You are on page 1of 2

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pinagsanib na Aralin sa EsP at Musika


Ika-apat na Markahan
Unang Linggo
( Ika-apat na Araw)

I. Layunin:
- naipakikita ang kakayahang magpasalamat sa Panginoon

II. Paksang Aralin: Pananampalataya sa Panginoon


Aralin 4: Paniniwala sa Diyos
Tula: Salamat Po!
Sanggunian: Gabay sa Kurikulum ng K-12 pah. 16
Edukasyon sa Pagpapakatao
Teaching Guide 15-18
ESP- Pupils’ Activity Sheets pah. ____
Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon I pah. 64-69
Kagamitan: mga larawan ng mga bagay na nilikha ng Diyos , tsart ng tula

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Muling ipabigkas sa mga bata ang una , ikalawa, at ikatlong saknong ng tulang “Salamat Po!”
2. Pagganyak:
Awit: Paru-parong Bukid
Saan umaaligid ang mga paru-paro?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad:
Iparinig/Ipabasa ang pang-apat na saknong ng tula.
Salamat Po!
Sa mga bulaklak sa aking paligid
Pati sa paruparong dito’y umaaligid
Sa patak ng ulan sa mga halaman
Salamat po, Diyos, sa Inyong kabutihan.
2. Pagtalakay:
Anu-ano pang ibang nilikha ng Diyos ang nabanggit sa tula?
Paano nakatutulong ang mga bulaklak sa paligid?
Bakit mahalaga ang ulan?

A. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat:
Sino ang may likha ng lahat ng bagay tulad ng mga bulaklak, paruparo, ulan?

Tandaan:
Ang Diyos ang may likha ng lahat ng bagay
Kaya dapat lamang na Siya ay pasalamatan.
2. Paglalapat
Isa-isang tawagin ang mga bata para basahin
nang malakas ang ika-apat na saknong ng tula.

IV. Pagtataya:
Ipakita ang iyong pasasalamat sa Panginoon. Iguhit mo ang mga bagay na nilikha ng Diyos ayon sa tula.

V. Takdang-aralin
Isaulo ang ika-apat na saknong ng tula at humanda sa isahang pagbigkas bukas.

You might also like