilang si Peñaflorida noong Marso 5, 1981. Ang tatay niyang si Efren, Sr. ay isang
drayber ng traysikel samantalang ang nanay niyang si Lucila ay isang simpleng
maybahay. Sa kabila ng katotohanang lumaki siya sa isang lugar na malapit sa
tambakan ng mga basura at maruming tubig, nakapagtapos pa rin bilang iskolar sa
elementarya at sekondarya si Efren. Dalawang kurso ang natapos niya sa kolehiyo
na may mataan na karangalan: ang digri sa Computer Technology sa san Sebastian
College-Recoletos at Batsilyer sa Mataas na Edukasyon sa Cavite State University.
Binuo ni Efren ang Dynamic Teen Company noong kaniyang kabataan. Ito ay
isang grupong pangkabataang may layuning hikayatin ang mga mag-aaral na
makatulong sa lipunan at paunlarin ang sarili, kaysa maging batang –kalye. Ang
gawaing ito ng kaniyang samahan ang naging dahilan kung bakit siya naging
nominado sa patimpalak na Bayani ng Taon ng CNN. Mula sa napakaraming
nominado mula sa mahigit isandaang bansa, napili siya bilang isa sa dalawampu’t
walong mga bayani noong 2009. Mula rito ay natira si Penaflorida bilang isa sa
sampung nominado hanggang sa siya nga ang hinirang bilang Bayani ng Taon ng
CNN noong Nobyembre 22, 2009.

Ang pangaral na ito ang nagbigay sa kaniya ng malaking halaga na ginamit

naman niya sa kaniyang kawanggawa ang magbigay ng edukasyon sa kariton.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Sino sa inyo ang katulad ni Efren na ang tatay ay isang dryaber ng
traysikel?_____________________________________________________
2. Ilarawan ang kabataan ni Efren Penaflorida, Jr. Ano kaya ang nagtulak sa
kaniya upang magkawanggawa sa kabila ng kahirapan sa
buhay?_____________________________________________________
3. Bakit sa kabila ng kahirapan ay nagawa pa ni Efren Peñaflorida, Jr. ang
magtapos ng dalawang kurso? Kung ikaw si Efren, gagawin mo rin ba
ito?_____________________________________________________
4. Ano kaya ang pakiramdam ni Efren na siya ang nagwagi sa piling ng iba pang
mga banyaga?______________________________________
5. Ano ang masasabi mo kay Efren bilang isang Pilipino?
________________________________________________________________

Basahin at intindihing mabuti ang kuwento “Si Annie, Ang Kusinera”. Sagutan ang
mga sumusunod na katanungan sa ibaba.

“Si Annie, Ang Kusinera”

Si Annie ay isang kusinera. Kilalang-kilala siya sa bayan ng

Dansalan dahil napakasarap niyang magluto. Bihira ang handaanlalo na kung pista
na hindi siya ang nagluluto. Marami siyang alam na lutuin tulad ng mga pagkaing
Pilipino, Intsik, Espanyol, at Italyano.

Bukod sa mahusay mangusina si Annie, napakamalikhain pa

niya sa mga inihahandang pagkain. Masarap at kasiya-siya ang mga pagkaing
inihahanda niya. Napananatili niya ang likas na kulay at lutong ng gulay. Iba-ibang
hugis ang ginagawa niya sa mga sangkap na sili, luya, at sibuyas. Napabubuka niya
ang repolyo na akala mo ay isang malaking rosas.

Katakam-takam! Masarap at maganda na ang mga ulam na

luto ni Annie, mabango pa ito. Nakalilikha siya ng amoy ng ulam na kapag nalanghap
mo ay gugutumin ka. Marami ang nagtatanong kung ano ang kanyang sikreto kung
bakit kahit kaunti lang ang sahog ay nakatatakam ang luto niya.

Iisa lang ang sagot niya sa mga nagtatanong. Ang kanyang

mga iniluluto ay pawing sariwa, masustansiya, at mura. Ang lasa at sarap ng pagkain
ay umaayon sa tamang sangkap na ginagamit niya sa pagluluto.
Maayos niyang iniluluto ang mga sangkap. Pinalalambot muna
ang karne bago isama ang gulay. Dapat hindi hilaw o hindi labog ang pagkakaluto.
Tama ang lapot o labnaw ng sabaw. Katakam-takam ang anyo at kulay. Tama ang
lasa at pagkakatimpla, yun ang sikreto niya.

