You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao I

Ikalawang Markahan

Unang Linggo

(Ika-apat na Araw)

I.Layunin

 Nakapagpapakita ng paggalang sa pamilya at sa kapwa sa pamamagitan ng:


1. Pagmamano/paghalik sa nakakatanda,
2. Bilang pagbati,
3. Pakikinig habang may nagsasalita,
4. Pagsagot ng “po” at “opo”,
5. Pag gamit ng salitang “pakiusap” at “salamat.

II. Paksang Aralin: Pagmamahal sa Kapwa

Aralin 2: Pagkamagalang

Sanggunian: GMRC 1 (Patnubay ng Guro} pahina 74-83

Liwanag 1 (Patnubay ng Guro) pahina 100-110

Pilipino sa Ugali at Asal 1 (Patnubay ng Guro) pahina 81-95

Pilipino sa Ugali at Asal 1 (Batayang Aklat) pahina 105-111

Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon 1 (Batayang Aklat)


pahina 113-116

https://www.slideshare.net/SabrinaPar/mga-tula-at-awit

https://brainly.ph/question/1791798

Kagamitan: Powerpoint presentation, mga larawang nagpapakita ng

pagkamagalang sa pamilya at kapwa, malinis na papel, at lapis.

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Ano-ano ang mga paraan upang maipakita natin ang ating pagmamahal
sa ating pamilya at sa ating kapwa sa lahat ng pagkakataon lalo na sa oras
ng pangangailangan?

2. Pagganyak
Awit: Batang Munti

Kahit ako'y isang batang munti,


Pangarap ko'y sari-sari.
Paggalang at wastong gawi,
Ginagawa ko palagi.

Sarili ay paunlarin,
Maling kilos ay baguhin.
Pag-aaral ay pagbutihin,
Tiyak tagumpay ay kakamtin!

Mga tanong:
1. Saan tungkol ang awitin?
2. Ano ang gustong iparating ng awitin?
3. Ano-ano ang mga magagandang asal na nabanggit sa awitin?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Magpakita ng mga larawang may dayalogo na nagpapakita ng
pagkamagalang sa pamilya at sa kapwa.

2. Pagtatalakay
 Ano ang pinapakita sa mga larawan?
 Ano-ano ang mga salitang paggalang na ginamit ng mga tao sa larawan?
 Ang pagiging magalang ba ay mabuting gawain o mali? Bakit?
 Ano-ano ang mga gawain at mga salitang nagpapakita ng ating paggalang sa
ating pamilya at kapwa?
 Mahalaga ba ang pagiging magalang? Bakit?
 Bakit natin kailangang igalang ang ating pamilya at ang ating kapwa?
 Maliban sa mga nabanggit na mga gawain at mga salita na nagpapakita ng ating
pagkamagalng, sa papaanong paraan mo maipapakita ang iyong paggalang sa
iyong pamilya at kapwa.
 Sa iyong palagay, ano ang mabuting naidudulot ng pagiging magalang?
C. Panwakas na Gawain
1. Paglalahad
Bakit mahalaga ang paggalang sa kapwa at sa pamilya?
Tandaan:
Ang pagiging magalang ay mahalaga sapagkat nagpapakita ito ng ating
pagiging mabuting tao. Ang paggalang sa kapwa at sa ating pamilya ay
mahalaga sapagkat ito ay isang paraan ng pagbibigay natin ng respeto sa
kanila. Isa rin itong paraan ng pagpapakita ng ating pagmamahal at malasakit
sa ating pamilya at kapwa. Kaya dapat lamang na galangin natin ang ating
pamilya at ang ating kapwa.

2. Paglalapat
Magbanggit ng ilang pangyayari (situational events) na kung saan
mahahasa ang isipan ng mga mag-aaral sa pag-aanalisa kung ang mga
pangyayaring nabanggit ay nagpapakita ng pagkamagalang sa pamilya o
kapwa.

IV. Pagtataya

Panuto: Maglabas ng lapis at malinis na papel. Sumulat ng isang talata na


nagsasalaysay ng isang pangyayari sa iyong buhay na kakikitaan ng iyong
pagkamagalang sa iyong pamilya at sa iyong kapwa. Mayroon kayong dalawampong
minuto upang gawin ito.

V. Takdang-Aralin

Panuto: Magsaliksik sa internet o sa mga aklat ng mga tulang nagpapakita ng


paggalang sa pamilya at sa kapwa. Kumuha ng isang tula mula sa inyong nakalap at
isulat ito sa inyong kuwaderno kasama ang awtor(author) ng tulang inyong napili.

Inihanda ni: Kristene Kaye B. Panzuelo

BEED 2-2

You might also like