You are on page 1of 2

CHARACTER EDUCATION V

I. Layunin
 Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipagkapwa tao at
pagganap ng mga inaasahang hakbang, pahayag at kilos para sa kapakanan ng
pamilya at kapwa.
 Naisasagawa ang inaasahang hakbang, kilos at pahayag na may paggalang at
pagmamalasakit para sa kapakanan ng pamilya at kapwa.
 Nakakapagpaubaya ng pansariling kapakanan para sa kabutihan ng kapwa.

II. Paksang Aralin


Pagpapaubaya ng Pansariling Kapakanan para sa Kabutihan ng Kapwa

B.P. Katotohanan
K.P. Kaalaman
E.L.C
Kagamitan: kwento (PowerPoint presentation) / larawan

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Paano ninyo maipapakita ang pagpapahalaga sa opinion ng iba?

2. Pagganyak
Minsan, dumarating sa ating buhay na kailangan nating unahin ang kapakanan
ng iba at isantabi ang pansarili nating kapakanan. Karamihan sa atin ay
nakaranas ng ganitong pangyayari at sa bandang huli, nararamdaman natin ang
kasiyahan sa ating sarili sa pagsasaalang-alang natin ng kapakanan ng iba.

B. Panlinang ng Gawain
1. Paglalahad
Magpapakita ng larawan ang guro na may kaugnayan sa kuwentong
ibabahagi (larawan ng magkakapatid na lalaki na pasan sa likod ang kapatid na may
kapansanan).
Magtatanong ang guro tungkol sa larawan.
Ilalahad ng guro ang isang maikling kwento na pinamagatang “Para sa
Kapakanan Mo, Handa Ako”ni Galileo L. Go.

2. Pagtatalakay
Paano ipinakita ni Leon ang pagmamahal sa kanyang kapatid?
Paano naapektuhan ng biglang pagkakasakit ng lolo ni Leon ang kanilang
camping?
Ano ang maaring mangyari kung itinuloy ni Leon ang pagsama sa camping?
Ano ang nagging bunga ng pagpaubaya ni Leon para sa kapakanan ng
kanyang pamilya?
Bilang mag-aaral tulad ni Leon, gagawin mo rin baa ng ginawa niya? Bakit?
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Ano ang maibubunga ng pagiging mapagpaubaya para sa kapakanan ng kapwa?
Dapat ba tayong magpaubaya para sa kapakanan ng kapwa?

IV. Pagtataya

Magbigay ng isang sitwasyon na ikaw ay kailangang magpaubaya para sa kapakanan ng


kapwa at ipaliwanag it.

V. Kasunduan

Magtanong sa mga nakakatanda sa mga nagawa nilang pagpapaubaya para sa


kapakanan ng kapwa na dapat nating tularan.

You might also like