Mga Tanong:
1. Sino ang kusinera?_____________________________________________
2. Saang bayan siya kilalang-kilala? Bakit?____________________________
_________________________________________________________________
_____
3. Ano ang mga alam nyang lutuin?__________________________________
4. Ano pa ang mga kayang gawin ni Annie?__________________________
5. Ano-ano ang sikreto sa pagluluto ni Annie?_________________________
__________________________________________________________________
____

Piliin ang tamang kasagutan sa mga tanong.

1. Alin sa mga sumusunod ang ginagamit kung magtatanong ka sa panahon,
petsa o oras ng pagkakaganap ng pangyayari?
A. saan B. ano
C. kailan D. bakit
2. Aling salita ang gagamitin mo kung nais malaman ang sanhi o bunga ng
pangyayari?
A. bakit B. paano
C. Ano D. sino
3. Nais mong malaman ang bilang ng mag-aaral sa inyong paaralan. Anong
salita ang gagamitin mo sa pagtatanong?
A. saan B. ilan
C. kailan D. ano

4. Ang salitang “sino” ay sumasagot sa tanong na patungkol sa___________?

A. lugar B. tao
C. pangyayari D. bagay

5. Kung nais mong malaman ang paraan ng pagkakaganap ng pangyayari,

ano ang angkop na salitang gagamitin mo sa pagtatanong?
A. paano B. bakit
C. saan D. ano

Ang pagbabasa at pakikinig sa teksto ay mahalaga. Upang masagutan nang

tama ang mga katanungan sa binasa o pinakinggang teksto, kinakailangang unawain
ito nang mabuti. Maaaring maglista ng mahahalagag impormasyon, reaksyon at
katanungan tungkol dito.

Batid kong ikaw ay bihasa na sa pagsagot ng mga tanong tungkol sa iyong binasa
kaya maaari mo pang basahin ang isa pang kuwento at sagutan ang mga tanong sa
ibaba.

Pagkakaisa sa Bayanihan

Sa mga nagdaang panahon, kilala ang mga Plilipino sa pagiging

matulungin. Kahit sinong kapuwa-tao ang nangailaangan, siguradong nariyan ang
mga Pilipinong handang dumamay. Mula sa isang batang nadapa sa kalye, asahang
may isang ale na magtatayo sa kaniya; mula sa isang pamilyang nasunugan,
asahang may magbigay sa kanila ng mga lumang damit; at mula sa komunidad na
biktima ng bagyo at baha, asahang may magbibigay ng donasyon sa kanila.

Sa mga Pilipino, isang simbolo ng pagtutulungan ang gawaing bayanihan.

Bayanihanang tawag sa pagkakaisa ng nagpapagaan ng
anumang uri ng gawain sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagdadamayan.
Maraming gawain ang maituturing na bayanihan. Isa na rito ang pagbubuhat ng isang
buong bahay. Makikitang tulong-tulong ang lahat hangang sa mailipat ito sa ibang
lugar. Mula sa samang –sama lakas ng bawat isa at bukal sa pusong pagtulong sa
kapuwa, kitang-kita kung paano kumikilos ang mga Pilipino bilang isang bansa.

Mga Tanong

1. Batay sa binasa, sa anong katangian nakilala ang mga Pilipino?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Ipaliwanag ang konsepto ng gawaing bayanihan. Paano isinagawa ang

gawaing ito?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3. Magbigay ng iba’t ibang paraan kung saan naipakikita ang iyong
kabayanihan. Ipaliwanang.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

4. Batay sa iyong karanasan, kailan ka naging bayani sa iyong kapuwa?.

Isalaysay ang pangyayaring ito.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

5. Bilang mag-aaral, paano mo maipapakita ang kabayanihan sa loob ng paaralan?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Panuto: Basahin ang kuwento at sagutan ang kasunod na tanong.

