You are on page 1of 3

A Daily Lesson Plan in Teaching ESP

For Grade 5 in Elementary


September 26, 2019

I. Layunin: Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang;


a. naipapamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakkipagkapwa tao at
pagganap ng mga inaasahang hakbang, pahayag at kilos para sa kapakanan
ng pamilya at kapwa,
b. naisasagawa ang inaasahang hakbang, kilos at pahayag na may paggalang
at pagmamalasakit para sa kapakanan at kabutihan ng pamilya, at;
c. nakapagpapaubaya ng pansariling kapakanan para sa kabutihan ng kapwa.
(Esp5P-IIf-26)

II. Nilalaman:
Paksa: Pagpapaubaya ng Pansariling Kapakanan para sa Kabutihan ng
Kapwa
Kagamitan: PowerPoint Presentation, chart, videos
Sanggunian: Go, Galileo et. al (2013), Gabay sa Pagpapakatao

III. Procedure:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
 Paano niyo maipapakita ang pagpapahalaga sa opinion ng iba?
2. Pagganyak
 Mga bata handa ba kayong magsakripisyo para sa kapakanan ng iba?

B. Talakayan
 Magpakita ng mga larawan; Isang lalaking pasan sa likuran ang
kanyang kapatid.
 Ano sa palagay niyo ang ipinapahiwatig ng larawan?
 Ilalahad ng guro ang maikling kwento na pinamagatang “Para sa
Kapakanan Mo, Handa Ako”

Para sa Kapakanan Mo, Handa Ako

Mahal na mahal ni Leon ang kanyang kapatid na si Bobby na may kapansanan.


Naputol ang mga paa nito dahil sa isang aksidente kaya lagi siyang nasa wheelchair.
Simula noon ay si Leon na ang umaalalay kay Bobby. Minsan nga ay pinapasan niya
ito sa kanyang likod.

Minsan, habang sakay niya si Bobby sa kanyang likuran, tinanong si Leon ng isa
nilang kapitbahay.

“Hindi ka ba nabibigay kay Bobby?”

“Hindi po. Kapatid ko po siya at lagi po akong handing tulungan siya.” Ang
nakangiting sagot ni Leon.

Sa isa namang pagkakataon, nagkaroon ng camping ang mga Boy Scouts.


Biyernes ng hapon ang alis ng kawan nina Leon. Bigla namang kailangang isugod sa
pagamutan ang lolo ni Leon. “Papaano iyan, sino ang kasama ni Bobby habang nasa
pagamutan kami? Pupunta si Leon sa camping nila,” ang nag-aalalang tanong ni
Nanay.

“Huwag kayong mag-alala, Nanay, Tatay. Ako na ang maiiwan dito sa bahay.
Sasabihin ko na lang na hindi ako makasasama sa camping dahil sa may nangyaring
hindi inaasahan sa atin,” ang sagot naman ni Leon.
Pagdating ng Lunes, nakita si Leon ng mga kasamahang boy scout. “Leon,
sayang hindi ka sumama. Ang saya ng camping. Marami kaming natutuhan at
nakilalang mga boy scout na galing pa sa ibang bansa, “ ang masayang pagbabalita
ni Eric.

“Sayang nga pero, kailangan kong iukol ang aking panahon para sa
kapakanan ng aking kapatid at lolo,” ang sagot ni Leon.

C. Paglalapat

Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito para maipakita ang pagmamalasakit mo sa


iyong kapwa. Ilahad ang iyong magiging damdamin.

1. Paano ipinakita ni Leon ang pagmamahal sa kanyang kapatid?


2. Paano naapektuhan ng biglaang pagkakasakit ng lolo ni Leon ang
kanilang camping?
3. Ano ang maaaring nangyari kung itinuloy ni Leon ang pagsama sa
camping?
4. Ano ang nagging bunga ng pagpapaubaya ni Leon para sa
kapakanan ng kayang pamilya?
5. Bilang mag-aaral na tulad ni Leon, gagawin mo rin ba ang ginawa
niya? Bakit?

D. Paglalahat

Ang bawat pangkat ay gagawin ang sumusunod na gawain at ipapaliwanag.

Panuto: Nakatala sa ibaba ang ilan sa mga bagay at gawaing paborito mo.Alin-alin
dito kaya mong ipaubaya o ibigay sa higit na nangangailangan? Lagyan ng 
ang kahon.
E. Panood ng telebisyon
F. Bisikleta
G. Rubber shoes
H. Bag na pampaaralan
I.
J. Pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan
K. Mga aklat tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas
L. Paglalaro ng computer games

Magandang pantalong regalo sa iyo noong isang taon

CD na paboritong banda

F. Paglinang na Kabihasaan
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Sagutin ang mga tanong tungkol
dito.
1. Araw ng Sabado at wala kang pasok. Naisipan mong maligo na. Nakita mo
na halos isang timba na lang ang natitirang tubig na iyong inipon kagabi.
Hapon pa ibabalik ang serbisyo ng tubig sa inyong pamayanan.
Naghahanda na ring maligo ang iyong ate para pumasok sa kanyang
trabaho. Ano ang gagawin mo?

2. Mahilig kang magbasa ng mga kuwentong pambata. Mayroon kang


matagal ng inaabangang kwentong isinulat ng paborito mong manunulat.
Laking tuwa mon ang malaman mong mayroon nito sa inyong silid-aklatan.
Nang kinakausap mo na ang librarian, narining mo na nagtatanong ang isa
pang bata tungkol sa aklat na balak ring hiramin. At ayon sakanya,
kailangan niyang basahin ito para sa kanyang ulat kinabukasan. Ano ang
gagawin mo?

G. Paglalapat ng aralin sa pangaraw-araw na buhay

TANDAAN:
Ipaubaya ang pansariling layunin para sa kapakanan ng iyong kapwa kung
kinakailangan. Sa pamamagitan ng pagpapaubaya ay naipahahayag ang
pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa

H. Paglalahat ng aralin

Panuto: Masasabi mo bang ikaw ay marunong magpaubaya sa panahon ng


pangangailangan ng iba? Anong marka ang ibibigay mo sa iyong sarili? Kulayan
ang bilog ng iyong marka.

0-25% 26-50% 51-75% 76-100%

sBakit mo binigyan ng ganitong marka ang iyong sarili? Isulat ang sagot.

I. Pagtataya ng aralin
Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang T kung tama ang ipinapahayag ng
pangungusap at M kung hindi tama.
_______1. Ang pagpapaubaya ng sariling kapakanan para sa kapwa ay
gawaing kinalulugdan ng lahat.
_______2. Dapat unahin ang sariling kapakanan para umunlad.
_______3. Ang pagpapaubaya alang-alang sa kapwa ay nagdudulot ng
kasiyahan di-lamang sa iba kundi lalong lalo na sa sarili.
_______4. Tumulong sa mga taong nangangailangan na naghihintay ng kapalit.
_______5. Ugaliing maging mapagkumbaba lalong lalo na sa mga nakatatanda
at mga may kapansanan.

J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin at remediation


Long Bond Paper: Gumawa ng poster na nagpapakita ng pagpapaubaya ng
sariling kapakanan para sa kapwa

You might also like