You are on page 1of 7

ESP LESSON PLAN GRADE 4

I. Layunin:
Sa katapusan ng aralin, ang mga bata ay inaasahang:
a. Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pagunawa na hindi naghihintay ng anumang kapalit ang
paggawa ng mabuti
b. Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa nang mapanuri ang tunay na kahulugan ng pakikipagkapuwa; at
c. Mga kasanayan sa pagkakatuto:
Pagtanggap ng sariling pagkakamali at pagtutuwid nang bukal sa loob

EsP4PIIa-c–18

II. NILALAMAN
Nararamdaman mo, Nauunawaan ko:
Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba (Empathy)

A. Sanggunian: Gabay sa kurikulum ng K to 12 Edukasyon sa Pagkakatao Baitang


4 pah. 57
B. Mga Kagamitan: kuwaderno, sagutang papel, metacards, mga larawang
nagpapakita ng iba’t ibang emosyon.
C. Integrasyon: Filipino

III. PAMAMARAAN

A.PANIMULANG GAWAIN
1.Panalangin
2.Pagbati
3.Pagtala ng liban sa klase
4.Balik-aral
5.Pagganyak:
Ang guro ay magpapaskil ng ng mga larawang nagpapakita ng iba’t ibang
emosyon (masayang mukha, malungkot na mukha, galit at iba pa). Maaaring
gumamit ng laptop o tunay na larawan.
Panuto: Sa loob ng isang minuto, taposin ang pagpili ng larawang
emosyon. Ang mga larawang emosyon ay may mga kaakibat na mga tanong.
(Boluntaryong pagsagot).

Katanungan:
“Kailan ka nagiging masaya?“
“Kailan ka naman nagiging malungkot?”
“Kailan ka rin nagagalit?”

B. PANLINANG NA GAWAIN

1. Tukoy-alam
Paghahawan ng balahid na salita
 Emphaty
2. Paglalahad

Iparinig ang kuwento tungkol sa “Parol ni Carla”

3. Pagtalakay

1. Tama ba ang ginawang paghingi ng paumanhin ng batang nakasagi?

2. Kung ikaw si Carla, ano ang sasabihin mo sa makasagi sa iyong parol?

3. Paano mo itinuwid ng batang nakasagi ang kaniyang pagkakamali?


Tama ba ang kaniyang ginawa?

Karagdagang aktibidad:

Payuhan ang mga mag-aaral na ipikit ang kanilang mga mata at iparinig
ang kantang “Bulag, Pipi, at Bingi”

 Itala ang mga taong binanggit sa awit. Ano ang kanilang mga
kapansanan?
 Ano ang iyong naramdaman para sa kanila habang nakikinig ka sa
awit?
 Ano sa palagay mo ang nararamdaman ng mga taong may
kapansanan kapag sila ay nililibak at pinagtatawanan ng mga taong
nakapaligid sa kanila?
 Ano ang maaari mong gawin kapag nakita mong ang isang taong
may kapansanan ay sinasaktan ng iba?
 Kung ikaw naman ang nakagawa ng pagkakamali sa iyong
kapuwa, lalo na sa mga may kapansanan, paano mo ito itinutuwid?

C. PANGWAKAS NA GAWAIN

1. Paglalahat
 Ano ang emphaty?
 Kailan nararamdaman at nauunawaan ang damdamin ng tao
 Sino ang mga taong apektado kapag nakagawa ng nakakasakit na
bagay at pagkakamali, sinasadya man o hindi.

Katapusang aktibidad:

Sino ang kapuwang nasaktan o nagawan mo ng pagkakamali, sinasadya man


o hindi?”

Paghanda ng metacards na may apat na kulay upang makilala kung saang


grupo nabibilang. Ipaliwanag sa mag-aaral ang one card one idea na ang ibig sabihin, isang
sagot lang ang isusulat.

Damdamin ko sa aking kapuwa, Gagawin ko upang aking maipakita.

IV. PAGTATAYA

Ano ang iyong gagawin sa mga sumusunod na sitwasyon? Isulat kung ano ang
iyong nararamdaman at kung paano ipapakita ang iyong pagdamay.

1. Hindi nanalo ang iyong kaibigan sa isang timpalak sa pagsasayaw.


2. Walang baon ang kabigan sapagkat nakalimutan niya ito.
3. Malungkot na malungkot ang is among kaklase.
4. Namatay ang lola ng isa asa mga kaibigan mo.
5. Tumawid ang isang batang maliit sa kalsada

Isulat ang (nakangiting mukha) kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagmamahal


sa kapwang nasa mababang antas ng kabuhayan at (malungkot na mukha) kung
hindi.

___ 1. Hindi ko kinakausap si Jill dahil siya ay mahirap.

___ 2. Binibigyan ko ng pagkain ang aking kaibigan.


___ 3. Binato ni Billy ang gamit ni Hans dahil siya ya nakasuot ng lumang damit.

___ 4. Sinasali ni Koko sina Tina at Tino sa lro kahit hindi sila parehas na mayroong
bagong damit.

___ 5. Matalik na magkaibigan sina Angela at Angelo kahit magkaiba ang antas ng
kanilang kabuhayan.

___ 6. Ang pagpapasaya ni Sandra sa kaibigang si Lydia sa pamamgitan ng


pagbigay ng mamahaling tsokolate.

___ 7. Isinuli ni Rommel ang mumurahing regalo na binagay ng kaniyang kaklase.

___ 8. Inimbita si Rose ng kanyang kapitbahay kahit wala siyang maibigay na


regalo.

___ 9. Kinukutya si Anna sa kanyang pinapasukang skwelahan dahil hindi siya


makapagbayad ng tuition.