Fernando Amorsolo

Si Fernando Amorsolo, isa sa mahuhusay na pambansang pintor ng Pilipinas,

ay isinilang sa Paco, Maynila noong Mayo 30, 1892.
Napatanyag siya sa mga iginuhit niyang mga larawan ng tanawing bukid.
Naglalarawan ng buhay at ugaling Pilipino tulad ng pagtatanim at pag-aani ng palay,
paglalaba sa batis, pagiging dalagang Pilipina, pagsasalok ng tuibg at iba pa.
Napakahusay ng kanyang kamay at pambihira ang kanyang angking talino sa
paggamit ng mga kulay. Nabibigyan niya ng buhay ang larawang kanyang iginuhit.

Sa gulang na 13 ay napasok siya bilang manggagawang nagsasanay sa

studio ng isang mahusay na pintor. Kabilang siya sa unang pangkat ng mga
nagtapos ng sining sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1914. Nagturo siya sa
paaralan ng sining. Nagtungo rin siya sa Paris at nagkaroon ng pagkakataong
mapag-aralan ang gawain ng mga tanyag na pintor doon tulad ni Picasso.

Siya ay tinanghal na pinakamahusay na pintor noong 1920- 1930.

Mga Tanong:

1. Sino si Fernando Amorsolo?

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
2. Saan at kalian siya pinanganak?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
3. Ano-ano ang mga larawang tanawin sa bukid na nagpatanyag sa kanya?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
4. Saan nagtapos ng pag-aaral si Fernando Amorsolo?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
5. Kailan siya tinanghal bilang pinakamahusay na pintor?
_________________________________________________________________
Panuto: Natitiyak kong ikaw ay pamilyar sa pagkalat ng nakahahawang sakit
na COVID 19. Upang lalo pang malinang ang iyong kaisipan, sagutan
mo ang mga sumusunod na tanong tungkol dito.

1. Ano ang Covid 19?

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
2. Saang bansa nagmula ang virus na ito?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
3. Mapanganib ba ang sakit na Covid 19?Bakit?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
4. Paano ito maiiwasan?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
5. Bilang isang mag-aaral, anong gagawin mong paraan upang ikaw ay hindi
mahawaan ng Covid 19?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

1. Alab sa Filipino 5
2. Pinagyamang Pluma 6-Wika at Pagbasa Para sa Elementarya
3. Komunikasyon 5
Filipino
Unang Markahan – Modyul 4
5
Pagsulat ng Maikling Tula, Talatang
Nagsasalaysay at Talambuhay
C
Sa araling ito, matutunghayan mo ang tamang pagsulat ng maikling tula,
talatang nagsasalaysay at talambuhay. Makatutulong ito upang mas lalo pang
mapalawak ang iyong kasanayan sa pagsulat ng maikling tula, talata at talambuhay.
Gagabayin ka ng araling ito na tuklasin ang iyong husay at galing sa pagsulat.
Halina’t basahin natin at unawain ang mga ito.

Panuto: Bigkasin ng malakas ang tula na nasa ibaba.

Sumulat ng dalawang taludtod kahalintulad na tula na nagpapakita
ng pagmamahal sa bayan.

Ang Pilipinong kabataan

Pag-asa niyaring bayan
Magandang ugali at kalooban
Tunay na halimbawa sa tanan.

Pagmamahal sa Diyos ay taos

Hangaring maglingkod sa baya’y lubos
Bawat salita ay pinag-iisipan
Katapatan sa twina ang sandigan.
Mga kapatid at magulang
Minamahal at iginagalang
Hangad ay katahimikan
Sa nililiyag na tahanan

Kusang gumagawa ng tungkulin

Sa tahanan at paaralan din
Tinatapos lahat ng gawain
Pagod niya’y di pinapansin

Bawat isa ay kaibigan

Pera ay di pamantayan
Humihikbi ay tinutulungan
Hanap lagi ay katarungan

Halimbawa’y dapat gayahin

Ng paslit na papalaki rin
Magsama-sama, paramihin
Kabataang pag-asa na

Aralin Pagsulat ng Maikling Tula, Talatang

4 Nagsasalaysay at Talambuhay

Panuto: Kaya ba ninyong sumulat ng maikling tula?

Punan ng angkop na salita upang makabuo ng maikling tula.

Lahing Pilipino

Iminulat kang mapagmahal sa _______________

Tinuruan kang maging magalang sa __________________
Saan ka man dalhin ng iyong mga _________________
Kikilalanin ka pagka’y lahing ________________ ka

Ipagbunyi at ipagmalaki itong ating _________________

Lahi ng magigiting ___________________kabigha-bighani
Salingin man ng __________________, tapang ay tumitindi
Di palulupig at di _________________________.

Lupang ________________________, ating ipaglaban

Pamana ito ng ___________________ kanunu-nunuan
Pagyamanin at huwag__________
Pagkat ito ______ ang ating pagkakakilanlan.

Lumikha ng isang maikling tula na nagpapakita ng isang masunurin at mapagmahal na

bata.

Basahing nang maigi ang tula na nasa ibaba. Paano kaya nakabubuo ng isang
mahusay na tula?
Salamat

Salamat o Panginoon sa pagpapalang dala

Sa kabila ng pinagdadaan ay di naming alintana
Pagkat nariyan ka o Diyos na nagpapala
Tinutugunan, pinupunan, anuman aming pagkukulang

Salamat sa biyaya ng buhay sa araw araw

Pagmamahal mo sa ami’y di pumapanglaw
Pagpupuri sa iyo ang namumutayaw
Naghihinagpis man at animo’y bumabatingaw

Kapurihan Ka o Diyos nang lubos lubos

Pagpapala Mo’y di maubos ubos
Pagdaraanan ma’y kalunos lunos
Di ako malulungkot pagkat Ika’y aking yapos.

Tandaan:
Narito ang mga dapat isaalang alang sa pagsulat ng isang maikling tula.

1. Sukat =tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod na

bumubuo sa isang saknong.
2. Saknong=isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o
maraming linya
3. Tugma=nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog
4. Kariktan=nagtataglay ng marikit na salita upang masiyahan ang
mga mambabasa
5. Talinghaga=paggamit ng mga tayutay o matatalinhagang salita
6. Anyo=porma ng tula
7. Tono/Indayog=diwa ng tula
8. Persona=tumutukoy sa nagsasalita sa tula,;una, ikalawa o ikatlong
panauhan.

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang mga mahahalagang sangkap at kahulugan

nito sa pagbuo ng isang tula na nasa Hanay A.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
HANAY A HANAY B

___1. Tugma a. may dalawa o maraming taludtod

___2. Anyo b. bilang ng pantig
___3. Talinhaga c. himig o indayog ng tula
___4. Tono d. tayutay
___5. Saknong e. porma ng tula
f. diwa ng tula

Tandaan:
Narito ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng isang maikling tula.

1. Sukat =tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod na

bumubuo sa isang saknong.
2. Saknong=isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o
maraming linya
3. Tugma=nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog
4. Kariktan=nagtataglay ng marikit na salita upang masiyahan ang
mga mambabasa
5. Talinhaga=paggamit ng mga tayutay o matatalinhagang salita
6. Anyo=porma ng tula
7. Tono/Indayog=diwa ng tula
8. Persona=tumutukoy sa nagsasalita sa tula,;una, ikalawa o ikatlong
panauhan.

Sumulat ng isang maikling tula kung paano maiiwasan ang Covid 19.
Tandaan ang mga batayan sa pagsulat ng maikling tula.
Dugtungan ng angkop na salita upang mabuo ang diwa ng tula.
ASO
Ako ay may__________________
Asong _____________________
Buntot ay _________________
Makinis ang __________________
Sumulat ng isang maikling tula tungkol sa ating magigiting na mga frontliners na
isinangkalan ang kanilang mga sarili upang labanan ang COVID-19. Pagmasdan ang
larawan sa ibaba.