___ 10. Kasama si Nina sa pagdalo ng magarbong party kahit ang kanyang sout ay
hindi angkop sa naturang party.

Emosyon:

Gabayan ang mga mag-aaral sa pagproseso ng kanilang mga emosyon.


Halimbawa: nagiging masaya ang isang tao kapag nakagawa siya ng
kabutihan sa kapuwa, nalulungkot o kaya ay nagagalit kapag may
nagawang pagkakamali o kaya ay nakasakit ng kapuwa.

Ang Parol ni Carla

Nagmamadali si Carla sa pagpasok sa paaraln. Masayang-masaya siya


dahil natapos niya ang kaniyang proyektong parol. Katulong niya ang
kanayang buong pamily sa paggawa nito. Habang bitbit niya ang parol ay
nasagi siya ng isang batang nakikipaghabulan sa kakalase nito, dahilan
upang mapahagis ang bitbit na parol ni Carla at nasira ito.

Halos umiyak na si Carla sapagkat mahuhuli na siya sa kaniyang klase at


nasira pa ang kaniyang proyektong parol. “Naku, paano na iyan, wala na
akong ipapasa kay Ma’am,” himutok ni Carla. “Pasensiya na, hhindi kita
napansin kasi naghahabulan kami,” paumanhin ng nakasaging bata.
“Tutulungan na lamnag kitang mabuo ulit ang parol,” wika pa ng batang
nakasagi. Pumayag naman si Carla at magkasama silang nagpaliwanag
sa guro kung bakit nasira ang parol. Nang araw ding iyon ay magkatulong
na ang dalawang bata sa pagbou ng parol ni Carla. Magkasama nila itong
ipinasa sa guro at naging magkaibigan pa silang dalalawa.

1. Tama ba ang ginawang paghingi ng paumanhin ng batang nakasagi?

2. Kung ikaw si Carla, ano ang sasabihin mo sa makasagi sa iyong parol?

3. Paano mo itinuwid ng batang nakasagi ang kaniyang pagkakamali?


Tama ba ang kaniyang ginawa?

TANDAAN:

Ang pagdamay sa kapuwa ay isang gawaing kinalulugdan ng Diyos. Ang


magagandang karanasan ng Diyos. Ang magagandang karanasan sa
pagtulong na naibabahagi sa iba ay maaring kapupulutan ng
magagandang halimbawa ng ibang mga kabataan.

Sa lahat ng pagkakataon, kailangan lang maging sensitibo sa damddamin


at pangangailangan nga kapuwa. Ito ang pinakamabuting paraan upang
maipadama natin ang pagmamahal at pag-unawa na kinakailangan n
gating kapuwa na walang anumang hinihintay na kapalit.

Maaring material na bagay ang tulong na maibabahagi antin nggunit ihndi


lagging ito ang kailangan ng iba. May mga panahon na kailangan ng isang
kaibigan na makikinig ng payo. Kiung minsan nama’y kasama sa isang
tagumpay ang kailangan ng tao.

Bawat tao ay maaraing magkaroon ng oras na siya ay masayang-masaya,


ngunit may mga pananhon din na siya ay malungkot dahil sa problema.
Sa ganitong pagkakataon, kakaianganin niya ng taong puwedeng
dumamay sa kaniya.

Dahil bawat tao ay gumagalaw sa isang komunidad, marapat na siya ay


makipag-ugnayan o makibahagi sa ibang tao. Sa kaniyang pakikibahagi,
natutuhan niya ang pagdamay at pag-unawa sa damdamin ng iba,
hanggang sa maipamalas niya ang paglalagay ng kaniyang sarili sa
kinalalagyan ng ibang tao. Sa paraang ito ay nakakatulong na siya.

Pagdama at Pag-unawa sa damdamin ng iba (Emphaty)


Nararamdaman mo at nauunawaaan mo ang damdamin ng kapuwa kung:

 Naiintindihan mo ang kaniyag pinagdaraanan


 Napagdaanan mo na ang parehong karansan sa kapuwa
 Alam mo na ang dulot na saya o sakit dahil nakita mo na rin ito sa iba pang kapuwa.

May mga pagkakataong nakakagaawa tayo ng pagkakamali at nakaksakit
sa damdamin n gating kapuwa nang hindi natin namamalayan

Itanong sa mag-aaral kung ano ang nararamdaman nila tuwing nakakakita


sila ng mga taong kinukutya o kaya ay pinagtatawanan. Ipaliwanag na
kapag nararamdaman nila o nauunawaan ang damdamin ng kapuwa, ang
tawag dito ay empathy.

Bulag, Pipi at Bingi

Sa bawat yugto ng buhay, may wasto at may mali


Sa bawat nilalang ay may bulag, may pipi at may bingi

Madilim ang ‘yong paligid, hatinggabing walang hanggan


Anyo at kulay ng mundo sa ‘yo’y pinagkaitan
H’wag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan
Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan.
Chorus

Di nalalayo sa ‘yo ang tunay na mundo


Marami sa ami’y nabubuhay nang tulad mo
Di makita, di madinig, minsa’y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal.
Ibigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin
Sigaw ng puso’t damdamin wala sa ‘yong pumapansin
Sampung daliri, kaibigan, d’yan ka nila pakikinggan
Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman.

[Repeat Chorus]

Ano sa ‘yo ang musika, sa ‘yo ba’y mahalaga


Matahimik mong paligid, awitan ay di madinig
Mapalad ka, o kaibigan, napakaingay ng mundo
Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo
[Repeat Chorus]
Di makita, di madinig, minsa’y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal

You might also like