1. Alab sa Filipino 5
2. Pinagyamang Pluma 6-Wika at Pagbasa Para sa Elementarya
3. Komunikasyon 5
Filipino
Unang Markahan – Modyul 4
5
Nakasusulat ng Talatang Nagsasalaysay C
Sa araling ito, matutunghayan mo ang tamang pagsulat ng talatang
nagsasalaysay. Makatutulong ito upang mas lalo pang mapalawak ang iyong
kasanayan sa pagsulat ng talatang nagsasalaysay. Gagabayin ka ng araling ito na
tuklasin ang iyong husay at galing sa pagsulat.
Halina’t basahin natin at unawain ang mga ito.

Panuto: Sumulat ng isang talata na nagsasalaysay ng inyong sariling

karanasan sa loob ng paaralan.

____________________________________________________________________________

Aralin Pagsulat ng Talatang Nagsasalaysay

Panuto: Lagyan ng tsek(/) kung ang talata ay nagsasalaysay at ekis(x) kung

hindi.

1.________ Si Ana ay mabait na bata noon pa man. Likas siya kinagigiliwan ng

kanyang mga kapatid at maging kamag-anak. Magiliw siyang
nakikihalubilo sa lahat ng uri ng tao kaya siya kinalulugdan ng
lahat.

2. _______Ang Pakwan ay mayaman sa bitamina. Bilog at oblong ang hugis

Ng karaniwang pakwan na makikita natin sa mga pamilihan.
Masarap itong kainin kapag malamig.

3. _______Si Mang Kanor ay nag-iisa na lang sa buhay. Namatay ang

kaniyang kabiyak matapos itong magkasakit. Dahil sa kakapusan sa
buhay, hindi na niya ito nadala man lang sa pagamutan.

4. _______ Masipag at matiyaga sa pag-aaral si Ram. Hindi siya lumiliban sa

klase kahit pa madalas itong walang baon. Nilalakad niya ang kilo
kilometrong layo ng paaralan mula sa kanilang bahay makapasok
lamang. Minsan tinutulungan niya sa gawain ang kanyang guro
tulad ng paglilinis ng silid aralan pagkatapos ng klase kung kaya
siya naman ay inaabutan nito ng konting barya.

5._______Masaya talaga mamasyal sa Enchanted Kingdom. Napakalawak ng

pasyalang ito at tiyak na mag-eenjoy ka rito. Napakaraming rides
na maaari mong sakyan at uli- ulitin. Sadyang makatutuwa talaga
ang mamasyal dito.

Sumulat ng talata na nagsasalaysay ng iyong karanasan sa mga sumusunod na tala.

Isulat ito sa isang malinis na papel.

1. Pamamasyal kasama ang pamilya

2. Unang pagkabigo sa sinalihang paligsahan
3. Karanasan sa unang araw ng pasukan
4. Pamamasyal sa mga Amusement Park
5. Pagkain ng paborito mong pagkain

Sumulat ng inyong karanasan sa mga sumusunod na lugar na pinagyarihan.

Isulat ito ng patalata.

1. Simbahan
2. Sinehan
3. Paaralan
4. Kontest
5. Pasyalang bayan
Panuto: Isulat ang inyong sariling karanasan sa unang araw ng
pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine. Magtala ng
tatlong talata tungkol dito.

TANDAAN:

Ang talatang nagsasalaysay ay nagpapahayag ng magkakaugnay na

pangyayaring maaaring totoo o bungang- isip lamang.

Ito ay naglalayong magkuwento ng naranasan, nabasa, nasaksihan, narinig o

napanood.
Panuto: Gawan ng maikling talata ang inyong karanasan matapos ipatupad
ang lockdown sa buong Pilipinas. Sumulat ng 1-5 na talata tungkol
dito.
____________________________________________________________________

__

Tayahin

Paano ka nga ba makakaiwas sa Covid 19? Ano-ano ang mga dapat mong tandaan
para mailigtas ang sarili at ang buong pamilya sa nakamamatay na virus na ito?
Sumulat ng talatang nagsasalaysay kung paano lalabanan ang pandemyang ito.

Panuto: Isalaysay ang inyong sariling karanasan sa nagaganap na pandemic

sa ating bansa sa kasalukuyan. Sumulat ng dalawang talata tungkol dito.
______________________________________________________________

________

1. Alab sa Filipino 5
2. Pinagyamang Pluma 6-Wika at Pagbasa Para sa Elementarya
3. Komunikasyon 5

You might also like